Chapter 11 - #Standee
Hanggang sa bahay hinatid ako ni Reisden. Medyo pagabi na rin kaya nakabukas na ang mga streetlight sa kanto namin.
"Hayd sige alis na ako" wika ni Reisden na nakapamulsa pa ang dalawang kamay.
"Oo na. Ingat ka din" At sinara ko na ang gate
"2pm sabado!" sigaw niya pa habang lumalakad paalis.
"Oo, sige na umalis kana at baka masaksak ka pa ng mga adik diyan sa kanto!" sigaw ko naman.
Kumaway pa ito at ngumiti sa akin. Tumalikod na ito upang maglakad pauwi.
Hindi ko namalayan na nakangiti na pala ako. Kaya pagkatalikod ko nagulat ako kay mama at papa na kanina pa na nasa likuran ko. Napakaserious face naman nila.
"Ma, pa ginulat niyo naman ako!" I said while holding my chest.
"Hayd, Kayo na ba nun?" sabi ni papa na nakahalukipkip ang kamay
"Eh, hindi pa po! Nanliligaw pa lang diba"
"Bakit nakangiti ka kanina. May gusto ka na kay Reisden?" my mom's butt in
Pumasok na ako sa bahay. Samantalang sina mama ay bumuntot sa akin.
"Anong gusto ma?" Binilang ko ng daliri, kung kalian ang araw na nanligaw si Reisden. Huminto ako upang harapin ulit sina mama at papa na na nakatayo sa pintuan.
"Eh, 1 week pa lang po siya nanliligaw sa akin. Ano ako easy to get. Dalagang pilipina kaya toh yeah" I said while flipping my hair.
"Wala naman ako problema kay Reisden, at mabait naman 'yan at nasa tamang edad ka na rin Hayd" saad ni Papa.
"Pero sana pag naging kayo sabihin mo sa amin ha. Para mabantayan ka namin. Alam mo naman mahal na mahal ka namin" dugtong ni papa. Kaya napayakap naman ako sa kanya
"Pa, opo pa," aniko.
Nakita ko naman na naiingit si mama sa amin
"Pasali din ako sa yakapan niyo," sabi ni mama.
I'm happy that even we are not rich. My parents are always supported at me, because not all parents are like mine.
"Swerte ko talaga sa inyo pa at ma" malambing na sabi ko, na yinakap ko silang dalawa. Then I went to my room to change my clothes.
Napansin ko na nagbeep ang cellphone ko
I look who is texting and I'm not shocked the person who texted.
From: Unggoy
Hayd, good eve. Sana kumain ka na?"
Napasmile naman ako nang mabasa ang message niya at kinilig ng slight.
"Wait, wait may gusto na ba ako sa kanya?"
Tumingin ako sa salamin na nasa pader ng kuwarto ko. Nasa tabi nito ang human size na standee ni Steven, na kinuha ko pa sa Araneta ng nagconcert siya.
"Hayde Joy Talun-an Lopez! Gusto mo ba na ang unggoy na 'yun?" sabi ko sa sarili ko sa harapan ng salamin.
"Ako ba?" sabi ko na nabigla
"Oo tanga" sabi ko ulit sa sarili ko.
Napatigil ako sa pageemote at napakamot ako sa ulo.
"Para naman akong baliw. Bakit ko kinakausap sarili ko!" Lumapit ako sa human size ni Steven
"Pero ang type ko katulad ni Steven!" at yinakap ko ang human size niya
"Bakit kasi ang hirap abutin ng crush ko!" malambing na wika ko, na yakap-yakap ang standee
"Buti sana kung katulad ito ng napapanood ko sa TV, o nababasa ko sa wattpad na magkakagusto ang isang sikat na artista sa isang fan. Kaso hindi 'yan nangyayari sa realidad!" Napapadyak pa ako at hinawakan ko ang mukha ni Steven.
Kumalas ako sa pagyayakap sa standee ni Steven nang bumukas ang pinto
"Ate sumabay ka na daw ng kain sa amin," sabi ni Kyle na nakangiti.
"Bakit ka nakasmile?" I asked him. I'm insulting with his facial expression
Bumungisngis naman ito at tinuro ang standee.
"Imagine pa more ate. Asa pa!" He kept laughing while holding his stomach.
Binato ko siya ng pillow ngunit nakailag naman siya.
"Bhelat! Doling" dinilaan pa ako at tumakbo upang umalis. Dahil doon agad ko siyang hinabol.
Nasa kusina na ako nang mahabol ko si Kyle. Hawak-hawak ko ang isang kamay niya
"Lagot ka sa aking bansot ka! Gigil mo ako!" Papaluin ko na sana siya nang
"Ma, si ate oh" sigaw ni Kyle.
Napatingin ako kay mama na abalang kumukuha ng kanin sa kaldero. Kaya napatigil ako sa paghawak nang makitang lumingon siya at kumunot ang noo.
Nilapag niya ang bandihadong may kanin sa mesa
"Anong ginagawa mo Hayde," sabi ni mama na lumapit sa amin
"S-si Kyle kasi nang-aasar" nabubulol na sabi ko
Nagulat ako nang nagpunta si Kyle sa likod ni mama
"Ma, si ate papaluin ako wala naman akong ginagawa sa kanya." Tumingin naman sa akin si mama
"P-pero ma!" Nakita kong inaasar ako ni Kyle at dumidila habang nasa likod ni mama.
Naiinis na talaga ako hmmp! >_<
"Ayan ma oh nang-aasar!" turo ko kay mama.
Tumingin naman ng mabilis si mama kay Kyle, at umiba na naman ang expression ng mukha nito at pinalitan ito ng maamo at inosenting mukha.
Nanggigil na talaga ako sa bansot na ito. Sarap tirisin mga besh!
Akmang lalapit ako nang pinigilan ako ni mama.
"Hep, hayde. Ay huwag mo ngang patulan si Kyle. Dapat ikaw mas matanda. Dapat ikaw makaintindi!" mahabang saad ni mama.
"Parang hindi naman bata yan mag-isip ma. Unano lang yan!" asar ko naman kay Kyle
"Sige na at umupo na kayo sa lamesa.. Wait lang natin papa niyo bumili lang ng sardinas," aniya
Kaya dinilaan ko na lang si Kyle, at umupo na kami na magkahiwalay ang upuan.
Dumating si papa na may dalang dalawang sardinas.
Linuto lang saglit ito ni mama at masaya na kaming kumakain
Napatigil ako sa pagsubo nang nagsalita ni papa
"Hayd, busy ka ba bukas?"
"Sa Friday pa? Bakit po anong mero'n?"
"May event kasi sa Municipyo bukas. Kailangan ng mga tao na tutulong sa feeding program. Baka gusto mong sumama? Sideline din 'yun."
Sideline? Ay natuwa naman ako. Dagdag ko pa yan sa ipon ko para sa concert ni Steven
"Sige pa, isama ko din po si Ericka puwede?" I said enthusiastically.
" Oo naman .Wala ba kayong klase?"
"Wala po. Nasa travel po mga professor namin" sambit ko
"Ah okay. Sige bukas mga seven dapat nandon na tayo sa municipyo ha. Kasi magpapafeeding program tayo sa isang barangay.
"Sige pa" ngumiti ako at nagpatuloy na kaming kumain.
I'm Excited tomorrow naman. hehe
A/N Kayo gaano kayo ka close sa parents niyo?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro