Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 23: La Madre

Chapter 23

My hands feel clammy on the steering wheel. Ang hirap naman ng first time. Kung ano-anong scenario ang tumatakbo sa utak ko. Andiyang baka mag-freeze ako at hindi ako makasagot, na baka maisip nila na hindi kami bagay ni Prince, na meron ibang babae na boto sila para sa anak nila...

"You look beautiful, okay? Magugustuhan ka ni Mama." He reassured me. We reached a two-story corner lot with high walls. Bumaba si Prince para buksan yung gate and I parked the car inside their garage. An old man sat on a rocking chair sa may veranda and Prince waved at him. Bumaba ako sa kotse at hinintay siya para sabay kaming pumasok. Kinakabahan talaga ako at feeling ko gusto ko na umuwi.

"Aya, breathe baby. Hindi nangangagat ang Mama ko." He laughed as he brought me up the short steps that led to their main door. Nanginginig yung kamay ko pero hinigpitan lang ni Prince yung paghawak niya. Maaliwalas ang sala nila at pinaupo niya ako sa sofa.

"Mama andito na po kami ni Aya," he went to what I think is the kitchen. Lumabas siya kasama ang isang matangkad na babaeng medyo may edad na. Napalunok ako at tumayo mula sa pagkakaupo. Lumapit ako para magmano.

"Good afternoon po," sinubukan kong ngumiti sa kanya. Hala bakit parang hindi siya ngumingiti sa akin? Ayaw ba niya sa nakikita niya? Mali ba yung damit na sinuot ko? Pero naka-dress naman ako saka hindi naman revealing 'to di ba?

"Mama?" Untag ni Prince. He had his arm around her waist,"Ano pong niluto niyong lunch?"

She turned her gaze to him at nakahinga ako,"Calderetang baka, yung paborito mo."

"Yes!" he laughed and kissed her. "Gutom na 'ko, ma."

"Sige maghahain na tayo," tumingin siya sa akin, "dalhin mo na si Aya sa komedor."

"T-tutulong po ako," I offered shyly. Hala, natatakot ako sa mama ni Prince.

"Halika, baby," Prince took my hand. "Hain na tayo." I followed them to the kitchen at nakita kong mayroong dalawang katulong doon na tumutulong sa pagluluto. Grabe, parang pang-piyesta yung ihahanda nila. Kumpleto mula soup, appetizers, salad, gulay na side dish at yung main dish na Caldereta. Tinulungan ko si Prince na dalhin yung mga pinggan, baso at kubyertos sa lamesa. Buti na lang sanay na ako kasi ito yung laging nakatokang trabaho sa akin sa bahay saka lagi kong pinapanood si Kuya Alfredo sa resto.

"Wow. Diyosa nga," narinig kong may nagsalita sa aking likod. Lumingon ako. Kamukha ni Prince ang lalaking nakatayo sa may pinto at may dalang bola ng basketball. Mas maliit nga lang siya at mas balingkinitan pero hindi mapagkakaila ang kanilang relasyon.

"Duke," bati ni Prince, "Si Aya, girlfriend ko."

"Wow, ang liit mo naman," nakangisi siyang umupo dun sa upuan sa tabi ko. "Mukha ka palang elf." I felt myself blush at the open interest in his face. Nyaah!

"Hoy, maligo ka muna" Nakasimangot si Prince, "tigilan mo yung baby ko. Di ka pa nag-tha-thank you sa kanya." Tumawa si Duke at inabot yung kamay ko.

"Nice to meet you ate Aya. Thanks dun sa love letter ko."

"Ate Aya?" I took his hand and shook it. "Hindi ako sanay."

"Masanay ka na ate," he laughed. "Sa'yo ba yung sportscar sa labas?" I nodded.

"Astig! Pasakay ako ate!" he looked so eager at napatango na lang ako.

"Yes!" he hugged me and I blushed. "Ate ang astig mo naman, mukha kang highschool pero naka-sportscar."

"Duke, mahiya ka nga! Ang pawis mo!" Asar si Prince at hinila siya sa braso.

"Sige na nga baka mamaya tustahin na ako ni kuya." Tumatawang lumabas si Duke sa dining area.

"Siraulo talaga yun," Prince murmured, "okay ka lang?"

Bago ako makasagot ay pumasok na yung mga katulong na dala yung mga pagkain. Inayos na nila at nag-supervise yung mama ni Prince. Naupo na kami at nag-lead si Prince sa prayer. Wala yung Papa niya kasi busy daw sa opisina sa Kapitolyo.

"Ilang taon ka na Aya?" bungad na tanong ng mama ni Prince sa akin.

"Eighteen na po ako," sagot ko.

"Sa Diliman ka rin ba nag-aaral?" Nagsimula na siyang sumandok ng pagkain. Ako naman ay nilagyan ni Prince ng kanin.

"Sa UP Manila po," Hala, hindi pa rin siya ngumingiti sa akin.

"Mama, University Scholar po si Aya," sabi ni Prince. Pinisil niya yung kamay ko na nasa ilalim ng mesa.

"Mabuti," nakita kong parang nagsisimula na siyang maging komportable. Nakahinga ako ng maluwag. Ang hirap pala ng ganitong interview. Sana pinaulit niyo na lang pala ako ng UPCAT at parang mas feel ko ang written exam kesa yung ganitong nasa hotseat. "Unahin niyo ang pag-aaral iha."

"May mga kapatid ka ate?" Tanong ni Duke.

"Walo kaming magkakapatid," sagot ko, "I have seven brothers."

"Wow, ang dami niyo pala." He smirked, "kami dalawa lang, no choice."

"Naalala mo ba si Adam, yung dinala ko dati dito nung birthday ko?" Sabi ni Prince, "Kuya ni Aya yun."

"Yun ba yung chinito na ka-org mo?" tanong ng mama niya. "Yung mahilig mag-basketball?"

"Opo ma." Nakatawa si Prince.

"Yun yung crush ni Eliana!" Duke exclaimed with a laugh, "Patay na patay dun yung pinsan namin."

"Talaga?" Hala, may crush kay kuya yung pinsan nila? "I-text ko nga si Kuya Adam mamaya. Aasarin ko lang."

"Pero bakit di kayo magkamukha?" tanong ni Duke. "You don't look Chinese to me."

"Half-brother ko lang si kuya Adam," I admitted, "kamukha niya yung mama niya." Parang may anghel na dumaan sa katahimikang sumunod.

"Pero okay naman kaming magkakapatid. We grew up together," dagdag ko. Medyo naging awkward ang atmosphere sa lamesa.

"Aya marunong kang magluto?" Nakakagulat na yung mama ni Prince ang bumasag sa tensyon, "mahilig kumain yang si Prince."

"Nag-aaral pa lang po," nahihiya naman ako. Hala, pag-uwi ko talagang papaturo na ako kay Kuya Alfred! "Yung kuya Alfred ko po tinuturuan ako."

"Chef si kuya Alfred mama. Yung Pisces restaurant sa Eastwood siya ang may-ari," pagmamalaki ni Prince.

"Wow, ang yaman pala ng family niyo ate," Duke remarked. Tiningnan siya ng masama ng mama nila dahil puno ang kanyang bibig habang nagsasalita. "Oops, sorry ma."

"Hindi naman," sagot ko, "graduate na kasi karamihan ng mga kuya ko at may kanya-kanya ng buhay. Dalawa na lang kami ni kuya Adam na nag-aaral. Si Kuya Aidan po kasi nag-iintay na lang sa board exams para sa Arki."

"Sa UP ba kayo lahat nag-aral?" Tanong ulit ng mama nila.

"Opo. Propesor po ng UP yung mommy at daddy ko," sagot ko naman. Mas napangiti yung mama ni Prince.

"Mabuti. Gusto ko mag-focus muna kayo sa pag-aaral ha. Ito kasing si Prince..." napabuntong-hininga siya.

"Ma!" nakasimangot si Prince, "Tapos na po 'yon. Hindi na ulit mangyayari yung ganon." Napatingin ako sa kanya. Mukhang may hindi magandang nangyari dati.

"Paano kasi yung 'babaeng' yon, bad influence." Madiin ang pagkasabi niya sa word na babae. Napakagat-labi na lang ako. Sigurado akong si Mel ang pinag-uusapan.

"Mama, mag-aaral po kaming mabuti," sagot ko kasi halatang naaasar si Prince, "di ba Prince?"

He nodded. We stayed in neutral ground sa mga sumunod na conversations. Natapos ang lunch at feeling ko mukhang okay naman yung nangyari. Mukhang gumaan naman 'ata yung feeling ng mama ni Prince sa akin pero nahuhuli ko siyang pinagmamasdan ako. Hindi pa naman ako sanay na tinitingnan kaya halos manliit ako sa aking upuan.

" 'Lika baby," Prince hugged me from behind ng matapos kaming maghugas ng pinggan. Nag-volunteer ako at pinilit niyang tumulong. Nakita ko ang isang tunay na ngiti sa mama niya kaya naman masaya ako habang hinuhugasan yung mga pinggan.

"Saan?" tanong ko. Hinawakan niya yung kamay ko at inikot ako sa bahay nila. Simple lang yung bahay nila Prince pero napakalawak at maaliwalas. Pamana daw ito ng lolo niya na dating mayor ng bayan nila.

"Angkan pala kayo ng pulitiko," I murmured as I looked at the photos adorning their walls. "Ikaw, hindi ka ba nila niyayaya na mag-politics?"

"Gusto nila papa na sumali ako sa Sangguniang Barangay noon pero ayoko. Yung pinsan ko ang chairperson ngayon."

"Hmm... kanina si Mel yung tinutukoy ng mama mo di ba?" I couldn't resist asking.

He let out a heavy breath, "Aya wag natin siyang pag-usapan, please?"

"Dinala mo din ba siya dito?" he shook his head no.

"Never. Ayaw niya. Galit si mama sa kanya." He sounded uncomfortable so I let the subject drop.

"Goddess may ipapakita ako sa'yo," nakita kong excited yung mga mata ni Prince. He led me to a door at the far end of a hallway. Nung binuksan niya yung pinto, na-realize ko na kwarto niya yun.

Parehong-pareho ng apartment niya yung kwarto niya dito sa bahay nila. Pero dito, walang sariling kwarto yung mga painting niya. May easel sa gitna ng kwarto na may naka-mount na canvass.

"Here," he brought me in front of the canvass at nakita kong ako ang subject ng painting. There was a flower crown on my head similar to the one I remember he made for me back in Sagada. Punong-puno ng flowers yung background ng painting. Parang diyosa yung theme.

"Okay lang ba?" he whispered to me. I looked up to him and he looked a little nervous.

"Ang ganda naman nito, parang hindi yata ako," he pouted at me and I hugged him. "Joke lang. Thank you, Prince. Grabe ang ganda ko," I laughed, "feeling ko tuloy diyosa na 'ko."

"Goddess ka naman talaga eh, at ang swerte ko kasi ako ang pinili mo," he bent down and gave me a soft kiss.

"Naku ayan na naman po siya sa pambobola," I pinched his nose, "alam ko yung kasunod niyan."

"Baby pa-kiss?" I grinned up at him. Hay, Mr. Constantino sobrang kilala ko na yung mga gusto mo.

"Sabi ko na eh," I tip-toed and tried to reach his lips. He pulled me up and met me half-way. He seemed very relaxed..unhurried. Dahan-dahan yung pagdampi ng kanyang labi sa akin pero pakiramdam ko parang natutunaw ako. His kisses travelled down the column of my throat but they remained just gentle caresses.

"Prince..." I moaned softly. As usual his hands are moving up and down my back and he is seriously turning me into a boneless heap. "Kryptonite ka ba?"

He stopped what he was doing and slowly lifted his head to look me in the eye, "Ha?"

"Kasi parang di na ako makatayo," I bit my lower lip, "nanlalambot yung tuhod ko."

"Goddess na-te-tempt ako," he closed his eyes and touched his forehead to mine, "gusto kong mag-behave pero you're making it difficult when you say things like that." He confessed.

"Hala, 'yan na naman. Sorry, hindi na nga 'ko magsasalita," hindi ko naman talaga intensyon pero bakit parang lagi na lang doon napupunta yung usapan namin? Kasalanan ko ba talaga?

He must have sensed how I turned rigid in his arms, "Aya?" He opened his eyes pero ako ang nagbawi ng tingin.

"Sorry, baby," He kissed my forehead. I swallowed hard. Hindi ko alam kung bakit parang naiiyak ako. Hala, emotional ako dahil sa sinabi niya?

"I think ako ang may problema," He set me down and guided me to sit on the edge of his bed. He let out a deep breath. "You just turn me on so damn much," He let out a small laugh, "para akong tanga."

"Ano bang gagawin ko?" I asked him. "Hindi na ako maglalambing?" He shook his head vehemently.

"Aya wag naman ganun," he looked dejected, "para mo na rin sinabing magbigti na lang ako."

I was shocked when he pushed me down on the bed and covered me with his body.

"Prince?" He wasn't moving. Hala ang bigat niya! One of his hands was around my waist, while the other is around my shoulders, holding me close. There was no space between the two of us.

"Uy, Prince..." I tried to push him off. His face was buried at the crook of my neck and I could feel him breathing in my scent. "Prince!" Hindi siya gumagalaw at ayoko din kasi naalala ko yung sinabi niya dati sa Baguio na pag malikot ako lalo siyang...naaano.

Hindi na ako makahinga pero tiniis ko na lang. Hinihintay ko na siya ang unang magsalita o kaya ay gumalaw. Hala, ano bang ginagawa sa ganitong sitwasyon? Bakit ba di siya gumagalaw? Tinulugan na ba niya ko?

After what seemed like a long minute, he lifted his face and pulled back just so much that I could breathe. Still, he framed his arms against my sides at pinagmasdan ako. I turned away kasi parang nag-iinit yung mukha ko sa tingin niya.

He tucked a strand of hair behind my ear. My eyes widened in alarm when he buried his face in the middle of my chest. Hala!

"Prince?" I could feel him kiss the valley between my breasts even with my clothes on. He rubbed his nose against my collarbone, dun sa part kung saan naka-rest yung pendant ng kwintas na binigay niya for our first monthsary. Hindi na naman ako makahinga pero for very different reasons.

"Prince nakikiliti ako," I whispered softly. I wanted to move, squirm away, push him off... pero ayoko rin namang magmukhang ni-re-reject ko siya. Ano ba talaga? Hindi ko maintindihan kung anong gusto ng katawan ko. Parang gusto kong lumapit pero at the same time kinikilabutan ako.

He stopped and I felt a smile against my skin, "Ang daya, ikaw nga laging nasa dibdib ko di ba? Mas una ka pa ngang naka-second base sa akin." He whispered huskily.

"Sorry Prince," I mumbled softly. Anubey, nahiya naman ako!

"Bakit naman? Hindi ko naman sinabing ayaw ko or hindi ako nag-e-enjoy." He lifted his face and kissed me softly. "Doesn't it feel good?" He caressed my cheek and ran a finger against my lips. I closed my eyes just as a shudder passed through my whole body. Ano ba to? Para akong sinisilaban sa init at mas intense pa yung feeling kaysa dun sa touchy-feely na lagi niyang ginagawa.

"Do you know how you look like right now?" I shook my head. I wet my lips because my throat suddenly felt so dry. "You look so freakin' seductive..."

"Uy, ano ba yan Prince... " Ako? "...paano ako naging seductive eh wala naman akong ginagawa? Hindi nga ako nag-ma-make-up or nagpapabango. Saka ayaw mo rin na magsuot ako ng maiksi." his finger continued its journey down my collarbone to touch the pendant before he placed his hand over my rapidly beating heart.

"Yun nga eh, wala kang ginagawa pero na-tu-turn-on pa rin ako," natawa siya. "Ako na ang baliw."

I grinned up at him, "Hay naku ang laki ng problema ni Mr. Constantino."

"Ano bang gagawin ko sa'yo? I want you to be comfortable with this... with me." He sounded like he was actually talking to himself instead of with me.

"Natatakot ka ba?" umiling ako. Hindi na ako natatakot kay Prince. Alam ko namang titigil siya once na sinabi ko. "Anong nararamdaman mo?"

"Hindi ko alam... naiilang ako," I swallowed hard, "kasi hindi ako sanay na sinasabihan ng ganon? Kasi wala naman akong nakakausap tungkol sa ganito. Hindi naman din ako mahilig sa romance novels or shows."

"Alam ko na," he stroked my hair gently. I stole a glance at him. He looked serene, na para bang normal lang na nakapatong siya sa akin sa ibabaw ng kanyang kama.

"Baby, stop thinking and just feel, wala itong rules. Hindi ito kagaya ng exams na may right at wrong answers. Just go with what you feel is right," He glanced at my face then frowned. "Oh, shit, " he murmured softly before he rolled to his side and brought me with him. "Sorry, nakalimutan ko na naman at dinaganan pa kita," he apologized.

"Sasabihin ko talaga kanina kaya lang nakalimutan ko na rin," I confessed shyly.

"Aya naman, magsabi ka agad. Nahihirapan ka na di ka pa nagsasalita," he scowled at me, "wag naman masyadong masochist baby. Parang hindi ko yata trip gawin sa'yo yung ganun. Kawawa naman baby ko," namula tuloy ako.

"Okay... sige magsasabi ako," I burrowed into his side, "saka ngayon ko lang din na-realize na andami ko pala talagang hindi alam."

"Baby, okay lang. Wala namang nagsabing alam mo na dapat lahat agad. Iba-iba naman ang tao," Waah! Bakit ang patient mo? Alam ko para na akong tanga pero ikaw ang cool mo lang.

"I know you haven't explored your sexuality before. You don't even realize when you're flirting. You certainly don't even know how sexy you are," he cupped my cheek, "Pasensya ka na kung minsan sumosobra ako sa pang-aasar. Ang lambing mo kasi, ayan atat na tuloy akong turuan ka."

"Bakit ang dami mong alam?" I suddenly had the urge to ask him.

"Experience," he laughed and tweaked my nose when I scowled at him, " Aya wag magselos..."

We were interrupted by loud knocks on the door. Hala, buti na lang pala sinarado niya kasi nakakahiya kung mahuli kami na ganito!

"Kuya andiyan ba kayo?! Yung kotse ni ate Aya!" Narinig namin ang sigaw ni Duke sa kabilang side ng pinto. Dali-daling tumayo si Prince at sumunod ako.

"Anong nangyari?" he asked and Duke looked scared.

"Kuya hindi namin alam kung paano pero lahat nung gulong may nag-slash."

-------------------------

-End Chapter 23-

Thanks for all the awesome feedback! Natutuwa po ako sa lahat ng comments, suggestions at corrections ninyo. Salamat sa mga bagong readers na nag-add sa reading lists nila, pati na rin sa silent readers. Kahapon dapat yung update pero nawalan ng internet dahil kay Glenda. I hope everybody is safe with their loved ones!


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro