Chapter 14- #Sideline
Reisden's POV
Parang sumasang-ayon talaga ang tadhana. Kami na naman ni bebeloves magkasama. Gusto kong hawakan ang kamay niya kaso nahihiya naman ako. Nang akmang dumikit mga kamay namin. Parang may kuryente sa katawan ko na nagpakilig sa akin. Kaya lang mabilis niya itong iniwas at naghalukipkip na lang. Gusto ko siyang akbayan kaso nahihiya naman ako. Hindi naman kasi kami.
Pasalamat talaga ako kay Ericka na nagkunwaring maysakit para lang makasama ko si bebeloves. Bumili pa talaga ako ng pabango na eneendorse ng Steven, na 'yun para naman hindi ako amoy pawis at paborito daw yun ni bebeloves kaya binili ko na lang.
"Hayd bukas saan mo pala gustong pumunta," malambing na sabi ko
"Saan ba?" Tagal naman mag-isip ni Hayde
*cricket sound*
"Parang gusto kong pumunta sa shooting ni Steven," masiglang sambit niya
Naku naman Steven na naman always bukang bibig ni Hayd. Nakakaselos naman pero wala ako magawa. Kailan kaya ako mapapansin ni Hayd.
"Ahm, gusto mo pasyal tayo. May bagong alam ako na pasyalan sa may taguig.
"Pag-iisipan ko yan ha," tugon ni Hayd
Pumara na kami ng jeep pauwi. Hinatid ko pa siya sa kanilang bahay
"Hayd bukas ha don't forget 2pm sunduin kita dito," malambing kong wika.
"Oo na sige ingat ka pauwi" sabi niya na ngumiti. Ngumiti si Hayd? Minsan lang mangyari ito. Kasi always nakabusangot siya pag hinahatid ko o di kaya tinatarayan lang ako. Ang ganda niya talaga. Ang sarap niya talaga pisilin sa pisngi. Kung alam mo Hayd. Lalo akong nabihaghani sa ngiti mo.
Ang saya ko naman talaga ngayon.
Naglalakad na ako pauwi sa kanto namin. Pumasok ako sa makikitid na eskenita papasok sa bahay namin. Nasa squatter kasi kami at doon kami nag-uupa ng bahay sa medyo papasok pa. Nakasalubong ko pa ang mga kapitbahay namin na tambay na nag-iinuman kahit hapon pa lang
"Uy Res, shot naman diyan." /tinaas niya pa ang shot glass na may laman na emperador
"Sige lang tol," sabi ko naman at nagpatuloy ako sa paglalakad. Nang malapit na ako sa bahay natanaw ko agad si kuya na nakatayo sa pintuan. Batid ko alam ko na naman ang hanap nito batay sa expression ng mukha niya.
"Tol buti dito kana may extra ka diyan? Pambayad ko lang sa motor," giit ni kuya habang umakbay pa sa balikat ko.
Si kuya Gorn habal-habal driver. Hanggang high school lang tinapos ni kuya dahil wala naman kaming sapat na pera.
"Magkano ba kailangan mo kuys," matamlay kong tugon
"3k babayaran naman kita," aniya
Kahit napilitan akong bigyan siya ng pera wala naman ako magagawa. Kukulitin lang ako nito hanggang makautang siya.
"Bayaran mo talaga 'yan at iniipon ko yan pampaaral sa kolihiyo ni Nana," giit ko na halatang nagdududa.
"Oo ito naman. Nasira lang kasi motor ko, salamat ha," masigla niyang sambit. Tinapik niya pa ako sa balikat bago ito umalis.
May pera ako kasi nagsi-sideline ako na mekaniko sa tito ko. kaya nga mechanical Engineering kinuha ko kasi medyo sanay ako sa mga parts ng iba't ibang sasakyan. Pangalawa ako sa panganay sumunod sa akin si Nana, na senior high school at ang bunso namin ang kambal na si Juniel at Buniel na 10 years old.
Sa loob naman nakasalubong ko ang kambal kong mga kapatid. Si Juniel at Buniel. Nag-aaway sa cellphone ni inay . Maliit lang bahay namin. Si Nana at inay ay magkatabi. Tapos sa kuwarto ko, may dalawang higaan. Akin ang isa at sa mga kambal. Si kuya naman ay nasa sala natutulog. Kaya pinagkakasya lang namin ang mga sarili kapag kami ay kumakain ng sabay-sabay. Pag magkapera ako ibibili ko sila ng sariling bahay.
"Ano 'yang ginagawa niyo!" galit na sabi ko
"Kuya oh si Buniel nang-aagaw. Ako nauna sa cellphone ni inay. Naglalaro ako ng ML eh," inis na giit ni Juniel
"Akin na nga yan." Kinuha ko ang cellphone sa kamay ni Buniel.
"Dapat maghariman kayo dahil magkapatid kayo. Hayaan niyo pagmagkapera ako bilhan ko kayo ng sariling mga cellphone."
"Talaga kuya," sabay na sabi ng kambal.
"Oo, basta hindi na ako makarinig ng away niyo ha, at dapat mataas ang grade niyo," seryosong saad ko sa kanila.
"Sige kuya, salamat!" sabay ulit nilang sabi. Magkambal talaga.
Nang matapos iyon ay pumasok na ako sa kuwarto. Ramdam ko ang init ng hapon na tumatagos sa yero ng bubong ng bahay.
"Grabe ang init!" mahina kong sambit
Kaya mabilis kong hinubad ang -tshirt at pantalon ko. Kaya nakaboxer short na lang ang natitirang saplot ko. Humiga ako sa kama. Nakita ko na bukas pala ang bintana ng kuwarto. Tanaw dito ang bintana ng parlor na pinagtatrabahuan ni inay bilang isang manikurista.
"Ay abs at ang laki-laki ng baba! Yummy talaga jonakes mo mars." Tumili pa ang bading na katabi ni nanay. Napakamot naman ako sa ulo at nahiya kaya dali-dali kong sinara ang bintana.
Hindi ko naman maitatangi na hinubog ng pagtatrabaho ko sa mekaniko ang mga muscle ko. Nagwoworkout din ako sa bahay sa katunayan 'yan may barbell akong ginawa ko pa sa semento.
Napailing na lang ako at bumalik ulit sa kama.
Sinandal ko ang ulo ko sa pader, at kinuha ko ang cellphone ko sa bag.
Nakita ko ang text ni Ericka at binasa ko iyon.
(From: Ericka
Uy Resdein musta na magkwento ka dali)
(To: Ericka
Okay lang salamat pala kanina)
Wala pang 20 seconds tumawag si Ericka
(Hoy Reisden ano ginawa niyo sa feedig program?)
"Tinulungan ko siya tapos nagkuwentuhan kami ayun"
(Yun lang? Hindi ka man lang nag-the moves. Mahina talaga itong manok ko!)
"Nahihiya ako eh. Always niya pa akong tinatarayan"
(Don't worry ako bahala saan pala kayo bukas?)
"Sabi ko kay Hayd sa Taguig kasi may pasyalan doon kaso pag-iisipan pa daw niya"
(Okay ako bahala kay Hayde, ito gawin mo ha blahahahbalaja)
"Ah sige –sige salamat Ericka buti nandiyan ka,"masiglang sambit ko sa suggestion ni Ericka.
(Syempre i-ship ko kayo talaga. Ewan ko lang kung hindi mo pa oo si Hayd. Huhuhu) Narining ko ang Kris Aquino laugh niya.
Nang matapos si Ericka ay napatingin ako sa kalendarong nakadisplay sa pader ng kuwarto ko. Napatingin ako sa nakaex na numero.
"Magbibirthday na pala si bebeloves nextweek. Ano kayang ereregalo ko sa kanya?" bulong ko sa sarili.
"Tanong ko na lang si Ericka mamaya," dugtong ko.
Saktong alas singko nang dumating na si Nana. Tanaw ko siya sa pinto habang nasa kuwarto ako.
"Na, buti dito ka na. Saing ka na," giit ko sa kanya
"Sige kuya." at pumasok ito sa maliit na kuwarto niya
Tumunog ang cellphone ko at nakita kong tumatawag si Tito Joey
"Hello tito," bati ko sa kanya
(Res, punta ka mamaya dito ha. Wala kasi si Mark, ay need ng client ito bukas)
"Sige tito punta po ako diyan mamaya," mahinahon kong tugon
(Asahan ko yan sige)
"Na, ikaw muna bahala dito sa bahay. Aalis na ako." sigaw ko para marinig ni Nana
kaya mabilis akong nagbihis. Sinuot ko ang lumang pantalon at puting sando. Linagay ko ang extrang damit sa backpack at sinuot ko ang lumang tsinelas. Nagmamadali na akong lumabas ng bahay. Nang nasa kanto na ako nagpara ako ng tricycle papunta sa talyer ng tito ko.
A/N
Kaway-kaway sa mga nagsisideline diyan!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro