Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 9 -# Library

Kinabukasan nasa school kami like typical student pumunta kami sa library para magreview. Nakita ko si Reisden na may katabing girl sa library at dalawa lang talaga sila .

Parang nagzoom in bigla ang mga mata ko nang makita ko 'yon.

"Wow two timer," mahinang sabi ko.

Wow ang sweet pa nila sa isa't-sa ha. Iisa lang talaga ng book na
binabasa ano 'to?
Wait, bakit parang nagseselos ako? Bakit concern ako? Nanliligaw palang naman siya?
Hindi ko pa naman jowa?

Kahit na! Dapat kapag manligaw iisang babae lang, hindi dalawa, o tatlo! Ano kami option!!

"Bes si Reisden oh?"

"Oo, nakikita ko tara puntahan natin," aniko

Pangmodel pa ang aurahan namin habang naglalakad habang
ginagalaw ko ang mahaba kong buhok
Pumunta nga kami sa table nina Reisden.

Nakatayo kami ni Ericka. Syempre hindi ko naman pinahalata na
naiinis ako.

"Uy, Hayde dito ka pala" agad na napalayo si Reisden sa girl. Huli ka na uy! Pinagmasdan ko ang babae from head to toe.

Takti! Bakit ang ganda naman nito. Lalo akong naiinggit. Malakoreana leading lady pa ang mukha.

Nagulat ako nang bumulong ito kay Reisden.

  Aba close na close?

"Siya ba 'yung tinutukoy mo Res," wika ng babae kay Reisden. Res? Close na close nga

"Ay Hayde si Camille friend at classmate ko"

"Hello." I smiled fakely

"Oh, Cams, musta ka na girl?" tanong ni Ericka nang umupo kami.

Wow! Nashock ako, so magkakakilala na pala sila ni Ericka. Ako lang pala dito ang virgin este inosente.

"Magkakilala na kayo?" bobang tanong ko kahit alam ko na rin.

"Oo friend, matagal na actually last year pa diba!" nag-aperan pa silang dalawa

"Galing," bulong ko sabay ngumiwi.

"May sinasabi ka Hayd?" si Ericka

"Wala, tara study na tayo" aniko at nagbuklat na ako ng aklat.

Habang nagbabasa silang dalawa ako naman ay titig na titig kay Reisden.

"Friend, ano saan nga 'yung chapter na may quiz tayo ngayon." -Ericka

 Napatingin bigla sa akin si Reisden kaya agad kong linipat ang tingin kay Ericka.

"Page 62 bes," sabi ko.

 Nang hindi na tumingin si Reisden. Palihim ko na naman silang tinitingnan.

Wew! nainitan ako bigla. Hindi ko maiwasan mapatitig sa kanilang dalawa.

Abalang- abala sila sa pagsusulat at pagbabasa nang nahulog ni girl ang ballpen nito.

Nakita ito ni Reisden. Parang kumunot ang noo ko nang sabay nilang pinulot ang ballpen, dahilan upang magkauntugan ang ulo nila.

"Sorry," sabi ni Residen na hinawakan pa ang ulo ng babae.

"Ako nga dapat magpasorry," mahinang tugon nito.

They both smiled and stared at each other.

Dahil doon parang may bulkan sa ulo ko na sasabog na maya't maya.

Hindi ko na mapigilan ang nararamdan kaya napalo ko ng malakas ang lamesa dahil doon nagkaroon ng ingay. 

P*ta! Wth!

"Please silent you are in the library miss!" sabi ng librarian na bansot.

"Sorry po." Napayuko ako agad kasi napatingin lahat ng tao sa library sa akin.

"Bakit Hayde na paano ka?" sabi ni Reisden

BAkit Hayde na paano ka? Manhid ka bang animal ka!!

"Wala. May dalawang langaw kasi dumapo sa libro ko gusto ko sanang patayin kaso ako lang nasaktan."

"Huh langaw?" balik na tanong ni Reisden.

Napatinigin ako sa babae ng nagsalita ito.

"I'm sorry to bother your conversation, Res, Quarter to two na. We have to go," ani ng babae.

"OO nga pala may class pa pala tayo. Sige Hayde, Ericka see you later" sabi ni Reisden na lumakad upang umalis. Sinundan ko sila ng tingin.

Friend lang ba talaga sila? Bilang babae amoy ko na may gusto 'yong
tisay sa kanya. Hmmp. Bakit parang nagseselos ako?

Umalis na kami ni Ericka sa library at naglakad na kami sa hallway.

"Bes, may nagtext sa akin na guy oh. Kilala mo ba ito?" Tanong ni Ericka habang dinududot ang cellphone.

"Bakit ano sabi niya?"

Pinakita niya ang text sa akin

(Unknown number:0939*******
Babe saan ka ngayon? Hehe Utang mo ha? Kita tayo)

Utang? Ah oo nga pala. Nagtext na yung guy kay Ericka.


Napalakpak pa ako ng isang beses ng maalala ko na.

"Si kuyang payat yan, 'yung kagabi."



'Ha? What akala ko number mo ang hinihingi niya bakit mo naman binigay number ko dito bes!
You know naman badtrip ako rito! You know she's insulting us remember!" maktol ni Ericka
.
.
"Hayaaan mo na 'yan. Nagpasorry naman 'yong tao. Oh ito bayad ko." Inabot ko sa kanya ang 50 pesos.

"50? Diba 100 iyon?" sabi ni Ericka.

"Diba hati tayo do'n." Nakita kong umismid ang mukha niya. at kinuha ang 50 pesos.

Narinig ko ang bulong nito na nagrereklamo hindi ko na lang siya pinansin at nagpatuloy ako sa paglalakad. 

Nakasulubong ko si Cloe at tatlong barkada nito sa hallway. 


Nagkakatitigan kaming dalawa at umirap lang sa isa't isa.

Si Cloe ang mortal na enemy ko hindi sa school Kundi sa audition sa pagiging artista. Hindi kami nagpapansinan nito. Ewan close naman kami dati noong
first year high school kami. Pero nang parehas kaming nag-audition sa Pinoy Big Brother teen naging bitter na ito sa akin.

Flashback
"Hayde Talun-an Lopez please step forward and Cloe Gamboa Rio"

"Magkapatid ba kayo? Bakit parehas kayo ng damit."

"Friend po kami!" sabay na sabi namin

"Napansin namin kayo agad. Lalo ka na Hayde anak ka pala ni Ivy, fan niya ako"

"Talaga po." My eyes was shining

"Ano bang talent niyo?"

"I can sing and I can dance" sambit ni Cloe"

"IKaw Hayde"

"Wala po eh" I scratched my head

" Pero marunong po ako mag-acting" I said

"Wow sige kunwari kayong dalawa ay magkapatid tapos si Cloe ay inagaw ang boyfriend mo," sabi ng
director

"Testing natin go," aniya

"Bakit mo naman inagaw ang boyfriend ko Cloe ano bang kasalanan ko," malungkot na saad ko pero
wala namang luhang tumutulo.

"Mahal ko siya nagmamahalan kami!" galit na wika ni CLoe

Infairness galing ni Cloe pwede ng pangkontrabida.

"Okay sampalin mo siya Hayde at sabihin mo how dare you"

Sinunod ko naman iyon.

"How dare you!" napalakas ata ang sampal ko syempre acting nga eh.

Nabigla ako nang pagsampal ko
tumalsik ang puting bagay sa bibig ni Cloe. OMG! What is that? Nakita kong hinawakan ni Cloe ang bibig niya.
at pinulot ang bagay na 'yun. Hala! pustiso pala 'yun!

Nagtawanan ang mga tao sa amin as in umalingawngaw sa stage ang tawanan ng mga tao. Kaya center of attraction kami.

"I'm sorry Cloe" sabi ko na nagpeace sign pa ako.

Tumitig ito sa akin ng masama. Napansin kong namumula ito sa galit. Maya't maya ay sinampal niya ako at, agad na sinabunutan.

----

Pak! ayon na nga. Kaya galit na galit ang lola mo. Malay ko ba na naposteso pala ang nasa harapan ng
ngipin niya. Diba! Hindi niya ako nainform!
.
.
.
.
Pagkatapos ng klase namin sa last subject . As usual wala akong natutunan joke meron naman mga slight lang.

Nagpaalam sa akin si Ericka na mauuna na sa akin umalis dahil makikipagkita daw siya kay kuyang payat para bayaran ang utang namin.

Kaya ang ending mag-isa lang ako na naglakad palabas ng gate.

Paglabas ko nang gate nagulat ako sa nakita ng beautiful eyes ko.

"Wow naman ganda ng view!" Natanaw ko si Reisden at 'yung babaeng tisay na natakayo habang
masayang nagkukwentuhan sa isang tindahan.

"Ano kayang pinagkukuwentuhan nilang dalawa nakakacurious ha mapuntahan nga? Hmmp!"
naghalukipkip pa ako ng kamay.

Nang wala ng dumadaan na sasakyan agad akong tumawid nang kalsada.

Nakatalikod silang pareho kaya hindi nila ako napansin. Tumago ako sa likod ng isang box ng refrigerator sa tabi ng tindahan kung saan sila.

Narinig ko ang pag-uusap nila

"Res, I thought I will not pass the exam. Thanks I have a lucky charm." ngumiti ito.

"Magaling ka naman talaga kahit na hindi ka nakapagreview"

"Ano ba yan wala ba silang ikukuwento maliban sa exam na yan! Kahit ba naman sa labas ng school topic pa rin nila yan," bulong ko sa hangin.

Napahinto ako nang marinig ko ang pangalan ko. 

OMG!

"So what's your status now with Hayde?" seryosong wika ng babae
Diniin ko pa ang tenga ko sa box. Para lang marinig ang sasabihin ni Unggoy. Ewan parang kinakabahan
ako.

"Ah," maikling sambit ni Reisden

Jusko anong ah bilisan mo magsalita ka na!

Nagulat ako nang gumalaw ang refrigerator.
"Excuse me miss," ani ng dalawang lalaki na kinuha ang refrigireator na box at ipinasok sa loob ng tindahan.

Hala! 

Kaya mabilis akong tumalikod upang umalis, ngunit sa malas ko nabangga ko ang isang lalaki na may dala-dalang tray ng itlog.

"I'm sorry po," pagpapaumanhin ko sa lalaki dahil nabasag ko ang dala niyang tray ng itlog.

Napataas bahagya ang balikat ko nang marinig ko ang boses ni Reisden sa beautiful back ko..

"Hayde?"

Kaya para akong naging matigas na semento sa hiya. Jusmiyo marimar! Pwede matunaw ako ngayon na! Now na! Ayan chismis pa more! Bakit kasi ginawa ko pa ito! Arrrg! >_<

A/N Hi nasipagan si author mag-update lol.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro