Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 29: Guardian Angels

Chapter 29: Guardian Angels

"Grabe Aya hinintay ka talaga nung weirdong stalker mo kahapon?!" Nanlalaking-mata na tanong ni Issa habang papasok kami ng CAS Library. Napatango ako.

"Buti na lang dumating si Prince kasi nakakatakot na siya kahapon," ini-rolyo ko yung sleeve ng blouse ko, "grabe, nagkapasa pa ako dahil sa kanya."

"OMG girl, nakakatakot nga. Isumbong mo sa school para di na ulit makapasok yan dito." Inabot ni Mitch ang braso ko, "pero ang sweet naman ng boyfriend mo! Knight-in-shining-armor ang peg. Sayang di namin siya na-meet." She sighed dreamily.

"Sinamahan nga ako ni Kuya Alfred kanina para magreklamo sa Office. Binigay namin yung photo ni Kuya Gil dun para di na siya makapasok ulit. Alam mo naman si Kuya, super protective yun, ihalo mo pa si Prince. Hay... gusto pa ni Prince, sunduin ulit ako mamaya pero sabi ko wag na."

"Waah... ikaw na girl! Ikaw na ang may protective na kuya at hot boyfie. Sana ako rin kaso panganay ako," Issa wrinkled her nose,"pero next time pakilala mo kami ha." She grinned at me. Naku si Issa, halatang puma-fangirl kay Kuya Alfred.

"Sure," I said with a smile. Kinuha namin yung titles ng libro na posibleng gamitin sa bagong research na naka-assign sa BS 101 reporting. "Grabe naman si Ma'am Yumul, parang maiiyak na si Rachel kanina nung hi-not-seat niya."

"Well ganun talaga. Dapat always ready," Issa smirked, "Late kasi siya tapos nadatnan pa niyang may topak si Miss dahil hindi ready yung kwarto na ni-reserve para sa lecture." Sa UP lahat ng klase ng prof makikilala mo pero karamihan sa kanila may saltik!

 Pumasok na kami dun sa kaloob-looban nang Library kung saan naroon ang mga libro. Si Issa ang umakyat dun sa tuktok ng shelf kasi naman ang liit ko at di ko abot. Kaso bigla itong umuga.  Na-off-balance siya at naglaglagan ang mga libro sa akin at dun sa lalaking naghahanap din ng book sa kabilang shelf. Napakapit siya sa akin para salagin yung ibang bumagsak.

"Ohmaygosh Aya! Sorry!" Agad bumaba si Issa mula sa shelf. "Sorry po," she apologized to the guy.

"Achoo!" Napabahing ako dahil sa dami ng alikabok. Hala ka! Allergic pa naman ako sa alikabok! Naramdaman ko kaagad na nangangati ako. Teka bakit parang ang bilis naman ng allergies ko ngayon?

"Hala, Aya okay ka lang?" Pinagpagan ni Issa yung blouse ko, "sorry talaga."

"Nangangati ako," I admitted. Nagsisimula nang magka-rashes yung mga braso ko. Ang mahirap, yung food allergy ko sobrang wala na pero yung environmental minsan nag-re-react pa rin. Hala naku, saan ako maliligo nito?

"Miss okay ka lang?" the guy asked me. I nodded and tried not to scratch my arms. Kapag kinamot ko 'to tiyak lalong dadami at kakalat.

"Naku girl grabe naman yung allergies mo!" Nag-aalala na pinunasan ni Mitch ng panyo yung mga braso ko. "I-alcohol natin?" Grabe, feeling ko mas intense yung reaction ng allergies ko ngayon. Dapat ba akong bumisita ulit sa allergologist ko?

"Naku wag, lalo lang mag-re-react yung balat ko. Ligo lang katapat nito," Grabe ang kati!

"Sigurado ka?" He touched my forehead, "Gusto mong bumili ng anti-histamine?" I shook my head. Hala ka, pati si kuya naging concerned. Medyo lumayo ako ng konti kasi hindi ko siya kilala saka kahapon lang may stalker ako. Mukha naman siyang harmless pero mahirap na.

"Thanks, pero okay lang po ako." Nakita kong nangingiti si Issa at Mitch. Hala, anong iniisip nitong mga 'to?

"Sorry, I'm Dylan Narvaez, Fourth year Bio," he held out his hand and I shook it. Nakakahiya naman kung di ko pansinin di ba?

"Aya," matipid kong sagot.

"I'm Mitch." Nakangiting bati ni Mitch, "and this is Issa."

"Nice to meet you," hindi siya nakipag-kamay at ngumiti lang.

I turned to Mitch and Issa, "Hala, saan kaya ako pwedeng maligo?"

"Dun sa apartment na lang namin," mungkahi ni Mitch, "ipapaki-usap ko na lang sa landlady."

"Okay lang ba?" Napansin kong nakatingin pa rin sa akin si Dylan at nag-iwas ako ng tingin. Para kasing kakaiba siya tumingin. Ayoko pa naman ng pinagmamasdan.

Mitch snorted, "Ano ka ba? Syempre no." 

"Kaso wala akong dalang damit," I frowned, "Pa'no yun?"

Mitch rolled her eyes at me, "Di papahiramin kita."

I beamed at her, "Thanks girl, grabe you're a lifesaver!"

"Naman Aya, para yun lang." She helped me gather the books. Nakikuha din si Dylan and we thanked him for it.

"Nice meeting you Aya," I flinched back when he tried to touch my shoulder. For a second, I thought I saw a frown cross his brow pero ang bilis lang kaya hindi ako sigurado. 

"Hey there, andito ka lang pala?" A girl in a green zebra-striped hoodie called out and tapped Dylan's shoulder, "kanina pa kita hinahanap, mag-s-start na kaya yung class." Dylan looked surprised. Suddenly the girl tripped at napahawak siya ng mahigpit sa akin.

"Oops, sorry," I felt her nails digging into my arm. She straightened and gave me a sheepish smile. 

"Sige, mauna na kami," Mitch said and we exited the library. I touched my arm and it felt a little sore. Grabe, ang higpit naman nung hawak nung girl kanina. May pasa pa naman ako mula kahapon at mukhang nadagdagan pa.

"Gosh naman makatingin si kuya," bungad agad ni Issa. "Tinamaan agad sa'yo Aya."

I wrinkled my nose, "Nge? Natakot nga ako kasi parang ang FC niya agad."

Mitch shook her head,"Ikaw talaga Aya, napaka-elusive mo. Alam mo bang yung ibang classmates natin na taga-ibang block gusto ka sanang ligawan kaya lang ang ilap mo? Tapos sa klase, na-no-nosebleed sila sa'yo."

"Weh? Pauso ka naman Mitch," I shook my head. "Saka hindi na ako mag-e-entertain ng ganyan kasi may Prince na 'ko."

We left the books with Issa sa tambayan ng BestSoc para makapagsimula na siya agad. I couldn't shake the feeling na parang may nakatingin sa akin at palingon-lingon ako kung may sumusunod. 

-----------------------

I waited in the shadows to see how he would make his move. Arrgh! Nangangati na yung trigger-finger ko pero alam kong magagalit si Boss pag nagpatalo ako sa inis!

I cringed as I watched him watching A7 habang wala itong kamalay-malay sa mga nangyayari. Maygahd, girl ikaw na ang precious package na kailangang i-deliver. I wonder how she would react if she knows kung anong giyera ang tahimik na pumapalibot sa kanya at kung ilang agent at counter-agent na ang nag-infiltrate dito sa school dahil sa kanya.

I saw him take out a tiny syringe and conceal it in his palm as he casually made his way between the shelves. I peeked between the rows of books as he gave a swift kick to the bookshelf dahilan para maglaglagan ang mga libro galing sa shelf. Oh, shit.  

I opened my tablet and sent a quick message to HQ. I heard them speaking and I inched closer to hear every word. Anak ng... nag-pa-pa-cute pa 'ata 'tong kumag na to kay A7?!

Anak ng... sa lahat naman dun pa sa kapatid ni Boss Ali. You will really face the wrath of Alistair Damien Zabala.

After a few seconds, I received the go signal to proceed. I pulled out the microtransmitter and microdart anti-venom that Shan devised specifically for this situation.

"Hey there, andito ka lang pala?" I casually tapped  XH32 on the shoulder. He turned surprised eyes at me. I saw no glimmer of recognition but I can't be too sure. Alam ko ang kalibre ng animal na 'to at kung ilang secret agent na ang pinatumba niya. 

"Kanina pa kita hinahanap, mag-s-start na kaya yung class." I didn't have to lie at all. Boss made sure that we have the same set of classes. I deliberately stepped forward and hit my knee on a protruding volume. Pakshet masakit! Pero kailangan to make things look natural.

"Oops, sorry," I mumbled. Grabe Rin, sana effective ang pagpapanggap na clumsy. I immediately injected the anti-venom in her system without alerting her. Sabi naman ni Shan hindi niya mararamdaman dahil hinaluan niya ito ng pampamanhid.

I smiled when I noticed that she didn't react. Hay, Shan pinakaba mo ako!

I watched them walk away and faced our prey, "Tara na, yung research ba nahanap mo?" He looked pissed but he quickly masked it with a fake smile. I saw him fiddling with his tablet, no doubt contacting his spy outside to watch A7.

Tanga ka ba? Sinong engot ang magpapa-infiltrate ng janitor tapos afford ang tablet? Take note, naka-I-pad si koya.

Gusto kong humagalpak kahapon ng tawa ng makita ko yung tatlong epic fail na undercover agents niya. Yung isa nasa tuktok ng building, goodluck kung makababa agad. Natawa talaga ako nung subukan nilang i-corner si Jaguar kahapon at nasampolan sila ng infamous turning side kick niya. At kamalasan, dahil sa kalumaan ng school building ay lumusot pa dun sa lumang aircon. Grabe, kinailangan tuloy namin ni  Edge na mag-install ng dummy air-con para di mahalata yung nawasak. Buti na lang di talaga umaandar yung aircon na yun.

I put my hands inside my pockets and quickly tapped my transmitter to signal that the mission has been accomplished. Akala nitong si Hernandez makukuha niya sa anaphylactic shock si A7?

Sorry ka, we are already three steps ahead of you.

The first lesson I learned since joining the force: do not enrage the Jaguar.

------------------------

"Hala Mitch, sigurado kang okay lang 'tong suot ko?" I tried to pull down the shorts. Nyay, tiyak papagalitan ako ni Prince pag nakita niya ako!

"Sorry naman girl, yan lang kasi ang damit ko na kakasya sa'yo. Yung iba malalaglag sa liit mo."

I bit my lip. Hindi talaga ako komportable sa maiksing damit. Pero may jacket pa naman yata ako dun kay Shiro kaya susuotin ko na lang. Nakakahiya namang magreklamo eh tinulungan na nga ako nung tao.

"Tara na," tawag sa akin ni Mitch at sumunod ako sa kanya palabas ng bahay. Nasa Pedro Gil lang ang apartment nila Mitch kaya sa loob na kami ng PGH dumaan para makapag-short-cut at less usok pa. 

Nang patawid na kami sa AS ay biglang may mga humaharurot na motor ang dumaan at hinila ko pabalik si Mitch.

"GRABE! SINO YUN?!" bigla na lamang nawala ang mga motor at kumapit ako sa braso ni Mitch. Grabe, nagmumura siya sa galit.

" 'TANGINA WALA MAN LANG PAKIALAM?! Muntik na akong mamatay, pwede naman sigurong mag-signal. PAKSHET SIYA! MABANGGA KA SANA ULOL!" Pulang pula sa galit si  Mitch.

 "Okay ka lang ba?" Nag-aalala kong tanong. Parang parati na lang may nangyayaring ganito sa paligid ko lately. Last week si Prince muntik na rin masagasaan ng kotse.

"Hay naku girl, second life ko na 'to." Halatang galit na galit pa rin siya, "Bwisit na yun. Tara Aya, bilisan na natin at baka mamaya iba namang disgrasya ang mangyari."   

Pagpasok sa AS ay dumiretso ako sa kotse para kunin yung jacket ko. Nag-vibrate yung phone ko at nakita kong tumatawag si Prince.

"Hi baby," narinig ko agad ang bati niya sa akin, "okay ka lang ba?" Napangiti ako. Halatang nag-aalala na naman 'tong boyfriend ko. Hay, ikaw na ang sweet.

"Okay lang naman," I don't want to tell him na umatake ang allergies ko, baka mamaya sunduin niya na ako. May pagka-OA pa naman itong si Prince lately.

"Wala namang nanggugulo sa'yo baby?" I don't know why, pero biglang pumasok sa utak ko yung mukha ni Dylan Narvaez.

"Wala. Hindi na babalik yung stalker ko. Sinapak mo na nga di, ba?" I heard him sigh.

"Basta kapag may kakaiba tawagan mo ako or si Kuya Ali," he told me. "I love you Aya."

"Love you din. See you later, Prince ko."

--------------------------

"Sigurado ka bang sa Nagtahan tayo dadaan at hindi sa Quiapo?" I shouted back at my partner who clung to my back with only one arm on my waist while her other hand is furiously typing a message to HQ.

"Oo nga," she answered in a clipped tone. I stole a glance at her and to our two pursuers. Anak ng... grabe, kuhang-kuha niya yung expression ni Ali. Mag-amo nga sila.

"A5 enroute to rendezvous point 2. Send back-up to intercept at grid 12." Narinig kong sinabi niya. Nagulat na lang ako sa message ni Kuya Ali kanina na nagsabing may i-me-meet ako at may kailangan kaming pick-up-in.

Malay ko bang, ka-meeting ko ang clone ata ni Ali sa pagiging close-mouthed? Kahit anong daldal ko ay di siya nagsasalita. Ni hindi nga binigay yung pangalan niya. Wala sa itsura niya ang pagiging agent; naka-maong pants, sleeveless button-up blouse na white, at green na backpack.

Teka, parang may damit si Diosa na ganito? Saka yung bag niya rin kamukhang-kamukha nung kay baby girl.

Nagulat na lang ako ng sinabi niyang ako daw ang mag-drive ng motor papuntang UP Manila. Potek, bawal pa naman ang riding in tandem pero binigyan niya ako ng mini deathglare kaya naman sumunod na lang ako. Eto ba yung mini-me ni Ali?

At ngayon andito kami at nakikipag-patintero sa Manila Traffic Police at yung dalawang riding in tandem na nakasalubong namin sa AS. Shet, yung adrenaline ko sky-high. Parang tatalon yung puso ko sa nangyayari. Never in my life I imagined myself to be in a motorcycle chase.

"Turn Left papasok ng Pandacan," she instructed at sumunod naman ako. Nag-banking kami sa sumunod na turn at nararamdaman ko ang higpit ng kanyang hawak sa tuwing eekis kami sa kalsada. Hanep din 'tong motor na prino-vide nila, clone nung kay Prince. 

Nakarinig ako ng dalawang putok. Holy crap! Tangina ayoko pang mamatay! Sayang naman ang lahi ko! Lumingon ako at nakita kong nawala na ang humahabol na pulis. Malamang hindi kinaya ng police car sumingit sa trapik pero itong dalawang motor hindi kami tinitigilan.

Kuya Ali, ililibre mo talaga ako ng Big N' Tasty pagkatapos nito. Dagdagan mo pa ng Super Supreme. Dalawa.

"Dumiretso ka na sa Tandang Sora. I'll take care of them," she whispered to my ear. "Wag kang lilingon."

"250 meters to target. Edge waiting for orders," naramdaman ko ang pagbitiw niya sa akin at pagtalon. Di ko naiwasang lumingon para makita siyang pumasok sa eskinita. Nakarinig ako ng iyak ng makina at isa ulit motor ang lumabas at bumangga sa humahabol sa akin. Sakay nito ang babaeng kanina lang ay kaangkas ko.

I heard gunshots and colorful swearing.

Tumunog ang transceiver sa tenga ko at sinagot ko ang tawag.

"A5 pag sinabing wag lumingon, sumunod ka," I heard Ali's voice from the other end. "Now, iwan mo na yang motor sa McDonalds sa Quezon Ave. Somebody will pick it up. Great job A5." There was a click and the line went dead.

 Fvck Ali, what kind of life do you lead? 

---------------------------

I checked the pink tulips one last time bago ko binuksan ang pinto papasok ng AV Room kung saan nagkaklase sila Sab. Kakatapos lang ng second class niya at tumuloy na ako dito galing BA para yayain siyang mag-lunch. Inamoy ko pang parang baliw yung pink tulips. 'Takte, nababakla na ba ako at parang kinikilig pa akong parang tanga lang?

But I couldn't help but grin at the memory of this morning's kiss. First kiss ko from the girl of my dreams...

'Takte parang nababaliw ka na Villanueva. First time ko manlilibre at nag-pa-reserve pa ako sa ROC for her.

I gently pushed open the door. Andun si Sab nakikipag-usap sa isang lalaking nakatalikod sa akin. Kakawayan ko na sana siya pero nakita kong niyakap siya nito.

Putangina.

Hindi ko napansing nabitawan ko na ang mga bulaklak at nalaglag ang bouquet sa malamig na sahig ng AV Room.

Mas masakit ang sumunod kong nakita. Parang pinunit ang puso ko at tinapak-tapakan.

Naramdaman ko na lang na parang may pumatak sa aking kamay. Hindi ko alam na umiiyak pala ako. Agad kong pinahid ang aking luha.

"Na-miss kita," narinig kong sinabi ni Roel habang niyayakap at dinadampian ng halik ang babaeng mahal ko. Sab, bakit nakatayo ka lang diyan? Bakit hindi mo siya itulak?

"Kiko?" I heard her call my name. Pero ito ang unang beses na naramdaman kong ayaw ko siyang marinig.

"Hey, Kiko kamusta?" Bati sa akin ni Roel. Nakangiti siya. Gusto kong lamukutin ang mukha niyang nakangisi. Putangina mo, bakit bumalik ka pa?

Humakbang si Sab palapit sa akin pero napaurong ako. Hindi ko pa kayang kausapin siya.

"Sorry," Tanga ka Kiko. Bakit ka pa kasi umasa?

Hindi ko alam kung paano ako nakalabas sa building basta naglakad lang ako nang naglakad. Na-realize ko na lang na nag-vi-vibrate yung phone ko. Tumatawag si Sab. Pinatay ko ang telepono ko at naupo sa ilalim ng puno ng Acacia sa Sunken.

Ngayon ko lang naintindihan yung poem ni Pablo Neruda na binasa namin last year sa Hum I. Akala ko masakit na ang magmahal na walang sukli, pero mas masakit pala ang mabigyan ng pag-asang mamahalin ka pabalik.

I crushed the grass beneath my fingers. For the first time in my life gusto kong magwala. 'Tangna ka kasi, sa lahat ng magugustuhan bakit siya pa? Kaya ko pa bang ibalik yung dating pagkakaibigan namin ngayong alam na ng isa't-isa kung ano talaga ang tunay kong nararamdaman?

I need time. I want to feel numb.  


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro