~2~
Dumating si xiumin at Chen sa harap ng unit ni sehun kasama ang pinsan ni chen na si Yixing. Kaibigan din naman ito ni sehun kaya okay lang na sumama ito.
Bigla na lang kasing nag yaya si luhan na makipaghang out sa kanila at pinapunta sila. Minsan lang naman kaya pumayag ang dalawa.
Nang pinapasok sila ni luhan ay sakto naman ang pag labas ni sehun sa kwarto niya. Nagulat pa ito nang malaman na may bisita pala silang darating..
"Oh! Pinapunta kayo ni luhan dito?" tanong niya. Lumapit naman si yixing sa kanya para makipag-brofist.
"Wala man lang hi o kamusta?" natatawang tanong nito sa kanya.
"bakit pa kita kakamustahin eh nagkikita naman tayo sa trabaho?" natawa lang sila at bumaling sa tatlong nasa harapan na ng tv at naglalaro ng video games.
Di man lang nagpaalam sa kanya na gagamitin ang console niya.. Napabuntong hininga siya...
Yayayain na sana niya si Lay na uminom nang biglang bumukas ang pinto ng unit at lumabas ang isang makulit na nilalang...
"GOOD MORNING!! BALITA KO NANDITO SI LULU!" Sehun sighed, nahihiya siya sa ginagawa ng pinsan nila ni chanyeol na si Kim Junmyeon.
Kailan lang kasi nang umuwi ito sa bansa at ngayon ay binubulabog sila nito sa mga bahay nila. Lumingon si sehun kay yixing na bigla na lang natulala.
"LULU! NANDITO NA SI HYUNG!" sigaw nito at niyakap ng mahigpit kay luhan, mangiyak ngiyak naman ang binata dahil halos hindi na siya makahinga sa pagkakayakap nito.
"Yah! Jun, Come here.." sabi ni sehun at naghand gesture na lumapit ang lalaki sa kanila. Sumunod naman ito at malaki ang ngiting nakatingin sa kanila.
"Yes?"
"Say, Meet Zhang Yixing my friend, pero pwedeng Lay na lang itawag mo sa kanya.. Yixing, Si Kim Junmyeon, you can call him Jun or suho, ang pangit kong pinsan.." Pagpapakilala niya sa dalawa, hindi pa rin kumikibo si yixing parang nabato sa kinatatayuan niya samantalang nagpout si Junmyeon.
"Yah! You're so mean! Isusumbong nga kita kay Irene!" Sabi nito then he glared at him. Napakamot lang sa leeg si sehun.
"Si Yixing mahilig sa sheep, hindi ba mahilig ka din doon?" sabi ni sehun, nagningning naman ang mga mata ng binata sa narinig at agad na hinawakan ang dalawang kamay ni yixing, nakita pa ni sehun na napatalon ito sa gulat..
"talaga?!" tanong niya, dahan dahang tumango si lay at hinila na ito palayo ni junmyeon. Mas okay na daw iyon dahil walang mangungulit sa kanya, buti na lang at nandoon si yixing para ientertain ang pinsan niya.
---
"Bye!! salamat sa oras lay! yung sheep plushie ko ah!" Sigaw ni junmyeon at umuwi na. Nagtataka naman si sehun dahil hindi pa rin matigil si lay kakakaway.
"Wala na siya, bakit kumakaway ka pa rin?" Lay just sighed dreamily at humarap sa kaibigan.
"Bakit ganoon? kakaiba naramdaman ko nang makita ko siya?" Kumunot ang noo ni sehun sa narinig, Bakit? ano bang naramdaman nito? kabag?
"Bakit ano bang naramdaman mo?" tanong niya dito. Hinaplos haplos nito ang tyan nito at bumuntong hininga ulit. Promise, naweweirduhan na talaga siya.
"Parang may butterflies sa loob ng tyan ko.. Di naman ako kumain ng butterflies... Nag-iinit pisngi ko , hindi naman mainit"sabi nito at bumuntong hininga ulit. Isa pang buntong hininga niya babatukan na niya ito.
"May crush ka na yata sa pinsan ko.." natatawa niyang sabi. tinitigan lang siya ni lay.. napakunot ang noo niya.
"Crush? ganoon ba may crush?"
"Wag mong sabihin na hindi ka pa nagkakacrush" Umiling ito na ikinataas ng kilay niya. Nagbibibiro siya hindi ba?
"Seryoso ka ba?!" tapos tumango nanaman ito. Napa face palm si sehun at mahinang tinapik ang mukha ni lay. Hindi siya makapaniwala , napaka-imposible naman daw kasi 'non.
"Ang tanda tanda mo na, ngayon ko lang nagkagusto.. Bagay kayo ng pinsan ko, parehas kayong weird." sabi niya at pumasok na sa loob ng unit.. Bumuntong hininga nanaman si lay bago pumasok sa loob ng unit.
---
"Bakit ba pinapunta mo kami dito?"tanong ni xiumin kay luhan. Biglaan naman talaga kasi ang pag-imbita nito sa kanila na ipinagtaka nila. Kumuha sa chips si luhan at kumain habang naglalaro sila ni jongdae ng video games.
"Tuloy na ang plano ko..."
"Anong plano?" tanong ni chen nang hindi tumitingin sa kanila.. Medyo napasandal si Xiumin sa inuupuan niya.. mukhang alam na niya kung saan mapupunta ang usapan na 'yon.
"I'm going to confess my feelings for sehun.."
'Sinasabi ko na nga ba'
Natigilan sa pag lalaro si jongdae at tumingin sa kaibigan.
"Seryoso ka?" tanong nito sa kanya.. Ibinaba din niya ang controller niya at humarap sa mga ito.
"I'm serious.. ipinangako ko sa sarili ko na kapag nasa tamang idad na ako, sasabihin ko na sa kanya.."
"At sa tingin mo ito na yung tamang oras? Are you insane or what?! tapos kapag nareject ka iiyak ka ang mangungulit? " naiinis na sabi ni xiumin, ayaw na niyang pag-usapan ito. Lagi na lang kasi yan ang topic at nagsasawa na siya.
"Hindi mo ako mapipigilan xiumin, buo na ang desisyon ko.." malakas na loob na sabi niya.. xiumin's fist curled into balls sa sobrang galit.
"Why don't you just give up?! May girlfriend na siya, ikakasal na sila! Bakit mo pa sila guguluhin?!"
"Hindi ako nanggugulo, Kinukuha ko lang kung ano ang akin, minnie.. " hindi siya susuko, kahit pa anong pigil sa kanya ng sino man, hindi siya matitinag. Matagal niyang hinintay 'to.. hindi siya pwedeng tumigil na lang.
"fck! i'm tired of this sht! tara na jongdae.." Tuluyang napatayo si xiumin sa inis at naglakad na papaalis.
"bakit ba galit na galit ka?! bakit ba sa tuwing kinukwento ko lagi ang tungkol sa amin nag iiba ang mood mo? bakit--"
"Cause i like you, dmnit!" natahimik silang tatlo, buti na lang daw ay wala pa si sehun at yixing. Wala nang isa sa kanila ang nagsalita kaya umalis na si xiumin, sumunod naman si chen at nagsorry kay luhan sa inasal ni xiumin.
Sakto naman ang pagdating ni sehun at yixing, nagtataka sila nang makitang umalis si xiumin at chen. Nagpaalam na si yixing kay sehun dahil hindi daw nito pwedeng pabayaang umalis nang sila lang yung dalawa.
"Anong nangyari? nag-away ba kayo?" tanong ni sehun kay luhan na hindi pa rin makapaniwala sa sinabi ng kababata. Umiling na lang siya at tumayo..
"Hindi.. Hindi kami nag-away.."
"Okay, sabi mo eh.. Tara mag luto tayo ng fries! gusto mo bang manood ng movies?" yaya nito. Ngumiti siya dito at sabay silang pumunta sa kusina.
Bukas... Bukas sasabihin niya kay sehun... at bukas na lang din niya kakausapin si xiumin.
---
(May natuwa! hahahaha! para sa iyo alam kong hindi ka na makapaghintay XD)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro