~1~
"You guys, should live together" suggest ni taeyeon kay baekhyun at chanyeol na buhat buhat ang bunso nila na si phixo. Lumingon ang dalawa sa sinabi nito.
"Magkasama naman kami ah?" sabi ni chanyeol, napa-face palm si taeyeon at ibinaba ang magazine na binabasa niya kanina. Lumapit ang 5 years old na si aeri kay taeyeon at nagpabuhat.
"No, i mean.. Kayong pamilya lang.. Hindi naman sa pinapaalis ko si luhan pero kailangan din niyang maseperate sa inyo. Tutal college na siya kaya na niyang ihandle ang sarili niya." sabi nito at nilaro si aeri.
"taeyeon, kapatid ko si luhan at pamilya namin siya. Hindi namin siya pwedeng, iwan.. hindi niya pa kaya na siya lang mag-isa, wala---"
"Kung gusto niyo sa akin na lang siya magstay?" pagpuputol kay baekhyun sa kararating lang na si sehun. May dala pa itong pasalubong para sa mga bata.. Nag-aalala pa rin si baekhyun sa paghihiwalay niya kay luhan.
"don't worry hyung. Para namang wala kang tiwala sa akin. Mas okay na 'yon dahil mas malapit ang unit ko sa school ni luhan. Ako na ang bahala sa kanya.." ngumiti si sehun sa kanya ng may assurance, Tutal naman daw ay si sehun ang isa sa mga nag alaga kay luhan noon ay papayag siya. Mas okay na nga iyon para hindi na gagastos si luhan sa pagcommute.
"Are you sure? hindi ba mabobother si irene?" tanong naman ni chanyeol sa kapatid. Umiling si sehun.
"bakit naman siya mabobother? okay lang sa kanya iyon, sigurado ako.."
"Salamat sehun... salamat sa tulong" napangiti si baekhyun at hinawakan siya ni chanyeol sa kamay.
"Wala yun hyung.. Basta para sa inyo"
---
"Anong ginagawa mo dito Sehunnie?" Gulat na tanong ni luhan kay sehun na nasa harap ng school gate nila.
"Hi, lu.. Hi din xiumin, chen.." bati naman ni sehun sa dalawang kaibigan ni luhan. Minseok rolled his eyes habang ngiting ngiti lang si chen sa kay sehun..
"I just came to pick you up at saka may sasabihin ako sa iyo.." sabi nito. Biglang nagning ning ang mga mata ni luhan sa sinabi ng nakatatanda pagkatapos ay lumingon sa dalawang kaibigan.
Iritado lang si xiumin at si chen naman nagtwo thumbs up na parang sinasabing goodluck. Nagpaalam na din siya sa dalawa bago sila maglakad pauwi.
"Ano bang sasabihin mo hunnie?" nakangiti niyang tanong, iniisip niya na nainlove na sa kanya ang nakatatanda at handa nang umamin sa kanya. Assuming mang isipin pero iyon talaga ang naisip niya.
"From now on, you're living with me, nasa unit ko na lahat ng gamit mo" Mas lumaki ang ngiti ni luhan at kumapit sa braso ni sehun. Naeexcite na siya, mag-live in na ba sila? sila na ba? nakipagbreak na ba si irene sa kanya?
"Bakit?"
"Napagdesisyunan namin ng baek hyung mo na mas mabuti kung sa akin na titira dahil mas malapit ang tinitirahan ko sa school mo, hindi ka na mahihirapan sa pagcommute dahil walking distance lang naman" Biglang nawala ang ngiti sa mukha ni luhan, hindi iyon ang ineexpect na sasabihin ni sehun sa kanya.
"Iyon lang? iyon lang ang sasabihin mo?" Sehun stopped his tracks then raised his eyebrows. Nagtataka siya, bakit? ano pa ba ang sasabihin niya bukod doon?
"Iyon lang, bakit?" Bumitaw sa pagkakakapit si luhan at nagsimulang maglakad palayo. Napakamot sa ulo si sehun dahil bigla na lang sinumpong si luhan.
"uy, bakit nga? bigla bigla ka na lang nagtampo?" Hinabol ni sehun si luhan pero hindi pa rin ito sumagot, nakapout lang ito. Natawa na lang si sehun at inakbayan ang nakababata, hindi rin nagtagal ay napangiti siya, feeling niya magboyfriend sila dahil inaakbayan siya ni sehun.
18 na siya, at excited na siya para sabihin kay sehun ang nararamdaman niya, baka sakali Maghiwalay sila ni irene kapag umamin siya, pero kung hindi naman ay gagawin niya ang lahat mabawi lang niya si sehun.
---
"Lulu!!!' sigaw ni irene at dali daling niyakap si luhan. Napasimangot siya dahil laging ganito si irene sa tuwing nagkikita sila. Gigil na gigil ito sa kanya.
"Easy jagi, hindi na makahinga si luhan sa pagkakayakap mo.." lumaki ang ngiti ni irene at bumitaw kay luhan pagkatapos ay yumakap at humalik kay sehun. Ang sakit lang daw sa mata 'non.
"Eto naman, kung gusto mo din ng yakap sabihin mo lang" Then she giggled. Natawa din si sehun niyakap pabalik ang girlfriend. Napasimangot lalo si luhan at pumunta na sa bagong kwarto niya para magbihis.
Nang matapos siyang magbihis ay sinimulan na niyang itabi lahat ng gamit niya na nasa box. Nakuha ng atensyon niya ang isang picture frame.. Iyon ang picture nila ng hyung niya at ni sehun, ten years ago..
Iyon yung panahon na nagsimula ang feelings ni luhan kay sehun at iyon din yung panahon kung saan naging mag-boyfriend ang dalawa.
Kinuha niya ang phone niya at idinial ang number ni baekhyun. Ilang rings pa lamang nang sumagot ito.
[Hello? luhan?] sabi nito sa kabilang linya, sumagot naman agad siya.
"Hyung .... Naka-uwi na ako.."
[magiging okay ka ba diyan? sabihin mo lang sa akin kung gusto mong bumalik dito] alam niyang nag-aalala ito dahil magkahiwalay na sila, hindi kasi sanay si baekhyun nang hindi inaasikaso si luhan.
"magiging okay ako hyung.. Wag kang mag-alala, i'm not a kid anymore, mas kailangan ka ni aeri at phixo" Sabi niya at narinig pa niya ang pagbuntong hininga ng hyung niya. Hindi naman siya tumututol sa paglipat niya, mas gusto nga niya iyon dahil ayaw na niyang umasa kay baekhyun, masyado na siyang matanda para alagaan siya nito.
[okay, mag iingat ka diyan. And by the way bumisita ka naman paminsan minsan, Alam mo naman na hahanap hanapin ka ng dalawang bata.] napangiti siya, nag usap pa sila ni baek tungkol sa school at sa iba pa pagkatapos ay nagpaalam na sila sa isa't isa.
"You really love your brother..." Nabigla na lang siya nang pumasok si sehun sa kwarto niya. Ibinulsa niya ang phone niya at humarap dito.
"of course, kapatid ko siya. Ikaw ba? mahal mo ba ako?" ngumiti si sehun at lumapit sa kanya, bumilis naman ang pagtibok ng puso niya. Alam niyang hindi lang basta puppy love or infatuation ito. Love, ito ang totoo.
"Oo, kasi ikaw ang baby luhan namin ni baek. Kahit na 18 ka na, ikaw pa rin ang baby namin at walang magbabago doon." Nalungkot siya sa narinig, ano ba daw ang ineexpect niya? alam naman niyang iyon lang ang tingin ni sehun sa kanya, isang bata.
"Umuwi na ba si noona?" tanong niya, umiling si sehun at tinapik ang ulo niya.
"nope, Kakain na tayo, nandoon siya sa kusina. Hinihintay niya tayo kaya tara na.." hinawakan siya nito sa kamay at hinila na palabas.
'Balang araw sasabihin mo din na mahal mo ako, pangako 'yan sehun'
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro