Chapter 8 - # Kwek-kwek
Hayde's POV
Ito na nga naglalakad kami ni Ericka palabas ng Quezon Circle. Si Ericka kanina pa hinahalikan ang bote.
Nakokonsyensiya naman ako bigla.
Kaya kinuha ko ang totoong bote para ibigay sa kanya'
"Bes, tama na yan impostor na bote yan, ito ang tunay." pilit kong binibigay ang totoong bote ng mineral water.
"Huh, ano pinagsasabi mo?" napatigil ito sa pagkiss sa bote.
"Kasi pi-"
Hindi ko natuloy ang sasabihin ng biglang umulan. Kaya napasilong kami sa isang kubo doon pa rin sa circle. Napaupo kami sa upuan na may mesa.
Dahil nilapag niya ang bote sa lamesa ginawa ko na ang
tama.
Ayan! I'm not a bad person naman.
Nakakakonsyensiya naman kasi baka magka Amebiasis pa siya, kasalanan ko pa.
"Bes kilala mo ba 'yun?" Turo ko ng nguso sa kaliwa.
"Saan?" tanong ni Ericka sabay lingon. Kaya madali kong napalitan ang bote. Ang bilis ko promise parang magic.
"Wala umalis na," aniko na parang walang nangyari.
"Gano'n? Wait paano tayo uuwi friend. Wala tayong pera!" maktol ni Ericka.
"Tsk. Paano nga ba?"
Bumalik na naman ang problema ko na wala na pala kaming dalang pera.
Nang tumigil ang ulan naglakad na kami ni Ericka sa may kalayaan Avenue.
Naabutan na kami ng dilim sa paglalakad sa mahabang street kung saan may mga bar at club.
Tiningnan ko ang wristwatch ko at mag-aalasyete na pala!
Natanaw ko ang mga babaeng nakatayo sa mga gilid. Ang kakapal naman ng mga make-up nila, para tuloy silang mga espasol sa puti ng mukha, tapos ang itim ng katawan.
"Friend, gutom na ako!" maktol ni Ericka nang makita namin sa gilid ang matandang babae na nag-iihaw ng barbecue. Humangin ng malakas at napunta ang usok sa amin, kaya naamoy ko ang barbecue dahil doon nakaramdam din ako ng gutom.
"Ikaw lang ba! Ang layo kaya ng linakad natin malamang magugutom talaga tayo!"
Lowbat na rin cellphone ko. Etetext ko na lang sana si papa na sunduin kami. Kaso nganga!
Tinapik ko si Ericka na kanina pa seryosong inaamoy ang iniihaw na barbecue.
"May load ka ba bes?" mahinang sabi ko
"Wala eh," sabi niya habang seryosong inaamoy ang barbecue. Parang adik naman siya tingnan sa pagsinghot niya habang nakapikit. Ginagalaw niya pa ang kamay para pumunta ang usok sa kanya.
Anak ng tupa! Naku Paano ba ito! Wala na ngang pera, wala pang load! Napakamot na ako sa ulo. Iba ka bes kasama!
Hinila ko na siya para magsimula na kaming maglakad. kumakalam na rin ang sikmura ko. Tahimik lang kami pero ang tiyan naming dalawa ang iingay.
May nakita kaming vendor na pumunta sa amin. Medyo kaedad lang namin ang lalaki, nakatshirt ito ng white at black na short. May itsura ito, pero payat. May tinda siyang ibat-ibang street foods.
"Mga beautiful gusto niyo mani?" ani ng binata
"Bakit libre ba 'yan?" sabi ni Ericka na tinuro ang mani.
"Oo, basta may kiss sa check sa friend mo!" ngumise pa ito
Kaya naman kumunot ang noo ko nang marinig ko ang suggestion niya.
"Wow, kuya bakit hindi na lang libre talagang may kapalit!" inis na sabi ko
"Wala nang libre ngayon miss," sagot niya na nagpakita pa ng dimples
"Bes sa cheeks lang dali gutom na ako," bulong ni Ericka
"Wow ha? Ano ako sira? Diba ikaw nakaisip edi gawin mo!"
Biglang tumunog ang tiyan naming dalawa.
"Miss, baka gusto niyo din ng kwek-kwek, fishball, hatdog ko," wika ni kuya na payat
"EW!" sabi ko na inirapan si kuya
"Bes, isa lang bes isa lang!" sabi ni Ericka na nakikiusap.
Nabadtrip na ako sa pagdedemonyo ni Ericka.
Kanina pa ako inuutusan. Patay gutom lang?
"Bes, wala pa akong almusal bes, tanghalian bes!" malungkot na sabi niya na yinuyogyog ako.
"Ayaw ko nga sabi! Kulit mo!" inis na sagot ko at inirapan siya
"Mas gugustuhin ko pang mamatay na lang ako sa gutom!" pantataray ko na sabi ko sa lalaki. Itong si bes, parang sira dahil lang sa street foods nagkakaganyan na siya. Ganyan na ba siya kababaw!
"Kahit mawalan ako ng pera! kahit wala akong makain! Sa puso at isip ko! May dignidad ako. Dahil isa akong matinong babae!" maladrama kong tugon sa lalaki, with matching luha sa mata. MyGhaad! Galing kong umarte ha.
Nakita kong umiyak ang lalaki. Hala siya nadala ata sa arte ko si kuya.
"Sige benta ko na lang sa inyo 5 pesos na lang, imbes na 10 pesos" naluluhang sabi niya
"Sorry kuya wala kaming pera, nadukutan ako kanina eh," malungkot na sabi ko sa kanya
"Ay, nakonsinysa naman ako," sabi ng lalaki sabay punas ng luha
"Sorry kala ko kanina kasi pokpok kayo, akala ko nag-aabang kayo ng customer, kaya naglalakad kayo sa madilim na kalsada. Nadukutan pala kayo kaya naglalakad," nakangiting sambit niya
Uminit ang ulo ko. Ako pokpok? Mukha ba akong pokers! Masusuntok ko to eh. Over my beautiful body na tawagan akong pokpok!
Sasampalin ko na sana ang lalaki nang makita ko si bes, na hinawakan sa damit ang lalaki.
"Anong sabi mo na pokers kami! Nanliliit ka ba sa amin!" Hala parang umusok ang tenga ni Ericka at namula ang mukha dahil sa galit.
Naku! iba talaga pag nalipasan ng gutom, tapos insultuhin pa ng ganyan. Sa 5'3 na height ni beshy, nagawa niyang patulan si kuya na 5'10. Nakita ko pang tumingala ito para para lang mag eye to eye sa binata.
"Oh sorry! Chill lang mga beautiful! Malay ko ba! Eh galing kayo do'n e!" Tinuro nito ng nguso ang club, na may mga nakatayong mga makakapal ang make-up na babae.
"Kahit na! Don't judge a person because of their looks!" Inirapan ko pa siya
Mabilis ko na pinigilan kaagad si Ericka na nakatitig lang ng masama sa lalaki.
"Umayos ka! Baka makita mo si San Pedro!" galit na sambit ni Ericka
Myghaad beastmode na beastmode si bes!
"We can accept your apology, kung libre na ito," tinuro ni Ericka ang mga kwek-kwek
Napakamot si kuyang payat. Tumingin ito sa amin.
"LIBRE BA O HINDI!!" madiin na sabi ni bes
Natakot ako bigla sa boses ni Ericka! Bakit ang bilog ng boses niya parang lalaki.
"Sige na nga. Sige kuha na kayo. Sorry, sorry talaga," nanginig na ani ng binata
Napangiti naman kami bigla. Yeheey! Salamat at makakain na kami.
Walang diet, diet sa taong gutom! Naka anim na kwek-kwek kami ni Ericka. Busog na busog kami.
"Bes, paano pala tayo nito makakauwi" problemadong sabi ni Ericka habang umiinom ng gulaman.
Naku! Paano nga ba? Tumingin ako kay kuya na nagluluto ng fishballs. Pakapalan na ng mukha ito.
"Ahm, kuya p'wede pautang," malambing na pakiusap ko sa kanya
"P'wede naman pero pahingi naman ng number mo?" Nagpakita na naman ito ng dimples.
Pssh! Ano ba 'yan masyadong pacute.
"Akin na cellphone mo ako na maglalagay," matamlay ko na tugon sa kanya
Inabot ni kuya ang cp niya at nilagay ko naman dito ang number ni Ericka. Mabilis na binigay niya ang 100 pesos na inutang namin.
"Text mo lang 'yang number na 'yan kuya ha," seryosong sabi ko sa kanya
"Sige ingat kayo." Pagpapaalam ni kuyang payat na nakangiti
Sa wakas nakasakay narin kami ng taxi. Weeew!!! Thank you kuyang payat. Hayaan mo babayaran 'yan ni Ericka bawahaha.
to be continued
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro