Chapter 6
Parang nakakahinayang na tuloy lumabas, nakakahiya na pinagchichismisan ako kapag nakikita nila ako. Nakakahiya na rin na lumapit pa ako kay Christopher baka sabihin malandi ako o maharot.
Ayaw na ayaw ko na may nangaasar saakin, may nagbibiro na hindi naman maganda ang biro, ayoko na ako yung pinaguusapan nila, ayoko na inaasar nila ako kay Christopher dahil hindi naman talaga totoo ang lahat. Wala ako gusto sakanya, di ko siya gusto, ayaw ko siya basta ayoko pa ayokong ayoko pa mainlove.
Kaya tingnan mo, kahit wala naman talaga kami ni Christopher ay ito na kinalabasan parang totoo naman ang dali naman kasi nila maniwala eh. Tapos makahusga naman sila parang walang mga puso parang di tao eh. Ewan ko di ko na alam kung ano gagawin ko ayoko na magpakita ng emotion pa.
"Michael kasi ee" sabi ko sa sarili ko
Gusto ko umiyak pero bakit naman ako iiyak? Di naman kailangan pagiyakan. Come on Patricia Chandria B. Manuel kaya mo yan.
May pumasok sa Cr kaya nanahimik ako dito sa loob ng cubicle
"Ay Narining mo ba yung balita? Si Christopher and Patricia sila na? Grabe ang bilis naman" sabi ng isang babae
Nako ito na nga sinasabi ko, ito na live na live ko naririnig ang mga sinasabi nila at natatakot ako baka ano pa ang sabihin nila saakin.
"Sa gwapo ni Christopher? Nagustuhan niya ang panget na Patricia na yan?! Hello mas maganda kaya ako kay Patricia edi sana dapat kami na ni Christopher ayiee" sabi ng isa pa babae
Panget?! Ako? Grabe naman yata yun. Pero bahala na kung mag judge sila na mag judge sila saakin
"Eh bakit ba kasi nagustuhan iyan Christopher si Patricia? Sa karami ramimg babae dito. bakit siya pa? yung bookworm? Ako nga eh mas deserving pa kay Christopher" sabi ng isa pa ulit na babae
Napapikit ako sa mga sinasabi nila kasi parang di ko kayang lunukin yung mga pinagsasabi nila. Oo alam ko di naman totoo pero bakit ganon? May konti ako nararamdaman na kurot sa puso ko. Hindi namab talaga totoo na kami "daw" ni Christopher pero bakit naapektuhan ako sa mga sinasabi nila? O kaya siguro di ko talaga kaya na marining yung pag ja-judge nila saakin.
"Malay ko ba at tiyaka bakit pa tayo naniniwala sa sinabi ni Lois eh wala naman confirmation kay Patricia at Christopher. Malay niyo gawa gawa lang at malay niyo di naman talaga totoo so let's hope for the best na lang kaya" sabi ulit ng isa pa babae
Buti pa to di naniniwala sa sinabi ni Lois kanina haha yes may karamay ako di joke lang.
Napatahimik sila sa sinabi ng babae pero maya maya tumawa sila na nakakainis na tawa yung pabebe kung makatawa. Ang arte
"Hahaha! Totoo yun! Di mo lang kasi tangap haha lika na nga late na tayo sa klase" sabi ng isa babae at umalis na sila lahat.
Tiyaka na ko lumabas at dumeretsyo sa sink para makapaghugas ng kamay. Pagkatapos ko maghugas ng kamay ay napatingin ako sa salamin at nakita ko reflection ko sa salamin
Huminga ako ng malalim
"Kaya ko To, Patricia kaya mo to" sabi ko
Handa na ba talaga ako lumabas sa cr at marinig yung mga judge nila saakin? O kaya nakikita ko sila pinagchichismisan nila ako. Parang gusto ko na lang talaga umiyak sa kakahiyan na. Kasi ano naman talaga ang laban ko kay Christopher? Ang gwapo niya, pinag aagawan siya, maraming may gusto sakanya, hearthrob siya, marami nagmamahal sakanya, ang dami naaakit sakanya sa kagwapuhan niya at may abs pa siya. Samantalang ako Nerd, bookworm, di naman kagandahan, wala alam sa mga kikay kikay, hindi sexy, may salamin pa ako kasi malabo mata ko, lagi pa nakatale yung buhok ko. Alam mo yun na maraming babae dito na nakalugay parati at ma wavy at bouncy yung hair at may kulay pa in other words Buhay na buhay tingnan ang buhok nila. Eh ako? Haayst wala ako laban.
Huminga ulit ako ng malalim bago lumabas sa cr. Pagkalabas ko sa cr
may napatingin saakin at nagmamadali sila umalis at lumayo saakin, yung iba pinagchichismisan at pinagtitinginan ako na masama, yung iba naman nakatayo lang sa may locker at nakacross arms sila at nakatingin na masama saakin.
Hindi ko kaya sila tingnan pa kasi para saakin kapag tinitigan ko pa sila eh baka lalo pa magchismiss yan. Nakita ko si Christopher nakatayo sa harap ng locker niya at masayang nagkwekwentuhan sa mga kaibigan niya lalake.
Kitang kita ko dito yung ngiti niya, masaya siya, yung magulong buhok niya, yung mga titeg niya sa mga kaibigan niya ay mukhang siya masaya yung parang wala siya alam sa nangyayare dito yung issue, kung makangiti parang wala siya doom kanina sa Cafeteria at pinagiiyakan at pinagchichismisan siya ng mga babae dahil nga sa balita.
Kaya biglang nanliit ang mata ko sakanya at nakatingin lang sakanya. "Don't act like you are an innocent here Mr. Ford Padilla"
"Patricia!!" Sigaw ni Lois sa likod ko kaya napatalon ako ng konti at nilingonan siya
Nako isa pa to. Dagdag pa kaya ayan tingnan mo marami tuloy napatingin saakin kasi tinawag ako ni Lois. Sinamaan ko siya ng tingin pero parang wala lang sakanya ito. Lumapit siya saakin at hingal na hingal siya kakatakbo.
"Ano kailangan mo?" Sabi ko
"Wait wait. Okayy.. Patricia I'm sorry sa ginawa ko kanina. Sorry nabigla kasi ako at al--"
"Hindi, okay lang. Tapos na at nangyare na kaya OKAY lang" sabi ko in sarcastic way
Kaya napakunot yung noo niya sa sinabi ko. Eh paano kasi isisigaw sigaw niya yun kung makasigaw parang naman totoo eh di nga niya ako hinintay na magsalita para sabihin kung totoo ba o hindi.
"hmm Pat naman. Sorry na Sorry na Sornaa kasi Sorry" sabi niya at umiyak siya sa harapan ko kaya napahiya ako lalo kasi marami na talaga napapatingin saamin.
"L-Lois C-Cou--
" Patricia!! Sorry na kasi huhuhu Sorry na patawarin mo ko please sorry na hindi na mauulit." Lumuhod siya sa harapan ko
Itong babaeng to di na nahiya. Pinagtitingnan na kami ng mga tao dahil itong pinsan ko my ghad She's making a scene. Oh ghaad why?!
Napalingon ako kay Christopher at naka taas kilay siya tinitigan ako.
"L-Lois, okay okay na Apology accepted just Freaking please stand up kasi pinapahiya mo ko dito sa ginagawa mo Please lang" sabi ko sakanya at dali dali siya tumayo at niyakap ako na mahigpit na mahigpit
Oh i Can't breathe...
"Omygosh Patricia Thank you! Love you Cousin! Mwuah" sabi niya at hinalikan niya pisngi ko.
Nagring na yung bell kaya agad agad niya ako hinila sa next class namin. Sinusundan pa rin ako ng tingin ng mga tao kaya napapayuko ako. Pagkarating sa room ay marami napatingin saamin ni Lois. Umupo na lang ako sa upuan at di na lang sila pinansin
"Okay na Guys nag sorry na ko. Kasi naman tong si Michael di naman sinabi clearly" sabi ni Lois at umupo sa tabi ni dj
Napatingin ako kay Michael
"Nakooo Michael lagot ka talaga saakin" sabi ko sakanya
Kaya nakikita ko sa mata niya na takot na takot na siya kung ano man ang pwedeng mangyare.
"P-P-Patricia W-wag naman m-manakot" sabi ni Michael
Tumawa na lang ako sakanya. Di ko alam kung bakit nagawa ko pang tumawa sa lagay na yun.
"hahahah THRILLER!" sabi ko kasi may kanta ng ganyan si Mj
Kaya di na niya ako tiningnan pa.
"Ui Patricia. Sorry din ah kasi mabilis kami mapaniwala sa sinabi ni Michael" sabi ni Zoey
Tinitigan ko sila isa isa
"Kasi naman to si Michael eh. Sarap kurutin ng Ribs nito ee. Eh kung hilain ko yan lungs mo diyan ee" sabi ni Ela kaya mas lalo kinakabahan si Michael
"Guys wag ganyan kay Michael. Nagkamali lang siya" sabi ko
Oo nga nagkamali nga siya pero wag naman natin takutin sa takot nito baka mamaya mag commit suicide si Michael eh edi kasalanan pa namin.
Ningitiaan ko na lang si Michael kaya napangiti siya ng konti.
"Basta Pat. Sorry talaga" sabi ni Dj at napatango si Ivan ibig sabihin nun sangayon siya sakanila.
Ngumiti ako sakanila. Kahit tuksihin man nila ako, kahit Ipahiya nila ako sa ibang tao. Mahal na mahal ko pa rin mga barkada ko at di ko kayang talikuran at iwanan.
"Okay lang guys basta next time ah wag na uulitin" sabi ko
Ang tagal pumasok ng Prof namin hmm siguro absent. pumasok si Christopher sa room kaya lahat nakatingin sakanya pero ako lang ang tiningnan niya at nag smirk lang siya. Pero lumipat yung tingin niya kay Michael at ang sama ng tingin niya kay Michael.
Lumapit siya kay Michael kaya napatayo ako sa pagkalapit niya baka ano ang gawin niya.
"Bakit mo yun sinabi?!" Sabi niya
"B-Bro, sorry kala ko kasi hin-
"Hinalikan ko si Patricia?! Fuck? Bakit ko siya hahalikan?" Sigaw niya
Napalunok ako sa sinabi niya grabe harap harapan niya sinabi yun. Yung pagkasabi parang wala ako sa tabi niya ah
"Bro! Relax lang nagkamali lang yung tao" sabi ni Ivan
"Eh Lintik eh! Gusto mo ba siraan ang pagkatao ko?!" Sabi niya kay Michael
Napakunot ang noo ko sa sinabi. Jusko! Yun lang ba ang ni woworry niya? Ang mabawasan yung mga fans niya? Ang mabawasan yung mga naaakit sakanya? Yun lang ang inintindi niya? Ang Popular naman niya ah kaya di naman talaga agad agad mababawasan ang Bwisit ng mga fans niyang babae.
"Christopher! Tama na yan" sigaw ni Dj
"Sorry Christopher. Sorry sorry talaga" sabi ni Michael
"Sa susunod na gagaw--
"Tama na nga sabi eh! Nag sorry na yung tao! At tiyaka kung iniintindi mo ang mabawasan yan pagkapopular mo dito sa school or yung mabawasan ang mga fans mong babae. Wag mo naman sana masyado ipatama na si Michael ang may kasalanan. Nagkamali lang siya! Akala mo ba ikaw lang ang nahihiya? Ako rin kaya! Kaya di lang ikaw ang may galit diyan sa puso mo. Tinangap ko ang sorry ni Michael kasi kaibigan ko siya. At kung kaibigan mo si Michael wag mo naman sana ibuhos ang lahat ng galit mo diyan sa puso mo. Matuto ka din tumangap ng tawad sa mga tao!" Sabi ko kay Christopher
Napatahimik ang lahat sa sinabi ko at tinitigan lang niya ako. Pero ako na mismo ang umiwas ng tingin at napaupo na lang at di na sila pinansin pa.
Oo may galit ako pero marunong din ako tumangap ng tawad. Hindi naman ako buong buo may galit eh. Syempre may tinitira pa ako kahit na sobra na ko nahihiya sa nangyayare dito.
Sa ngayon naman nawoworry na lang ako kung paano mababawi ni Lois ang mga sinabi niya. Paano na ito?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro