Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 35: Days With You

Chapter 35: Days With You

"Baby sigurado ka bang okay lang na sa inyo ako mag-stay?" Napangiti ako sa tanong ni Prince.

"Oo sabi. Pero andun si Mommy ngayon para kausapin tayo." I glanced at him at parang namutla siya. "Hala, wag kang kabahan. Hindi masyadong nangangagat si Mommy." I wanted to joke to ease his worry pero parang lalo ata siyang kinabahan.

Mukhang mas matindi pa nga yung kaba niya ngayon kahit na kakagaling lang naming sa stress debriefing ng psychologist na padala ng HQ. Grabe, bilib ako sa network nila Kuya Ali dahil nagawa nilang pagmukhaing simpleng buy-bust operation lang ang nangyari. May ilang balitang lumabas sa local newspapers pero planted lahat iyon at mahigpit ang media black-out lalo na't mayroong mga matataas na tao sa gobyerno ang nasa payroll ni Tiu. Kinausap na rin ng mga pulis ang mga magulang namin at wala silang kaalam-alam na konektado sila kuya sa nangyaring barilan sa BGC.

"Okay lang naman kapag sinabi niyang hindi pwede. Nahihiya tuloy ako sa inyo lalo," he bit his lower lip and I reached across to squeeze his hand.

"Hay naku, takot ka?" I chided him. "Nakipaglaban sa ex-FBI agent at druglord pero takot kay Mommy? Ayaw mo ba akong kasama?"

"Hindi sa ganon," he squeezed my hand back. I returned my hands to the 10-2 position on the steering wheel. "Pero kung ayaw ni mommy mo, igagalang ko yung decision niya. It's her house."

I smiled at Prince, "Si mommy, cool yun. Basta reasonable ka, hindi siya magagalit." My mom is often seen by her students as one of their coolest teachers for her laid-back attitude. Pero don't go overboard with her at may paglalagyan ka. Students learn early on that my mother is not someone you can trifle with.

All throughout my childhood, hindi ko masyadong nakakasama si Mommy although she always makes sure na andun naman siya sa mga important occasions sa buhay namin like birthdays, Christmas, New Year, graduations, at weddings. Nasanay na rin ako na sila Kuya Alphonse at Kuya Alfred ang parating present kapag may school programs kami at kilala naman kasi ng teachers ko na faculty rin ang parent ko.   

Maswerte kaming magkakapatid sa privilege na prino-provide ng pagiging faculty ni mommy. Napakababa nang binabayaran namin na tuition fee at libre pa yung bahay na tinitirhan namin.

"Basta Prince maging totoo ka lang kay Tita. Ayaw nun sa sinungaling at mayabang. Tignan mo, pag nagustuhan ka nun, sobrang cool niya." I smiled at Kuya Adam when our eyes met on the rear view mirror. Buti na lang at boto sila Kuya kay Prince kasi panghihinaan din ako ng loob kung siguro ay tutol sila sa aming relasyon.

"Dito na tayo," I announced as we arrived at our house. Hindi naman ito yung first time ni Prince sa bahay namin, in fact lagi naman siyang bumibisita pero ito ang unang beses na haharapin niya si Mommy. Kadalasan na andito siya ay nasa Los Baños si Mommy at pag weekend naman na andito si mama ay kami naman ang lumalabas.

Nag-aantay na si Mommy at pinagbuksan kami ng gate.

"Hello, 'Mmy," hinalikan ko agad ang pisngi ni mommy at nagmano si Prince pagkatapos kong igarahe si Shiro. Hindi namin nakasanayan ang magmano kay Mommy, bagkus ay lagi kaming humahalik. Sa mga grandparents at malayong kamag-anak lang kami madalas magmano. 

"Good afternoon po," bati ni Prince. Natawa naman si Mama kasi parang constipated na ewan yung boyfriend ko.

"Pasok kayo." Anyaya niya. Tumuloy na kami at pinaupo ko si Prince sa sala bago ako umakyat sa kwarto ko para magpalit ng damit. Gusto kong harapin niya si Mommy kagaya nang ginawa kong pagharap sa mama niya. I realized na gusto ko din na mapalapit si Prince kay mama pero ayokong i-build-up siya. Gusto ko makilala siya ni mommy as he is.

Pagkababa ko ay nakita kong mukhang maayos naman silang nag-uusap. Tumuloy ako sa kusina para kumuha ng meryenda. Naabutan ko si yaya Maring na naghahanda ng suman at juice.

"Yaya Maring ako na po." I took the tray at tututol sana si yaya pero nauna na ako sa kanya. "Tingin niyo po pasado si Prince?" Inginuso ko si Mommy. Natawa si yaya sa akin.

"Ay kagwapo niyan at malambing pa, oo naman. Basta hindi stressed yang mommy mo tiyak mahuhuli ni Prince ang kiliti niya." Yes, love talaga ako ni Yaya Maring. Saka parati kasi siyang tinutulungan ni Prince maghanda ng pagkain kapag andito kami sa bahay kaya naman super love niya ang boyfriend ko.  

"Uy si yaya, love mo talaga si Prince, no?"

"Syempre naman iha. Nakikita kong mahal ka niya at mahal mo siya, bakit ko naman siya hindi mamahalin? Saka magalang na bata yang si Prince," naku mukhang naluluha pa si yaya. "Pero dapat talagang seryoso siya sa'yo. Ayokong paglalaruan ka niya... naku baby kaya kita." Kinurot-kurot pa ni yaya yung pisngi ko. Simula baby pa ako ay yaya ko na siya. Originally, si Kuya Alfredo ang talagang baby boy niya kasi pumasok siyang yaya para kay Kuya Alfredo. That was twenty four years ago. Hanggang sa inalagaan niya na rin si Kuya Ali at panghuli ay ako. Si yaya na ang naging pangalawang mommy ko kasi nga busy ang magulang namin tapos nung nagkaroon ng ibang pamilya si Dad ay lalong isinubsob ni mommy ang sarili sa trabaho.

"Prince simple lang naman ang gusto ko, ang maging masaya ang anak ko," inilapag ko yung tray saka naupo sa tabi ni Prince. Agad niyang inabot yung kamay ko at pinisil.

"Tita yun din naman po yung gusto ko. Hindi ko naman po pababayaan si Aya," I leaned my head against his shoulder.

Bumuntong-hininga si Mommy, "Bata pa kayo, mapusok. Basta isipin mo lang na dapat maging responsible ka bilang lalaki. Kung hindi mo pa siya kayang buhayin na hindi umaasa sa iba, wag mo siyang mamadaliin. Ayoko na basta mo lang siya kukunin tapos pahihirapan mo. Once ialis mo si Aya sa poder ko, responsibilidad mo na mag-provide sa kanya."

Tahimik lang akong nakikinig sa kanila. Ayokong saklolohan si Prince kasi siya naman ang dapat sumagot para sa sarili niya. Ayokong magmukhang kinakampihan ko siya. Lalong ayokong magmukhang pinangungunahan ko siya.

"Simple lang ang rules ko. Wag kayong magtago. Pag itinatago, may stigma nang ikinakahiya, at ang bagay na ikinakahiya, hindi dapat ginagawa. Kaya lumaking hindi sinungaling ang mga anak ko dahil iyan ang itinatak ko sa utak nila. Kumilos lang nang tama sa lugar at yung may respeto sa sarili at isa't-isa."

"Opo Tita," Sagot ni Prince. Bumaling sa akin si mommy.

"Aya, kailan niyo balak sabihin sa akin ang engagement niyo?" Nagulat ako sa biglang tanong ni Mommy.

"Hindi pa naman po official yun," Hala... nagtatampo ba si Mommy? Na-guilty ako bigla. "Sorry po, mommy." Agad akong tumayo at umupo sa tabi niya. Yinakap ko si mommy.

"Hindi ibig sabihin na wala ako dito sa bahay lagi ay wala akong pakialam sa'yo. Pumayag kang magpakasal kay Prince, pero hindi mo man lang ako sinabihan." Hala ka, nagtatampo nga si mommy.

"Sorry po mommy," I murmured and hugged her tightly. "Hindi pa naman po kasi yun ngayon. Gusto ko pong mag-aral muna. Saka baka po kasi magalit kayo. Alam ko naman pong kaka-eighteen ko lang tapos first boyfriend ko si Prince."

"Tita ako po ang dapat mag-sorry. Dapat po una akong nagpaalam sa inyo bilang magulang ni Aya." Napayuko si Prince.

"Hay naku ang babata niyo pa talaga," My mommy stroked my hair, "Aya isip-bata ka pa. Gusto kong mag-mature ka muna bago mo maisipang gumawa ng bata." I felt my face heat up with what she said.

"Mommy hindi po ganon!" I protested, "hindi po namin yun ginagawa ni Prince!"

"Oh crap, TMI." Kuya Adam murmured and looked away samantalang si Prince din ay pinamulahan ng mukha.

Natawa lamang si mommy at hinigpitan ang yakap sa akin, "Anak dadating kayo dun dahil yun ang normal course of things pero keep your head and guard your heart. Wag magmadali. Hindi kita pinagbabawalan mag-boyfriend, pero gusto ko take your time to grow your relationship. Ang relasyon hindi nadadala sa puro lang damdamin."

"Pero hindi po talaga--" I quieted when she shushed me.

"Naniniwala naman ako anak," she cupped my cheeks, "at mas cool sa akin na dumito si Prince para makilala ko siya ng husto. Just don't break my trust sa inyong dalawa."

------------------

Para akong nabunutan ng napakalaking tinik sa dibdib nang matapos ang usapan namin ni Tita Delia. She insisted that I call her Mommy Delia from now on dahil engaged na naman daw kami ni Aya. Sobrang laki nung ngiti ko na hindi mapalis-palis kaya binatukan tuloy ako ni Adam kasi parang nakatulala daw ako. Hindi ako makapaniwala kung gaano ka-cool si Tita lalo na nung ininvite niya pa kaming dalawa ni Aya na magbakasyon kasabay ng conference niya sa Malaysia sa sembreak.

"O 'tol, the fight is over but the battle is just beginning." Nakatawa si Adam, "ngayon mo mapatutunayan yang tibay mo. Lagot ka, may saltik ang mga Zabala."

"Bro, kahit gaano pa kalakas yang saltik na sinasabi mo haharapin ko. Ngayon pa, eh tignan mo nga yung pinagdaanan natin?" Medyo napalis yung ngiti ni Adam nang maalala yung mga nangyari. Alam kong shaken silang lahat sa nangyari kay Kuya Aidan.

"Sorry Adam. Mahuhuli rin ni Kuya Ali si Tiu, sure ako diyan," I clapped a hand on his shoulder. "I trust Kuya Ali." Napangisi si Adam.

"It wouldn't hurt kung bibigyan din ako ng chance na kabitan siya ng C4 bomb." Shet. Hindi ko kilala 'tong side na 'to ni Adam. Sobrang laid-back nang pagkakilala ko sa kanya. May itinatago palang vicious side itong soon-to-be brother-in-law ko.

Tangna Prince, sige OWN it. Napangiti na naman ako. Pagkatapos nung gulong pinanggalingan namin na akala ko ay hindi matatapos, eto ako ngayon feeling sobrang swerte dahil tanggap ako ng buong-buo ng pamilya ng babaeng mahal ko. Ang sarap ng feeling.  

"Prince ready na kayo?" Aya appeared at the doorway. Nakagayak na siya para puntahan naman namin si Kuya Aidan.

"Yup, ikaw lang naman hinihintay namin baby girl. Naks, dalaga na kapatid ko ang tagal na magbihis," Biro sa kanya ni Adam and Aya playfully punched his arm.

"Kuya talaga," she pouted as she blushed.

"O, dalhan niyo rin ng suman ang mga kuya niyo." Iniabot ni Mommy Delia yung naka-prepare na paperbag na may pasalubong. "Sabihan niyo si Aidan na magpagaling. Naku mababawasan ang kagwapuhan ng mga Zabala."

"Thanks 'Mmy," Aya and Adam kissed her cheeks at nagmano naman ulit ako bilang pagpapaalam. Natawa siya sa akin at niyakap ako na parang tunay na anak. Shet ako na ang swerte.

Sana lang ganito rin ang pagtanggap muli nila mama kay Aya.

--------------------

"AHHHH!!!! BAKIT MO KINAGAT ANG BABY CAKE KO?!"

Isang malakas na sigaw ang narinig namin mula sa loob ng kwarto nang buksan namin ang pinto. Nadatnan namin si Kuya Alfredo na may hawak na cupcake at hindi maipinta ang mukha saka si Kuya Aidan na nanlalaki ang mata at mukhang bigong-bigo.

"Shet." Napamura si kuya Alfredo sabay luwa sa cupcake,"pagkain ba 'to?!"

"Kuya, hindi ka man lang naawa sa mga pamangkin mo?!" Maygulay, si Kuya Aidan lukot-na-lukot ang mukha.

"Ano pong nangyayari?" Lumapit ako at yumakap kay Kuya Alfred.

"Ewan ko ba diyan kay Aidan, ang drama. Tinikman ko lang naman yung dala ni Red."

"Kuya ba't mo pinakailaman yung baby cakes ko?" Kuya Aidan pouted at him. Akala mo hindi puro benda ang katawan at kakagaling lang sa ICU. May apat na nakakonektang IV line pa sa kanya na pulos antibiotic, fluids at electrolytes.   

"Kilabutan ka nga. Baka balak ka na lasunin nun kaya pinadalhan ka nito," Kuya Alfred laughed.

"Hindi magagawa sa akin yan ng Baby Cake ko! True love ito," protesta ni kuya Aidan. Halos gumulong kami sa katatawa sa kanilang dalawa.

" 'Tangna Aidan kaya puro internet girlfriends and nakukuha mo eh," kulang na lang ay ipagpag ni Kuya Alfredo yung dila niya. Ibinaba niya yung cupcake sa mesita katabi yung box na mukhang isang dosena. "Sumeryoso ka nga."

"Asus, nagsalita ang seryoso sa girls," Kuya Adam laughed at binatukan rin siya ni Kuya Alfred.

"Kasalanan ko ba kung pag-nag-meet kami ibang-iba sila sa pictures nila? Saka 'wag mo idamay dito ang baby cake ko." Kuya Alfredo scowled at him at halatang pinipigil ang sarili na batukan si Kuya Aidan.

"O bawal muna batok," he raised his hand, "alam ko kamukha ko si Shishio ngayon pero mas gwapo ako dun." He grinned.  

"Internet girlfriends?" Prince asked and we all laughed.

" 'Langya kasi 'tong si Kuya Aidan pagnakaka-meet nagiging stalker na yung girls," halos maiyak si Kuya Adam sa katatawa. "Ilang beses na nangyari sa kanya yan. Kaya laging sinasama si Diosa sa meet-up para kapag kakaiba pinapakilalang girlfriend kaagad!"

"Wala hindi na ako maghahanap kasi nahanap ko na siya," Kuya Aidan grinned ruefully, "Ang ganda di ba? Saka astig."

"Leche, seryoso ka ba diyan? Baka barilin ka ni Red." Kuya Alfredo sat down on a chair.

"Kuya maghanda na tayo ng memorial plan," Kuya Adam nodded as he sat beside Kuya Alfred.

"Ano bang lasa?" Inabot ko yung kinagatan ni Kuya Alfredo pero mabilis niyang inabot ang kamay ko at umiling.

"Baby girl, igagawa na lang kita promise. Wag mo na i-attempt yang kay Aidan." He chuckled softly, "may death wish talaga yang kapatid natin eh."

"Kuya Alfred, do you doubt the power of my charms? Mahal ako nun," Hay naku magaling na 'tong si Kuya Aidan nagbalik na agad yung sense of humor eh.

"Okay ka na ba kuya?" I approached him and he reached for my hand. "Walang masakit?"

"Okay lang ako. Kita mo nga magkaka-sister-in-law ka na," I shook my head and rolled my eyes at him, "pati ikaw baby girl di naniniwala kay kuya?"

"Kuya nabaliw na," I  shook my head at him. "Ilang truck na anaesthesia ba sinaksak nila sa'yo?"

"Honestly wala akong nararamdaman na pain," he said, "my nerves have been fried." Napalunok ako kasi seryoso yun pero dinadaan lang ni Kuya Aidan sa biro.

"Kuya..." I started to say but he waved me off.

"Baby girl don't begrudge me my battle scars. Proud ako diyan. Ibig sabihin niyan love ko kayo," he patted my head. "Ayaw ni kuya sa drama."

 "Weh, hindi ka pa nagdradrama sa lagay na yan?" Kuya Adam winked at me, "humanda ka pagdating ni Kuya Ali. Pati agents niya pinopormahan mo."

"Kasalanan ko bang mabighani sa magandang binibining kagaya niya?" Hay naku si Kuya Aidan hindi marunong magseryoso.

"Shet, humahabol pa 'to sa Buwan ng Wika," Kuya Adam shook his head and took a cupcake in hand. "Ano ba dapat flavour nito?"

"Red velvet of course. Sabi ko sa kanya, favourite ko yon." Kuya Aidan grinned, "pero mas okay sana yung Red-flavored." Hay ang sarap lang kapag magkakasama kaming magkakapatid. Na-miss ko tuloy si Kuya Ali. Prince pulled me close and hugged me with his one arm. I leaned comfortably against him.

"Ulul. Mamaya ikaw na isasama sa cookie batter nun. Magiging daddy cake ka na talaga, charcoal-flavored nga lang." Pang-aasar ni Kuya Alfred. Alam kasi niyang di makakaganti si Kuya Aidan. 

"Kuya inggit ka lang dahil may baby cake na ako, eh si Lady mo kaya ka bang gawan ng cake?"

"Ligawan mo muna. At least ako, hindi pasasabugin ni Lady pag nabwisit sa akin."

"Ah, kuya ibang fireworks ang pasasabugin namin ni Red," Kuya Aidan grinned mischievously, "yung nakamamatay sa sarap."

"Humaygahd," I clapped my hands on my ears and blushed. Prince kissed my temple while he shook with silent laughter.

Nag-ring yung phone ni Kuya Alfredo and he checked it. "Uy si Ali tumatawag." Agad kaming nanahimik para makinig.

"Hello? 'tol kamusta?" Kuya Alfredo greeted him with a serious face. He listened for a while "Talaga? Hindi nga? Syet!" Nakangsi siyang nag-high-five sa aming lahat saka ini-speaker mode ang cellphone niya.

"Yup. Rini-round-up na lang yung natitira pa niyang tauhan dito." We heard his voice and we all gave individual sighs of relief.

"Kuya okay ka lang?" I asked and heard him laugh.

"Ikaw ba yan baby girl?"

"Opo kuya, kamusta ka na po?" I'm eager to see my Kuya Ali and talk to him. Marami akong gustong itanong sa kanya, "kelan ka po uuwi?"

"Soon baby girl. May importante pang misyon si Kuya sa ngayon--" may narinig kaming mga kaluskos and a feminine shriek cut through the line.

"Ali ibaba mo nga ako! ALISTAIR ZABALA!" Hala ka, nagkatinginan kaming lahat na magkakapatid. Pati si Prince napanganga when we heard Ria's voice. "Walanghiya ka, ibaba mo sabi ako!"

"Sandali lang darling," we heard Kuya Ali laugh from the other line, "oo, na excited din ako. Wait lang..."

"Ang kapal mo talaga!"

"Hala si Ria ba yun?" Kuya Adam laughed. "Shet, kuya ano bang ginagawa niyo?"

"Darling alam kong excited ka na, one minute lang," he chuckled darkly and we heard the roar of an engine.

"S'an mo ba 'ko dadalhin?!"

"Sa heaven..." Kuya Ali laughed and we heard a few thumps. "Okay, fine paradise."

"Okay nakakaistorbo na kami," Kuya Alfred cleared his throat. "Galingan mo Ali ha, baka mamaya hindi mo pa alam ang gagawin. Tanungin mo lang si Kuya at ready akong turuan ka." He said meaningfully.

"Bwiset." Kuya Ali snorted, "I do know which goes where, thank you very much."

"Anong 'which goes where' ka diyan?! Manyak ka, bitawan mo ko!" We heard Kuya Ali laugh. "Alistair!"

"Sorry guys, I'll be back in two weeks. I love you baby girl."

"I love you din po kuya," I smiled. "Ingat po kayo ni Ate Ria."

"Pagbalik mo siguraduhin mong nadagdagan na ang lahi ng mga Zabala," Kuya Adam cheered him on.

"Gago," pero ramdam ko na masaya si Kuya Ali. "Pakisabi kay Aidan mag-ingat siya kay Red."

"Kuya, binibigay mo na ba ang blessings mo? Sabi ko na, boto ka sa'min eh," Kuya Aidan grinned. "Kayo lang naman ang panira eh," he pouted at us.

" 'Lul, magkakatotoo yung pagkabit sa'yo ng C4 bomb pag tinopak yun. Good luck 'tol. Sana ma-witness mo pa ang wedding ko."

"Anong wedding?!"

"Shh... Maria..."

"Ay leche, wag mo 'kong mina-Maria---" We heard Kuya Ali laugh again before the line was cut-off.

"Oh, shit." Kuya Alfred shook his head while laughing as he pocketed his phone. " 'Langya kayong lahat, uunahan niyo pa 'ko."

A/N:

Super short update. XD

TMI - Too Much Information

Shishio or Makoto Shishio, from Rurouni Kenshin. Copyright Nobuhiro Watsuki.

Okay, I needed a breather from writing heavy action and heavy drama. Salamat sa lahat ng sumusubaybay sa It Started in the Library, especially to my kabutids. Maraming salamat din sa mga silent readers ko, haha paramdam kayo. XD

Edited 09052014 


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro