Chapter 9
Day 2 with him. Nakakaloka na talaga! Di ko na kaya tong bakulaw na to. This is insane! But i have to do it kaysa naman gagawin ko yung Dare na yun. Hmp no way
"Hoy Christopher. Mauuna na ko ang bagal mo kasi ee. Ayoko malate sa school" sabi ko
Paano kasi puro nalang relax relax siya. Ginawa na niya ako yaya dito sa unit, sino ba di maiinis dun? Eh kung siya kaya dito sa pwesto ko. Maiinis din naman yun tamad tamad ee. Bubuksan ko na sana yung pinto
"Kyaaaahhhhhhh!!! Ahhhhhh!! Hoy PANGET! Ibaba mo nga ko! Christopher Ford! I said put me down this instant!!" Sigaw ko sakanya. Binaba niya ako sa couch at ako naman tinitingnan ko siya ng masama kasi naman bubuhatin na nga lang nakabaliktad pa. He carried me upside down.
"Sabay tayo papasok. Kaya maghintay ka diyan, wag ka aalis diyan. Malalagot ka talaga saakin kapag di mo ginawa yan pinapagawa ko sayo" sabi niya saakin
Excuse me? Is he my Master para naman hintayin ko pa. Sobra naman yata yun! Tumayo ako pero tinulak niya ako paupo
"Ano ba?! Ano nanaman gusto mo? Hindi! Hindi ko gagawin yan. Christopher grow up naman. Kaya mo na yan ang laki laki mo na. Hindi mo ko Yaya!" Sabi ko sakanya at sinamaan ko siya ng tingin
Binigyan naman niya ako ng nakakatakot na tingin. Kaya napatahimik na lang ako kasi wala ako laban dito. Bakit ang mga lalake ngayon ang taas taas ng pride tapos feel na feel ang kagwapuhan. Oo gwapo nga pero nakakainis ang ugali. bakit ba ganon? Kasi naman tong Dare! Ako pa at si Christopher ang pinagsama. Pwede naman si Michael o kaya si Ivan. Humanda ka sakin Lois nako pag nakita ko yang babae na wala tigil sa paglalandi kay dj at puro PAGIBIG ang inaatupag. Bato ko sakanya pinakamakapal ko Dictionary para matuto naman.
"Bawal mag daydreaming halika na bagal amp" sabi niya
Ako pa talaga mabagal? Eh kita na ngang 8:30 na! Pano ang bagal gumising at ang bagal kumilos. Ako nagising ako ng 5am tapos siya 8 na?! Sayang effort jusko lang kairita.
" ako pa ang mabagal" mahina kong sabi
"Ssssh ang dami mo satsat. Tumahimik ka na lang" sabi niya
Konti na lang! Di ko na talaga to matiis tong lalake. Nakakainis talaga arghh grabe siya. Pag ako napuno na talaga mg galit makakatikim siya ng kutsilyo.
Lumabas na kami ng condo at dumeretsyo na kami sa kotse niya napakayabang mamahaling kotse. Parang sasakyan ni batman. Napatulala ako sa ganda ng kotse niya. Ang ganda grabe Car goals siya huwow.
" Masyado pa maganda? Heh, inggit ka lang" sabi niya at nakatingin siya saakin sabay suot ng shades niya. Kala mo naman kagwapo gwapo kapag nakashades tsk. Nagmake face na lang ako sakanya at sumakay sa passenger seat ng kotse niya. Sumakay na rin siya at pinaandar yung kotse niya. Tahimik lang ako at nakatingin lang sa bintana. Siya naman nagdridrive at nagpatugtog ng radyo at ang lakas lakas ng volume. Bingi ba to? Masasabog na eardrums ko sa sobrang lakas. Tiningnan ko siya nageenjoy sa kanta at feel na feel pa amg pagkanta. Nainis ako kasi ang feeler amp! Bigla ko na lang pinatay ang radyo dahilan kung bakit siya napatingin saakin.
"Bakit mo pinatay?" Sabi niya saakin na may halong inis na tono sa kanyang pagkakasabi
Nanliitan ko siya ng mata at tinaasan ko siya ng kilay.
"Eh ang ingay ingay mo magpatugtog. Bingi ka ba ha? Sasabog na to eardrums ko sa lakas lakas ng volume. Rock pa pinili mo! Dudugo na tong tenga ko." Sabi ko sakanya. He just smirked at me. Nakakainis na talaga arghh sarap patayin
"I don't care. This is my car not yours." Sabi niya at in-on ulit yung radyo.
"Arghhhhhhh! Oh come on!" Sigaw ko sabay tinakpan ang tenga ko. Nakakains ang lakas at siya naman nag eenjoy tas nagheheadbang.
After 15 minutes nandito na kami sa school. Una siya bumaba at sunod ako.
"Finally!" Sabi ko sa sarili ko haaay school! I love school. Maglalakad na sana ako nang laking gulat ko hinawakan niya kamay ko. Nanlake ang mata ko at tinitigan ko siya sa mata. Agad ko binitawan ang kamay ko kasi baka may makakita saamin.
" what the hell is that?!" Sabi ko sakanya. Binaba niya ang shades niya at tinitigana ko sa mata. Damn those eyes are soo mesmerizing.
" Come on Chandria, you have to play with me. Wag ka kj makiride ka na lang" sabi niya saakin na seryoso.
Tinarayan ko siya. Play with me? Ano ako laruan?
" I DON'T WANT!" Sabi ko at mabilis na naglakad hangang sa nakapasok na ko sa loob ng school mismo. I mean classroom.
"LOIS!!" sigaw ko sa classroom. Nagulat sila lahat saakin at agad agad lumapit saakin si Lois. Ngayon ko lang narealize na wala pa ang prof
"Oh bakit?" Sabi niya with her sweet little tone.
Galit lng ang binibigay ko na titeg sakanya.
"Change the stupid DARE! I can't do this with Christopher arghh!" Sabi ko sakanya pero siya nakangiti parin saakin.
" Deal is a Deal. I can't change that sweety cousin. So cute" sabi niya saakin at nakangiti pa rin. Nakakainis na yung ngiti niya ahh. Bigla pumasok si Christopher kaya umupo na lang ako sa may bintana at nakatingin lang dun. Nakakainis kasi dapat kasi di na ko pumayag sa dare na yun! Christopher pa?! Arghh. Kinuha ko yung libro ko at nagbasa na lang.
" GOOD MORNING GUYS" Sabi ni Christopher. Tiningnan ko sila magbabarkada. Feeler ni Ford!
"Chand. I feel you so much. Si Michael ang ingay ingay makasama. Kahit kapag matutulog ang lakas ng hilik kaya nakikita mo tong eyebags. Di na ko nakatulog sa ingay niya grabe. Kanta ng kanta, every second, every minute, every hour. Di ko kaya!" Sabi ni Ela. Natawa na lang ako sa sinabi niya kasi sinasabi ko na nga ba na di kakayanin ni Ela itong si Michael.
"Eh pano pa ko? Sa lalakeng na yan. Nakakainis sobra!" Sabi ko sakanya.
"Ahh eh an-"
Napatigil si Ela dahil pumasok na ang prof namin. May kasama siya 3 new students. Nanlake ang mata kasi si Eljay nandito? Nag transfer siya? Dito siya lumipat? Omygossh dream come true. Yung isa lalake ay grabe ang gwapo omygossh crush ko na agad!! Yung isa babae sobrang ganda at sexy niya tignan. Ang iksi iksi ng palda tapos naka crop top pa. Tumingin ako kay Christopher at nakatiteg lang siya sa babae na yun. Ako naman titeg na titeg ako sa lalake napakagwapo. Naka white polo siya with brown pants. Sa outfit pa lang niya makikita mo na good boy siya. Wow! Ang gwapo talaga at ang linis tingnan.
"Class i like you to meet our new students. This is Chloe and Zac and Eljay so be nice to them. Chloe, Zac, Eljay find your seat now. Okay Class bring out your notebooks and copy this" sabi ng Prof. Nagsimula na siya magsulat sa whiteboard kaya naman kinuha ko na yung notebook ko. Tumingin ako kay Eljay at nakita niya ako. Pero tumabi siya kay dj sa kabilang side ni dj kasi syempre katabi ni dj si lois.
" uhmm excuse me miss, is this seat taken?"
Napatingin ako sakanya and oh my gosh its him its really him. Its ZAC! Makakatabi ko ai Zac! Omygosh. Bigla bumilis tibok ng puso ko at nakatingin lang sakanya. Ngayon lang ako nakaramdam ng ganito kilig at kasaya.
"No" sabi ko at ngiti ngiti sakanya kaya naman umupo na siya sa tabi ko. May naririnig ako napaka arte na tawa na yun at pabebe. Tumingin ako sa likod ko at si Chloe at Christopher ang magkatabi. Hay nako may bago nanaman lalandiin tong lalake na to. I just rolled my eyes at nagsimula na magsulat pero nanginginig ako kasi katabi ko si Zac. Di ako makapagsulat ng maayos kasi nakatingin lang siya saakin at pinagmamasdan ako. At ako naman konware di ko nakikita na nakatingin siya saakin. Hangang sa kinuha na niya notebook niya at nagsulat na din.
Totoo ba to? Si Eljay nandito? Di ako makapaniwala! Nandito siya at sa section ko pa natapat. Tapos si Zac di ko ineexpect na may gwapo pa pala na mabait ang ugali. Di katulad kay Christopher. Talaga naman yung section namin dito natatapat ang magaganda at gwapo. Well expect me Nerd. Alam ko na maganda ako pero tingin nila saakin panget kaya panget ako.
Nag bell na kaya ang bilis nanaman ulit umalis ang mga students. Ako naman nagliligpit pa ng gamit at si Zac din. Nahulog yung isa kong notebook pupulutin ko na sana pero siya na ang nagpulot.
"Oh Miss Patricia or Chandria?" Sabi niya kaya kinuha ko na agad yung notebook ko kasi nalaman na niya name ko.
"Chandria na lang" sabi ko sakanya sabay ngiti. Ngumiti din siya saakin kaya na awkwardan ako at naglakad nako at sumunod naman siya papalabas ng classroom.
"Uhmm kaano ano mo si Chloe?" Sabi ko sakanya at tinitigan ko siya
"Kapatid ko siya. Panganay ako at siya naman bunso kaya medyo makulit lang. Dalawa lang kami magkapatid" sabi niya at ako naman nag nod na lang.
"Ikaw? May kapatid ka ba?" Tanong niya saakin
"Yup meron. 4 kami magkakapatid puro babae. Ako yung pangalawa" sabi ko sakanya sabay ngiti.
Nang makarating na kami sa canteen. Si eljay nakaupo sa may lamesa namin pati si chloe na akala mo naman boyfriend na niya si Christopher kung makapag dikit lang sakanya. Si Eljay naman tahimik n
At nakikipagusap kay Lois. Umupo na ko sa tabi ni Ela tapos si Zac umupo sa tabi ni Ivan.
" we have a new groupmates. Eljay, Chloe and Zac" sabi ni Lois.
Seriously? Agad agad?! Kasali na agad sa barkada?! Ano to? No. Ayoko nga makasama si Chloe, may maarte nanaman na nasa group eh.
"Zac, if its okay with you? Barkada na?" Sabi ni Lois.
Tumingin siya saakin bago makasagot
"Okay lang." Sabi niya at sabay ngiti tapos tumingin siya saakin at ningitian ako. Omyghaaaad nakakakilig! What's with the smile? Don't tell me na asssythh feeler ko naman kung ganon. Tumingin naman ako kay Eljay at nahuli ko siya nakatingin din saakin which makes me blush. DREAM COME TRUE.
----------
Ano na mangyayare? Bakit pati si Eljay ay lumipat na mg school? Bakit si Zac ay napakabait kay Chandria? Ito na ba ang Tadhana ni Chandria? Abangan sa susunod na kabanata.
P.S: LMAO hahahahha
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro