Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 10 - Itlog

Reisden's POV

"Ah, kasi-" napahinto ako sa pagsasalita nang makita ko si Hayde
na nakikipagtalo sa lalaki.

"Hayd?" 

Kaya mabilis kaming pumunta ni Camille.

"Magkano po ba yan?" Tinuro pa ni Hayde ang tatlong tray ng itlog na nagkalat sa semento. Nakita kong kinuha niya ang pitaka  niya sa shoulder bag na dala.

"300 lahat yan!" inis na sabi ng lalaki

Napakamot agad si Hayde napansin ko na 100 lang ang laman ng pitaka niya.

"P-pwede u-utang muna kuya. Babayaran kita promise,"nabubulol na sambit niya.

 Ano ba kasing ginawa mo Hayde?

"Kuya ito bayad niya" sabi ko sa lalaki at inabot ko ang 300 pesos.

"Next time kasi tumingin ka sa dinadaanan miss!" pabalang na sabi ng lalaki at umalis.

Uminit naman ang ulo ko nang sinigawan niya si Hayde. Kaya aambang hahabulin ko ang lalaki ngunit napigilan ako ni Camille.


"Stop that! Don't put your level in that guy" ani ni Camille na hinala ako pabalik sa dating puwesto .

"Sinigawan si Hayd eh!" inis na sabi ko.

Napabaling ako kay Hayd na nakayuko at nahihiya sa amin. 


"Ano ba kasing ginawa mo at nagkabanggaan kayo? Ang lapad naman ng daan," bati ko sa kanya.

"Pinapagalitan mo ba ako!" inis na sambit niya, na tinarayan ako.

Bakit siya pa ang galit?

"I think I have to go Res. Sige Hayde bye" sabi ni Camille. 


"Ingat ka! Text na lang ako sayo mamaya," huling sabi ko kay Camille. 

Napalingon ako kay Hayd, na ginaya ang salita ko, at agad na napatakip sa bibig ng mahuli ko. 

Natawa naman ako sa inasta niya. Ang cute  pa rin niya  kahit nang-aasar.


"Okay ka lang?'nakangiting sambit ko.


"Babayaran ko 'yun ha. Ilista mo lang wala pa akong pera," seryosong sabi ni Hayd na tumalikod at nagsimulang maglakad. 

Bakit na naman siya magwawalk-out?

Kaya mabilis  ko siyang hinawakan sa kamay.


"Bakit ka aalis? Galit ka ba sa akin?" Nakita kong umiwas siya ng tingin sa akin.

 Ano kayang kasalan ko kay Hayd. Tinulungan na nga siya kanina. Ako pa ata ang may mali.

 
"HINDI! Sige na aalis na ako!" agad niyang tinapik ang pagkakahawak ng kamay ko. 


"Sabay na tayong umuwi?" aniko, ngunit hindi niya ako pinansin at patuloy pa rin sa paglalakad. 


Napasinghap naman ako at napaiing. 

"Alam ko na."

 Pumunta ako agad sa tindahan at bumili ng banana cue 

.

.
Hayde's POV 


" I hate it ang tanga-tanga ko talaga."

Pinupunasan ko pa ang white blouse ko ng tissue  dahil sa mantsa. 

"Namantsahan tuloy ang blouse ko na white. Hirap na naman labhan nito, tssk!

 Habang patuloy ko na linilinis ang mantsa sa damit. Napatigil ako sa paglalakad ng tumakbo si Reisden, sa harapan at hinarangan ang dinadaanan ko.


"Puwede Reisden huwag ngayon! Badtrip ako!" Nakakabadtrip kaya nagmukha akong tanga sa harapan nila. 

Kaya nga tinarayan ko siya at gumawi ako sa kaliwang direksiyon para magpatuloy maglakad. 


May sinasabi si Reisden, hindi ko siya pinapansin at ginagaya ko lang ang bawat salita niya.


"Hoy,  hintayin mo naman ako. Nagbili pa naman ako ng paborito mong banana cue," sigaw niya sa likuran ko. 


Parang lumaki ang kanang tenga ko sa narinig

Tama ba ang narinig ko BANANA CUE!!


Kaya napatigil ako sa paglakad at napabalik ako sa puwesto niya. 


Well, well gutom talaga ako sabayan pa ng pagbagsak ko kanina sa exam. Tama na nga pagiging emotera ko.


"Akin na." inilahad ko ang aking kamay sa kanya. 

Mabilis niyang binigay ang paper bag ng banana cue. Kumuha din ito ng isa. 

So we are walking in the sidewalk while eating a banana cue. 


"Alam mo ang cute mo Hayd, pagna-iinis ka," malambing na ani ni Residen.

 Kaya muntik na ako mabulunan, pasalamat ako na nalunok ko ang nginuyang saging. 

Bumanat pa kasi hindi ako ready. Umubo lang ako nang bahagya at nagpatuloy ako sa pagkain. 

When I looked at him, hindi pa niya ginagalaw ang banana cue, samantalang ako isa na lang na saging sa stick ang natitira. Hindi naman obvious gutom ako.


"Dahan-dahan lang kasi para naman Kasing gutom na gutom ka. Let'a enjoy our walking," aniya 

OMG! Napanguya tuloy ako nang dahan-dahan.


"Tsk.." inirapan ko siya bilang palusot at hindi ko siya pinansin. Sa hindi inaasahan, nahulog ang natitirang kapirasong banana ko. 

"Sayang nahulog," I said miserably. Napapadyak pa ako sa paa. Naman eh. Gutom pa ako eh.

"Oh.

Napatingin ako sa banana cue na inabot ni Reisden. Nakapamulsa pa ang isang kaliwang kamay nito.

"Bakit mo naman binibigay yan. sayo yan eh." Sabay irap ko sa kanya


"Binibigay ko na sa'yo pati itong puso ko," aniya

Napatingin ako kay Reisden at parang nagliwang ang paligid nang makita ko siya. WTH! Kumurap agad ako at naging normal ulit ang paningin ko nang makita siya.


"Ayaw ko nga!" maarting sambit ko

Palusot ko lang 'yon syempre pag tinaggap ko 'yon baka sabihin niya na matakaw ako. Smart 'to uy. 

Napatigil ako nang lakad, nang huminto ito at nagsalita. .

.

.

"Itapon ko na lang ito sayang naman.

.

.Lumaki naman ang mata ko


"OMG! Akin na nga sayang!" 

Mabilis kong kinuha ang banana cue. Pasimpling ngumiti ako  nang mahawakan ko na ito. 

Ewan, basta kapag kumakain ako ng banana nawawala stressed ko. Kaya favorite ko 'to since bata pa ako. 


"Hayd, sana sa Saturday free ka. Labas sana tayo?"  seryosong ani ni Reisden


"Saturday? Wala ba akong gagawin sa sabado?" nag-isip ako. 

Napansin kong  hinawakan ni Reisden ang kamay ko.

"Please," sabi niya nakikiusap at nagpuppy eyes pa ito

Agad ko naman tinanggal ang pagkakahawak niya. 

Pagbigyan ko na nga lang ito kawawa naman. Total wala naman akong gagawin sa Saturday. 


"Oo na basta huwag naman umaga ha. Mga hapon naman at late ako gumising pag Saturday kasi nanonood ako ng music video ni Steven. 


"Okay. Ano what time gusto mo Hayd," he said energetically 


"Mga two pm sunduin mo ako sa bahay," I said while eating the banana


"Okay." Sa sobrang ngiti pa nito nawawala pa ang mata. Ang puti talaga ng ngipin. Nagliwanag na naman ang paligid . 

Ano ba yan. Bakit may pa gano'n.

A/N Ayeah! ending na ba natin ito?  Hahaha. Joke lang comment naman kayo mga people. 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro