Chapter 16
CHANDRIA'S POV
Hangang ngayon iniisip ko pa rin ung sinabi saakin ni Christopher. He likes me? Totoo ba gusto niya ako? O dahil lasing lang siya kaya napasabi niya un? Kasi sa napapanood ko sa movies or teleserye ganon nangyayare. Pagkalabas ko ng kwarto nakita ko si Christopher sa labas nakahiga sa sofa. Oh ano problema sakanya? Umiling iling na lang ako at pinabayaan ko siya dun. Naghanda lang ako ng breakfast at nagsimula kumain.
Nagtataka ako bakit napapunta sa sofa si Christopher? Eh sa pagkakatanda ko sinamahan ko un sa kwarto para makapagpahinga sa kama niya. Pano napunta dito? Sleep walking? Pagkatapos ko kumain inayos ko na sarili ko, naligo, nagtoothbrush, nagbihis, nagmakeup at tapos. Kay ganda ko nga naman na. Paglabas ko ng kwarto nandun pa rin si Christopher sa sofa sarap ng tulog napakahimbing. Ang gwapo gwapo niya pagnatutulog siya. Mukha siyang mabait at matino.
*FLASHBACK*
"sssh Lois. Ingay naman!" sabi ko paano kasi ang ingay ingay tulog na nga mga tao dito.
"Ingay mo to! Wag ka nga! Epal ka talaga eh. Ipapasa ko to sa facebook!" sabi niya na baliw nanaman ang pinsan ko dahil ang dami nainom. Nakiuso na rin sa trending ngayon ung Nung ako'y bata pa ba yun? Ay este wala ako alam diyan.
Paano pa naging Pajama Party to? Baka naman Club party to na nakapajama kami. Come to think of that. Kasi naman halos lasing lahat nandito. Ako lang ata hindi. Ay si Zac pala hindi siya masyado nakainom kasi gusto daw niya ako samahan. Whoo! Pakiramdam ko talaga nagugustuhan na niya ako. Eh obvious naman Chandy.
"CHANDRIA!!" sigaw ng Boss kong Halimaw. Its Christopher.
"what?" sabi ko, eh halos magkatabi lang kamk sisigaw pa siya. Istorbo naman siya sa paguusap namin ni Zac. Nadroodrool na ko sa kagwapuhan ni Zac ang gwapo gwapo talaga niya. Kailan kaya siya magiging akin? Ano na ba to naiisip ko? Baliw na talaga ako kay Zac.
"take me to my room" sabi ni Christopher. Nainis naman ako bigla, sino naman di maiinis? Tamad tamad. Ginawa na akong personal yaya ni Christopher. Istorbo eh.
"may paa ka, nakakalakad ka. Kaya mo na yan" sabi ko sakanya. At binalik ko attention ko kay Zac.
"so my question is... Uhm" sabi ni Zac. Bumibilis tibok ng puso ko sa bawat binibitawan na salita ni Zac. Feeling ko tama ang hinala ko. May gusto siya saakin na tatanongin na niya ako. Hindi mapakale puso ko sa sobrang bilis nito. Nakatiteg lang ako sakanya.
"w-what i-is it?" nauutal ko naman sabi. Nakangiti nakatiteg din si Zac saakin. His scratching his back of hia head.
"uhmmm. C-Can y-you be m-my uhmm A--"
"CHANDRIA!! MALALAGOT KA SAAKIN!!" biglang sigaw ni Christopher kaya bigla napaseryoso ung mukha ko at nainis.
"ah sige. A-asikasuhin mo na lang muna si Christopher. M-matutulog na ko. Bukas na lang ulit" sabi ni Zac saakin at tumayo na siya pumunta sa guest room ni Lois. Bigla ako na dissapointed dahil di niya natuloy sinabi niya at tiyaka sa bigla niya oag alis. Naman eh! Nakakainis namn kasi tong si Christopher.
I sighed at binuhat na si Christopher paakbay. Ang bigat at ang baho niya. Nakakadiri naman. Pumunta ako sa elevator para makapunta sa floor ng room namin. Nang makarating kami dun nilapag ko siya sa sofa. Sa sofa lang nakaya ko ang bigat kaya. Nakakapagod. Paalis na sana ako kaso bigla niya hinawakan kamay ko at hinila ako sa kanya. Now I'm on top of him.
Eeeww. Ang baho baho talaga. Yuck. Ano nanaman ba balak nito? Pilit ko makawala sa yakap niya kaso ang higpit ng yakap niya. Kadiri naman eh yuck. Ang tigas kasi ng katawan niya no no.
"Christopher let me go! Ano ba?! Pagod na ko! Maawa ka naman." sabi ko.
"no babe" sabi niya. Ano pababe babe nita diyan?! Nakakasuka naman.
"yuck babe mo to! Bahala ka na diyan!" sabi ko.
"i like you Chandria" mahinang sabi niya. Napatigil ako at tinitigan siya kahit nakapikit siya. Ano daw? He likes me? Bigla bumilis ang tibok ng puso ko. Totoo ba narinig ko? He likes me? Mabilis ako pumunta sa room at napahiga sa kama. He likes me?!
*End of Flashback*
Ahh ok. Kaya pala nasa sofa siya. Nakalimutan ko naman un. Pagkatapos ng lahat. Ready na ko for school dahil nagpost ung Page ng school namin na pumasok na daw kami ngayon. Kaya eto ready for school na ulit. Ganda ganda ko na talaga. Kahit ako nafafall na ko sa sarili ko haha char. Hinayaan ko lang si Christopher tulog pa rin sa sofa.
Wala ako pakeelam sa halimaw na un. Bahala siya dun! Che! Kainis. Pagkalabas ko ng Condo nakita ko ung Familiar na kotse sa tapat ko. Tinitigan ko talaga maigi hangang sa may lumabas na. Biglang bumilis ung tibok ng puso ko. Si Zac kasi eh.
"ZAC!! I MISS YOU! Ooops Ay este. h-hi Zac. Naparito ka?" nahihiya kong sabi. Gosh Chandria! Bakit mo nasabe ung i miss you? Mapapahalataan ka niyan eh. Nakakahiya! Nakakahiya. Ano ba to? Binigyan ako ni Zac ng kaniyang napakatamis na ngiti na napangiti din ako sobra. sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Ang init sa paligid ko. Waah parang ako mahihimatay.
"Hi C-Chand. Uhm Hahatid sana kita. Okay lang ba?" sabi niya sabay kamot sa batok. Nahihiya din ba siya saakin? Hala bes ano to? Haluh haluh. Narinig niyo un? Hahatid daw niya ako puntang school. Anak ng ano naman kinikilig ako. Sheeemiii!!
"Ha?! I uhmm okay lang ba sayo? Ano k-kasi nakakahiya." sabi ko naman at umiwas ng tingin.
"D-DON'T BE! Ay este. Ako lang naman ito wag ka mahiya. So ano?" sabi naman niya
Napangiti ako sakanya pero nakakahiya pa rin. Zac kasi kung alam mo lang na gustong gusto kita. Syempre nakakahiya.
"okay okay. Game" sabi ko naman. Dahan dahan ako lumapit sakanya at sa kotse niya. Binuksan niya ung pintuan para makapasok ako sa kotse niya. Bigla ako namula sa ginawa niya yun. Dali dali naman siya pumunta sa kabilang side sa driver seat para magdrive na siya.
I can't believe this, kasama ko ulit siya ngayon! Do you think na may chance na maging kami? Kasi tingnan niyo naman. Bakit niya to ginagawa saakin. Shems shems shems di mapakale brain at heart ko sama mo na cells init na init ako dahil sobrang nahihiya ako na katabi ko siya. Kahit malakas ang aircon ng kotse niya. Pinagpapawisan pa rin ako.
"Are you okay Chand?" tanong niya saakin habang nagdadrive siya. Napatingin ako sakanya at napalake ang mata ko dahil nakakahiya pa rin.
"Oo naman. B-bakit?" sabi ko naman sakanya sabay tingin sa window niya. Nahihiya ako makipag eye to eye contact.
Kabadong kabado ako ngayon. Di ko alam kung ano gagawin ko dito. Nakatulala lang ako ngayon.
"Nothing. Just asking" sabi naman niya saakin. Napatango na lang ako. Pasmadong pasmado ang kamay ko ngayon. Lagi ko hinahawak kamay ko pasalit salit. Dahil pawis to.
"How's Christopher there?" curious niyang tanong at bigla ako napatingin sakanya. Bakit naman niya napatanong un?
"Ayun Halimaw pa rin. Ayy ano okay lang naman siya. Tulog pa un eh nung umalis ako" sabi ko sakanya. Tumango naman siya.
"W-Wala ba nangyare kagabi s-sainyo?" tanong niya saakin. Ano pinagsasabi niya? Dapat ba may nangyare? Anong nangyare? Huh?
"W-wala naman. Bakit mo napatanong?" sabi ko sakanya at nakita ko bigla siya ngumiti sa pagksabi ko. Bakit ba? Ano meron?
"Nothing. That's good" sabi niya saakin.
"Ano nga ulit sasabihin mo dapat saakin kagabe? Ngayon ko lang naalala eh" sabi ko naman sakanya. At ito excited ko na marinig ung sasabihin niya dapat saakin kagabe.
"Ha? Na uhmm ano Chand. T-tiyaka ko na lang ulit sasabihin" sabi naman niya saakin
Ano kaya un? Ano kaya dapat sasabihin niya? Ang duga duga naman.
"Ano nga?" sabi ko ulit sakanya.
"nandito na tayo sa School" sabi niya agad. Tumingin naman ako sa bintana at nandito na nga kami sa tapat ng school. Di ko napansin ano ba yan! Ang daya kasi hindi pa niya sinasabe.
napapout na lang ako at bumaba na sa kotse niya. Ano ba yan kasi eh di niya pa masabe. Yun nga pinakahihintay ko sa buhay ko eh. Habang naglalakad sa hallway iniisip ko pa rin un ung dapat sasabihin ni Zac saakin kagabe.
"uiiii nakatulalang gumaganda babae!!" sigaw saakin ni Michael. Ito lagi ang Epal sa buhay ko eh.
"lagi ka Paepal epal epal sa buhay ko! Kitang may iniisip eh." sabi ko naman sakanya. Sabay palo sa likod niya
"WAAAAHHH!!! Mama o si Chandria pinalo ako" sigaw ni Michael kaya may napapatingin saamin.
"suntok mo ko si ngipin" sigaw naman ng isang studyante. Kaya napatingin ako sakanya sabay nag peace sign siya.
Nainis lalo ako kay Michael. Dahil mas pinalala niya pa problema ko.
"tumahimik ka nga. Papansin ka lang eh" sabi ko naman kay Michael.
"sino ba kasi iniisip mo. Si Prince Zac mo nanaman?" sabi ni Michael namula naman ako sa biglang niyang sabi pangalan ni Zac.
"sshhh shhh" ang tanging nasabe ko.
"Hii Cousin slash bestfriend slash half sister!! Kamusta gabi niyo ni Christopher? Did you guys make out?" sabi ni Lois. Ano ba to sinasabi niya? Ang bastos! Make out Make out! Ang bata bata pa namin.
"Sapak gusto mo? Of course not! Him? No! lois paano mo napapasok yan sa brain cells mo? Bata bata pa natin eh make out make out ka na diyan nalalaman" sabi ko sakanya sabay lakad pasok sa classroom. Pagkapasok ko sa classroom nandun si Dj, Ivan, Zoe at iba pa. Nadatnan ko rin si Ela and Ry na naglalandian. PDA alert lel.
Umupo ako sa upuan ko at nakatulala. Nakakabadtrip kasi.
"Okay ka lang?" tanong ni Zoe saakin tumango na lang ako kahit hindi naman ako okay. Wala pa ang Prof namin. Ayos ah Tagal na nga walang pasok tas late pa rin si Prof. Maya maya may nabalitaan kami na May sakit pala si Prof. Martinez. Vacant time.
"kanina ka pa tahimik ah. Ano ba nangyare buntis ka ba?" tanong ni Lois ulit.
Ang kulet talaga ni Lois. Bakit ba lagi ayun ang iniisip niya.
"Tch. Lois, pabayaan mo muna ako" sabi ko naman sakanya.
Marami tumingin at nagkakagulo sa bintana.
"GUYS! NAGAAWAY SI ZAC AT CHRISTOPHER ULIT!" sigaw ni Jake at biglang lumabas. Nagulat ako sa sinabi ni Jake kaya lumabas ako agad. Nag aaway nanaman sila?!
Pagkalabas ko nagsusuntukan nga sila. Ano nanaman ang reason bakit sila nagaway? Mga studyante naman sumisigaw.
"LAYUAN MO SIYA!" sigaw ni Christopher. Sino?
"THE fudge! Christopher. Di siya pwede sayo. Masasaktan mo lang siya!" sabi naman ni Zac sabay suntok.
Sino ba kasi?! Tinutukoy nila?
"WAG MO AAGAWIN SIYA SAAKIN! ZAC. MALALAGOT KA TALAGA SAAKIN PAG INAGAW MO SIYA SAAKIN" sigaw naman ni Christopher sabay sinuntok niya si Zac sa mukha. Ako naman gusto ko pumagitna sakanilang dalawa kaso ang dami tao di ako makasingit.
"BRO! ALAM KO DI SIYA PWEDE SAYO. SINAKTAN MO NGA KAPATID KO! SIYA PA KAYA?! WAG MO KAMI GULUHIN!" sigaw naman ni Zac at tuloy tuloy na sila nagsuntukan. Shemay ramdam na ramdam ko ung sakit na sinusuntok ni Christopher ky Zac. Omyy Zac. Huminto ang lahat dahil may pumito lahat kami napatingin dun. At ang Principal ang nakita namin.
"Mr. Padilla and Mr. Anderson! To my Office now!!" sigaw ng Principal namin. Ayaw pa rin mapaawat ung dalawa kaya kinuha na ng 2 guard si Christopher and Zac. Lahat lang kami. Nakatingin sakanila. Nakita ako ni Zac. Tinitigan niya ako at may dugo dugo ang kanyang mukha pati ang kaniyang kamao. Ang lungkot lungkot ng mata ni Zac at ako naman naawa. Gusto ko siya lapitan kaso di ko magawa.
Ano kaya reason ang away nila? Sino sinasabi nila na siya siya siya. Panay siya di pa sabihin ang Pangalan. Naguguluhan na ako ang dami ko iniisip. Una ung sinabi saakin ni Christopher na "I like you" tapos ung dapat sasabihin ni Zac saakin kagabe. Tapos ung ngayon sino ang pinagaawayan nila? Hayst ano ba tong buhay.
"bakit kaya nagaway sila Christopher at Zac nanaman?" sabi ni Ela.
"wag mo na un isipin. Ako na lang isipin mo nandito naman ako" sabi naman ni Ry. Ano ba un! Bumanat pa parang ewan. Minsan baliw din iniisip nitong si Ry eh.
"Asowss." sabi naman ni Ela papaloin dapat niya si ry kaso biglang nasalo ni Ry kamay ni Ela at hinawakan ito. Namula naman si Ela.
"Ayieeeeeee" sabi ng mga kaklase namin. Kaya lalo kinilig si Ela.
"ewan ko sainyo. Mamatay na kayo! Inggit lang iba diyan" sabi ni Ela. Hahaha ayun lang.
"Bessy! Ayos ka lang? Ung Dalawang Prince mo nagaway nanaman ah" sabi ni Lois saakin.
"Isa lang noh. Si Zac lang. Kaya nga eh.nag away nanaman sila" sabi ko naman sakanila.
"SINO ANG PIPILIIN KO? IKAW BA NA PANGARAP KO? O SIYA BANG KUMAKATOK SA PUSO KO OHH ANO BA IIRALIN KO ISIP BA O ANG PUSO KO? NALILITO LITO LITO LITO. SINO PIPILIIN KO MAHAL KO O MAHAL AKO?" patamang kanta ni Michael saakin. Ano connect? Mahal ba ako ni Christopher? Tss.
"Ewan ko sayo" sabi ko kay Michael.
"GUYS!" biglang may pumasok saamin. At kami lahat gulat na nakatingin sakanya.
....
To be Continued.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro