Chapter 37: Loose Ends (sweetness overload part 2)
I woke up to Aya's worried face. My skin felt clammy with sweat and I realized I'm hoarse.
"Prince okay ka lang?" She wiped my brow, "nananaginip ka. Gusto mo ba ng tubig?" I nodded my head and licked my dried lips. It was just a bad dream. I closed my eyes pero naalala ko na naman yung mukha ni Alex in his death throes, pero sa panaginip ko imbes na siya, ako raw yung namatay sa lason. I quickly sent a quick prayer for deliverance.
Bumalik si Aya dala yung malamig na tubig at umupo ako at nilagok iyon. She slipped her arms around my waist. "Sumisigaw ka. Ano yung napanaginipan mo?"
"Wala 'yon. Matulog na tayo." I tried to erase the dread from my nightmare.
"Sinisigaw mo yung pangalan ni Mel," she murmured and I looked down at her. She also looked shaken. "Napanaginipan mo siya?"
I kissed her brow, "Sorry. Napanaginipan ko kasing instead na si Alex, ako daw yung namatay." Humigpit yung yakap ni Aya sa akin.
"Bisita tayo dun ulit sa psychologist nila kuya Ali. Baka kailangan mo pa ng therapy," I nodded my head. I glanced at the wall clock. 3:00AM. The witching hour.
It's approximately the same time Alex died.
I tried not to think about it pero hindi ko maalis sa utak ko.
Hinahanap ka ni Tita Mariz. Importante daw.
James' message bothered me. Ti-next ko siya at gusto daw akong makausap ni tita dahil malala na si Mel. Tita Mariz' is Mel's mother. Kahit kailan hindi niya ako kinontak kahit na nagkahiwalay kami ng anak niya. Now Alex is dead.
Her daughter is broken and her son is dead.
I couldn't shake the notion that maybe I need to make peace with her.
"Prince ko?" Aya's voice broke through my reverie. "Anong iniisip mo?"
"Aya, magagalit ka sa'kin pero gusto kong magpaalam sa'yo na kausapin si Mel. I want to tie loose ends with her."
"Ayoko," an annoyed frown marred her brow. "Ano pa bang kailangan niyong pag-usapan ng babaeng yun?"
"She needs closure Aya. She just lost her brother."
"I almost lost mine as well," she countered in a bitter tone at natigilan ako. "Doktor ang kailangan niya hindi ikaw!"
"Just--"
"Please tama na. Ayoko na siyang pag-usapan."
"Aya, I-- " kumalas siya ng yakap at tinalikuran ako. Alam kong galit siya. Muntik na kaming lahat mamatay dahil sa kagagawan ni Alex.
"Goddess harap ka naman sa'kin," I coaxed her. I could tell that she's crying. "Aya wag kang umiyak please?"
"Hindi ako umiiyak," she murmured pero halata naman sa pagsinghot niya.
"Hindi daw, harap ka na sa'kin sige na." I sat up and stroked the hair from her face. "Please?" Pinalis niya yung kamay ko at nagtago ng mukha sa ilalim ng kanyang unan. I pulled the pillow from her face and she glared at me.
"Muntik na tayong mamatay tapos siya pa rin iniisip mo? Si Kuya Aidan nasabugan ng bomba, nabaril ka... pati mga kaibigan ko nadamay, tapos gusto mong makipag-ayos sa kanya?" She spat bitterly. "Sana naisip mo na ang laki ng kasalanan ni Mel. Ang daming taong nadamay sa kanya."
"Okay, sorry. Hindi na," I pulled her close and kissed her. "Sorry na. Hindi ko na siya babanggitin."
"She's an emotional vampire! Pina-pa-guilty ka lang niya!"
May point siya. I've always fallen prey to Mel's antics before. Looking back, andaming instances na ginamitan niya ko ng guilt trip para mapasunod niya.
"Alam mo ba natatakot pa rin ako pag pumapasok ako sa school? Iniisip ko na muntik na kong mamatay kung hindi nagpadala si Kuya Ali ng magbabantay sa'kin. Palagi kong naiisip na kahit sino sa atin pwede pala nilang saktan." I sighed. Shet, hindi ko akalain na ganito pala ang nararamdaman niya... na akala ko nakangiti siya parati pag kaharap ko pero ngayon alam ko nang tinatago niya yung tunay na feelings niya.
"Wag ka nang matakot Aya, andito na 'ko. Nakakulong na yung mga tao ni Hernandez at Tiu," I tried to assuage her fears. "Wala nang mananakit sa'yo."
"Hindi naman ako natatakot dun, pero baliw si Mel. Paano kung bigla ka na lang niyang barilin ulit? Palagay mo matatahimik ako nung nalaman kong binaril ka niya? Once is enough Prince. Hindi ko isusugal ang buhay mo."
I couldn't say anything after that. Ramdam ko yung pag-alala niya at na-o-overwhelm ako sa pagmamahal niya. Gahd, what did I do to deserve someone as wonderful as Aya?
"Hindi ko kaya pag nawala ka," she buried her face into my chest and I felt her pain. Ayokong mabuhay siyang parating natatakot. "Pati si mama mo, ayaw na din sa'kin."
"Hindi ako mawawala. We'll make things work, baby." Inalis ko sa sling yung braso ko kahit medyo masakit pa. Nahihirapan akong yakapin si Aya with one arm. Kung tutuusin, my injuries are nothing compared to Aidan, o dun sa mga agent na namatay sa crossfire. I feel so foolish for making her worry.
"Bakit mo tinanggal? Baka dumugo yan," I shook my head and wiped her tears. Shet, lagi ko na lang siyang pinapaiyak. Kahit nasasaktan ko siya, ako pa rin ang inaalala niya.
"Hindi okay na yan, basta wag ka nang umiyak. Parati ka na lang umiiyak dahil sa'kin."
"Ikaw kasi..." Nasasaktan ako sa bawat hikbing nanggagaling sa kanya. "Mahal mo ba talaga ako?" Parang bata niyang tanong sa akin. She looked so vulnerable. Laging sinasabing para siyang baby pero alam ko malalim ang pang-unawa niya at ramdam kong nasasaktan siya sa nangyayari pero kinakaya niya. I'm her first love pero bakit parang puro heartache din ang dala ko sa kanya?
Instead of answering her with words, I decided to kiss her. Kiss her like I've been wanting to all this time. Lahat ng nakapaligid sa amin, sinasabing maghinay-hinay ako kahit wala akong ibang gustong gawin kungdi ipakita kay Aya yung pagkasabik ko sa kanya. Gusto kong iparamdam na mahal ko siya at handa akong ipagtanggol siya. Na kaya ko siyang panindigan sa magulang ko.
She gasped for breath when we parted for air. Her lips are bruised but I continued dropping kisses on her collarbone.
"Mahal kita Aya, patutunayan ko 'yon sa'yo," I murmured against her soft skin. "I'll fight for you. Hindi tayo mapaghihiwalay nila mama. You are my future, and I'll do everything I can to secure that future."
"Wag kang matakot na magalit si Mel, Prince. Wag kang ma-guilty kung nasaktan man siya. You don't have to be responsible for her mistakes. Everybody has a choice and they have to live by them. 'He who loves the light will be loved by light'" I smiled at that line from Kahlil Gibran.
"If people will embrace the light, the light will find them no matter how dark the shadows are."
I felt her stroke my hair out of my face, "Let's be each other's light."
------------------
I woke up to warm lips caressing mine. I couldn't help but smile into his kiss and he must have sensed that I'm already awake.
"Good morning Goddess," he whispered to my ear and I opened my eyes. Ang sarap namang gumising pag ganito kagwapo yung una mong makikita.
He caught my lips once again and I couldn't suppress the soft moan that escaped my lips. His warm hands caressed the soft skin from my thigh upward to my stomach before sliding to my spine.
"Prince b-baka makita tayo ni y-yaya," I squeezed my eyes tightly when he bit my ear.
"Bumili siya ng pandesal," I swear I could feel the grin on his lips. He raised his head and that familiar mischievous smile melted me on the spot. Hay, hindi makatarungan ang charms ng isang 'to. "Sarap naman ng breakfast ko..." He murmured softly and I swatted his shoulder.
"Baliw!"
He lifted himself up with a chuckle, "masarap naman talaga ah." He pulled me up from our makeshift bed and carried me to the dining room. My eyes widened at the bacon, Spanish omellete, juice, and hotdogs that were already prepared. May origami pa na bouquet of flowers na nakalagay sa origami rin na vase.
"Wow, anong oras ka gumising? Ang dami nito," I inhaled the aroma of the food at bigla akong ginutom. He pulled a chair and put me down before taking the one beside it. "Ang ganda naman nito, paano ka gumawa? Di ba masakit pa yung braso mo?" I touched the paper daffodils and irises.
"Nagpatulong ako kay Yaya Maring. Kaninang 4:30am pa kami gising," he grinned at me as he put bacon and eggs on my plate. "Pwede ka nang kumain, intayin ko lang yung pandesal."
I kissed him on the cheek, "Hindi, sabay tayo. Ang cute nito, paano mo nalaman yung favourite flowers ko?"
"Tinanong ko kay Kuya Alfred. Actually dapat bibili ako noon pa pero mahirap maghanap nung actual flowers mo, may season kasi. Origami na lang at least hindi malalanta."
"Ay, ikaw na ang resourceful. Meron nito sa garden kaya lang sa Feb pa mamumulaklak."
"Sabi ni kuya dapat daw marunong gumawa ng paraan," he said proudly and I couldn't help but laugh. We were interrupted by someone knocking on the door.
"Ni-lock mo ba yung pinto?" I asked him and he shook his head. We both got up to check. Sumilip muna si Prince sa may jalousie bago binuksan yung main door.
"Whoa, 'tol anong nangyari sa'yo?!" Bumungad sa amin ang lasing na si Kuya Adam na kaakbay ang walang iba kungdi si Rin. Nakangiwi siya at halatang nabibigatan kaya agad na tinulungan siya ni Prince.
"Ikaw si Carissa?" Takang tanong ko, "akala ko Rin ang pangalan mo?"
The look on her face is priceless.
"Carissa? Sinong Carissa? Rin talaga ang pangalan ko," the two of them placed Kuya Adam on the sofa. Grabe, ang lakas ng amoy ng alak at mukhang sumuka pa yata 'tong si kuya kay Rin.
"Kilala mo siya?" Prince asked and I nodded.
"Siya yung agent ni kuya na nagbantay sa'kin." I turned to Rin, "bakit kasama mo si Kuya Adam?"
"Hay naku, nakita ko lang si A6 kanina na hinuli ng pulis. Driving under influence. Inarbor ko na dun sa officer," she explained. Halatang iritado siya at nandidiri sa suot niyang damit. "May banyo ba kayo?"
"Oo halika," I guided her to the bathroom and gave her some of my bigger clothes to wear. Nakakahiya sinukahan siya ni kuya! Dumating si Yaya Maring at nilinisan at pinalitan namin ng damit pang-itaas si kuya. Niyaya namin si Rin na mag-breakfast.
"Pasensya ka na kay kuya--" I started to say and was interrupted by a crash coming from the living room. Agad naming pinuntahan si Kuya Adam at nakita naming nahulog siya sa sofa at kasalukuyang hawak ang kanyang ulo.
"Kuya okay ka lang?" I knelt down to check his face. He scowled at me and asked in a slurred voice.
"Leche bakit kayong mga babae ang hirap intindihin?" Natawa ako at tinulungan siyang bumalik sa upuan. Parang batang yumakap sa'kin si kuya. "Baby girl ang labo niya... ang labo niya talaga..."
"O uminom ka ng kape para mahimasmasan ka." Sabi ni Yaya Maring at inabot ni kuya yung tasa at lumagok.
"Ano bang nangyari bro? Di ka umuwi kagabi." Umupo si Prince sa kabila niyang tabi.
"Buntis siya..."
"Ha?!" Nagulat kaming lahat. Napatutop si yaya sa dibdib niya.
"Susmaryosep Adam." Napa-krus si yaya.
"...sa bestfriend niya. Tapos ako daw ang mahal niya. Ang labo di ba?" Whaaat?! Humaigali naman ang babaeng 'yon!
Wala akong masabi kaya hinimas ko na lang ang kanyang likod. I caught Prince's eyes and he placed his hand on top of mine.
"Kaya pala panay ang compare niya sa'min nung bestfriend niya, kesyo ako daw walang time. Yun pala inaahas na siya ng hayop na 'yun. Tapos sabi pa bakit daw sobrang concerned ako kay Aya pero sa kanya hinde? Pakshet talaga."
"Hayaan mo na Adam, at least nalaman mo kaagad," Prince patted his back awkwardly.
"Ayaw siyang panagutan ng tarantadong yun. Pakshet talaga."
"Ay wala palang kwenta yan eh!" Bigla akong naasar. Ano ba yan, may ganyan palang mga tao? Nakakabwisit!
"Kung mahal ko daw siya, pakasalan ko siya kasi magagalit ang parents niya. Iniputan ako tapos gagawin akong tagasalo? Hanep ang logic. Di ko ma-gets... pakshet ang sakit..."
"Ay kuya katangahan yan! Naku, asan ba yang makating babae na yan? Nakakainit ng ulo!"
"Cool ka lang baby," Prince stroked my arm," 'Tol mahal mo ba talaga yan?"
"Shet Prince, hindi ako gago. Hindi rin ako papagago 'no. 'Tangina nila..." He buried his face on my neck. I could feel his tears. Alam kong nasasaktan si kuya kahit nagpapaka-macho pa rin siya. Kawawa naman si kuya ko.
I held him until he fell asleep pagkatapos ay binuhat namin siya dun sa spare room na dating kwarto ni Kuya Albert para makatulog. Nagpaalam na si Rin dahil kailangan niya pa raw bumalik sa HQ. Ang dami kong sorry sa kanya kasi hiyang-hiya ako pero natawa lang siya at sinabing okay lang naman daw. Nagbihis na kami para makapaghanda sa klase.
Kasalukuyan akong nagbibihis nang magulat ako kasi biglang may yumakap sa akin galing sa likod.
"Ay ano ka ba?" I breathlessly complained when Prince pulled me away from my closet and carried me to my bed. "Ma-la-late tayo Prince..." I pouted at him.
"Sandali lang..." he murmured as he sat me on his lap and buried his face on my nape. "Bango-bango ni baby Aya."
I turned and wrapped my arms around his shoulders, "ikaw nga mabango eh." I rubbed my nose against his neck. "Mmm..." I slid my hands to his back and rubbed the hard muscles there. I felt him hitch a breath and pull me tighter against him.
"Ayaw daw oh," he chided me at pinamulahan ako ng mukha. Medyo nasasanay na ako dun sa pagiging touchy-feely ni Prince at inaamin ko naman na curious ako sa kanya but he still never fails to make me blush everytime he reminds me.
"Naman eh," I whined and he chuckled. I felt him slide his hand on the bare skin of my stomach and I moaned at the contact. "Prince..."
"Pa-kiss baby," I smiled and obliged. "Isa pa..."
He caught my mouth in his and nibbled on my lower lips, begging for entrance. I relented and he took his time to kiss me thoroughly. Para kaming baliw sa halik. Yung sandali naging maraming sandali kasi di namin mapigil yung 'isa pa'. Yung kamay niya hindi ko na magawang pigilan pero at least he still had the sense to keep his hands away from places covered by my underwear. When I asked him, sabi niya gusto niyang ako ang magsabi kung kailan pwede. Lalong tumaas yung level nang pagmamahal ko sa kanya.
"Bakit kaya may mga taong selfish gaya ni Carissa?" I asked him while we lay wrapped on each other's arms on my bed. Fully-clothed kahit nasa loob ng shirt ko at nag-ta-tango sa likod ko yung kamay niya.
"Ganoon siguro talaga. May mga taong iniisip lang yung sarili nilang kapakanan at pinapasa sa iba yung responsibilidad nila."
"Hindi naman tayo magiging ganon di ba?"
Kumunot yung noo niya, "magpapabuntis ka sa iba?!"
"Hindi, baliw!" I hit his nose.
"Aray naman baby," he pouted as he rubbed his nose, "hindi ka pwedeng mabuntis ng iba, akin ka lang." He pulled my hips tighter and ground himself against my stomach. Syete. "Ako lang pwedeng maglagay ng baby dito." Napasinghap ako sa ginawa niya.
"Ang ibig kong sabihin, maghahanap tayo ng pagtingin sa iba kasi kulang yung time natin sa isa't-isa."
"That's bullshit Aya. Ang time ginagawan ng paraan. Somewhere along the way, palagay ko may iba silang problema or hinahanap. Kung mahal mo, there's no excuse for being loyal. Kahit magsayaw pa ng hubad sa harap mo nasa 'yo kung papatol ka. Hindi naman tayo hayop na basta in heat, kung kani-kanino na lang magkakalat ng lahi." Napangiti ako sa sinabi niya.
"Thank you," I murmured. Malamlam yung mga mata niyang nakatunghay sa aking mukha.
"Dapat ako ang nag-ta-thank you." He tucked me under his chin. "Thank you for being my light. Thank you kasi nung nakilala kita, I wanted to be the best version of myself. Thank you kasi tinanggap mo 'ko despite all the baggages I carry, at thank you kasi nandito ka pa rin at mahal ako despite the pain."
My heart felt light hearing those words and I put my head against his chest and listened to the combined beating of our hearts. I'll fight for this love.
---------------------
I edged out of the room as quietly as I could. I could hear Jem and Alfredo's laughter drift to my ears at napabuntong-hininga na lang ako. Nagulantang lahat ng agents sa HQ ng dumating siya kanina na may dalang breakfast para sa lahat.
Gesture of gratitude para sa matagumpay na operasyon.
Napabuntong-hininga na naman ako. Bakit ba kanina pa ako bumubuntong-hininga?
Dahil ba ini-expect mo Trixie na lumapit siya sa'yo at kausapin ka? Special ka ba sa mata niya gaya nang pagiging special niya sa'yo?
Okay, inaamin ko na. May crush ako sa kapatid ni Boss Ali pero sino ba namang babae ang hindi? Napakagwapo niya at sobrang protective, not to mention isa siyang magaling na chef. Matalino at may stable na estado sa buhay. Pati nga yung co-agent ko na si Jem, hindi napigilan ang fangirling. Pagdating ni Alfredo ay agad na niyang kinausap.
Eh, ikaw Trixie anong ginawa mo? Wala. Tumayo lang dun sa tabi at ngumiti na parang tanga. I couldn't even say a single sensible word when he said 'Good morning'.
Gusto kong batukan ang sarili ko. Bakit ba napaka-awkward ko pagdating sa ganito? Mas mabuti pa yung mga machines, mas naiintindihan ko kaysa sa pag-interact sa ibang tao.
Okay, lagi na lang akong tumatakbo palayo. Akala tuloy ng iba lesbian ako kasi daw mas gusto ko ang machineries, computers at numbers kaysa sa makipag-date. Paano ba naman kasi, yung numbers at machines may quantifiable na equation at may expected na output, pero ang human interaction, karaniwan na irrational at nakakasakit ng ulo.
Nang nakita kong nagsusubuan na si Jem at Alfredo ng strawberries na di-nip sa Nutella ay nagpasya na akong umalis. Ansakit sa heart!
"Walang mangyayari kung nakatanga ka lang, kailangang magtrabaho," I murmured as I went back to restoring Lady. His Lady.
Kinurot na naman ang puso ko.
Bakit ba kasi pinagtiya-tiyagaan ko pang madaliin na matapos yung pag-ayos dito? Am I expecting na kapag natapos yung restoration ay pansinin niya ako? The hell Trixie, the Agency ordered the restoration. Nagkataon lang na ikaw ang designated sa ganitong trabaho. I went on my knees and got under the car. Marami pang kailangang ayusin para maging road-worthy ulit 'tong kotse. In fairness sa kanya, alagang-alaga at halatang hindi pang-display ang kotse niya.
I grimaced when I felt a twinge on my injured shoulder. Daplis lang pero masakit pa rin lalo na sa umaga, stiff yung balikat ko paggising ko. I reached for the wrench and proceeded to attaching another bolt.
I froze when I heard footsteps come inside the shop. I glanced to check kung sino sa co-agents ko ang pumasok pero nakita kong naka-dress shoes ang taong nakatayo sa harap ni Lady. Teka, nag-dre-dress shoes ba si Reaper? Alam ko lagi siyang naka-rubber shoes pag pumapasok.
"Hi," nagulat ako ng dumukwang si Alfredo dahilan para makalimutan ko kung asan ako at mauntog sa ilalim ng kotse. Pakshet ang sakit. Katangahan Trixie, katangahan!
Napahawak ako sa noo ko.Waah! Ang aga-aga may bukol na ako!
Naramdaman kong may humila dun sa trolley na hinihigaan ko at inalis niya yung kamay ko. "Sorry, nagulat ba kita?"
Naumid na naman yung dila ko. Hindi talaga makatarungan.
"Trixie? Okay ka lang ba?" Is that concern in your voice? He pulled me up to a sitting position.
"Uh...Oo..." I stood up at pinagpag ko yung overalls ko. Wa-epek, puro grasa naman ako ano ba?
"Gusto ko sanang mag-request sa'yo," he said with a sheepish smile. Uh-oh, wag kang ngumiti kasi baka pag hiningi mo ang kamay ko bigla akong um-oo. Bad Trixie, whattheheck?!
"A-ano yun?" Okay, nag-blu-blush ako. Alam ko na yung sensation na nag-iinit yung mukha ko.
"Pwede ba kitang maging mekaniko for my next car tournament? I'll ask Ali for clearance."
I felt myself nod in assent.
Peste.
Hindi talaga makatarungan ang ngiting yan.
A/N:
Excerpt from 'Between Night and Morn', Kahlil Gibran
More Aya and Prince! XD Salamat po sa lahat ng nagbabasa :D Please leave a comment or vote if you like the story.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro