Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 18- #hotel


I was waking up like a princess. I yawned and fully stretched my arms. I'm happy today, I don't know why, but I like this day.

"Lalalalala," kumakanta pa ako habang papunta ako sa Cr namin

"Oh, bakit ang aga mo ngayon nagising Hayde?" sabi ni mama na nagluluto ng almusal

"Ewan ma." Yinakap ko siya agad

"Hmmp. inlove ka noh?"  nakakalokong boses ni mama.

"Hala hindi ma. Sige po maghihilamos na po ako," masiglang tugon ko kay mama

"Inlove me inlove? Pssh." Nakatingin pa ako sa salamin ng banyo nang sabihin ko  iyon

Nagstart na ako maghilamos.

Bumalik ako sa kuwarto at nakita kong nag-text si Reisden

(From: Unggoy

Good morning bebeloves)

Kinilig ako ng slight. Etetext ko sana siya pero huwag na nga lang

Nakita ko na nagtext din si Vena ang club head namin

From: Vena

Greetings!

Friends, clubmate may good news ako toaday! Si Steven, may pa fan meeting sa Jejo hotel. Punta kayo at bihira lang ito mangyari. 9:00 am here at Jejo hotel"

"OMG!!!! Si Steven pasalamat talaga ako at kami ang tinuturing na official fan club ni Steven" napapalukso pa ako sa tuwa.

"Ano oras na ba? Alas syete palang so may time pa ako magpaganda!"

Nagmamadali akong maligo at nag-ayos. Gusto kong ako ang pinakamaganda sa fan meeting namin para mapansin ako agad ni Steven. SInuot ko ang red na offshoulder ko na blouse at skinny jeans na pantalon, at white rubbershoes.

"Sexy na ba ako dito tingnan?" iniikot ko pa ang katawan ko.

"Bakit parang wala akong dibdib? May foams na rin ito ah?" Hinawakan ko pa ang bra ko na may foams. Sana all na biyayaan ng malaking boobs diba! 

Nagmake-up na ako. Pinalansiya ko na rin ang buhok ko.

"Ay ang ganda ko na. Siguro naman mapapansin na ako mamaya nito, todo effort na ako ha!"

Mag-aalas otso na pala nang mapansin ko ang text ni Reisden

(From: Unggoy

Hayd mamaya ha 2pm punta ako diyan)

"Omyghaad! Oo nga pala may date ako ngayon. Mamayang 2pm pa naman so may time pa." Text ko na lang si Resdien na mauna na lang siya sa date namin. Susunod na lang ako," sabi ko sa saarili

(To: Unggoy

Yes, pero Res, mauna ka muna ha. May pa fan meeting kasi kaming umaga. Don't worry pupunta ako)

message sent

(From: Unggoy

Sure yan ha)

(To: Unggoy

Yup. Wait for me. Just text me the place)

message sent


Nagmamadali na ako umalis sa bahay. Ayaw ko naman malate diba.

"Ma alis na me ha!" kumuha lang ako ng dalawang pandesal at kinain ito

"Oh saan ka naman pupunta?" takang tanong ni mama na nilalagyan ng kanin ang pinggan ni Kyle.

"May pameeting club namin ngayon bye!" sabi ko habang lumalakad palabas ng bahay

Nagpara na ako ng taxi papunta sa Jejo hotel.

Nang nasa hotel na ako nakasalubong ko si Ericka at iba namin mga clubmate

"Uy, ang aga niyo ha!" masiglang sambit ko sa kanila

 Napansin ko na lahat kami ay early birds, kahit hindi pa bumubukas ang room.

"Syempre!" sabay-sabay na sabi nila, kaya nagtawanan kaming lahat.

Lumapit sa akin si Ericka, na naka-make up ang lola mo, at nakagown pa ng violet. OA naman ni Ericka tapos may papusod pa ang buhok. Saan naman siya nagmake-up at nagmukha siyang isda sa kapal ng eyeliner at eye shadow niya.

"Ay talagang nakagown? Ganda ng make up natin bes ah," nakangiting bati ko sa kanya

"Naman! Syempre minsan lang ito, so sinulit ko na huhuhu," Ayan na naman Kris Aquino laugh niya

"Well, hindi ka talaga magpapalugi bes," I said while I flipped my hair

Nag-aperan pa kaming dalawa

"Wait diba may date ka ngayon? " -Ericka

"So?" I answered her while I crossed my arm

"Nagpromise ka na kay Reisden ha, pinapaalala ko sayo. Bawal mong iposponed 'yon." Kumunot ang noo niya.

"Bakit naman?" takang tanong ko sa kanya

"Basta!" she said seriously 

Parang may naamoy ako na parang may something. Ano kaya iyon?

"OO alam ko. diba umaga naman 'yong meeting at hapon pa 'yong kay Resdien. Sinabihan ko na siya kanina, na ako na lang pupunta sa date namin."

"Basta sinabi mo 'yan friend," sabi ni Ericka at  umuna na ito sa akin sa paglalakad papunta sa main door.

Nakita namin na bumukas na ang pinto nang dumating na si Vena. Binigyan niya kami ng VIP pass. Kaya pumasok na kami sa loob.

"OMYghad! Ang ganda naman dito!" Nanlaki ang mata ko sa pagkamangha. Ang ganda ng venue. Iba rin ang humahawak kay Steven. Akala ko sa mga mga magazine ko lang makikita ito. Sa personal din pala. 

"I told you dapat naggown ka! Para kapansin-pansin ka friend" suggest sa akin ni Ericka, habang kumukurap pa ang  makapal na pekeng eyelashses nito.


"Pssh. Ayaw ko nga baka magmukha lang akong abay na napadpad dito" mahinang sabi ko, na ako lang ang nakakarinig. 

Mukha naman kasing abay sa kasal gown niya. Saan na naman kaya niya 'yan nahiram. 

"Saan mo 'yan nahiram bes?" tugon ko sa kanya na nakangiti

"Kay Nita nag-abay kasi siya lastweek hiniram ko muna maganda ba? Bagay ba bes?"

"Okay lang, carry naman,"  napahalhak naman ako ng wala sa  oras

"Ay bakit ka tumatawa pangit ba?" bumusangot pa ito

"Hindi naman. Mukha ka lang kasing galing sa kasal, tapos nagdiretso ka rito. Sino ba nagmake up sa'yo at ang kapal?"

"Ay below the belt na 'yan bes,  grabe ka sa akin. Feeling ko inggit ka lang. Tingnan mo mamaya mapapansin ako kaagad ni Steven, because of this!" Irap niya sa akin

Napailing na lang ako habang naghahanap kami ng mauupuan. 

Dahil early bird kami nasa harapan kami ni Ericka. While si Vena naman ay kausap ang isang staff daw ni Steven.  

May stage sa gitna at may tatlong microphone, saka may mahabang lamesa sa stage. Tapos sa taas may projector na nakasulat na Steven fan meeting.

May pabuffey din kasi sila, so kumain muna kami ni Ericka.

Habang tumatagal dumadami na rin ang tao. Mapupuno na ang malawak na room ng mg Steven club member.

Nagchichikahan lang kami ng mga stevenatics ko na mga friend.

Napansin kong mag-aalas dose na at bakit wala pa rin si Steven. Naku huwag naman abutan pa ng hapon at nakapangako na ako kay unggoy!

"Vena matagal pa ba?" sabi ko kay Vena na nakaupo katabi namin

"OTW na raw, wait lang at galing pa raw sa shooting."

Hindi na ako mapakali. Naku parang nakokonsinsiya naman ako, if ever na hindi matuloy date namin ni Resdien.

To be continued

A/N Kaway-kaway sa mga nag-abay sa kasal.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro