Chapter 13- #Sopas
Hayde's POV
Ayun na nga may pafeeding program si Mayor. So nasa plaza kami ngayon, at nag-aasikaso sa mga tao. Ako ang nagbibigay ng sopas sa mga bata. Katabi ko si Reisden. Si papa naman ay nasa kabilang mesa nagseserve. Habang si Mayor ay nagsasalita sa stage at iba pang opisyales. Nagbibigay sila ng mga kung ano-anong plataporma na alam ko naman hindi magagawa.
"Hello ate, kuya ang cute niyo," sabi ng paslit na babae sa amin
"Ay thank you! Honest ka," sabi ko at pinisil siya sa pisngi.
"Bagay ba kami," sabi ni Reisden.
Talagang unggoy na ito dinamay pa ang bata.
"Opo. P'wede na po kayong mag-asawa" ani naman ng bata na parang kinilig
Nag-aperan pa silang dalawa. Dahil doon pasimpleng kinurot ko si Reisden sa tagaliran kaya napangiwi ito.
"Ito bata. Bumalik ka lang kung gusto mo pa ha" pangiting sambit ko sa bata
"Bakit mo naman ako kinurot?"Hinawakan pa ni Reisden ang parte na kinurot ko.
"Feeling ka kasi. Dinadamay mo pa sa kalokohan mo ang bata. Child abuse!" pang-aasar ko dito
Panay ngiti naman ang mga bata sa amin habang inaabutan namin sila ng pagkain. Nakakawala ng problem ang mga bata talaga maliban kay Kyle, na bubwit.
"Ang cute ng mga bata noh, Nakakamiss maging bata," masiglang sambit ko.
"Oo, pero mas cute ka," seryosong sambit niya
"Corny!" malamig kong sambit.
Pero parang nakaliti ako. Kaya pinigilan ko na lamang ngumiti.
Nang nagkatitigan kaming dalawa. Agad akong umirap sa kanya at nagpatuloy sa pagbibigay ng pagkain sa mga bata.
Sa wakas natapos na ang pagbibigay ng pagkain namin. Nakakangalay tumayo! Umupo muna kami saglit upang mgapahinga. Natanaw namin ang mga bata na nasa upuan kasama ang mga magulang nila na kumakain.
May isang staff na binigyan kami ng bottle water at dalawang siopao meryenda raw namin. Kaya agad namin itong kinuha, at nagpasalamat.
"Pero kahit iba sa kanila wala nang makain, parang hindi batid sa kanila ang problema dahil sa ngiti nila," seryosong saad ni Reisden.
"My point ka diyan," sabi ko naman habang kumakain ng meryendang siopao
"Parang nakikita ko 'yung sarili ko sa kanila. Ganyan din ako kapayat, tapos minsan lang makakain. Pero ikaw naalala ko pa sipunin ka." Bumingisngis ito.
Napikon naman ako sa sinabi niya. Gano'n na ba ako kadugyot noong bata ako?
"Grabe ka hindi noh" nagcrossed arm ako. Binilisan ko na ang pagkagat. Napansin kong hangin lang ang laman na siopao. Akala ko malaman? Tiningnan ko pa ang loob ng siopao
"Ano ba 'yan anong klaseng siopao ito wala man lang palaman," inis kong sambit. Parang tinalsikan lang ng souce at isang pirasong karne.
Napatigil ako sa pag-emote nang nagsalita si Reisden.
"Pero Hayd, naalala mo pa 'yung bata pa tayo. Di ba wala akong baon nun everyday. Tapos binigyan mo ako ng baon mo."
"Talaga! Wala akong maalala sorry!" balik na sagot ko sa kanya.
"Kakainin mo pa ba itong siopao?" pag-iiba ko ng topic
Agad siyang umiling kaya kinuha ko 'yun at simulang kainin.
"Yung saba na baon mo. Di ba dalawa 'yun," mahinahon niyang sambit
Napastop ako sa pagsubo.
Saba? Parang may naalala nga ako.
"Ay oo. Dalawang piraso 'yun binibigay ko sayo kasi naaawa ako sayo. Iyak ka kasi nang iyak."
"Turo din ni Ma'am Solivio diba sa atin na pag may sobra ka ibigay natin sa nangangailangan" sabay na sabi namin nin Reisden kaya nagtawanan kami.
"Pero dahil doon nagfirst honor ako," masiglang sambit niya
" Best generosity lang ata award ko, tapos best acting," mahinang sabi ko.
Atleast may award di ba?
Masaya naman ako na balikan ang kabataan ko. Alam mo 'yun dati musmusin at uhugin lang kami. Pero tumagal naman naging mga cute ng lumaki, unlike sa iba maganda noong bata pangit naman ng tumanda. Harhar.
Napatigil kami sa pag-uusap ng lumapit sa amin si papa
"Oh Hayd, Reisden, Puwede na kayong umuwi. Total tapos na ang feeding Program. Mamaya ko na lang bigay sa inyo ang bayad."
"Pero pa ikaw hindi ka pa ba uuwi?" takang tanong ko.
"Mamaya pa. Sasabay ako sa mga katrabaho ko," pagpapaliwanag ni papa
"Sige sir ingat po kayo dito. Tara Hayd," masiglang ani ni Reisden
"Huwag mo na nga ako eh Sir, napakapormal tito na lang," mahinahong sambit ni papa
"Okay po tito" nahihiyang tugon niya.
So I have no choice but to return home with Reisden.
Umiling na lang ako. Kami na namang dalawa magkasamang umuwi. Napatingin naman ako kay Reisden na pangiti-ngiti habang kami ay naglalakad. Che!
To be continued
A/N
Ano bang good memories niyo noong bata kayo? Share naman
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro