
Chapter 26: First Day Nightmare
Chapter 26: First Day Nightmare
First day of school at madaming estudyante kaya siksikan ang lobby ng AS. Yung mga freshie kumpol-kumpol at ang lalakas ng mga boses. Bawat sulok may makikita kang mga barkadang masayang nagkukumustahan tungkol sa kanilang mga bakasyon.
Dumiretso ako sa second floor ng RH o Rizal Hall (dalawa lang ang wing ng College of Arts and Sciences sa UP Manila; ang RH at GAB o Gusaling Andres Bonfacio) kung saan naroon ang una kong klase. Tatambay muna ako sa harap ng faculty room ng BehSci at tiyak naman na naroon din ang aking blockmates. Hindi kagaya sa ibang kurso, kakaunti ang kumukuha ng BehSci at kasya kami sa iisang block per level. Sabi nga, para daw kaming mga highschool dahil apat na taon na kami-kami lang talaga ang magkakaklase.
"Uy Aya, kamusta?" Bati sa akin nila Issa at Mitch. Silang dalawa ang naging medyo ka-close ko nung last sem at malimit ko silang makasama sa group work at lunch. Nagbeso kami at tumabi ako ng upo sa lapag.
"Okay naman. Masaya yung summer class sa Diliman," sagot ko.
"Wow, buti ka pa naka-cross reg. Kami naburo dito," sabi ni Issa.
"Hala bakit? Boring ba yung prof niyo?" tanong ko. Napakamot-ulo si Mitch at nagbuntong-hininga.
"Hay super-boring. Bagong prof at grabe di ko ma-gets yung method niya. Maygash, kinukurot ko na yung sarili ko para magising sa SocSci."
"Hala, kawawa!" I laughed. "Okay yung prof namin sa Diliman, cool nga eh di na nagpa-written finals. Yung unit test namin yun na ang finals tapos nagpa-group report."
"Super inggit-much!" sabi ni Issa, "So kamusta naman ang lovelife? Maraming cute don di ba? May nakilala ka ba?" Hala, bigla akong namula.
Nanlaki ang mata ni Issa at Mitch, "OMG Aya may nakilala ka nga?!" niyugyog ni Mitch ang balikat ko.
Napatango ako. Di ko mapigil ang mapangiti."May boyfriend na ko," I confessed shyly and they both squealed. Lahat ng tao sa corridor ay napatingin sa amin. Pati yung ibang blockmates ay mukhang nagka-interes at halatang nakikinig sa usapan namin.
Homaygahd 'tong dalawang 'to, parang mga clone ni Sab kung makatili!
"Shocks Aya, ikaw na!" Issa shoved my shoulder playfully, "Anong name niya? Gwapo ba? Anong course?" Sunod-sunod yung tanong niya.
Si Mitch din sumasabay ng tanong,"Aya ang bilis naman, nag-summer ka lang, nagka-boyfie ka na! Hindi ko akalain girl. Paano ka niya niligawan?" she gushed.
"Uy anong kaguluhan yan?" Tanong ni Ryan, yung blockhead namin. Tsismoso-lang ang peg.
"Si Aya may boyfriend na!" Issa exclaimed excitedly. Hala, gusto ko nang matunaw. Mas mapula pa ako sa kamatis dahil sa ingay nila.
"Ha? May boyfriend?" sabad pa ng isang blockmate, "Punta na tayong Diliman, ang bilis pala magka-boyfriend dun!" Sa BehSci kasi, mabibilang mo sa isang kamay ang boys kaya naman endangered specie ang lalaki sa course na yun.
"Sino daw nagka-boyfriend?" Usisa ni Ate Jenny, yung Vice-president ng org namin. Hala ka, pati sa org kakalat na ang balita!
"Naku si Aya po. Nahanginan lang sa Diliman, nagka-boyfie na!"
"Ang ingay niyo! Aya magkwento ka na dali!" protesta ni Mitch.
"Wait lang, ano bang una kong sasagutin?" natatawa ako sa kanila.
"Ano ba yan, boyfriend lang big deal na? Baka textmate lang naman ni Aya yan," naka-taas ang kilay na sabat ni Rachel. Medyo hindi kami magkasundo dahil last sem ay group mate ko siya at nairita yata dahil lahat ng ideas ko ang pinaboran sa project namin at feeling niya ay na-etsa-puwera siya. Nag-alsa-balutan at lumipat sa ibang grupo.
Nairita ako ng todo. Parang gusto ko tuloy sabihin na hindi ko lang siya boyfriend kasi binigyan na niya ko ng engagement ring, pero pinigil ko ang sarili ko. Nakalagay yung singsing sa chain ng kwintas na regalo ni Prince sa akin for our second monthsary na suot ko rin ngayon. I touched the ring in reassurance.
"Naku Rach, pabayaan mo na kaming mga single na mainggit. Palibhasa may boyfie ka na since highschool," tinaasan din siya ng kilay ni Issa. Silang dalawa talaga ang nag-kainitan ng ulo last sem dahil si Issa ang group leader namin.
"O Aya dali na!" kinikilig talaga si Mitch at namimilog ang mata. "Anong pangalan niya?"
"Prince Constantino, senior na siya sa Diliman. Engineering," Hala parang na-excite na rin tuloy akong magkwento. "Ka-org ng Kuya Adam ko."
"Wow, senior na? Patingin naman ng picture!" I took out my phone and showed them our photos nung summer vacation sa norte.
"Grabe Aya ang gwapo!" they both gushed. "May kapatid ba yan?"
"Naku minor pa, seventeen pa lang yung kapatid niya," I laughed.
"Pwede na yun. Kapag nag-eighteen ligawan na natin," Issa and Mitch high-fived. "Girl sorry ha, pero ang gwapo rin ng mga kuya mo. May girlfriends din ba sila?"
"Di ko sure. Alam ko si Kuya Adam meron saka si Kuya Alfred madaming dina-date. Si Kuya Aidan wala naman akong nakikita sa ngayon. Si Kuya Ali di ko alam kung nililigawan niya yung na-meet namin sa Sagada."
"Maygash ang gwapo naman ni Kuya Ali, sayang naman kung taken na," Naku, mukhang magiging fangirl pa yata ni Kuya Ali si Mitch.
Sobrang kinilig sila Issa at Mitch ng kwinento ko kung paano kami nagkakilala ni Prince dahil sa libro sa library. Tawa sila nang tawa sa ka-weirduhan ko pero sabi nga nila, it must be fate kaya kami nagkakilala. Dumating ang oras para sa first class namin at pumasok na kami sa classroom pero di pa rin sila matigil at halos hindi kami naka-concentrate sa discussion ng syllabus. Mabuti na lang at mabait ang prof namin at maaga kami di-nismiss.
Simula na naman ng isang sem ng pakikibaka.
-----------------------
Nang dumating ang lunch ay naisipan naming kumain sa Robinsons Place. Karaniwang tinatawag ito na College of Arts and Leisure ng mga estudyante ng Manila at parang extension na ng campus kagaya na lang ng UP-PGH na napapagitnaan ng mga school buidings at ng Supreme Court na katabi lang ng CAS.
Kumain kami sa Karate Kid dahil nag-cra-crave daw si Mitch ng tempura. Umorder naman ako ng salmon sashimi at California maki. Si Issa ay nag-Teppanyaki. Matapos kumain ay naglakad na kami pabalik sa Faura Wing pero patigil-tigil kami dahil nag-wi-window shopping pa ang dalawang kasama ko.
"Aya-chan?"
Nanlaki ang mata ko at tumindig ang aking balahibo ng marinig ang boses na yun. Syete, bakit muling bumalik ang bangungot ko?
"Aya-chan, it's you!" Hinawakan niya ang balikat ko at iniharap ako. Holy crap, paanong sa dinami-dami ng tao dito sa mall ay nakita pa ako ng taong ito?
"Aya-chan it's so good to see you! Dito ka pala sa Manila? This is fate!" Akmang yayakapin niya ko pero humakbang ako agad palayo.
"Hello, Kuya Gil," I mumbled softly. Maygahd, he looked exactly the same. Hindi sa pagmamayabang pero ang nickname niya noong highschool ay 'Kamote'. He tried to take my hands but I was quick to cross them around my middle. Alam ko na ang balak ng kumag na ito at alam ko rin na hindi niya ako titigilan. Huhuhu, asan na po sila Kiko at Sab?!
"Aya-chan, you look so pretty. Hindi kita halos nakilala. Pwede ko bang hingin ulit yung number mo? I missed you so much!" I looked at him in horror. Lord, pwede po bang bumuka na ang lupa at lamunin ako? Ayoko po talaga sa kanya! May gulay, dalawang taon niya akong ini-stalk tapos feeling-close na naman siya?
Kinikilabutan ako! Kinikilabutan ako! Kinikilabutan AKO!
"Ah, kuya... kasi ano, ma-la-late na kami sa next class namin. Sorry Kuya!" bigla kong hinila yung kamay nila Mitch at Issa.
"Aya-chan! Wait lang!" Narinig kong sumigaw siya pero mas binilisan ko ang lakad. Wag kang susunod! Wag kang susunod! Wag kang SUSUNOD! I mentally chanted.
"Aya teka lang grabe!" protesta ni Issa. Binagalan ko na yung lakad ng makarating na kami sa Padre Faura exit ng Robinsons. "Sino ba yun? Manliligaw mo?"
I rolled my eyes upward, "Stalker ko nung highschool..." I muttered defeatedly, "akala ko forever ko nang di makikita yun. Nakakainis!"
"No offense girl ha, pero ewww... medyo nakakatakot si Kuya. Parang nung tinitingnan ka niya kanina. Ewww... me pagka-hentai lang." Sabi ni Mitch na halatang nangdidiri.
"Hay naku, bilisan na lang natin kasi baka mamaya sumunod yon," I looked back to where we came from, "sana di niya malaman kung ano yung building ko. Nakakabwisit yun, araw-araw nung junior ako laging naghihintay sa labas ng classroom tuwing break."
"Oh wow. Lakas ng tama sa'yo girl," natatawang-nadidiri si Issa, "Bakit di mo sabihin sa kanya na hindi mo siya type?" Nagsimula na ulit kaming maglakad. Kinakabahan ako kasi alam ko hindi agad titigil si Kuya Gil at guguluhin na naman niya ko.He was so convinced in highschool na we were meant to be.
"Sinabi ko na. Nag-pretend pa nga kami ng one week nung bestfriend ko na kami para tumigil siya pero sobrang persistent. Kung di pa siya muntik suntukin nung Kuya Alfred ko nung Prom Night baka hindi pa niya ako tinigilan nung highschool." Actually, kahit nakabangga niya si Kuya, nagpapadala pa rin siya sa akin ng text messages at food pag lunch pero di ko binabasa at pinamimigay ko yung food. Hindi na nga lang talaga niya ako hinihintay sa corridor tuwing break time. Siya rin ang dahilan kung bakit wala akong FB or Twitter account. Binura ko na kasi kung ano-anong photo manipulations naming dalawa ang pino-post niya sa aking wall at maya't-maya akong china-chat.
"Sabihin mo may boyfie ka na," nakangiting sabi ni Mitch, "totoo naman di ba? Para mag-move-on na si Kuya."
Ugh. Sasabihin ko ba 'to kay Prince? Alam ko once na sabihin ko kay Prince mag-aalala yun at tiyak na didiretso yun dito sa Manila para sunduin ako.
Hindi ko na muna sasabihin, mamaya na lang para di siya mag-alala.
Gosh, bakit parang masama ang pakiramdam ko?
-------------------------
Tama nga ang hinala ko dahil paglabas ko naroon sa bench sa labas ng classroom at naghihintay sa akin si Kuya Gil. Nagsipaglabasan na ang mga classmates ko. Unfortunately, ibang class ang kinuha nila Issa at Mitch kaya wala akong kasama.
Lord, ano pong ginawa kong kasalanan nung past life ko at binigyan niyo ako ng weirdong stalker?
"Hi Aya-chan!" he smiled at me. Hindi ko alam kung anong expression ng mukha ko ngayon pero parang nag-wilt siya kaya I'm sure na hindi maganda. Truthfully, ayoko nang paasahin si Kuya Gil dahil wala naman talaga siyang pag-asa kahit nung highschool pa. Nahihiya lamang akong outright na bastedin siya dahil senior siya ng two years sa akin.
Pero mygash, baka mapatay siya ni Prince pag nagpatuloy siya. Or baka ako ang unang pumatay sa kanya.
"Aya-chan meryenda naman tayo. I brought some food," He gestured to two tall Caramel Macchiatos and a Banoffee Pie from Starbucks. Shocks, kabisado pa rin niya yung usual order ko.
"Kuya Gil ano po bang ginagawa niyo talaga dito?" I emphasized the word kuya pero parang di man lang niya napansin.
"Let's go out sa weekend. Andami nating kailangang i-catch-up. Saka i –approve mo naman yung request ko sa Instagram. Ang tagal na kaya nun," Eto ang nakakaasar sa kanya, may sarili siyang mundo at tuloy-tuloy magsalita. Hindi ka man lang makasingit tapos talsik-laway pa. Kadiri.
"Kuya Gil may boyfriend na po ako," I interrupted him. He stopped for a few seconds tapos tuloy-tuloy na nagsalita muli.
"Aya-chan, I downloaded a new DVD last week. Yung Season two din ng SAO malapit na ipalabas. Let's watch it together," I frowned at him. Asa ka pa kuya?
"Kuya, hindi po pwede. I have a date with my boyfriend," I insisted. Bwisit na to, hindi ako pinapansin. He ignored me and talked faster. Medyo nakakatakot na siya kasi hinawakan niya ako sa braso.
"Aya-chan, spend some time with me," he looked almost pleading, "I'm sure you will enjoy yourself." Hala, nababaliw na ba 'to?
"Bitawan niyo po ako," I tried to pull away pero humigpit ang hawak niya. "Kuya bitawan mo 'ko!". I pushed him but he remained unmoving. Ang sakit!
"Gago ka, bitawan mo girlfriend ko!" Isang malakas na suntok ang tumama sa panga ni Kuya Gil. Nakita kong tumalsik siya sa pader at sinugod ulit siya ni Prince. Dinampot ni Prince yung kuwelyo niya at akmang sasapakin ulit pero pinigil ko ang braso niya.
"Prince tama na!" Nagulat ako sa pangyayari. Paanong nandito si Prince? Hindi niya ako pinansin at diniin si Kuya Gil sa pader. Mukhang nahilo si Kuya Gil sa suntok niya at nagtaas ito ng kamay para umawat, "Prince bitawan mo na siya!"
"Sino ka ba?! Bakit ginugulo mo si Aya?!" Ramdam ko ang galit ni Prince. Nagtatagis ang kanyang bagang.
"Prince, tama na please," sinubukan kong hilahin ang braso niya. Maraming estudyante ang nagkumpulan sa corridor para manood. "Prince naman..."
"Who the hell are you? Bakit ka nananapak?" Wala sa sariling tanong ni Kuya Gil, "Aya-chan sino 'to?"
"Umalis ka na kasi!" Sigaw ko sa kanya, "siya ang boyfriend 'ko kaya tigilan mo na 'ko!"
"Boyfriend? Aya-chan nagbibiro ka lang di ba?" nakakaawa yung mukha niya pero alam kong uupakan ulit siya ni Prince kaya niyakap ko na ang boyfriend ko para bitawan na siya.
"Prince tama na," I pleaded. He shoved Kuya Gil and the latter fell against the wall.
"Ayoko nang makitang lumalapit ka sa girlfriend ko. May paglalagyan ka," he said softly before he pulled my arm and dragged me to the parking lot. The crowd let us through with an excited hush before I heard everyone talking at the same time. Galit na galit pa rin si Prince at halos kaladkarin niya ako pababa ng hagdan.
"Prince sandali lang nasasaktan ako!" I tried to pry his hand off my arm. He swore softly before he picked me up bridal style and proceeded to where my car is parked. I opened the doors and he deposited me on the passenger seat before he went around and slid into the driver's side.
"I'm sorry," his eyes are closed and he's breathing deeply, "nag-panic lang ako." I threw myself into his arms. He pulled me close and kissed my hair.
"Aya sino yun?" there was an unmistakable edge in his voice.
"S-stalker ko nung highschool," I couldn't stop the trembling in my voice. I felt his arms tighten around me.
"Ginugulo ka niya?" The rage is barely controlled in his voice, "Aya ginugulo ka ba niya? Siya ba yung nag-pra-prank call sa'tin?"
"I don't think so. Prince, hindi naman siya ganon. Weirdo siya pero I don't think gagawa siya ng ganong klaseng prank," I buried my face in his chest while I stroked his back, "Wag ka na magalit please. Natatakot na 'ko sa'yo." I didn't realize na umiiyak ako until I raised my face and saw that his shirt is wet with my tears.
"Na-pa-paranoid na kasi ako," he confessed with a heavy sigh. "Tell me everything," he commanded me and I straightened up. Doon niya napansin na umiiyak ako.
"Baby wag ka umiyak. Bakit ka umiiyak?" He looked worried as he started to wipe my cheeks.
"Ako na," I batted his hands away at sinalo niya ang kamay ko.
"Shit, Aya sorry!" His eyes went wide nang makita niya ang nagsisimula nang pasa sa braso ko. "Ako ba gumawa nito?"
"Hindi ko alam," I confessed, "pareho niyo kasi akong hinatak eh." His eyes softened and he gathered me in his arms.
"Goddess tahan na," he stroked my back. "Sorry na baby ko."
"Kasi kanina nakita niya ko sa Rob tapos hinintay niya ko sa labas ng classroom," Ayoko na talagang magalit si Prince. "Tapos niyaya niya kong lumabas. Pero Prince sabi ko may boyfriend na ko," I pleaded with my eyes for him to believe me.
"Naniniwala ako sa'yo. I just wish I arrived earlier para di ka na niya ginulo."
I sniffed and wiped my nose, "Then hindi siya nakikinig tapos yun na yung nakita mo," I saw a scowl form in his face.
"Dapat pala hindi lang isang sapak ang binigay ko," he murmured softly. "Bwisit na yun, ang kapal ng mukhang hawakan ka." He rubbed his hands over my arms. "Wag na wag siyang magpapakita sa'yo ulit at baka di na siya sikatan nang araw."
"Prince alam kong makulit siya pero I don't think siya yung prank caller kasi kanina hinihingi niya yung number ko." He arched an eyebrow, "hindi ko binigay!" I hastily added.
"Okay," hinaplos niya ang pisngi ko, "buti na lang pala dumating ako."
"Prince bakit ka nga pala nandito? Di ba may class ka pa?" I covered the hand he had on my cheek with my own.
"Maaga na-dismiss so I commuted here. Iniwan ko yung bike ko sa tambayan."
"I'm glad you're here" I hugged him, "miss na kita buong araw."
"Goddess pwede bang humingi ng favour?" I looked up and he was biting his lower lip. He looked uncertain.
"Ano yun?"
"Pwede ba kitang iuwi?" Napalunok ako. We haven't slept beside each other since we came back from the trip to Sagada three weeks ago. Even if we spend time together sa bahay or sa labas, I always feel like he's craving for more.
"Prince, di ba nag-usap na tayo?" I don't want to reject him. Sa totoo lang, miss na miss ko siya tuwing gabi and I wish hindi na lang kailangang matulog para di na namin kailangang ibaba ang telepono.
"Swear, no monkey business," he immediately said. "Walang mangyayari."
"Ipagpaalam mo ako kay mommy," I told him. Ayokong maglihim sa family ko.
"Already done." My eyes widened. "Pumayag na si tita. Pati si Kuya Alfredo and Ali. Nagpaalam ako sa lahat ng kapatid mo except kila Kuya Albert at Alejandro"
"Wow, seryoso ka talaga?" my mouth fell open in surprise.
"Lagi naman akong seryoso pagdating sa'yo," he smiled softly as he gave me a chaste kiss on my lips.
A/N:
SAO - Sword Art Online, copyright Reki Kawahara
Salamat po sa lahat ng nag-vo-vote at comment! We've reached 16K reads in a month and a half. Salamat din po dun sa mga nagbabasa ng iba ko pang stories bukod dito sa ISITL (shameless plugging si author!). Excited na din ako sa next chapter (na hindi ko pa naisusulat... mwahahaha! May day job din po kasi ako *cries*, kailangang mabuhay din outside ni Watty.)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro