Chapter 12 - #Jeep
Ang aga ko nagising sobra. Tulog pa lang mga adik sa labas, gising na ako.
Ayaw ko naman magalit si papa sa akin. Kaya binilisan ko nang matapos ang aking morning routine.
I'm ready! Nakabihis na ako.
Ang simple ko today. Nakakapanibago .
Sabi ni papa dapat daw nakaplain white t-shirt ako, kasi para uniform daw namin mamaya. Sinuot ko din ang skinny jeans ko na binili ko sa ukay-ukay, at puting rubber shoes.
Inikot ko pa ang sarili sa salamin para makita ko ang aking beautiful and sexy body.
Napatigil ako sa aking pag-aayos nang kumatok si papa.
"Oh Hayd, Okay ka na ba? Tayo na baka malate tayo," sigaw niya
Tiningnan ko ang wall clock na nasa room ko at alas sais pa lang.
"Wow, pa ang aga pa kaya," I insisted to him.
"Alam mo naman baka traffic," malakas na sambit ni papa
"Pa wait lang text ko lang si Ericka," Nagmamadali kong kinuha ang cellphone ko na nasa mesa. Lumabas na ako ng kuwarto. Habang naglalakad ako papuntang sala ay nagtetext na ako sa kanya.
(To: Ericka
Hoy saan kana? )
Mabilis na nag-reply si Ericka
(From: Ericka
Friend sorry hindi ako makakasama sayo now. Sakit ng puson ko!)
"What! Paano 'yan ako lang mag-isa doon." Napakamot pa ako sa ulo dahil sa pagka-irita.
Magtetext na sana ako kay Ericka, nang marinig ko ang pamilyar na boses sa gate.
Kaya agad akong lumabas para tingnan ito.
WTH! Bakit dito si unggoy! Ang aga naman nitong manligaw. Jusko!
"Reisden bakit dito ka?" takang tanong ko.
"Sasama ako sayo. Sabi kasi ni Ericka hindi daw siya p'wede, kaya tinawagan niya ako para samahan ka," malambing na wika nito.
Mabilis akong lumakad papuntang gate.
"Sorry pero hindi ka papayagan ni papa!" Binuksan ko pa ang gate at pilit ko siyang tinataboy
"Sige umalis kana, kasi Reisden, bawal outsider doon eh Sorry ha bye." Nagwave pa ako sa kanya
Don't ruin my day unggoy!! Please leave me alone.
I stopped when I suddenly heard papa's voice.
"Oh Reisden, dito ka pala" sabi ni papa na nakadungaw sa gate. Iniwanan ako ni Reisden at bumaling sa p'westo ni papa.
"Sir, pwede po bang sumama. Balita ko po kasi kailangan niyo ng mga tao sa feeding program"
Wow! Talagang pinagpipilitan talaga hmmp! Close kayo ni papa?
Tumingin si papa sa akin, kung saan nasa likuran ako ni Reisden
Umiling ako agad, at nagsabi ang beautiful eyes ko na NO WAY while nagform pa ako ng kamay ng letrang X.
Bumalik ang mata niya kay Reisden.
"Nakaplain white t-shirt ka naman. Sige okay kana!" masiglang sambit ni papa.
Nanlaki naman ang mata ko sa narinig, OMG naman! Anong nakain ni papa maliban sa tuyong ulam namin kanina at pinayagan niya si Reisden.
Naunang maglakad si Reisden. Kaya hinawakan ko sa kamay si papa, at agad kinausap.
"Pa! Bakit mo naman pinayagan 'yan," bulong ko, na nagtatampo
"Para naman makilatis ko si Reisden, kung deserving ba maging boyfriend mo."
Napahinto kami sa pag-uusap ni papa nang lumingon siya sa amin at ngumiti.
We both just smiled at him na parang hindi siya pinagkukuwentuhan. Ang plastik ko amp!
"Mabait naman si Reisden ito naman," dugtong pa ni papa.
Napabuntong-hininga na lamang ako.
Ay ewan! Ayaw ko talaga sa kanya.
Napakatakip ako ng panyo sa ilong dahil sa mga usok ng mga sasakyan.
"Pa magtataxi ba tayo?" sabi ko, nang nakatayo na kaming tatlo sa may kanto. Ay rhyme!
"Taxi? Jeep lang tayo malapit lang naman ang municipyo," sabi ni papa habang may ka-text sa cellphone.
Napairap na lang ako at napakamot sa ulo.
"Naman eh, ayaw ko talaga magjeep at pangit ang experience ko diyan," mahinang sabi ko.
Diba nga nanakawan ako dati. 100 din 'yun mga momsh!
"May sinasabi ka Hayd," sabi ni Reisden"
"Wala sabi ko magpara ka na ng jeep" irap ko naman sa kanya.
Siya na nga ang nagpara ng jeep. Kaya pumasok na kami. Nakita kong hindi pa puno. So si papa ang unang pumasok sa jeep. Sumunod ako, kaya tabi ko si Reisden.
Napalingon ako sa mukha ni Reisden. Nakangiti ito, na kumindat pa sa akin.
Tinarayan ko na lang siya, pero bakit parang may paru-paro sa tiyan ko.
Ano itong nadarama ko? Naamoy ko ang pabango niya. Naakit ako sa amoy niya. Alam niyo 'yung sa commercial ng downy gano'n na gano'n ang reaction ko.
Ang bango-bango niya naman ngayon may kaamoy na pabango. Saan ko ba naamoy 'yun.
Hindi ko na lang siya tiningnan at binaling ko ang aking atensiyon sa daan. Ayaw kong makita niya ang reaksyon ko.
Habang napupuno ang sakay ng jeep ay lalong napapadikit sa akin si Reisden, tumatama na ang balat namin sa braso, na dahilan upang lalong tumibok ang puso ko nang napakabilis.
"Reisden masyado ka nang dikit sa akin. P'wede umusog ka nga" inis na giit ko.
"Paano ako makakausog?" aniya
Nagbuntong-hininga na lang ako at lumingon sa sumunod sa kanya . That's why it was filled immediately, because there are three fat people sitting.
"Kuya sa kanto lang, " sabi ng tomboy na pasahero
Napalakas ang preno ng jeep, dahilan kaya napahawak ako sa legs ni Reisden, na ikanagulat ko.
I shocked!! Napalunok ako bigla. Hindi ko ito expect! MyGhaad!
Kaya agad kong inalis ang kamay ko sa legs niya. Patay-malisya ako na hindi ako humawak sa legs niya.
"Pasimple ka Hayde ah" lokong sambit niya sabay ngisi.
Sumakit naman ang tenga ko sa narinig. Ang feeling talaga nito! Sarap sikuhin!
"Pssh, otot mo! Manong dahan-dahan naman po ang preno!" sigaw ko sa driver
Nakarating na kami sa municipyo. Unang bumaba si Reisden. Nakita kong inilahad niya ang kanyang kamay, para alalayan ako sa labas. Hindi ko siya pinansin, at Inirapan ko lang siya.
Ano ako baldado? Hello, may paa ako! I can walk.
Hindi pa ako nakababa nang may babaeng nagmadaling bumaba, kaya ang ending na-outbalance ako.
Buti nando'n si Reisden, at mabilis niya akong nasalo. Nafeel ko ang biceps niya at matigas na muscle sa chest. I feel his heart pumping same as mine. We are staring at each other.
First time kong makita siya nang malapitan. Nakita ko ang adams apple niya na mala adonis, ang mapulang labi niya at ang mata niyang coffee brown eyes.
Napapakurap ako dahil sa pagkabigla. Natameme na lang ako habang nakatingin sa kanya.
Ang awkward namin na pinagtitinginan kami ng tao.
"Oh Hayd, okay kalang sabi ni papa nang makababa sa jeep
Mabilis naman na binaba ako ni Reisden sa pagkakakarga.
"Salamat," I said softy to Reisden. Ewan, parang nawala bigla ang inis ko sa kanya.
"Wala 'yun." Napakamot naman ito sa ulo na parang nahihiya
"Pero salamat Reisden ha. Buti nasalo mo itong si Hayd, kundi nabagok ang ulo niya" sabi ni papa na hinawakan pa ang ulo ko.
"Saan na ba 'yung babaeng nakabangga sayo, di man lang nagpasorry" inis na saad ni papa
"I'm fine pa. Huwag niyo na pong intindihin," malamabing na sabi ko habang nakatitig lang ang mata ko kay Reisden
"Sige na tara na," aniya
Nauna nang maglakad sa amin si papa. Kaya kami ni Reisden ang nasa likuran
"Hayd, kahit simple lang ang suot mo ngayon ang ganda mo pa rin," malambing niyang ani.
Maporma kasi ako paglumalabas. Naninibago siguro itong si unggoy.
Pero bakit parang kinikilig ako. Kilig na ba ito?
Tumingin lang ako sa kanya at inirapan ko siya.
Nauna na akong lumakad sa kanya.
"Bilisan mo na nga diyan!" maarating sambit ko.
. Pasimple akong ngumiti na hindi niya nakikita.
A/N Ayeah! Wew nasipagan ulit! haha
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro