Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 9: Real Date

Hi! This story is about three chapters ahead in Patreon/Facebook VIP Group. I update there daily at 8:00 PM, except Sunday my rest day. You can pledge $3 on Patreon and ₱150 in VIP Group. To join kindly message me. Thank you!

Chapter 9: Real Date

I feel like I've never been this happy before. I just feel genuinely happy with Noah everytime we're together. Na minsan pa nga ngayon ay parang kinakabahan pa ako na baka may hindi magandang mangyari sa relasyon namin. I'm feeling happy and at the same time scared of the uncertainties in our relationship now.

Ganoon naman, 'di ba? Kapag masaya ka talaga pakiramdam mo ay may hindi naman magandang mangyayari sa susunod kaya naman natatakot ka.

Sa sobrang gusto ko sa mga nangyayari sa amin ngayon ni Noah ay hindi ko rin mapigilan ang takot at pangamba na namuo na sa puso ko.

Pero ayaw ko rin patalo sa anxiety ko. I wouldn't be able to fully enjoy what I have now if I just continue to worry for things that aren't here yet. So I will just live in the moment for now.

And I think Noah and I, we've been doing the things that I like on our dates. Yes, we're having a real date this time.

That's why it just makes me more happy.

We always have coffee dates every after my classes at the University. We would meet for meryenda dahil sinusundo pa rin ako ni Noah sa eskwelahan ko gaya lang din ng dati at mukhang nakakasanayan na rin niya. And before I would go naman sa part-time job ko na hinihintay din ako ni Noah at sabay na kaming uuwi.

He knew that I liked coffee and cream bread kaya iyon ang madalas namin na order sa mga cafe na pinupuntahan namin para sa aming snack dates madalas.

"How about you, Noah?" I asked him.

"Hmm? What?"

"What do you like? I've never seen you yet order what you really like. Parang kung ano lang iyong inoorder ko madalas ay 'yon na lang din ang pati sa'yo." I said when I noticed.

Just like now. I ordered my favorite milky buns and coffee 'tapos iyon na rin ang in-order ni Noah para sa kaniya.

"Hmm. To be honest, I didn't really like bread that much before. When I go to coffee shops I just ordered coffee. But since I met you I think I just started to like these creamy breads, too." And then he looked at me and smiled.

Napangiti na rin ako sa kaniya. Pagkatapos ay tumango ako. "Oo nga, 'no? Ang sarap kasi." sabi ko.

"Yes." and he agreed.

Lalo pa akong napangiti.

"But is this fine with you?" I still asked him again.

"What?"

"Our dates... Ayos lang ba sa'yo 'to?" tukoy ko sa mga coffee dates namin ngayon.

"Yes. It's fine. I just worry that I don't really know how to date you..." pag-amin din niya.

I looked at him. "Really? Why? Haven't you gone to dates before?" I asked him.

While he looked hesitant to answer my question. Na umiling na lang siya bahagya.

"Are you sure? So where do you bring your girls before?" I smirked at him.

Mukha pa siyang hesitant pa rin na sumagot sa akin.

"Because I wouldn't believe you if you tell me that you hadn't had any girl in your life before?" Umiling ako.

Umiling din sa akin si Noah. "I mean, I haven't gone to a proper date before like a real one like this..." He said.

Ngumisi na lang muli ako sa kaniya pagkatapos ng sinabi niya. And I just can't help it but to ask him. "Tell me, are you a playboy?"

And his eyes widened a fraction. He looked taken aback by my question. I just smiled at him.

Sumagot din naman siya nang makabawi. "I wasn't. I didn't play with anyone's feelings..." He said.

Tumango na lang naman ako sa kaniya. Sure. So he didn't have a girlfriend na girlfriend talaga before? But he just went out with girls to, you know...

Ngumiti na lang ako kay Noah pagkatapos. Anyway, it's all in the past now. I just hope he's really changed...

And on a weekend ay nag-museum date naman kami ni Noah. We went to National Museum Dumaguete. I think I've been here before. Noong bago pa lang ako rito sa Dumaguete. But it's still different now to come here with Noah and on a date with him.

"Thanks for bringing me here! I love museum aesthetics. Ikaw ba?" I then turned to my boyfriend who was just beside me and also holding my hand. Napatingin pa ako sa mga kamay namin na magkahawak. Napangiti ako.

"No prob. I think I like your aesthetics, too." He said with a smile.

At ngumiti pa ako lalo sa kaniya sa tabi ko. And I hugged his arm that I was holding with both my hands.

Noah also took pictures of me. Kinuhanan ko rin siya ng mga pictures. And of course we also did selfies together. At ang ganda ng mga kuha namin sa isa't isa. I didn't know that Noah could be a good photographer, too. And when I asked him about it he told me that it's because of his sister na mahilig din daw magpa-picture kahit sa kaniya noon. Ang cute. I smiled.

"So you have a sister?" I asked him.

And Noah nodded. "Yeah."

Ngumiti lang ako.

"What are your likes, anyway? I wanna know. Like your favorite food?" I might as well cook it for him. Although I'm not sure yet kung may talent din ba ako sa pagluluto. Maybe I could ask ate Michaela? Since siya pa lang naman ang talagang nakaka-close ko rito sa Dumaguete. Maybe she could teach me cooking as well.

Naisipan ko lang din tanungin nito si Noah dahil kumakain kami ngayon sa labas. Para next time ay kahit sa bahay na lang din kami kumain. At para maipagluto ko rin siya. It makes me excited just by thinking about the things I would do for Noah and we could do together.

I never knew that a relationship could be this exciting until it's him.

"I don't think I have a specific favorite food, hmm... But I guess I like soup? I mean, just anything siguro na may sabaw. Sinigang? Tinola?" He shrugged his shoulders.

I nodded and I take note of it. "All right!" I smiled to him.

Madalas na nga akong ngumiti ngayon. At parang nakalimutan ko na rin ang mga problema ko... Dahil kay Noah. I smiled to him more.

And then niyaya rin ako ni Noah na mag-out of town trip kami ulit. But this time ay hindi na namin kasama sina Ate Michaela at Kuya Sith. Kaming dalawa lang ni Noah ngayon.

He planned this trip kasi holiday at wala rin naman ako pasok sa university. Isa pa ay halos nalibot na rin namin ang buong Dumaguete city. Kaya naman ngayon we're off to Negros Occidental. And specifically Bacolod City. Malayo rin at ilang oras na biyahe. But I would also like to go on a long drive road trip with Noah. Bumili pa nga siya ng bagong sasakyan at malaki para sa trip namin na 'to. Sabi niya ay hindi pa raw niya alam kung paano ako ididate pero ayan na nga at nakabili pa ng ilang milyong halaga na sasakyan para lang mai-date ako. Napangiti na lang ako.

"Are you sure okay lang sa'yo ang mahabang biyahe?" And he would also always ask me.

Ngumiti lang naman ako sa kaniya at tumango.

Anywhere with you is fine with me, Noah...

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro