Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 30: I Do Not Love You

Chapter 30: I do not love you

"Aray naman!" Grabe talaga ang hilig mambatok nitong si Kuya Ali. Napasimangot ako habang siya naman ay nakataas ang kilay sa akin. "Kuya Ali talaga... yung braincells ko ang dami nang namatay sa kakabatok niyo ni Kuya Alfred." I grumbled.

"Puro ka kalokohan. Sabi ko kanina meet-up at pick-up, hindi ko sinabing managasa kayo ng property at tao," he gave his signature deathglare, "muntikan na si baby girl kanina tapos babayaran pa lahat ng nasirang mga tinda dun sa street vendors na inararo niyo ni Edge."

"Mabuti nakatimbre na ito sa NBI at DOJ kaya wala tayong kaso," he pinched the bridge of his nose and stood up. I closed my eyes and yawned. Grabe, nakakapagod ang pakiramdam matapos ang intense na habulan.

I realized I'm grinning like an idiot. Mas masaya 'ata 'to kaysa sa pag-a-arkitekto.

The hell. Our moms would probably flip if they learned what we have been up to. The funny thing is, it felt strangely liberating. I love the fact that I'm working with my brothers like this.

Who would have thought that we'd get past that awkward stage of being step-siblings from ten years ago? Grabe, salamat kay Aya. Until now, she is still the tie that binds us all together.

Naalala ko the first time I saw her when we were kids, sobrang timid niya. Hindi siya palalabas ng bahay at hindi rin nakikisali sa ibang bata kapag naglalaro. She was very quiet at si Ali at Alphonse lang ang nakapapagpangiti sa kanya.

Naawa ako sa kanya, halata ang pagkasabik niya tuwing makakakita ng mga batang mayroong ama. Pakiramdam ko noon, ninakaw namin ni Adam ang chance niya para magkaroon ng tatay. I vowed then na pupunuan namin ni Adam ang mga panahong wala siyang tumatayong ama ng aming pagmamahal at pag-aalala. Si Aya ang pinakaunang tumanggap sa amin bilang kapatid bagamat magkaaway ang mga mama namin.

When our father died, she was the one who made the effort para magkasundo ang magkakapatid. Sa una, ayaw nila na tanggapin kami ni Adam but Aya persisted at ang kakulitan niya ang naging daan para matanggap namin ang isa't-isa. I'll forever love our baby girl for that.

"Here," I cracked open my lids at isang tray na may tatlong Big N' Tasty ang nasa harap ko. Napatingin ako kay Kuya Ali. Kinuha niya yung isa at tinanggal sa box.

Napangiti ako. Hay kuya nagkukunwari ka pang masungit pero alam naman namin ang saltik mo.

---------------------

Napasugod ako agad sa Diliman pagkatapos ng klase ko. Grabe, tinawagan ako ni Sab kanina na humahagulgol at ang tanging naintindihan ko lang sa sinabi niya ay "Kiko", "galit", at "sorry". Sinubukan kong tawagan si Kiko pero mukhang patay ang phone niya.

Hala ka, ano na kayang nangyari sa dalawang yun? Kaninang umaga ang sweet pa nila at sabay-sabay pa kaming nag-breakfast. Grabe, away agad eh mukhang kanina nga lang sila naging sila?

Wait, sila na nga ba?

Arrrgh! Masyado na yata akong na-pre-occupy ng engagement namin ni Prince at hindi ko na nakumusta sila Sab at Kiko. Wala, pakiramdam ko tuloy ang walang kwenta kong kaibigan!

Biglang tumunog ang incoming call alert ng Bluetooth controls ko.

"Prince ko," bati ko kaagad kay Prince, "papunta ako Chocolate Kiss para i-meet si Sab. Please if makita mo naman si Kiko sabihan mo 'ko."

"Kasama ko si Kiko, nagkita kami sa Sunken" he sighed deeply. "Mukhang masama ang loob."

"Anong nangyari? Paka-usap naman ako," Hala, nag-aalala na talaga ako. Bakas sa boses ni Prince na malaki ang problema.

"Ayaw niya eh. Andito kami sa apartment," I could hear sobbing in the background. Syete, umiiyak si Kiko? Maygadh, parang part two 'ata ito ng Sagada pero this time mas intense.

"Prince wag mo iwan si Kiko, please? I-meet ko lang si Sab pero pupunta ako diyan" I signaled to the vehicle behind me bago ako nagpalit ng lane. Syete bigla niya lalong binilisan at muntikan na ang harap ng kotse ko. Napatapak ako bigla sa brakes at nagsipag-busina ang mga kasunod ko. "Oh, shit!"

Ilang motorsiklo ang nagsipagsunuran sa bigla na lang na humarurot na kotse.

"Baby anong nangyari?! Okay ka lang?" Puno ng pag-aalala ang boses ni Prince. "Aya, anong nangyayari?!"

"Okay lang ako. Ki-nut ako nung kotse sa likod," I sighed deeply.

"Sure ka? Baby, sure kang okay ka lang?" Hay grabe ang OA lang.

Napangiti ako habang ipinag-patuloy ang pag-drive, "Prince okay lang talaga ako. Ikaw naman parang kung magsalita napapano na 'ko," I chided him, "I love you Prince ko."

"I love you Goddess. Drive safely okay? Wag kang magmadali, ako nang bahala kay Kiko." I touched the screen to end the call.

I don't know if my eyes are playing tricks on me, but I could swear I just saw Kuya Aidan drive past in his pick-up.

Anong meron sa araw na ito?

-----------------------

"They are currently in hot pursuit of subject XH32. Approaching grid 24. Second squad still at grid 12 in pursuit of Team 2. The Dragon is still in his lair," Rika briefed me habang nasa loob kami ng Fully Booked dito sa Bonifacio High Street.

"Alright. I need A5 and A6 to provide distraction. Send Red and Yhona," I watched Maria put down the book she is browsing to pick up another one. I clenched my fists. Last night she told me to back off.

Like it's that easy.

"Jaguar, are you sure Reaper is ready for the task you gave him?" I smirked. This is turning out to be quite a family affair. Pinsan namin si Reaper and the boy 'accidentally' hacked into one of the accounts I've been maintaining for quite some time. Instead of getting rid of him, I decided to play with his strengths.

Well Ali, six years ago you did the exact same thing he did and that's what landed you this job. Nostalgic, eh?

"Rika I don't hire people who don't have skills. He might be young and inexperienced but he's not stupid," At sa wakas hindi na lang ako ang lalaki sa HQ. "Call it a baptism of fire if you will. Send Trixie to assist him in the lab."

I saw Maria attempt to look around casually. Parang may hinahanap ang mata niya. I decided to step out of the shadows so she can see me. Her eyes widened when our gazes met.

Good, I still have that effect on you despite of what you say.

"Rika tell Icen we need to implement plan B. Make sure all the modifications are ready for the Lady. Report to me once installation is completed. Send Jem to assist Trixie."

I'm not letting you go... not until I understand these strange feelings you have woken up in me.

------------------------

Pinabayaan ko lang si Sab na umiyak bago 'ko siya pinagkwento kasi alam ko namang hindi siya makakapagsalita nang maayos kung hindi muna niya ilalabas yung iyak niya. Niyakap ko lang siya at nag-order na rin ako ng tea saka classic Chocolate cake para sa kanya-ang dakilang pagkain ng mga sawi-- at Dayap chiffon cake para sa akin.

Sa ngayon ay humihikbi na lang si Sab kaya tinulungan ko na lang punasan yung mata niyang mugtong-mugto na.

"Hindi ko naman alam na dadating talaga si Roel, akala ko niloloko niya lang ako na gusto niyang makipagbalikan," panimula niya.

Tumaas ang kilay ko. What? Bumalik si Roel? Humaygahd, kaya naman pala nagkaganon si Kiko!

"Ha? Anong nangyari?" Inihilig ni Sab yung ulo niya sa balikat ko at humikbi ulit, "uy, Sab..." Kinuha niya yung tinidor at sumubo ng chocolate cake.

"Kasi kanina dapat mag-lu-lunch kami ni Kiko tapos... tapos dumating si Roel..." Hinaplos ko yung buhok ni Sab. Grabe naman kung kailan feeling ko nagkakaroon na ng pag-asa si Kiko tapos magpapakita na naman yung ex ni Sab na me topak.

Ewan ko ba. Classmate ko naman si Roel nung highschool and he seemed like a decent guy. Akala ko sila na talaga ang magkakatuluyan ni Sab dahil Prom King and Queen pa sila pero nagbago ang lahat ng mag-college na kami. He got pre-occupied with his new set of friends at sa computer games to the point na mas inuuna niya sila kay Sab.

Ayoko munang magsalita kaya hinayaan ko siyang magkwento. "Aya, nakita ni Kiko na ki-niss ako ni Roel kanina. Grabe, hindi ko alam yung gagawin ko..."

"Hala, Sab anong sinabi ni Kiko?"

"Yun nga eh wala siyang sinabi. Nakita ko na lang umiiyak siya. Aya hindi ko naman sinasadya eh," a fresh wave of tears came out, "K-kasi nagulat din ako tapos si Kiko basta nag-walk-out."

"Syempre nasaktan yung tao, normal lang yun." She nodded and took another bite of her cake. Ako din naman ay sumubo rin. Mabuti na lang at medyo maaga pa kaya wala pa masyadong tao.

Hinagod ko ang likod ni Sab. Kawawa naman ang bestfriends ko. "Pero Sab seriously, ano ba talaga kayo ni Kiko? May feelings ka ba sa kanya?" Biglang nanahimik si Sab.

"Sab, yung totoo," bumuntong-hininga siya, "alam mo lalo lang siyang masasaktan kapag pinaasa mo siya."

"Aya mahal ko na yata si Kiko," she confessed. "Kasi kanina nung nakita ko siyang umiiyak parang nadurog yung puso ko. Kanina pa nga ako parang loka-lokang paikot-ikot dito sa campus. Naka-ilang sakay na ako sa Ikot at Toki."

"Hindi ba naaawa ka lang? Iba yung in-love sa naaawa."

She shook her head, "Naaawa pa ba ako kung sinampal-sampal ko si Roel at tinadyakan dahil sa kalokohan niya? " Oh my, the mental image! Hindi ko napigilang mapahagikhik.

"Yun naman pala eh. Sabihin mo sa kanya." Hala, kinikilig na tuloy ako bigla.

"Eh, pa'no pinatay nga niya yung phone niya!" nakasimangot na si bestfriend at di na umiiyak. "Itong si Villanueva talaga parang tanga! Hindi man lang ako pinagpaliwanag... Ang ganda pa naman nung tulips ko kanina..." nilabas niya yung bouquet at namangha ako. Ohmygash ang romantic naman ni Kiko!

"Ako nang bahala, kakausapin ko si Kiko okay?" I hugged her tightly. "Grabe na-miss kita."

"Miss din kita Aya," she hugged me back tightly. Nagkatawanan kaming dalawa.

"Pero pa'no nga pala si Roel?" Sab rolled her eyes at me.

"Bahala siya sa buhay niya, alam mo ba ang kapal nun? Nakita daw niya yung photos namin ni Kiko sa Sagada at na-realize niya na nami-miss niya ako at hindi pwedeng si Kiko lang ang ipalit ko sa kanya." Teka lang, parang uminit ulo ko dun ah!

"So ibig mong sabihin hindi niya lang matanggap na si Kiko ang papalit sa kanya? Wow grabe bakit may mga nabubuhay na ganyan ka-conceited na nilalang?" Maygulay, sarap lang patayin.

"Kaya nga girl dapat sa kanya binibitin patiwarik. Baka sakaling nalaglag yung utak niya sa talampakan at maibalik ulit," napahagikhik si Sab. "Bwisit na yon, 'kala niya siguro pagtiyatiyagaan ko siya. I'm Sabrina Althea Arroyo, who you siya ngayon?!"

"Hay naku Sab... what the--" bigla akong napatayo nang bumuhos ang malamig na tubig sa ulo ko. I whipped around and saw none other than Mel.

Syete lahat ng dugo sa katawan ko biglang kumulo. Hindi na ako nagsalita at dinampot ko na lang yung umuusok na chamomile tea ko.

"Bitch!" sabay saboy ko sa kanya ng tea. "Ang laki ng problema mo!" Napatili si Mel at nagtatarang sa sakit ng pagkapaso.

"Putangina mo!" she rushed at me and caught my hair. Hindi naman ako magpapatalo sa kanya at sinabunutan ko nga rin kaso ang tangkad niya kaya napahiga ako sa table at naglaglagan ang mga pagkain at kubyertos. Narinig kong sumisigaw si Sab sa background.

Hindi ako papayag na matalo sa bruhang 'to kaya tinuhod ko nga sa sikmura. Napahiyaw siya at bumitaw sa akin para hawakan yung sikmura niya. Ako naman ang sumugod at sinipa ko sa alulod kaya napaluhod siya sa sakit. Nagdatingan ang security ng Bahay ng Alumni at sinubukan kaming pigilan na dalawa.

"Akala mo panalo ka na? Try again little girl!" Matapang na sigaw ni Mel. "Prince is still mine!"

"Ilusyonada ka. Saka sobrang kapal mo na girl kailangan mo na ng liha. Hindi ka na babalikan ni Prince dahil ako ang mahal niya. Pakamatay ka na lang!" Sagot ko. Grabe 'tong babaeng 'to sobrang nakakahiya ang ugali.

"Babalik siya sa'kin. Tandaan mo yan. Pagsasawaan ka lang niya!"

"Mga ineng ano bang nangyayari dito?" Tanong nung security guard sa amin. May ilang mga taga-opisina rin ng alumni office ang naroon at nakikiusyoso.

"Yan pong babaeng yan ang nanugod," turo ni Sab kaya Mel. Sumang-ayon naman ang ilang mga patrons na kasabay naming kumakain kanina.

"Sinungaling ka talaga! Mang-aagaw!" Ayaw pa rin talaga patalo nitong baliw na 'to. Grabe ang lakas ng saltik. "Kakasuhan kita ng physical injuries!"

"Excuse me? Ikaw ang nauna at ipinagtanggol ko lang ang sarili ko," Nanggigigil talaga ako sa babaeng 'to. "Gamitin mo nga yung brain mo, baka inaamag na yan. Palibhasa adik ka!"

She tried to squirm from the security's grasp pero na-korner na siya. "Miss, dun po tayo sa opisina na lang mag-usap-usap," mungkahi nung isang opisyal ng university.

"Kailangan niyo pong bayaran yung mga nabasag." Paliwanag nung manager ng Chocolate Kiss. Inirapan ako ni Mel at sumunod na kami patungo sa office.

-----------------------

"Baby anong nangyari?" nagulat ako sa itsura ni Aya pagkabukas ko ng pinto. May kalmot siya sa pisngi at namumula ang kanyang mga braso. "Aya, anong nangyari baby? Sinong nanakit sa'yo?" Bigla akong binalot ng kaba.

"Aya sinong gumawa nito sa'yo?" Hindi siya sumagot at niyakap lang niya ako ng mahigpit.

"Hay naku Prince bwisit talaga yang ex mo!" Nanggagalaiti si Sab na nasa likod lang ni Aya, "Ang kapal kapal ng mukha niyang manugod."

Whatthefvck.

" 'Tangina talaga." Hindi talaga kami titigilan ni Mel. Hinawakan ko sa balikat si Aya, "dito ka lang baby." I pulled away from her. She started tearing up.

"Ayoko. 'Wag ka umalis..." she held on to my shirt tightly. "Prince..."

"Tatapusin ko na 'to," I started to step out pero hindi ako binitiwan ni Aya. I got out of the house pero nakasunod pa rin siya sa akin.

"San ka pupunta?!" I got onto my bike pero inagaw ni Aya yung helmet. " 'Wag kang pupunta sa kanya!"

"Aya, give me the helmet," I held out my hand, "sige na baby. Dito lang kayo ni Sab. Samahan niyo si Kiko."

"No! Ayoko! Hindi ka pupunta sa kanya!" She hit my chest, "Hindi mo pupuntahan ang baliw na 'yon!"

"Aya hindi ako uupo habang sinasaktan ka niya!" Nakita kong nagsimula na siyang umiyak at umupo dun sa lapag habang yakap yung helmet ko. "Aya naman... pabayaan mo naman na ipagtanggol kita. Parang walang kwenta naman ako niyan eh..." I got down on my knees and pulled her in a hug. "Don't cry baby."

"Dito ka lang sa tabi ko. Hindi mo na 'ko kailangang ipagtanggol sa kanya," she sobbed. "Pag umalis ka break na tayo."

"Aya wag naman ganun," Alam ko she doesn't mean what she's saying, that people say things they don't mean when they are upset. "Don't say those words. Masakit baby." She cried harder.

"Aya naman, please wag ka na umiyak," I wiped away her tears and carried her in my arms. Sab was waiting at the doorway.

"Aya..." she started to speak but I motioned her to the guest room.

"Sab, andiyan si Kiko. I think you should go to him. Ako nang bahala kay Aya," I told her and she nodded.

I brought her inside my room and set her on the bed. Tumayo ako para kumuha ng medicine kit pero kinapitan niya yung T-shirt ko.

"Aya hindi ako aalis. Kukuha lang ako ng gamot, okay?" She reluctantly let go of my shirt to scoot further up the bed. Napabuntong-hininga ako. The fvck, ano ba 'tong kamalasang napasok ko? Pati si Aya, nadamay sa problema ko. She doesn't deserve this... not someone as pure as her.

I took the medicine kit out of the cabinet in the CR before I returned to her, "Aya, gamutin natin yang pisngi mo baby," I got some antiseptic at bulak. She flinched when I dabbed a little on her cut. Damn, magbabayad talaga ng malaki si Mel. How dare she damage my Aya?

Her obsession is terrifying.

"Kukuha ako ng water. May iba pang masakit sa'yo?" she nodded. "Saan?" She looked up at me with apprehension. "Aya, saan?"

"Wag kang magagalit. Promise mo hindi ka magagalit."

"Aya kung seryoso yan, magiging seryoso din ako. Hindi pwedeng wala akong gawin," I told her truthfully. "Saan?" She reluctantly turned around and pulled her shirt up. I saw large bruises on her lower back.

"Putangina," I couldn't stop the silent curse that spilled from my mouth. I clenched my fists tightly.

"Prince, for the record she looks worse than me," she said gently. "Kaya wag kang magalit because I let her pay twice than what you see. Hindi ako papayag na basta niya lang ako saktan. My kuyas taught me how to take care of myself."

I touched the bruises gently. "Kahit na Aya. It doesn't change the fact na nadamay ka sa gulong ito dahil sa'kin. I'm so sorry." I felt a sharp pain in my chest. Bakit kailangan niyang masaktan dahil sa'kin?

"Bakit ka nag-so-sorry?" She turned to me with a frown. "Pinagsisisihan mo bang naging tayo?"

"Hindi gan'on," I protested. "Pero ayokong nasasaktan ka." She smiled softly and touched my cheek.

"Prince, I'm happy that I met you. I chose you already kaya never doubt that." She rose up and gave me a soft kiss. "Alam ko naman na gusto mo rin akong ipagtanggol. I appreciate that Prince ko, pero ayokong magkita pa kayo. Is it selfish of me to wish na hindi na kayo magkita?"

I stroked her hair. "Pagbabayaran niya 'to Aya," I murmured softly as I gathered her close.

I won't sit still and let her get away just like that.

----------------------------

The blade made a zipping sound as it sliced through the air and embedded itself with a loud thunk on the wood of the doorframe just as it opened to reveal a wide-eyed Lana. Rika shoved her further inside and she threw a glare at the other girl.

"I'll give you ten seconds to explain how the hell XH21 got inside your line of defense and managed to get close enough to hurt A7." Nakita kong napalunok siya. I toyed with the edge of my throwing knife as I watched her squirm uncomfortably.

"I'm sorry, I thought she was not going to make a scene..." she jumped back when I threw the knife and it whizzed past the top of her head, cut her hair tie in half, and let loose her mass of long blond hair.

"I don't care if she made a scene or not. She is a threat and you were supposed to be watching out for threats."

"But there were two other counter agents waiting for ambush! What was I supposed to do?!" she protested and I glared at her.

"Did it not occur to you to call for back-up?" I stood up from behind my desk and walked around it to face her. "It takes a second to fire the distress signal and the counter agents were positioned at the parking area.You did not see them? Or were you not watching out for them? When did I ever hire such careless people in my team?"

"You are compromised. Dismissed." She looked at me with pleading eyes.

"Ali, wait... I can't go back to HQ like this."

"It's not my problem. Rika attend me," She turned and fled from the room. Rika bent down and picked up her hair tie from the floor.

"Have the tracker there analyzed. She's a double agent. Change of plans Rika, watch Lana closely."

"I knew she was a rat. Now I get to prove it," Rika smiled at me, "Icen says the installations are ready. We're just waiting for orders."

"Good," I nodded at her. "Send Jem and Trixie to do the installation."

"Hindi mo ipapaalam? Baka magwala siya?" I grinned at her

"Rika, he would thank me for them. Trust me."

------------------

I hesitated if I'm going to knock or just open the door to the guest room. Ano ba Sab, bakit ngayon ka pa nag-he-hesitate? Di ba kanina lang ang tapang mong sinabi kay Aya na mahal mo na si Kiko?

Pero ang dami pa ring apprehensions na lumulutang sa isip ko. Paano pag hindi nag-work ang relationship namin? Hindi lang ako mawawalan ng boyfriend, pati bestfriend ko mawawala. Saka maibabalik ba yung friendship namin pag di kami nagkatuluyan?

Hala, bago pa magsimula puro nega na agad na scenario ang naiiisip ko!

Nakarinig ako ng kaluskos tapos may tunog ng nabasag sa loob ng kwarto. Bigla akong kinabahan kaya itinulak ko na yung pinto at pumasok. Nakita kong nasa lapag si Kiko at nagpupulot ng basag na baso.

"Hala, ano bang ginagawa mo?!" Inabot ko yung kamay niya na dumudugo. "Tingnan mo nasugat ka na, halika nga." I pulled him with me and brought him to the guestroom CR. I put his hand under the faucet and washed the cut. Pagkatapos ay pinunasan ko. Malakas pa rin yung tulo ng dugo.

"Sab?" His voice had that scratchy quality and I refused to meet his gaze. "Bakit ka nandito?"

"To make sure that you don't make a fool of yourself. Kita mo na ilang oras pa lang na wala ako sa tabi mo nasugat ka na? Hay, naku Villanueva!" I opened the medicine cabinet and took out some gauze and antiseptic. I dabbed a little on his wound and he hissed.

"Ako na." Inagaw niya yung gasa at kumuha ng bandage.

"Tulungan na kita." I started to help him pero pinalis niya yung kamay ko.

"Kaya ko na." He stepped out of the restroom at parang nasaktan ako sa actions niya.

I stepped out and saw him struggling to put the bandage with one hand that is shaking badly. He looked really drawn. Parang biglang nawala yung liwanag na kaninang umaga lang nasa mukha niya.

"Shit," he cursed softly when his hands won't cooperate. "Shit naman e, pati ba dito epic fail pa rin ako?"

I walked to where he is and sat beside him. "Kiko wag mo naman akong paalisin." I took his hands in my own small ones. Ngayon ko lang na-realize na ang laki pala ng mga kamay ni Kiko. He let me put the bandage around his hand.

Tahimik lang kaming dalawa na nakaupo pero hindi ko binitiwan ang kamay niya.

"Kiko, makinig ka naman sa'kin please?" I tried to catch his eyes. Namumula yung pisngi niya and I spied several beer cans sa side table. Ano ba ang saltik ng mga lalaki na favorite nila uminom kapag may problema?

"Thank you Sab pero magiging okay din ako. You don't have to stay," he tried to smile but it came across as bitter.

"Kiko Villanueva you don't have the right to tell me to stay or not," I cupped his cheek. "Pakinggan mo kasi ako," I saw him swallow hard.

"Sab please naman o, masyado pang masakit eh. Sorry kung hindi ko pa kayang makinig. Promise magiging okay rin ako pero wag lang today, please?"

Hay naku talaga 'tong lalakeng 'to!

I didn't say anything but just hugged him as much as I can. He remained rigid for a minute pero after a while, I broke his defenses and he hugged me back fiercely. I could feel my shoulder getting wet with his tears. Hay naku iyakin pa rin si Kiko.

I stroked his hair and whispered tenderly on his ear, "Kiko, hindi ka kasing-tangkad ni Roel but I love the fact na kaya kitang i-hug na hindi ako sasampa sa hagdan. Hindi ka matipuno kagaya ng past boyfriends ko pero hindi ko naman kailangan si Superman at aanhin ko yung lalaking pang-display? You're a geek and I love the fact that we can be geeks together."

"I love the way you treat me like a princess and never leave me kahit na minsan maldita ako. I love the fact that you waited for me kahit na feeling mo wala ka nang pag-asa. I love that you give me a choice and never ask for anything in return."

He lifted his face and looked at me with questioning eyes, "Sab...?"

I smiled at him, "Mr. Villanueva, didn't I say you're one lucky guy?"

He looked uncomprehendingly at me and I had to roll my eyes.

"Kiko, alam ko matalino ka pero yung processing mo nagiging Pentium 1 ha," I poked him on the chest. "Kailangan ko ba talaga i-spell out sa'yo?"

He frowned at me, "Sab kung naaawa ka lang..." I put a finger on his lips to silence him.

"Nakakainis ka naman eh," I pouted at him. "Gusto mo pa talaga sabihin ko ng diretsahan."

I saw a wondering smile start to gather at the corner of his mouth. "Sab?"

"Oo na, alam ko ang pangalan ko kaya no need to say it every two seconds," I grinned at him. "Mahal na kita Kiko." I admitted simply. I saw him swallow hard and close his eyes.

"Kurutin mo nga ako," he said with a smile, "baka nag-ha-halluccinate ako eh."

I poked him harder on the chest and he yelped. He opened his eyes and hugged me. "Sigurado ka? Wala nang bawian?"

I pursed my lips then nodded my head with a smile.

"YES!" He pulled me tighter against him, "Thank you Lord!" He cupped my face and kissed my nose.

"I love you Sabrina Althea Arroyo."

----------------------

A/N:

Next chapter is for the Alfredo shippers XD

Thank you and please leave a vote or comment if you like the story. I would really appreciate it. XD


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro