Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 17-#Load


Reisden POV

"Badtrip tsk. Ngayon pa ako nawalan ng load. Kung kalian nagtetext na sa akin si Bebeloves" Lumabas ako ng bahay at pumunta sa tindahan malapit sa amin.

Dumungaw ako sa bintana at wala pa ang nagbabantay

"Tao po paload! Paload!" sabi ko habang luminga-linga.

Linakasan ko pa ang boses para marinig nila.

"Tagal naman!" inis kong sambit


After 3 minutes lumabas ang isang matanda babae. 


"Manang may load pa ba kayo sa globe?" masiglang sambit ko

"Ay wala na iho kauubos lang" 

"Ah salamat po," matamlay kong sambit sabay kamot ko sa ulo.

 Ang layo pa naman ng paloadan nasa  labas pa 'yun.

Lalakad na sana ako upang lumabas nang nagring ang cellphone ko

Nakita ko na tumatawag si Ericka, kaya agad ko itong sinagot.

"Oh Rica bakit?

(Uy Res, tumawag sa akin si Hayd bakit ka daw nagpapasorry sa kanya)


"Bakit ikaw pa tumawag pwede naman siya?" takang tanong ko  kay Ericka


(Sabihin na lang natin na nahihiya siya tumawag sayo. Feeling ko Res, malapit-lapit mo na siya mapasagot kunting effort pa. huhuhu) masiglang sambit ni Ericka sa akin.

"Talaga!" Parang kuminang ang mata ko sa mga binitiwang salita ni Ericka

(So bakit ka nga nagpapasorry) 

Naisip ko ang nangyari kanina pero ayaw ko na rin ikuwento iyon, baka hindi naman siguro 'yun ang ibig sabihin ni Cams. Masyado lang siguro akong green minded.

"Wala nagpapasorry ako sa kanya kasi inaasar ko siya kanina sa feeding program," iyon na lang ang sinabi kong palusot.

"Yun lang pala" dismiyadong sambit ni Ericka bago ulit nagsalita

"OA talaga ni bes. Uy, bukas ang plano natin don't forget bye," huling habilin niya sa akin

"Sige Ericka hehe". Kinilig ako sa sinabi ni Ericka. May pag-asa ako kay bebeloves. Naks!

Kaya pumasok ako sa bahay na nakangiti.

"Uy! si kuya nakangiti siguro sinagot na siya ni Ate Hayde," panunuksong sambit ni Nana na nakaupo sa upuan habang naonood ng TV. Katabi niya si nanay at kambal kong kapatid

"Sira hindi pa," masiglang tugon ko sa kanya at ginulo ko ang buhok niya

"Ay kinikilig ito nanakit eh,"  tumatawang sabi niya

"Bahala ka nga diyan." Pumasok na ako sa kuwarto ko.

Narinig ko na nagsalita si Nanay.

"Sure ka ba diyan sa babae na yan Nak? Huwag ka masyadong mag-expect na sasagutin ka niya," sambit niya na nagpa-iba sa aking emosyon at pinalitan ito ng lungkot .

"Bakit mo naman nasabi 'yan nay?" mahinang sagot ko habang nakatayo sa pintuan ng kuwarto ko.

"Nak, tingnan mo realidad. Baka maarte yang babaeng 'yan nak. Oo, baka gusto ka niya kasi na bibigay mo ngayon ang gusto niya. Paano kung hindi na? 'yung ipon mo binawasan mo pa, para magmukha kang sosyal!" seryosong saad ni nanay.

"Anak mahalin mo sarali mo. Kung totoong mahal ka ng babaeng 'yan. Kahit basahan pa suot mo mamahalin ka. Puntahan mo 'yan dito sa bahay. Baka sa eskenita palang natin umayaw na 'yan." dugtong pa niya.

 Nainis naman ako sa sinabi ni nanay. Hindi naman gano'n si Bebeloves.

"Nay, ibahin niyo naman si Hayd. Mabait 'yun," seryosong  tugon ko sa kanya 

"Basta! Hindi ako boto sa babaeng 'yun. Concern lang naman ako sayo!" bulyaw niya sa akin

Kaya isinara ko agad ang pinto. Gusto kong taasan ng bose si nanay pero hindi ko 'yun ginawa dahil ginagalang ko siya. Kaya Nagpush up na lang ako, para mawala ang stressed ko na nararamdaman sa mga sinabi ni nanay.

Kung totoong mahal ka ng babaeng 'yan, kahit basahan pa ang suot mo mamahalin ka pa niya.

Baka eskenita palang natin umayaw na 'yan. Huwag ka masyadong magexpect na sasagutin ka niya.

Paulit-ulit naririnig ko ang mga binitiwang salita ni nanay sa aking isip.

"Bakit pa hindi na lang siya maging suportado kung sino ang gusto ko," sabi ko habang nagpupush-up

Nang matapos na ako magpush up, hinubad ko ang sando at pinunasan ang mga pawis na tumagtagaktak sa katawan ko. Tiningnan ko ang picture ni Hayd na nakaframe sa kuwarto ko. na na nakasabit sa pader na kahoy. 

"Hayd bukas sana masurpised ka sa regalo ko." Nakangiti kong sambit.

Napabaling ako sa alkansiya na nasa ilalim ng higaan.

Binuksan ko ang alkansiya na inipon-ipon ko simula na nagtatrabaho ako sa Talyer ni Tito. Pinalansiya ko na rin ang susuutin ko bukas sa date namin ni Hayd.

Nang matapos ko na palansiyahin ang mga susuutin ko.  Tumawag na ako kay tito para maghiram ng sasakyan.

"Tito pwede makihiram ulit ng sasakyan mo?" aniko.

"No problem basta ingatan mo Res, Goodluck sa date mo." 

Bait talaga ni Tito Joey, buti nandito siya

"Salamat tito" at pinatay ko na ang tawag.

Napahiga ako bigla na wala pa ring pang-itaas. Napakamot pa ako sa abs nang may lamok na dumapo rito.

"Lord please sana sagutin na ako ni Hayde bukas. Pagginawa niyo 'yun ako na ang pinakamaligayang lalaki sa buong mundo!" masigla kong saad habang inunat ko ang dalawang kamay.

Tumingin ako sa picture ni Hayde na wallpaper ng cellphone ko

"Hayde can you be my girlfriend?" kinikilig pa ako pag naiisip na magsasabi ng 'yes' si Bebeloves.

Hinalikan ko pa ang picture niya sa cellphone ko.

to  be continued...

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro