Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 48: I Non Relinquam Vos

Chapter 48: I Non Relinquam Vos (I Will Not Leave You)

Warning: Intense, violent scenes ahead. Read at your own risk.

"PRINCE! Bitiwan niyo koo!" Sinubukan kong makawala sa mahigpit na pagkahawak sa akin pero sadyang malakas yung lalaking bigla na lamang akong hinapit sa baywang at inipit ang isang braso ko. Nagpumiglas ako at tinamaan ko ng siko ang ilong niya kaya saglit niya akong nabitawan. Tatakbo sana ako pero biglang may muling humatak sa buhok ko at nahila ako pabalik.

"Saan ka pupunta? 'T*ngina pumapalag ka pa!" Malakas yung pagkasabunot niya at napahiyaw ako sa sakit.

"Bitiwan niyo ko! Prince! Kuya!" Duguan ang ulo ni Prince sa tinamo niyang sugat sa ulo. Hinampas ang likod ng ulo niya ng isa sa mga goons na tumambang sa amin.

"Tumigil ka! Walang makakarinig sa'yo dito!" Isang malakas na sampal ang dumapo sa aking pisngi. Naramdaman kong kinakaladkad nila ako papunta sa sarili kong kotse.

"Anong gagawin niyo sa'min?" Pinilit kong manlaban pero tumawa lang yung lalaking may hawak sa akin saka hinawakan ang aking dibdib! "BITIWAN MO KO! Parang awa niyo na!" Patuloy ang ginagawa niyang pambabastos sa akin. Pati sa hita ko ay naramdaman kong may humawak din.

"Shet, pare ang kinis niyan,"  Ngisi nung isa pa nilang kasama na nakahawak sa hita ko at pinipisil-pisil ito. Pilit kong inilalayo ang sarili ko pero humihigpit lalo ang hawak nila. "Pwede ba natin 'tong tikman?" Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.

"K-kuya, please wag po," ramdam ko ang sakit sa katawan ko. Alam kong may pasa na ako sa pisngi, hita at mga braso.

"'T*ngna kayo!" Sinapak nung pinakalider yung dalawang manyak na kasama niya, "lagot tayo kay boss pag di natin naipalit nang maayos yan. Pera na gagawin niyo pang bato. Tangna, ang lilibog niyo."

Ibinalibag nila ako sa loob ni Shiro. "PASOK!" Itinulak nila ako patungo sa backseat. Nakita ko ang mala-demonyo nilang ngiti. Mga halang ang bituka ng mga ito. Puro sila nakasuot ng bonnet na itim at natatakpan ang lahat maliban sa kanilang mga mata.

"Parang awa niyo na po, pakawalan niyo kami... anong gagawin niyo sa'min?" Pilit kong inaaninag kung anong ginawa nila kay Prince. Nakita kong binuhat siya ng dalawang lalaki at isinakay sa itim na SUV. Wala pa rin siyang malay at nag-aalala ako ng husto. Nakapa ko ang cellphone ko sa upuan bago ako pumasok sa backseat.

"Ang ganda mo miss," sabi nung lalaking sunod na sumuot sa backseat katabi ko. Kinilabutan ako sa ngisi niya. Isiniksik ko ang sarili ko pero inabot niya ako kaya sinipa ko siya.

"'T*ngina, gusto mo masaktan?!" Hinablot niya ang damit ko at nagtanggalan ang mga butones nito sa harap. Hindi ko malaman kung ano uunahin ko, ang takpan ang aking sarili o ang gamitin yung cellphone ko para makahingi ng tulong. Hawak niya ang paa ko at hinila palapit. Muli ko siyang sinipa out of reflex. Napamura ang lalaki at parang mabangis na hayop na sinunggaban ako.

"Ang tapang mo ah. Tignan natin yung tapang mo dito, " pinunit niya ng tuluyan ang damit ko sa harap at nanlaban ako. Solido ko siyang hinampas sa sentido ng corner ng cellphone ko at napahiyaw siya sa sakit. Agad kong pinindot ang last number dialled bago isiniksik ang phone ko sa siwang ng backseat para hindi nila makita. "SH*T, t*ngina ka!"

"Kuyaaa! Tulungan niyo po ako, kuya!" Hinablot niya ako at tinakpan ang aking bunganga habang patuloy na hinuhubad ang aking pang-itaas. Kinagat ko siya ng mariin at muli siyang napahiyaw. Isang malakas na sapak ang naramdaman ko at napilig ang aking ulo.

Lord, tulungan niyo po kami...

Nagsisimula ng magdilim ang aking paningin at nararamdaman kong nauubusan na ako ng lakas para manlaban.

Diyos ko, tulungan niyo po kami ni Prince, dasal ko.

"Bwisit ka! put*angina ka... sh*t ano yung ginamit mo?!" Niyuyugyog niya ako.

"Tama na po, pakawalan niyo na kami...  kuya... kuya..." Nararamdaman kong tinatakasan na ako ng ulirat. May mga kamay na nagbabahagi ng aking hita. May nagtatawanan at may mahigpit na nagpupulupot ng tali sa aking mga kamay.

"Gago rin 'to. Mamaya pagtapos mo ako naman," lalo akong natakot sa naulinigan ko. Diyos ko, anong gagawin nila sa'kin? Narinig kong nag-start ang kotse at nag-on ang gps ko.

"Pota, ang ganda nito. 'Tangna, ibigay kaya sa'tin to ni boss?"

"Ulol, kay bossing 'tong kotse syempre. Mamaya chop-chop na 'to."

"'T*ngna ano ba 'tong maingay na to?"

"Wag mo pakialam gago!"

"Diyos ko, tulungan niyo po kami..." usal ko.

"Walang diyos dito, ako lang." Mala-demonyong halakhakan. Ano na kayang nangyayari kay Prince? Iligtas niyo po siya, Lord. Naalala ko ang maraming dugo galing sa sugat na nagpawala ng kanyang ulirat.

"Kuya, kuya... si Prince po..."

"Ang bango mo, akin ka na..." Nakakasusulasok ang amoy niya na pinaghalong alak, sigarilyo at hindi ko mawari. Ibig kong masuka. "Syet, ang sarap mo siguro..." Kinagat-kagat niya ako sa leeg, patungo... pababa... naramdaman ko ang kamay niya sa pagitan ng aking hita at muli kong pinilit pumiglas.

"Waag!" Nakawala ang isa kong paa at natuhod ko siya.

"Tarantado ka!" Tila nabasag ang aking panga. Nararamdaman ko ang lamig... ang sakit... ang nakakaparalisang takot. Ngayon lang ako nakaranas ng ganitong takot. Habol ko ang aking hininga. Naramdaman kong pinipilit nilang buksan ang aking panga. Hindi na ako halos makahinga. May pinasok sila sa bunganga ko. Naamoy ko ang kemikal at tuluyan akong nawalan ng ulirat.

Tulungan niyo po kami.

------------------

"I'll be back, Love," I smiled at Trixie and she rolled her eyes at me before I went to the kitchen to get the dessert. Maswerteng break niya at napapayag ko siyang mag-dinner dito sa condo. It's only a few blocks from their building and I asked Ali in advance dahil alam kong magdadahilan na naman siya kapag hindi ko inunahan.

Narinig kong nag-ring ang cellphone ko, "Love, can you check who's calling?" I called out to her.

"Si baby girl!" She laughed.

"Can you get that?"

"Sure," I opened the fridge and took out the Caramel machiatto cake. I returned to the mini bar and placed the cake and knife in the middle.

"Hey—" I turned to Trixie and saw her eyes were wide and alert. She hit the record button on my phone. "W-What's wrong?" Bigla akong natakot sa expression ng mukha niya. She put a finger on my lips before she hit the loud speaker function.

"Tama na po, pakawalan niyo na kami...  kuya... kuya..." Aya's voiced flooded through the line at inagaw ko ang phone kay Trixie.

"PUT*NGINA! Aya! AYA!" I held the phone tightly between my hands. "AYA, PUT*NGINA ASAN KA?! AYA?!"

"Shhh..." Trixie tried to take the phone pero itinulak ko siya palayo, "Alfredo, please calm down. Maririnig ka nila. Let's track the call."

"PUT*NGINA NILA! PUT*NGINA, AYA?! " Bigla akong nanlamig. Naririnig ko siyang humihikbi. May kumalabog  bago ko narinig na may nag-start na kotse. Sh*t, s'an nila dadalhin si Aya?  

"Gago rin 'to. Mamaya pagtapos mo ako naman," I heard the low sound of male laughter and I immediately wanted to crush that guy's skull. Put*ngina nila, wag na wag nilang gagalawin si baby girl ko.

"Aya, please? Asan ka baby?" Alam kong hindi niya ako naririnig. She's in danger. Nasa panganib ang kapatid ko. F*ck!

"3X to HQ I have an emergency situation. I7, come in I7..." Naririnig ko sa background si Trixie. I immediately took my car keys at alam kong nakasunod siya sa akin. I didn't even bother to check kung naisarado ko ba ang pinto ng unit ko. All I could hear are Aya's sobs, Aya's pained voice...

"Aya please?" Nararamdaman ko ang tila mabigat na bagay sa aking dibdib. Parang hinihiwa ang puso ko sa bawat pigil niyang iyak. Hindi ko alam kung paano lilipad papunta sa kanya. Sh*t, kailangan ako ni Aya. I punched the elevator keys hard. Put*ngina, bakit ang tagal mong bumaba?

"PUT*NGINA!" I punched the elevator door and took to the stairs. Hindi ko naramdaman ang sakit. Ang tanging alam ko, I last felt this way when somebody tried to take Aya when I was fifteen. Suddenly, I'm fifteen again and my nightmares are coming back.

"Alfredo! Alfred sandali!" I could hear Trixie on my heels, "sa HQ tayo. I called for back-up. They're tracing the call!"

"Waag!" Nagtayuan ang balahibo ko sa sigaw ni Aya. Sh*t! Sh*t! Sh*t! P*tangina ninyo! PUT*NGINA NIYONG LAHAT!

We got into Lady at sinagasaan ko yung barrier palabas ng garahe ng condo. It took mere seconds but it felt like a lifetime.

Please, God... don't let me lose her.

Not now. Not ever again.

------------------

 I put down my binoculars when I saw the two black, heavily-tinted SUVs approaching, followed by a very familiar white sportscar.

Anak ng p*ta, what is Shiro doing here?

My inner sense of danger went on red-alert. I immediately pulled out my rifle from the deep grass and adjusted my position. I climbed up a tree stealthily to get a better look.

The doors opened and heavily armed men dressed in black clothing stepped down in quick succession. Nakatakip ng bonnet ang mga ulo nila kaya malabong mapagkilanlan.

I saw PC get thrown into one of their backs like a sack of rice. Duguan ang kanyang ulo at walang malay. Bumukas ang pinto ni Shiro and I felt the hair at the back of my neck stand on end. Putok ang labi at bugbog sarado si A7. Punit-punit ang damit niya at duguan ang kanyang mukha. Mukhang nanlaban siya nang husto. Umiikang lumabas ang isang lalaking duguan din ang ulo na nakita kong sumunod sa kanya.

WHATTHEFLYINGF*CK?! SH*T! Jaguar is gonna unleash hell!

"Zebra to I7, Zebra to I7 I have a situation," I quickly sent a message to HQ. F*ck! Nagmamadali akong bumaba mula sa puno upang sundan sila. I tried to stay as low as possible. Inakyat ko ang perimeter fence at nilabas ang service firearm ko na may nakakabit na silencer.

Sh*t. This is not good. I quietly slipped on the roof at nakita kong may nakabantay doon. I immediately shot him with my silencer and slid forward to catch his fall. His eyes widened slightly and he made a sickening, sucking sound before the light left his eyes. I could feel the adrenaline rushing through my veins. Alam kong may darating na victims tonight but I never expected to see PC and A7. Anak ng talaba, this is going to be chaos.

"I7 can you hear me? Zebra has infiltrated the nest. PC and A7 in custody. Send back-up over," T*ngina, nababad-trip na ako sa tagal mag-respond ni Icen. F*ck, ano bang inaasikaso ng kabuteng 'yon? 'T*ngina! T*nginaaaa! Shet, magwawala ang mga Zabala... This place is gonna be levelled.

Pero bago ng lahat, kailangan kong matulungan si A7. Sh*t, A will be pissed. He will be beyond pissed, he'd go berserk. I've witnessed how protective these Zabala brothers are and one look at A7, I know that these people have just made their biggest mistake.

I tested the strength of the windows. May isang basag ang salamin at dahan-dahan kong binuksan ito. Madumi at malabo ang salamin ng bintana at kinabahan akong gagawa ito ng ingay na magpapaalerto sa mga lalaking nasa loob ng warehouse. Buong ingat ako na sumuot sa siwang at naghanap ng mapagtataguan.

T*ngina, Icen sumagot ka naman.

Isang lalaking tantiya ko ay 6'2" ang mukhang lider nila at nagbibigay ng instruction.

 "Ibaba niyo yan dito, ang gagago niyo sabi ko wag niyong galawin, di ba?" Binulyawan niya yung may hawak kay A7. Inilapag nila siya sa isang maliit na sofa. "'Tangina, buhay pa ba 'yan?! Pag namatay yan, babalatan ko mga bayag niyo!"

"Sorry boss," sagot nung umiika. Palagay ko si A7 ang nagbigay ng tama sa kanya. Buti nga. Walang Zabalang weakling.

"Humihinga pa boss," Sagot nung may dala kay A7. Kinilabutan ako ng manatili ang kamay niya sa dibdib ni A7. Sh*t, hindi ko kayang may babaeng minomolestya sa harap ko.

Put*ngina, talagang babalatan kita ng buhay mamaya, gago ka. Hayup.

"TARANTADO!" Hinampas siya ng baril sa tuktok nung lider nila, "sinabi ng huwag hawakan eh." Tinutukan siya ng baril at napabalikwas ang animal.

"Sorry, boss, sige boss..." Nakataas yung kamay niyang lumayo.

"Come in Zebra," I felt a chill when it wasn't Icen's voice that answered.

"Jaguar, A7 and PC is in the nest. Requesting for back-up."

"Zebra, maintain your position, I'll be there. Engage only when necessary. Team two and three are already on their way." I could hear raised voices in the background. 3X...and A3?

I shuddered. The calm way Alistair Damien Zabala spoke belied the venom in his voice.

-----------------

Sapo ko ang panga ko at naramdaman kong mahigpit na hawak ni Trixie sa kamay ko. I realized I'm shaking. I glared at Ali who returned my look with a glare of his own. Matagal kaming nagsukatan pero ako ang unang nagbawi ng tingin. I know full-well na kaunti na lang at magwawala na siya. He's seething silently.

"Ali, I'm going with you." I told him.

"Civilians are not allowed on the field," he retorted. Nagtagis ang bagang ko. Ang sarap lang lamukusin ng mukha. Kanina nagsapakan na kami dahil ayaw niyang sumama ako sa dalawang advanced units niya.

"I'm going whether you like it or not."

"I don't need another Zabala on my conscience."

"P*tangina," I muttered. "Are you saying I'm gonna be a f*ckin' liability?"

"Yes."

"F*ck you! That's our sister!"

"Yes."

"T*ngina Ali, wag ngayon please?" I wanted to punch his poker face. Bawat segundong lumilipas, mas lalong nadaragdagan ang pag-aalala ko. Gusto kong pumatay ng tao, lalo na yung mga gagong yun... hayop sila. Hindi sila sisikatan ng araw.

"Stay out of my way then," he started for the door.

---------------

I let out a shuddering breath as soon as I closed the door of my car. Kuya Alfredo's noise grated on my nerves. I need to focus. My heart feels like it's going to burst. I wanted to lash out so badly... gusto kong pumatay.

Pero t*ngina, nung narinig ko yung recording... shit, magbabayad sila. Sisiguraduhin kong walang matitira sa kanila maski alabok.

How dare you touch my sister?

"This is HQ to Jaguar, the bird is ready."

"Copy that I7. Jaguar on the move."

I started my car and focused on what I know. Masyadong mabilis ang galaw ni Velasco. He's the type of guy prone to provocation. He's one greedy, son-of-a-b*tch kaya lahat ng illegal na pwedeng pagkakitaan ay pinatos niya. His family has been in control of the province for the last four generations kaya masyadong malalim na ang koneksyon nila sa taas. 

Like I care? The agency can f*ck itself. I'm gonna do things on my terms.

Velasco, you little piece of shit. You utter useless waste of space... you'll wish you're dead long before I'm through with you.

I inputted my destination sa GPS. I could hear Lady's quiet purr on my left side. Kuya Alfredo is ready. Seryoso ako na ayaw ko siyang isama. I can't let anyone in my family go through hell. Pero I understand how he feels. Hindi ko halos mapigilan na di mag-react kapag si Aya na ang pinag-uusapan. 

Lily's Black Tiger was at my right. I could feel the anticipation in the air. The door to the garage opened and we surged into the night like a pack of wolves.

The hunt is on.

-----------------

The shocking feel of cold water woke me up.

Nanunuot ang lamig ng semento sa aking lamat. Ramdam ko ang sakit sa aking ulo. Sinubukan kong magdilat ng mata ngunit napapikit ako kaagad sa liwanag na tila mga punyal na tumatarak sa aking mata. . Iginala ko ang tingin ko sa paligid. Madilim at isang ilaw na nakasuspend sa beams ang tanging nagsisilbing source of light sa kwarto.

Shet. I feel disoriented. Parang hindi ko maigalaw ang aking mga kalamnan. I willed to make my body listen to my urgings.

"Mabuti gising ka na," I felt someone nudge my side with his shoe. I opened bleary eyes. Mas naaninag ko na ang lalaking kumakausap sa akin. There's a distinct buzzing in my ear and it was hard to focus on what he was saying.

"...gago kasi tatay mo, pati pinsan ko dinamay. Ngayon tignan natin yabang niya kapag binawasan ko ang lahi niya."

The cold water seeped into my clothes and dripped on  the tips of my hair. Kita ko ang kulay-dugong tubig na nagkalat sa sahig.

Aya... nasaan si Aya? Sh*t. Anong nangyayari?

"S-sino ka? Anong kailangan niyo sa'kin?" My voice sounded hoarse. Nakatali ang aking kamay at paa. I felt someone haul me up from the floor and force my head to look up. Fingers dug on my neck and breathing became a laborious task. "Asan si Aya?"

"Ikaw ang ipambabayad ko sa utang ng tatay mo.Pinakailaman niya ako kaya papakialaman ko rin ang pamilya niya."

"Please, wag niyong sasaktan si Aya... gawin niyo na ang gusto niyong gawin sa akin..." I just want to know if she's safe. I need her to be safe.

"Ang ganda ng syota mo bata," another man spoke up from the shadows, "ang kinis, ang bango."

"'Tangina, anong ginawa niyo kay Aya?!" I felt the sudden urge to bash someone's skull. I felt the bonds on my arms tighten when I tried to move. F*ck! "ASAN SI AYA?!"

"GAGO!" I felt the blows rain on my face, my chest, my legs... hindi ko mabilang kung ilan ang tumama sa akin at kung ilan sila. "Tarantado ka..."

"'T-ta—do ka din," I whispered through my clenched jaws. I could feel blood oozing from cuts. I'm one mass of unbelievable pain pero mas masakit na hindi ko alam kung anong nangyayari kay Aya.

"Gusto mong malaman kung na'san siya?" Nakangising parang demonyo. Nakita kong lumapit siya sa isang bariles. Tinuktok niya ang ibabaw nito at narinig ko ang impit na iyak...

PU.TANG.I.NA.

"Ang ingay kasi eh, kaya tinago muna namin. Wag kang mag-alala, kapag nakabayad ang tatay mo magsasama kayong dalawa ng syota mo. Pira-piraso ka nga lang." Humalakhak siya.

"A-Aya," I tried to crawl to where she is but they pulled me up and hauled me by my shoulders kaya nakasuspend ako sa ceiling beams. My arms felt like hell pero mas madudurog ang puso kong hindi malaman kung anong nangyayari kay Aya.

"H-hayop kayo..." Naramdaman ko ang luha sa aking pisngi... "pakawalan niyo si Aya... gagawin ko kung anong gusto niyo... pakawalan niyo siya..."

"Kahit anong gawin mo di ka makakawala diyan. Wag kang mag-alala, sandali na lang magsasama kayo." They walked out the door and turned off the lights. I swung slowly from the ceiling while little sounds from the metal barrel reached my ears. Kinulong nila si Aya. Sinaktan nila ang mahal ko.

"Aya... please, give me a sign... baby..." I whispered softly. I heard three successive thumps. Short but strong.

"Baby, don't give up please. Makakaalis tayo dito. Mahal kita Aya." Another thump.

"I will never leave you." 

A/N:

Sorry for the heavy language. Thank you to all the readers, new and old. Please hold on until the end of this tale. XD


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro