Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 24: Chasing Cars

Chapter 24

"Sorry kuya Alfred, pinapaimbestigahan na ng mga tao ni papa kung anong nangyari," I ran a hand through my hair. "Ako na lang maghahatid kay Shiro sa bahay bukas. Papalitan ko lahat ng tires."

"Hindi yun yung inaalala ko eh. Okay lang na bumili ng bagong gulong, pero sinong tarantado naman ang gumawa non?" Masama ang mukha ni kuya at nahihiya ako dahil sa sarili naming bakuran nangyari yung insidente.

"May kaaway ka ba?" we sat down on our sala. Pagkatawag ni Aya sa kuya niya wala pang thirty minutes ay dumating na ito mula sa restaurant sa Eastwood.

"Well, pwedeng yung kaaway ni papa sa pulitika pero malabo rin eh. Hindi ganito yung style nila kapag nanggugulo." I sighed. Hindi na ba 'to matatapos?

"Yung ex mo? Alam ko galit kay Diosa yun."

"I don't think gagawin ni Mel ang ganito. I mean confrontational siya, ito hindi eh." Sumasakit ang ulo ko. I felt Aya's hand clasp mine. Hay naku Goddess, ano bang gagawin ko? Sinong gagawa ng ganito? Wait...

"Naalala ko lang nung nasa Banawe tayo may tumawag sa'kin na prank caller. Sabi niya 'Magpakasaya ka na.'" Konektado kaya yun dito? Pero bakit? I saw kuya Alfred's scowl deepen.  

"Shet, bakit hindi mo sinabi agad?"

"Hindi ko pinansin. I mean, unknown number at di naman ulit tumawag." I reasoned out.

"Meron ding tumawag sa'kin non sa Banawe pero wala namang sinabi," Aya looked worried.

"Mag-ingat ka baby girl, wag ka kaya muna mag-drive hangga't di nalalaman kung sinong gumawa nito." Kuya Alfred looked seriously ticked-off. Kilala ko na yung ganitong protective mood niya pagdating kay Aya.

"Wag kang lumabas na mag-isa," Sabi ko sa kanya, "tawagan mo ko o kaya magpasama ka sa isa sa mga kuya mo."

"Prince abala lang yun," she protested, "baka naman adik lang na walang magawa yung nag-slash ng kotse ko. We're jumping to conclusions."

"Wow, shet kanino yung Nissan Skyline sa labas?" Excited na tanong ng kapatid kong si Duke pagkapasok sa sala. Bigla siyang natigilan nang makita si kuya Alfredo. "Sorry," he grinned sheepishly.

"Kuya Alfred, kapatid ko si Duke," I introduced the two of them. "Duke si Kuya Alfred, kapatid ni Aya."

"Hello po, nice to meet you," kinamayan siya ni Duke. Pumasok si mama na may dalang juice at kasunod din ang papa ko. Kinamayan din sila ni kuya Alfred.

"Naku pasensya ka na at napasugod ka pa dito," dahil sa nangyari ay sobrang nagbago ang demeanor  ni mama. Kung kanina ay medyo aloof siya kay Aya, biglang nag-aalala siya ngayon para sa aming dalawa. Kinausap niya rin ako kanina at sinabi niya na natutuwa siya kasi mukhang mabait si Aya at seryoso sa pag-aaral. Pero sinabihan niya rin ako na huwag masyadong seryoso sa aming relasyon dahil napansin niyang sa aming dalawa, ako ang agresibo. Ang sabi niya, hinay-hinay lang daw ako kasi mukhang si Aya hindi pa gaanong matured at baka biglain ko. Grabe, bilib ako sa instincts ni mama at napansin niya lahat yon agad. 

 "Wala po yun. Nag-alala kasi ako nung tumawag si Diosa," he accepted the glass and drank the juice.

"Naka-report na ito sa local police at NBI dito sa bayan namin at kakatapos lang rin nung mga imbestigador sa labas," my father looked extremely apologetic. "We'll make sure na malalaman natin kung sino ng gumawa. May CCTV ang front gate namin at meron na ring mga posibleng witness ang lumapit."

"Sige sir, keep us posted po. Mauna na kami ni Diosa kasi gumagabi na," tumayo na si kuya Alfred at Aya para magpaalam.

"Hindi ba kayo maghahapunan dito?" Tanong ni Mama. "Nagpahanda ako ng pagkain."

"May kailangan po kasi akong balikan sa restaurant na importante," Kuya Alfred apologized, "pangako po sa susunod dito kami maghahapunan. Ipagluluto ko po kayo ng food."

"Iha, mag-iingat kayo," nagulat si Aya nang yakapin siya ni mama. I smiled and winked at her.

"Thank you po," Aya smiled shyly. Alam kong napanatag na siya na okay ang mama ko sa kanya. Naku Aya kung alam mo lang kung gaano kasabik sa anak na babae si mama.

Lumabas na kami ng garahe at sumakay na si Kuya Alfred kay Lady. Nag-kiss sa akin si Aya.

"Tawagan mo ko agad pag nakauwi ka na," I hugged her tight, "Hatid ko kayo hanggang sa labas ng subdivision."

"Wag na Prince," she said but I insisted. Kinuha ko yung bike ko para makasabay.

"Pirelli P7 yung gulong ni Shiro. Kumuha ka nung size 45'," paalala ni kuya Alfred nang nasa labas na kami ng subdivision.

"Sige kuya," I answered as I revved my bike to return to the house. "Ingat po kayo. Baby tawagan mo ko agad."

I watched as they turned to the highway nang biglang may asul na kotseng humaharurot papunta sa akin. I barely had time to dodge away at muntik na akong madaganan ng sarili kong bike. The car went straight for Lady and I heard Aya scream.

Nag-reverse agad si kuya Alfredo at bumalik papunta sa akin.

"Tangina, sino yun?" he exclaimed angrily as he helped me pull my bike to a standing position. 

"Prince okay ka lang?" Aya clutched my arm. She checked me for bruises pero yung tuhod ko lang naman ang nagasgasan.

Maya-maya, bigla na namang dumaan ulit ang kotse at nagtatawanan ang mga sakay nito na dumikit pa kay Lady bago muling humarurot.

"Gago yun, hintayin niyo ko rito," kuya Alfred told us grimly bago sumakay kay Lady.

"Kuya!" Sinubukan ni Ayang buksan ang pinto at pigilan si Kuya Alfred.

 "Diyan lang kayo babalik ako. Prince bantayan mo si Diosa," he clenched his jaw. "May tuturuan lang ako ng leksyon."

"Kuya!"

With that, he put the car in reverse before he sped off in a split-second.

Holy sh*t.

I quickly took out my phone and dialled my father's number to get some back-up.

---------------------

Putangina.

I clenched my jaw as I changed gears and watched as the speedometer rose until I was driving at nearly 200/kph. I maneuvered the car smoothly as I snaked over other vehicles along the highway in hot pursuit of that freakin' blue Mitsubishi Lancer Evolution.

Gago ba 'to? Hahamunin si Lady ko eh Evo lang siya, Skyline ako? Tarantado.

And it's not the car. It's the freakin' driver.

In less that ten seconds, namataan ko na sa di kalayuan ang hinahabol ko. I couldn't help the scowl that surfaced on my face.

Humanda kang animal ka, mainit pa naman ang ulo ko ngayon at di natuloy ang date ko tapos may nanggugulo pa kay baby girl ko. You just made the excuse to bring out the beast.

Freakin' pathetic excuse for a set-up. I mused as I studied the butt-ugly high spoilers.

'Tangna, hindi ibig sabihin malaki spoiler mo, cool ka na. Aero-dynamic ba gusto mo o pang-showroom ka lang? It looked like the work of a wannabe car enthusiast.

One hundred meters.

Nagpalit ako ng gear at sumabay sa twenty-wheeler na nasa aking tagiliran. I signalled to overtake pero ayaw magbigay ng gago. Meron pang isang delivery truck na nakaharang sa kabilang gilid at hindi ako makalusot ng basta-basta para mag-overtake. Napilitan akong bumagal para hindi bumangga.

Shet naman, ang bagal nitong truck. Hindi ako makalusot sa bagal nito. I took note of the height of its wheels versus my car's height. Buti na lang lowered ang GTR ko. I judged the clearance to be adequate to make the maneuver. When the twenty-wheeler moved a bit slower, I sneaked under its body to emerge to the other side.

Take that *sshole!

The Evo's driver must have seen me for he started to gain speed.

Gago, hindi mo ba alam by the time you reach 100kph I'm already at 200? Tanga lang.

He must have thought he could outrun me kaya lumiko siya papasok nang Nuvali. I grinned savagely.

Okay, the odds are all the more in my favour then.

I turned and entered the exclusive road. As usual, kakaunti ang sasakyan at humarurot sila diretso sa kalsada papuntang Abrio. I wasted no time and dogged them. Nagpa-ekis-ekis ang Evo sa kalsada at dalawang beses na muntik tumama sa steel barrier. I stayed relentless in my pursuit and they turned at every corner that they could find.

Wrong move. Hindi ba nila alam na ang Skyline ang hari ng corner?

Kakaiwas sa akin ay sumampa ang Evo sa island. Narinig ko ang pag-iyak ng makina at gulong. Ang gago rin nito, hindi kabisado ang sariling turning radius ng kotse niya. Tsk, amateur.

Desperado na ang driver. Inararo niya ang island pati na rin ang orange barriers na nakaharang sa sinaradong U-Turn slot dahilan para maalerto ang security.

Oh, fvck.

Muling bumaba sa kalsada ang sasakyan at sinabayan ko hanggang sa makarating kami sa Venare. Pataas-baba ang kalsada at puro puno at construction site lamang ang makikita sa paligid. Naririnig ko ang malakas na wang-wang ng Nuvali security. 'Tangna, property damage pa tuloy 'tong mga gagong 'to. Sa asar ko ay sinimulan kong paglaruan ang Evo. I rode a tight circle around the freakin' vehicle to goad it.

Alam kong nag-pa-panic na ang driver ng kabilang sasakyan dahil hindi niya alam kung kailan at paano ko siya iikutan. Ilang beses na gusto niyang lumiko pero nakahanda akong humarang sa dadaanan niya. Pagdating sa dulo ay ki-nut ko siya at wala siyang nagawa kundi bumalandra sa security post. Bumangga ang front bumper at nalaglag ang talangka ng kotse.

Tanga talaga to.

Pinagmasdan ko saglit ang laman ng kabilang kotse. Puro mga bata. Sinigurado ko munang wala silang baril. I groped for the hunting knife that I kept inside my car before I went down.

"BABA!" I aimed the bolo at the driver's side. Subukan niyong pumalag at dadanak ang dugo. "Hindi kayo bababa o babaklasin ko 'tong kotse niyo?"

I saw the four teenagers scramble to open the doors. The smell of liquor and marijuana spilled out as soon as the doors opened. 'Tangna, puro high pala 'tong mga 'to.

"Sir, pasensya na po. Gusto lang namin makipaglaro sana," parang dagang na-korner ang mukha ng driver ng Evo. Mukhang menor-de-edad pa at tinopak lang na mag-joy-ride.

"Tarantado ka pala eh, eto makipaglaro ka sa kamao ko!" I couldn't stop the anger from spilling over. Sinapak ko nga at tinamaan sa panga. Sumuray ang gago at dinaluhan ng mga kasama niya.

"Putangina mo, pano kung naaksidente kami ng kapatid ko?" Singhal ko sa kanya.

Tumayo ang dalawa sa kanyang mga kasama at akmang susugod sa akin. Binato ako ng bote at inilagan ko lang. Asus, kulang sa depth perception. Malakas ang tama nito. I caught one person's arm and drove my fist into his face while I held the other one at bay by aiming my knife at him.

Suddenly, the sound of sirens reached us.

"Walang gagalaw! Pulis ito!"

Oh, great.

----------------------------

"Why am I not surprised? Hay Alfred, ilang beses na ba kitang sinundo sa presinto?" Binatukan ako ni Kuya Alphonse as soon as the handcuffs were off my wrists. Bahagya kong minasahe ang kamay ko na ilang oras din na nakaposas.

"Kuya Al naman, iba to," I grinned up at him, "gago ba sila at hahamunin ako? Pababayaan ko ba si Diosa?"

"Hay naku Alfredo Derick, ang tanda mo na basagulero ka pa rin!" my mother exclaimed.

 "Mommy naglalaro lang po kami," I tried to hug her pero pinalis niya ang kamay ko, "Gusto daw makipaglaro kaya pinagbigyan ko. Malay ko bang mahina ang panga niya?"

"Bwisit kang bata ka, kelan ka ba magbabago? Ang tanda-tanda mo na!" Singhal ni mommy. Natawa lang ako at niyakap siya.

"Kuya Alfred!" I felt Diosa's arms around my middle. I turned around and hugged her. Umiiyak ang baby girl ko.

"Naku baby, nasaktan ka ba?" I cupped her cheeks. "Saan? Dali upakan natin ulit yung nanakit sa'yo. Sasagasaan ni kuya yun."

"Kuya baliw ka talaga!" She slapped my chest, "Nakakatakot kaya kanina, akala ko mapapano ka na!"

"Baby girl walang mangyayaring ganun kay kuya," I chided her, "wala ka bang tiwala sa'kin?"

"Alfredo, sa susunod di na kita pipiyansahan," Kuya Alphonse shoved my shoulder, "Si mommy na-highblood na naman sa'yo."

"Mommy naman kasi, wag ka masyadong serious." I tried to make light of things. Inirapan ako ni mommy.

"Sir, pwede na po kayong umuwi pero yung lisensya niyo hindi pa namin maibabalik. Overspeeding po kayo." I grimaced at that. Oh shit, na-s-stress ako.

"Sige, okay lang. Akin na yung tiket." I tried to breath deeply. Buti na lang di nagsampa ng kaso yung mga bata kahit sinapak ko. Ang takot lang nila dahil driving under the influence sila at ninakaw lang pala ang Evo sa kapatid ng isa sa kanila.

"Kuya Alfred pasensya ka na," nakita ko ang guilt sa mukha ni Prince. "Napasok ka pa tuloy sa gulo."

"Sus, wala yon." I grinned at him, "gago lang siya, hindi niya alam kung sinong binangga niya."

"Kuya uwi na po tayo," Diosa hugged me tighter. I realized I missed her hugs. Prince looked embarrassed.

"Basta Prince, yung pangako mo. Alagaan mo lang si Diosa, kwits na tayo," I slapped him on the shoulder. "Wag ka ngang mukhang nalugi diyan." He snorted and smiled. 'Langya talaga 'tong gwapings na 'to.

-----------------------

"Hi baby, bakit di ka pa natutulog?" I heard a note of disapproval from Prince's voice, "pagod ka na kanina di ba?"

" 'Dito 'ko sa condo ni kuya Alfred. Na-stress siya kaya sinamahan ko muna," I replied as I took out several plates from kuya's cupboards.

"2AM na baby, di pa kayo natutulog? Anong ginagawa niyo?" I heard him moving around on his bed. Hala, bigla ko tuloy siyang na-miss.

"Si kuya nagluluto. Nakakawala daw ng stress kapag nag-gagayat at naghahalo ng ingredients," I turned and placed the plates on the table.

"Magpahinga ka na pag natapos kayo," he sighed, "miss kita baby. Gusto kita makatabi matulog."

"Prince miss din kita pero di ba dapat masanay muna tayo na di magkatabi? Malapit na classes, paano ka masasanay?" I chided him. Na-mi-miss ko din si Prince and it's almost a physical pain, pero iniisip ko na hindi pwedeng maging masyado kaming dependent sa isa't-isa.

"Masisisi mo ba ako?" I could hear a sad note in his tone, "pagkatapos nung nangyari kanina, I feel all the more apprehensive na wala ka sa tabi ko."

"Prince, okay lang ako. Ikaw nga yung muntik na kaninang masagasaan. Palagay mo hindi ako nag-alala?" Gusto ko rin talagang ma-reassure na wala na yung mga bangag na nag-trip sa amin kanina. Kung hindi pa sila naunang binugbog ni kuya Alfred, baka inupakan ko na rin sila.

Tahimik lang siya sa kabilang linya, "Prince tulog ka na po. Dream of me."

"Lagi ka namang nasa panaginip ko eh," he sighed, "I love you, Aya."

"I love you din. Pahinga ka na. Kita tayo bukas, okay?" I smiled softly when I heard him make a kissing sound on the other end of the line. Hay, ang cheesy talaga ng boyfriend ko.

"Sleep well. I love you." I told him before I ended the call. Alam ko na hindi niya ibababa hangga't nasa linya ako kaya ako na ang nauna.

I couldn't help but grin as I watched my Kuya Alfredo with a serious expression as he cooked. Soft strains of Bach's Cello Suite floated in the background. Kahit gaano ka-rough ang exterior ni kuya, maraming di nakakaalam na classical music ang trip niya lalo na habang nagluluto.

"Kuya Alfred thank you po ulit," I hugged him from behind. He turned to me and smiled.

"Ready na yung plates natin?" I nodded at him and he proceeded to plate the herb-encrusted salmon with lemon vinaigrette that he prepared. Si kuya lang sa amin ang matiyagang nag-second course. Matapos niyang grumadweyt sa BA and A ay kumuha siya ng two-year culinary course bago nagtayo ng restaurant.

"Kuya ang sarap nito!" I exclaimed when I sampled the fish. Tamang-tama lang ang pagkaluto at walang lansa ang isda. The herbs made a delightful medley of flavours tempered by the sweet-sour taste of the lemon. "Sayang, hindi natuloy yung date mo."

He laughed at me, "Ano ba yan baby girl, mas importante ka sa date ko." He chucked me under the chin as he finished his own serving.

"Pero kuya hindi naman pwedeng laging ganon. Kawawa naman yung girlfriends mo." I pouted at him.

"Aya, if they love me, mamahalin din nila ang mga mahal ko and that is my family."

I couldn't help but be touched by his words. Si Kuya Alfred ang pinakabasagulero at babaero sa lahat ng magkakapatid pero he has this soft side na talagang family-oriented. I guess sa kanya ko natutunan na ang family ko ang talagang nagmamahal sa akin no matter what.

"Thank you po kuya. Sana makahanap ka na ng ideal girl mo," seryoso kong sabi, "ang sarap kasi ng luto mo saka alam ko magiging protective ka rin sa kanya."

"Well baby girl, hangga't wala siya hayaan mo muna si kuya na i-spoil ka," he laughed as he took my plate and put it on the sink. Binuksan niya ang ref at inilabas naman yung soufflé na pri-nepare niya for dessert.

"Grabe ka kuya, talagang ini-spoil mo ko. Turuan mo naman ako magluto, please?" I batted my lashes at him, "gusto ko kasi magluto para kay Prince."

"Ano ba yan, parehong-pareho kayo. Sabay na kaya kayo mag-lessons para di ako mahirapan magturo?" he took a spoonful of the soufflé. "Palagay mo ano mas masarap, strawberry o itong chocolate?"

"Pwede blueberry na lang? Mas gusto ko yung medyo tart. Or yung orange liquer. "

"Sige, testingin ko nga yan. Masyadong matamis yung batch na 'to," ibinaba niya yung platito niya. "Gusto mo ng tea or hot choco?"

"Tea po," I answered as I tried to finish the dessert, "hala nabusog ako."

After we had tea, we cleaned up and it was almost 4AM. We decided to sleep at his living room just like old times instead na sa kwarto. Hilig kasi namin noon na mag-movie marathon tapos matulog ng magkakasama sa sala. I curled up against him and he hugged me tightly.

"Kuya wag mo na ulitin yung kanina," I whispered to him "natakot ako nung nasa presinto tayo."

"Baby girl alam mo naman na ayoko yung feeling na mapapahamak ka di ba? Never again on my watch." He replied in a serious tone. He patted my head affectionately. "Anyway, I had fun." He grinned and I swatted his chest.

"Hay, grabe ka talaga. Kaya naasar sa'yo si mommy."

"I love you Diosa. Hindi ka pababayaan ni kuya at di ko rin pababayaan yung mahal mo." He whispered and I knew that I would forever cherish this sweet brother of mine.

A/N

This chapter is dedicated to my lovely aniki, and to bluebaiyou who requested for Alfredo-goodness. 


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro