Chapter 6 - #pabebo
Napalunok ako sa sinabi ni Kyle. Ano daw yon. Naku naman parang babawiin ko yong matalino mga besh
"Ahhmm kwan yan. (Playing safe tayo mga besh) Oo, sabi nila 10 percent lang ginagamit natin"
wait teka bakit tinatanong ng 8 years old to?! Diba dapat ang tanong niya ano English ng cow o Hindi kaya 2 + 8 mga gano'n!
"Bakit mo tinatanong kyle?" I smiled
.
.
"Because according to the study there is no truth that we only used 10 percent of our neural matter.
Based din po sa naread ko earlier, this myth sounds both feasible and appealing in terms of human
potential."
Natamimi ako don' What.the.heck? Kumunot ang ulo ko sa sinabi nya. Pinagpawisan ako bigla.
Nakanganga lang ako habang nageexplain siya. Anong gusto niyang iparating?
"Alam mo naman pala tinatanong mo pa ako." Inirapan ko siya sa sobrang inggit ko.
"I just want to know your cognitive knowledge." He shrugged. Napakahangin ng ulo ng bubuwit na 'to
"Wow ha??? Alis paluin kita diyan eh."
He closed the door after ko siyang warningan. Gigil din ako dito
kay kyle ang talino. Naku nasobrahan ata to sa vitamins nang pinanganak... palibhasa kasi nung bata ako
am rice lang pinapainom sa akin ni mama. So unfair!
Anyways. Nakahiga ako ngayon sa kwarto. Nang nagbeep ang cellphone ko.
Kinuha ko ito sa bag.
(From: BFF Ericka
Best nabasa mo page ng fan club natin? )
(To: Ericka
Hindi. Ano meron?)
(From: BFF Ericka
Bukas daw! Si Steven diyan sa Circle sa QC may shooting sila!!)
( To: Ericka
Talaga! Punta tayo total sabado tomorrow walang klase)
"OMG si Steven may loves dito lang sa Quezon city. Isang sakay lang na
min yan bukas ng jeep pa Philcoa. Hahaha.. I hope makakapicture na ako sa idol ko please." Yinakap ko pa ang pillow na may mukha ni Steven. For sure mahimbing na naman ang tulog ko nito hahaha.
Kinabukasan pumunta kami sa Quezon Circle.
Nakasakay kami ng jeep. Naku ang hirap talaga magcommute. Tsk! lahat ng alikabok, usok, putok ni kuya
na kakapasok lang na tumabi pa sa akin. Lahat ng 'yon nasisinghot ko.
ANO BA YAN! Sabi ko kasi kay Erika mag taxi nalang kami!
Umusog na kaming dalawa ni beshie sa dulo nang bumaba na si kuyang may putok. Napapatingin naman ako at naiinis kay Erika, na kanina pa galaw nang galaw at hindi mapakali sa shoulder bag niya.
Nagsisimula na magbayad ang mga katabi naming mga pasahero
"Bayad manong"
"Paabot po"
Nakacrossed legs pa ako at tintingnan ko ang face ko kung okay ba ang makeup ko. Naglilipstick ako sa
maliit kong salamin tutal nakastop pa naman ang jeep. Malakas ang pagkalabit sa akin ni Erica, kaya
hanggang tenga ang abot ng lipstick ko. Darnnn itttt!!!!
"ANO BA YAN!" pinunasan ko ito ng wipes.
"Bes, may pera ka ba diyan libre mo muna ako papunta sa philcoa" bulong ni Ericka
"Naku naman bes tsk. Akala ko naman prepared ka! alam mong pupuntahan tayo. Paano pagbalik mo?!
25 pesos din yan" irap ko kay Ericka
"Sige na utang na po!"
"Ayan!! Deal alam mo naman nagtitipid ako sa concert ni Steven." Kinuha ko ang pitaka ko sa bag ko.
Dudukot na sana ako nang biglang may humablot ng wallet ko
"AAAYYYY Magnanakaw!!"
Kaya napababa ako bigla at hinabol ang lalaki. Si Ericka naman ay bumaba din syempre wala naman
siyang pamasahe kong wala ako, pero pag may pamasahe yan diretso yan sa Philcoa....
"Mama ibalik mo ang wallet ko please!!"
"Ayaw ko nga akin na 'to" nandila pa ang pangit na lalaki at kumaripas ng takbo
"HAyoop kang pangit ka!" at agad akong napaupo sa kalsada and cried like a baby.
"Yung wallet ko!" sigaw ko habang umiiyak.
Wala akong pakialam sa mga tao na tintingnan ako gusto ko erelease ang stressed ko!
"Wallet ko! P*ta! " lumulukso pa ako habang nagwawala.
"Friend nakuha mo ba yung wallet?" inosenteng tanong ni Ericka na tinulungan akong tumayo.
"Maglulupasay pa kaya ako at iiyak kung nakuha ko bes. Syempre Hindi!!" Humagulgul na ako
"Naku paano yan?"
"Edi Nganga" inis na balik ko sa kanya. Asar
"Bes, alam mo ba 'tong lugar na ito?" sabi ni Ericka
Inikot ko ang buong paligid. O to the M to the G.. Myghaad saan na kami!! Napalayo ata ang takbo ko
nang habulin ko anng lalaki. Kay malas nga naman.
Wala gaanong taong dumadaan dito. Puro 10 wheelers lang nakikita namin.
"Hindi ko din alam bes! Pano na this!" sabi ko na napaface palm pa
"Bes magtanong kaya tayo," suggest ni Ericka
"Malamang, magtatanong talaga. sige tanong ka na"
"Bakit ako di ba ikaw yong bumaba dito sinamahan lang kita," sagot ni Erika na nagpout pa.
Nag simula nga kaming maglakad
"Naku Erika nakagigil ka"mahinang sabi ko
"Bes may sinasabi ka?"
"Wala bes tara tanong tayo. Ayun may mga tao doon."
Nauna siyang maglakad sa akin, hindi ko
mapagilang akmain siya ng suntok or sabunutin. Of course, hindi ko yun ginawa. Kulang-kulang kasi ang
dinadalang pera ng lokaret no 'to, sinong hindi maiinis.
Pumunta kami sa isang Massage spa. Ang nakasulat ay Heaven Spa
Nakatayo doon ang isang matipuno at matangkad na lalaki.
"Kuya pwede magtanong?"
"Yes ma'am pwedeng-pwede. Magpapamassage po ba kayo. Soft or hard" kumindat pa ito nang tumingin sa amin.
Napansin namin ang kanyang naglalakihang biceps dahil sa suot na sando.
"Hipon bes!" sabi ni Ericka at umakting na naduduwal
"Anong sabi mo miss!" kumunot ang noo ng lalaki
Naku Ericka mapapahamak ako sa pagpapranka niya.
"I mean sabi niya hapon daw. Baka bukas kaming hapon pupunta dito. Hehe" palusot ko at inirapan ko si Ericka at kinurot sa tagaliran
"So ano ba sadya niyo dito miss"
"Kuya anong lugar ba ito?" sabi ko
"Sa kalayaan na kayo miss"
"Malapit na ba yun sa philcoa?"
"Oo. Makita mo yang kantong yan. Tumawid ka diyan at Philcoa na," sabi ni hipon este, ni kuya na tinuro ang daan.
"Thank you kuya" nakalad na ako ng tatlong nang bumulong si Ericka.
"Bes gamitin mo charm mo sa kanya humingi ka ng pera" suggest ni Ericka
"Wow bakit ako? Di ba ikaw nakaisip" I rolled my eyes tapos nag crossed arm
"Eh, maganda ka eh as if naman bibigyan ako niyan. Baka sapak pa abot ko dyan"
"Kanina mo pa ako inuutasan ah!" bumalik ako kay kuya
"Kuya baka may pera ka diyan." nagpacute pa ako sa kanya sana umepekto ang Hayde's charm ^_^
"Che!! Linalandi mo ba ako? Sorry ka Sis di tayo talo." tinaas nito ng kataas-taas ang kilay at nagwalkout
"Ay Barbie pala bes. Hipon na barbie pa," sabi ni Ericka na napakamot sa ulo
"Hayaan mo na diretsuhin na natin tong daan para makarating sa philcoa dito na tayo eh," inis na sabi ko
Mga 10 minutes nakarating na nga kami sa Philcoa ng lakad. Nakakahaggard mga besh.
Tagaktak na ang mga pawis namin at medyo basa na rin ang kili-kili ko. buti nakawhite shirt ako pero si
Ericka susme! Paglingon ko parang nagmarathon sa sobrang pawis na halatang-halata sa gray niyang
damit.
"Ayon na yong Circle bes" hingal na sabi ni Ericka.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro