Chapter 10
Nandito pa rin kami sa school and as usual nagaaral. Ang ang turo naman talaga ni Prof. Ay napaka boring at nakakaantok talaga. Sa lamig pa naman ng classroom at tahimik lahat ay talagang makakatulog ka. Pero ako di ako inaantok as in hindi. Gising na gising ang diwa ko haha char! Ikaw pa naman may katabi na sobrang gwapo na lalake, mabait, palangiti, moreno pero gwapo pa rin amp, malalim ang eyebags, sa katawan niya siguro nag gygym to.
Nakatingin lang ako sa turo ni sir at pilit na nakikinig pero wala ako ibang marining kundi ang puso ko. Rinig na rinig ko yung puso ko mag beat. *dugdugdugdugdug* at ang bilis at malakas. Sheemmmmp talaga! Zac will you please stop stop making me blush na kahit wala ka ginagawa pinapakilig mo pa rin ako ng sobra. Kasi naman ang gwapo kasi eh di ko matiis. Di ko napansin na nag bell na pala at nagsisialisan na yung mga tao dito sa classroom.
"Are you alright?" Sabi ni Zac saakin kaya naman. Napatingin ako sakanya pero agad din umiwas ng tingin kasi amg gwapo niya! His mesmerizing eyes ghaad. kaya naman right after this school magpapasama ako kay Lois at Zoe na kung saan ba pwede magpaganda! I mean paano? Kasi wala talaga ako kaalam alam diyan. May mga pimples, blackheads, whiteheads din ako sa face ko pero di gaano halata. Gusto ko lang magpaganda kasi mukha na talaga ako zombie kapag may nakakatapat o nakakausap ko yung mga gwapo at magaganda dito. At syempre nakakahiya din at ngayon ko lang narealize na ganon pala ako.
" Y-Yes! I'm fine." Sabi ko sakanya at ngumiti sakanya. Naglakad na ko papalabas ng school at hinihintay ko pa sila Lois dahil may sasabihin pa ko. Oo nga pala di ko na nakita pa si Christopher after ng recess and same as Chloe. Grabe naman kabago bago at fresh na Fresh si Chloe tas itatakehome agad nito ni Christopher. Psh mga lalake nga naman.
Sumunod saakin si Zac kaya naman eto ako tahimik lang. At lagi na niya ako sinusundan na kung saan ako pupunta dun din siya. Buntot ko lang? Haha! Pero nakakakilig syempre kasi GWAPO ang sumusunod sayo haha.
"Wala ka bang kasama pauwi?" sabi niya saakin kaya hinarap ko siya at umiling iling. Palingin lingon din ako sa likod ko kasi hinihintay ko pa nga sila Lois. Napangiti naman siya ng todo kaya nagtaka din ako bakit ngumingiti to.
"Edi Hatid na lang kita sa bahay niyo" sabi niya kaya nanlake ang mata ko sa sinabi niya. Ano raw?? Pakiulit! Paki rewind nga. Emerrgherrd Hatid daw oh kyaaaaaahhh! Kaya uminit agad ang mukha ko sa sinabi niya at tumalikod sakanya kasi baka makita niya na namumula ang mukha dahil sa sinabi niya.
"Ah' H-Hindi okay lang wag na kasi may pupuntahan pa ko" sabi ko habang nakatalikod sakanya. Sakto naman dumating na sila Lois kasama lahat ng barkada exept kay Christopher at Chloe.
"SUP GUYS!!" sigaw ni Michael kaya naman binatukan ko siya sa ulo ang lakas lakas kung makasigaw.
" AHAHAHAHAHA!" tawa nila lahat. Hinila ko si Lois at Zoepapalayo sa kanila habang busy sila sa kakatawa.
Nandito na kami sa may gate ng school at takang taka si Lois at Zoe kung bakit ko siya dinala dito.
"What is your problem? Kung makahila wagas ah" sabi ni Zoe kaya naman nag peace sign ako sakanya haha.
"Ehhhh kasi I- I need your help" sabi ko sakanila at binigyan ko sila ng ngiti as in ngiti abot na ng langit.
Nag cross arms si Lois at si Zoe din. Kinakabahan ako kasi di ko alam kung ano ba ang magiging reaction nila. Eh ngayon ko lang naisipan gawin to para lang sa isang guy. Gusto ko lang dahil Gusto ko. Gusto ko lang din may pagbabago sa buhay ko.
*dug dug dug dug dug dug dug*
Ayan nanaman si Heart. Ang lakas nanaman niya!
"For what?" Sabi ni Lois
Ito na! Ito na nga sasabihin ko na! Sasabihin ko ba? Kaya ko pa? Ayy psh Chandria kaya mo yan. Napatingin naman ako kung saan sila Zac. Huminga ako ng malalim at tinitigan si Lois at Zoe
"Magpaganda. Dahil gusto ko kasi maexperience at dahil din g-"
"OMAGHAAADDDDD! FINALLY! napagdesisyonan mo rin Chand! Kalurky ang tagal ko ng gusto marinig yan na magpapatulong ka saakin. YES I WILL HELP YOU!" sigaw niya at niyakap ako. Grabe kung makasigaw siya parang nanalo siya sa contest eh.
" are you sure? But why?" sabi ni Zoe
Kaya naman kinabahan din ako agad kasi bakit nga daw? Bakit? Para ano para din sa lahat. Haha pero para din talaga kay Zac.
"You know uhmm. I want to change naman. Hehe" sabi ko sakanya and give her a fake smile
Napangiti din naman siya at tumango tango siya
"Of course i will help you too. Now na ba?" Sabi niya at tumango din ako
"Sige paalam lang ako sa troop. Tara" sabi ni Zoe kaya bumalik na kami.
"Pero Secret lang yun! Wag niyo sasabihin sa iba" sabi ko sakanila at tumango sila
Pagkabalik namin sakanila ay agad naman tumabi si Lois kay dj at may sinabi si Lois kay Dj.
Si Eljay naman ay tumabi saakin. Omygosh isa pa to! Kaya kinilig nanaman ulit ako.
"Guys we need to go home na" sabi ni Lois
Pagkasabi ni Lois. Ay mag bye bye na sila at nagpaalam.
"See you tomorrow Chand" sabi ni Eljay saakin kaya ngumiti ako sakanya at nag wave ng bye bye.
"Ingat kayo" sabi ni Zac na kasama niya si Dj. Ay grabe haba ng hair ko kung makapagbyebye siya saakina at ako sakanya.
"Kayo rin. I-Ingat" sabi ko sakanila. Si Michael naman nagmamadali na umuwi at Si Ela din kasi may gagawin pa daw siya. Ewan ko dun parang ba may alarm sa cp niya at pag nag alarm to ay kailangan niya gawin. Si Ivan may pupuntahan daw siya na pag au-audition niya sa Rock Band kasama niya si Zac, Dj, Eljay at si Christopher daw susunod.
"Ano? Tara na sa MALL!" sabi ni Lois kaya napatawa naman ako dahil parang baliw lang kung makasigaw. Excited ako at kinakabahan din talaga dahil for the first time in my life ay gagawin ko to.
sumakay na kami sa mga kotse namin syempre text text na lang kung saan mall. At di kasi pwede magpaiwan ng kotse dito. Mahal na mahal ko nga kotse ko ee di ko kayang iwanan. Tumawag agad si Zoe and its a group call.
"Sa Sm Aura guys, follow me" sabi ni Zoe at umagree na lang ako kung ano bang Mall yun kasi never ko la napupuntahan yung mall na yun dahil nga lagi ako nasa bahay na nagbabasa ng mga libro. Yung kotse ni Zoe ang una, sunod ako tapos kotse na ni Lois.
Hindi ako mapakale. Di ko alam kung ano ba gagawin. Hayst bahala na si Batman
"Ehh ano ba una gagawin? Shopping for clothes, shoes, makeup or Derma, Salon or what?" Sabi ni Lois. Siguro ano derma Derma na lang muna bago mag shopping ng mga ganyan ganon.
"Salon at Derma muna" sabi ko sakanila through the phone. Nakaloudspeak yung phone at nasa may passenger seat ko lang yung phone haha. Narinig ko na umagree sila sa sinabi ko
-
Nandito na kami sa Sm Aura and WOW ang laki niya as in! Ang dami floors. 12 floors lahat lahat daw at ang dami pwede gawin dito. Ang ganda talaga tapos ang lamig lamig pa dito dumeretso na kami sa may Dermahan na yun. Sinabi na nila Lois at Zoe kung ano gagawin at ako naman nakaupo lang sa sofa at hinihintay sila.
"GAME! Excited na ko omygoshh!" sabi nila at parang mga bata kung makapasok sa loob. Pumasok na rin ako at sabi daw higa daw ako.
Naglagay na kung ano ano sa mga mukha ko. Pero nakakarelax siya infairness, may pa steam steam pa, lazer, yung kinukuha ng blackheads at whiteheads sa mukha ko at ang sakit kaya sobrang sakit talaga. Lagi ako napapa-aray kasi sobrang sakit talaga. Marami basta marami nilagay sa mukha. Ang huli Mask. Pagkatapos ko magpafacial ay lumabas na ko at nasa labas na rin sila Lois at Zoe. Mabilis lang sakanila kasi regular lang sakanila ee tapos saakin ang dami pa ginawa.
"Oh ayan na. Gamot mo sa mukha mo para bye bye pimples na talaga at kuminis yan face mo. Maglalagay ka ng gamot bago matulog sa gabi at sa umaga din pagkatapos mo maligo sabi mg Doc" sabi ni Lois at binigay niya saakin yung mga gamot. Mga 4 na gamot yun. Tinititigan ako ni Zoe kaya naman nakakapagtaka kasi kanina pa niya ako pinagmamasdan from head to toe.
Kinuha ko yung cp ko at nagnote ako dun. Nagbulong bulongan sila
"Chand, kaya mo mag gym?" Sabi ni Zoe. Ano gym? Hala di ko kaya yun ang payat payat ko tapos magbubuhat ako ng mga mabibigat. Bakit naman nila naisipan yun?
"A-ako? Syempre Hindi! Di ko ka-"
"Gym tayo sa sabado. Wag ka na magreklamo, tinutulungan ka na nga" sabi ni Zoe at iniwan nila ako dito nakanganga kasi ako?! Mag gygym? Di ko nga kaya haysst bahala na sila. Lumabas na rin ako at sinundan sila. Dumeretsyo naman kami sa Salon.
"Hi Ma'm ano po gagawin natin sa hair?" Sabi ng babae at ningitian kami
"Uhm, magpapakulay siya ng hair at magpapagupit din. Ate, gusto ko na bongga yung gupit tapos gandahan niyo yung gupit. Yung color ng hair ay Dark Brown. Dapat mukhang mataray yung look yung hair ha." Sabi ni Lois at tinuro ako sa babae na nagtatratrabaho dito.
Nakakahiya, nakakahiya yung pinag gagawa nila Lois. Kung makasabi naman sa babae parang may past sila eh.
"Sige po Ma'm." Sabi ng babae ningitian niya ako at ningitian ko rin siya.
"Pag di mo ginawa maayos yan trabaho po. Sasabihin ko sa boss mo na di mo ginagawa yan trabaho mo" sabi ni Lois at umalis na sila ni Zoe. Sabi naman ni Zoe na babalik na lang daw sila pag tapos na. Nakakahiya talag tong si Lois. Kapal ng Face. Umupo na ko sa may upuan at nagsimula na siya sa buhok ko.
"Ma'm hanggang saan po yung gupit?" Tanong niya saakin.
"Hanggang sa may dito" sabi ko sa may upper breast ko lang. Ganon lang kahaba i mean kaikli. Sa may malapit part ng underams ko. Naiimagine niyo ba kung hanggang saan? Haha.
Kinuha ko yung magazine at nagbasa kung ano ano. Grabe ito na yun ito na nagpapaganda na ko. At gusto ko na lang sumigaw ng malakas na 'FINALLY!!!' Oh diba may pagbabago na sa buhay ko. Gusto ko lang baguhin para naman hindi na ko nahihiya kapag may natatapat ako magaganda at gwapo na tao.
"Ma'm ang bait naman po ng friends niyo po. Pinapaganda pa kayo lalo" sabi niya saakin kaya tumingin ako sakanya sa may mirror yung reflection niya. Napangiti ako sa sinabi niya
"Ah hehe ganon talaga sila. At ngayon ko lang kasi nagawa to" sabi ko sakanya
-
It takes 2 hours sa pagaasikaso niya sa buhok ko. Eh nagpakulay pa ng hair at infairness ang ganda ng buhok ko as in. kinulot pa nila nito sa may dito kaya nag ganda tingnan. At yun may pabouncy bouncy hair na ko haha. Bumalik na sila Lois at Zoe
"Huwow!! Ang gandaaaaaa! Ng hair not you." Sabi ni Lois haha loko loko talaga tong babae na to.
Napatawa na lang ako sa reaction ni Lois eh katawa tawa yung face niya.
"Wow! Ang Ganda, ganda at bagay sayo" sabi ni Zoe at niyakap ako isa pa to eh. Yayakapin pa ko parang naman ako nanalo sa beauty pageant.
"Thank you" sabi ko sakanilang dalawa
"Bumili kami ng shampoo na pampavolume ng buhok yung papakapalin. Tapos Curl Iron at pang straight din ng buhok. Turuan ka namin mamaya sa Condo kung paano gagawin" sabi ni Lois at ngumiti ngiti siya. Umalis na ko sa may Salon at deretsyo na sa mga Damit, shows, makeup, accesories ay ang dami at wala ako alam.
Marami kami nabili ng mga damit at may simple damit, classic style, dress a lot of dress, paldas, blouse, jeans, at iba iba pa at ang dami sobra. Tapos shoes naman may Doll shoes, heels, flat shoes, sandals, rubber shoes at marami pang iba pa. Marami din Make up na binili nila saakin. Mamaya daw sa condo tuturuan din daw nila ako mag make up eklavu eklavu, may mga accesories pa sila binili para saakin at may mga bag pa ang dami sobraa. Apat apat ang dala ko, sila lima lima, maramingmga paper bags as in.
Tapos na lahat lahat ng mga dapat gawin. At deretsyo na kami sa condo. Pagkadating namin sa condo ay agad nila ako hinila sa kwarto ko. Buti nalang wala si Christopher dito kaya nakahinga din ako ng maayos at kung nandito siya at masisipa ko talaga yun palabas na parang kabayo. Kainis ang landi. Nagsimula na sila lois na ayusan ako at turuan. Ang dami dami nila tinuro saakin pero di ko naman masyado naiintindihan dahil sabay sabay sila nagsasalita. Parang gusto ko umatras sa piangdesisyonan ko kasi baka di ko kaya, baka kasi may manghusga agad saakin kapag nakita nila na may nagbago saakin haay Chand! Wag mo na nga isipin yun ang dami ko nanaman iniisip. Tinuruan nila ako maglagay ng makeup, magpartner ng susuotin kapag daw plain yung t-shirt dapat daw may design yung palda o kaya shoes kasi panget daw kapag lahat plain lang. Tapos sa hair naman dapat ko daw iroll yung hair ko sa wand at magbibilang ng 5-10 seconds then tiyaka na daw ibibitaw ko yung buhok tapos kukulot na daw. Ewan ko ba kasi ang dami pala dapat malaman kapag babae ka. Ang hirap din maging babae. Diba! Girls! Ang hirap tiisin kapag may period ka at kailangan mo tiisin yung sakit ng puson mo tapos kailangan mo rin malaman yung schedule ng period mo para naman alam mo kung magkakaroon ka na o hindi. Kapag buntis din kailangan gawin ang dapat gawin ng mga buntis at ang dami daw Bawal sa buntis din. Kumain ng masusustansya pagkain at food that good for the baby para healthy pagkalabas niya. Tapos sabi din nila kapag ilalabas yung baby ang sakit sakit daw at ang hirap. Kapag naman din nag aano kayo ng boy sabi nila masakit din daw talaga ang hmmm sa hmm. Palagi na lang babae ang nasasaktan, nahihirapan, tiisin ang sakit.
Teka nga! Bakit nga ba ako napunta sa topic nato? Pero fair lang naman siguro ang babae at lalake na may titiisin talaga yung sakit noh? Pssh Chandria kung ano ano ang pumapasok sa isip ko.
"HOY CHANDRIA!! Nakikinig ka ba?" Sigaw ni Lois sa tenga ko kaya naman bigla ako napatayo sa sigaw niya. Baliw sarap sabunutan tong babaw na to! Lagi na lang ako sinisgawan
"Anak ng... LOIS KAILANGAN SUMIGAW? Ang sakit sa tenga" galit na pagkakasabi ko sakanya. Ang sakit kasi sa tenga as in ang lakas lakas kung makasigaw at tatapat pa sa tenga ko. Kaya naman napatawa siya pero tinitigan ko siya ng masama kaya napatigil siya sa kakatawa. Ano kasi nakakatawa sa ginawa niya? Psht
"Eh kasi kanina ka pa nakatulala at nakatingin sa malayo habang na kami ni Zoe nageexplain sayo kung paano maglagay ng tamang pag mamakeup. Eh mukhang di ka nakikinig talaga.. kaya sumigaw ako" sabi ni Lois at inaasar asar ko yung mga sinasabi niya. Explain explain pa.
"Nakikinig ako" simpleng sagot ko sakanya pero hindi siya naniniwala saakin.
"Oh sige nga kung nakikinig ka talaga. 1 + 1?" Sabi ni Lois kaya hinampas ko siya sa braso. Ano connect sa turo niya ng makeup sa Math? Ang shunga lang. Kabaliwan din tong si Lois ee
"Shunga ka ba? Baliw ka na talaga. Zoe! Ihanda mo na nga mga gamit ni Lois at idala na natin siya sa Mental Hospital" sabi ko at si Zoe at Lois naman tawa ng tawa. Itong mga babae na nasa harap ko ay baliw na baliw na talaga. Wagas kung makatawa
"ha ha ha ha ha ha hahaha. Hindi joke lang joke lang yun. Oh sige seryoso na. Ano gagawin mo makeup bukas?" Sabi ni Lois kaya pinaupo ko sila sa kama at bahala na ako mag eexplain.
"Simple makeup lang. Powder, at lip balm lang na may kulay" sabi ko sakanila at nagpalakpak sila na parang mga bata at napatayo sa kama.
"WHOOO! Grabe ang galing mo Idol! Whooooooo!" Sigaw nilang dalawa. Sira na talaga yung brain nila noh haha. Tinuruan pa nila ako hanggang sa naisipan na nila umuwi na.
"Basta Chandria. Bukas ha dapat alam mo na kung ano gagawin mo. Bukas gawin mo na yung tinuro namin sayo ni Zoe. Go bes!" Sabi ni Lois. Napangiti ako sa sinabi niya
"Oo naman yes." Sabi ko sakanya at nag apir kami
"Chand sa Saturday ha." Sabi naman ni Zoe at tumango na lang ako kasi alam ko naman kung ano gagawin sa saturday.
"Yap! Thanks girls" sabi ko sakanila at niyakap sila.
"No problem" sabi nilang dalawa at umalis na sila.napapangiti na lang ako kasi ang saya sobrang saya yung ginawa namin ngayon.
Niligpitan ko na yung mga binili namin at inilagay sa mga closet, drawers at shoe stand. Pagkatapos ko magligpit ay nagluto na ko ng dinner para saakin. Bahala na yan si Christopher. Mamatay siya sa gutom. Nagpatugtog muna ako ng kanta para naman may mood ako kapag magluluto.
Excited na ko bukas! Excited ko na makita si Zac and Eljay. Kyaaaaah grabee! Nagluto ako ng tilapia, with soy sauce na sasawan na may kasamang kamatis at kalamansi tapos may mushroom soup din ako tapos nagtimpla din ako mg juice. Bago ako kumain ay nagdasal muna ako at tiyaka na ko umatake sa pagkain. Grabe ang sarap ko talaga magluto at pwede na talaga ako maging Chef haha di joke lang. Pagkatapos ko kumain ay hinugasan ko rin ito. Ang saya ang saya saya talaga ng araw ko ngayon. Tapos ko na lahat ng mga gawain dito sa sala kaya naman nagpasya ako maligo na para handa na matulog. After taking a shower ay may nag text saakin
*0917---*
'Panget! Malalate ako ng uwi. Luto mo ko ng pagkain'
Ayan nanaman siya kung makautos. Si Christopher lang naman to at siya lang tumatawag saakin ng Panget. Kaya nirename ko yung number niya at ginawang
To: Ugly Ford
'Magluto ka ng sayo. Hindi naman ako yung kakain ee. Bahala ka diyan'
Nakakainis siya. Ayan nanaman kasi kung makapag utos saakin parang naman yaya niya ako. Psh nakakainis siya nakakasira ng araw. Kaya naman kinuha ko yung laptop ko at magonline sa facebook ko. As usual ang onti lang ng notif ko. Minsan nga wala ako notif eh, paano kaso ang boring daw ng mga pinagpopost ko. May 2 messages ako nakita at may 1 friend request. Pinindot ko muna yung 2 messages na yun at ang nakita ko na pangalan ay si Zac siya ang una ko nakita yung name niya. Zac Anderson ang name!
Sabi niya sa chat
Zac: 'Hi Chandria! Pa- accept naman ako ng friend request. Thanks :)'
Kaya napatili ako kasi siya na mismo nagsabi na i accept ko daw. Kaya naman dali dali ko 'cinomfirm' ang friend request niya. Kaya nagreply din ako
Me: 'Hello Zac, inaccept ko na' sabi ko sa chat
Tiningnan ko naman yung isa pa at si Eljay Ramirez naman ang nakita ko at nag chat din siya saakin kaya sobrang lakas na talaga ang tili ko sa buong kwarto ay nag eecho ang tili. Grabe sila oh! Emergherd!
Eljay: 'Hey Chand :)'
Grabe sobrang kinikilig na ko dito. Ang saya at ang sarap kiligin mas lalo na kapag yung crush mo at nag chat sayo. Sila mismo! Makapal ang mukha ko kaya nagreply din ako
Me: Hey Eljay rin :D
Tapos sineen niya at agad nagreply. Pero nauna si Zac kaya pinindot ko ulit yung chatbox namin
Zac: 'haha Thanks ulit Chand. Btw How are you? Nakauwi ka ba ng maayos?'
Omgeeeee! Kinakamusta niya ako and concern kung nakauwi daw ba ako ng maayos. Nakangiti ako. Ang sakit na nga sa kakangiti kasi kanina pa ko ngiting ngiti sa mga chat nila.
Me: ' uhmm. Okay lang ako and yeah nakauwi din ako ng maayos'
Sineen niya at nagrereply pa siya. Inopen ko naman yung kay Eljay na chat
Eljay: 'haha. Kamusta nga pala lakad niyo nila Lois. Sabi kasi saakin ni dj may pinuntahan daw kayo'
Okay alam niya na umalis kami nila Lois. Epal talaga tong si Dj
Me:' Okay lang, nagenjoy kami :)'
Grabe talaga ang kilig ko. My 2 crush just chat me. Napahawak ako sa pisngi ko at sinampal sampal to make sure na hindi to panaginip. Totoong totoo nga nagchat sila saakin. At ayun nag chat chat lang kami at nagkwentuhan kami. Kay Zac kasi joke kami ng joke at nag pipick up lines at ako naman kinikilig sa bawat pick up line niya haha. Si Eljay naman kwinento ko lang kung gaano kakulit ang barkada at nagkwento din siya about sa barkada. Nung mga 11:00pm na ay nagpaalam na ko sakanila na matutulog na ko. Kaya ganon na rin ginawa nila. Inilagay ko na yung laptop sa desk ko at pinatay na yung lamp.
.
.
.
.
.
"Chandria Wait! May sasabihin ako" sabi ni Zac saakin nang hinila niya ako papalapit sakanya. Nandito kami ngayon sa school.
Nagtaka naman ako kasi kung makahila naman si Zac ee. Pero punong puno ako ng kilig
"Ano yun?" Sabi ko sakanya at nakangiti sakanya
Namumula siya at ang cute siyang tingnan na namumula siya. Napakamot siya ng ulo at pasimpleng nakayuko siya.
"Huy ano nga?" Sabi ko ulit sakanya
Bumilis ang tibok ng puso ko kasi nararamdaman ko na yung sasabihin niya. Yung gusto kong sabihin niya saakin.
"A-ano K-kasi Chand uhm" sabi niya at nakatingin lang siya saakin pero umiwas iwas din siya kasi nakatingin din kasi ako sakanya. Ano ba naman at ang bagal niya sabihin saakin yung sasabihin niya.
"Huy! Sasabihin mo ba o hindi?" Sabi ko sakanya pero nakatingin lang siya saakin. Tinaasan ko siya ng kilay
"K-k-kasi a-ano..." Nauutal niyang sabi. Ay grabe ang bagal lang talaga niya sabihin.
"Ok. Ang bagal mo ee" sabi ko at tumalikod na sakanya. Paano kasi ang bagal bagal. May sasabihin daw siya pero di niya masabi. Naglakad na ko papalayo sakanya nang
"C-Chandria! Gusto kita!" Sabi niya kaya napalingon ako sakanya at tinaasan ko ulit siya ng kilay. Omygossshhh! Sinabi na niya! Sinabi na niya saakin! Ang pinakahihintay kong sasabihin niya na gusto niya ako. Yung mga alaga ko sa tiyan ay nagwawala na sa sobrang kilig. Nakahinga ako ng maluwag nung sinabi niya. May mga students na nakapaligid saamin ni Zac pero wala ako pakeelam. Lumapit saakin si Zac at ako titeg na titeg sakanya omygosh omygosh my heart skips a beat.
"A-ano yun Zac?" Sabi ko ulit sakanya na pakonware di ko narinig pero rinig na rinig at malinaw ko narinig yung sinabi niya.
He hold my hands kaya nanlake ang mata ko ng hinawakan niya. Nalipat yung tingin ko sa kamay niya na nakahawak sa kamay ko. But he lift my chin up dahilan kung bakit ulit ako napatiteg sa mata niya.
" Gusto kita Patricia Chandria. Hindi pala sa gusto lang pero Mahal na rin kita" sabi niya and he gave me a sweet smile kaya napangiti din ako.
"Gusto din kita Zac! Gustong gusto!" Sabi ko sakanya.
"No Zac! Gusto din kita!" Sigaw ni Eljay at lumapit siya saamin ni Zac. Oh no?! Bading si Eljay? No it can't be!
Nagtataka ako.
"Eljay? Bakla ka? Sabi ko pero di niya ako pinansin. Ouch
"Bro.. Ano to?" Sabi ni Zac at nakatingin siya kay Eljay
"ZAC! GUSTONG GUSTO DIN KITA!" sigaw ni Christopher kaya gulat na gulat ako at napatakip ako ng bibig gamit ang kamay ko. Christopher?! Ha?! Bakla siya? Hindi pwede noh!
Kumapit si Christopher at Eljay sa braso ni Zac. At ako naman inilayo si Zac sakanilang dalawa.
"Christopher! No! Hindi ka bakla!" Sabi ko sakanya
" kaya ko nilalandi si Chloe dahil gusto ko mapalapit kay Zac! Ganern! Kaya Zac halika na sumama ka na saakin" sabi ni Christopher. At gulong gulo na si Zac at ako din. Hinila ko ulit si Zac at pwinesto siya sa likod ko.
Bakla? Bakla! Silang dalawa!! Hindi hindi pwede!! Stop! No!!! No!!
-
"No!" Sabi ko at napamulat. Whew buti na lang panaginip lang ay grabe di ko maimagine na bakla si Eljay at Christopher at gusto ni Christopher si Zac. Napailing iling na lang ako at tumawa pero may naramdamanan ako mabigat na nakapatong sa baywang ko. Tumalikod ako at si Christopher yun! Si Christopher ang nakayakap saakin. And my face ( 0.0)
Tinitigan ko siya natutulog at mukhang mabait, matino at ang gwapo niya kapag natutulog siya. Kaya humarap ako sakanya at pinikit ang mata ko. At tinanggal ko yung braso niya na nakayakap sa baywang ko. Maya maya nakaramdam ako ng init sa pagitan namin napadilat ako mg mata at bigla ako lumayo sakanya dahil sobrang lapit na ng mukha namin as in. And yuck!
Napatayo na ako sa kama. Tiningnan ko yung oras at 5:30am na pala ng umaga kaya naghanda na ko magayos.
-----------___________
And that's all for this update haha. Hay grabe ang sarap kiligin! Minsan kapag di mo nararanasan in real life yung gusto mo gawin. Ay nagagawa mo naman sa wattpad haha diba. Wattpad is life <3
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro