
Chapter 22: Secrets in the Mist
Chapter 22: Secrets in the Mist
Nagising akong wala si Prince sa tabi ko. Dito kami natulog sa likod ng pick-up at ginamit namin yung mga comforter na baon namin saka yung sleeping bag ni Kuya Alfred para di manigas sa lamig. Pero malamig pa rin! I burrowed myself against my Kuya Alfred's warm back kasi hindi ko na maramdaman yung dulo ng ilong ko. My breath formed puffs of smoke against the mist of the early morning air. Si Sab at Kiko ay nasa kabilang pick-up kasama si Kuya Aidan habang si Kuya Adam naman ay nagkabit ng hammock na baon niya dun sa puno ng pine tree.
Naramdaman ko ang marahang pagsampa ng tao sa truck bed at iniangat ko yung ulo ko.
"Sorry, nagising ba kita?" Bulong ni Prince at tumango ako.
"Ang lamig kasi. S'an ka nagpunta?"
"Halika, may ipapakita ako sa'yo," he held out his hand to me at inabot ko iyon para tumayo. Inalalayan niya ako sa pagbaba sa pick-up at tinulungan akong isuot yung rubber shoes ko.
He held my hand in his as we walked, "Prince, saan tayo pupunta?"
"Basta, trust me." Misteryoso niyang sagot. Makapal ang fog sa paligid at kapwa umuusok ang aming hininga.
"Upo ka dito baby," he guided me to sit on a large rock. "O, para hindi ka lamigin." He handed a thermos to me and I took a sip.
" Mmm... nagdala ka pala nito," I kissed his cheek. Ang sarap talaga ng hot chocolate ni Prince. "Kaya ka ba maaga nagising?"
"Naisip ko lang gawan ka kaninang umaga, ang lamig kasi. Alam ko namang lamigin ka eh."
"Mas sweet ka pa dito sa hot choco mo," I wrapped my arms around his middle, "kiss nga ako sa prinsipe..." I tilted my face up and he willingly obliged. He tasted of warm chocolate and cinnamon, sweet vanilla and milk. The kiss was more than that though... more than just a bit of sweetness but of promises of more... promises of forever.
"Anong meron dito?" I asked him once we were sitting together on the rock.
"Basta nakita ko kanina nung nanguha ako ng kahoy. Intayin mo lang," he smiled at me. The whole area was covered in thick fog, but a cold wind seemed to tease and caress every now and then.
"Goddess wag kang kukurap," he warned me just as the wind seemed to dissipate all at once and I saw that we were situated on the edge of an enormous cliff and far below lay the magnificent ancient staircase of the Banawe Rice Terraces.
"Wow," I couldn't hide the awe in my voice. "Ang ganda."
Totoo. Parang isang panaginip ang hagdan-hagdang palayan na siyang nakaukit sa bundok. Dahan-dahang napapalis ang mga ulap at sumisilip sa kalayuan ang iba pang nag-gagandahang luntiang dalisdis. Ang mga sinag ni haring araw ay siyang nagsisimulang pumukaw sa pagitan ng mga ulap na siyang nagpapabilis sa paggalaw ng makapal na usok na bumabalot sa lupa.
It stretched as far as the eye can see.
"Actually, muntik na akong mahulog kanina pero nagkataong nawala yung fog at aksidente kong nakita yan," Prince confessed sheepishly. Napatingin ako sa kanya.
"Okay ka lang?" I stroked his cheek and he leaned into my hand, "hindi ka ba nasaktan?" He gently shook his head.
"Hindi naman. Nawala yung fog bago ako makahakbang dun sa bangin."
"Wag ka ngang kung saan-saan pumupunta! Paano kung nahulog ka?" I frowned at him.
"Walang mangyayaring masama sa'kin," he smiled as he kissed my nose, "I have a Goddess to protect me."
Kinurot ko siya sa tagiliran, "Hay naku Prince, puro ka kalokohan!" His smile widened and he enveloped me in a hug.
"Picture tayo Goddess," he brought out his phone and we smiled at the camera with the awesome backdrop behind us.
"Aya pagbalik natin sa Manila ipapakilala kita sa family ko," he took my hand and enveloped it in his warm one. "Si mama istrikto yun kaya baka medyo masungit siya sa umpisa pero alam ko magugustuhan ka niya."
I nodded and tried to smile at him, "I'll try my best para magustuhan ako ng mama mo."
"Just be yourself baby. That's more than enough para mahalin ka ni mama."
"Yung papa mo?" I asked. He laughed.
"Wag ka mag-alala kay papa. Kagawad siya sa bayan namin. He's a people-person at alam ko madali ka niyang magugustuhan."
"So charismatic ang papa mo?" he nodded.
"Mana daw ako sa kanya sabi nung mga taga-sa'min." Ang cute ng dimples niya tuwing ngumingiti. I stroked his cheek and he caught my hand and kissed my palm.
"Halata nga," I agreed. We basked in the quiet of the morning, needing no words to bridge the silence. Ngayon ko lang naramdaman yung ganito... yung komportable ka na hindi na kailangan ng salita para malaman mong mahal ka ng isang tao. Vocal kami sa pamilya sa pagsasabi ng 'I love you', pero ngayon ko lang naramdaman na meron din palang moment na hindi kailangan ng salita.
"Anong iniisip mo?"
"I just had a vision of this scene in my future, Mrs. Constantino"
"Huh?"
"Ikaw, in our house. Waiting for me in our bed, taking care of our kids, travelling around the world, holding your hand while we sleep... lahat yun."
"Wow Mr. Constantino naisip mo na lahat agad yun?" I nudged him with my shoulder, "Ang aga mo naman magplano."
"Aya you're eighteen. Kung tutuusin pwede na kita yayaing magpakasal pero hindi ko pa gagawin kasi alam kong hindi ka pa handa. Hindi tayo handa. We've only been together for two months pero parang ang tagal na nating magkakilala. Alam mo ba kung pwede lang... kahit ngayon gusto na kitang pakasalan."
"Prince?" Parang may nagbara bigla sa lalamunan ko. Alam kong seryoso siya sa kanyang sinasabi.
"Wag kang ma-pressure. Sinasabi ko lang yung nararamdaman ko. I promised your brothers na hihintayin kong maka-graduate ka bago kita yayain."
My heart is swelling with love. Napahawak ako sa dibdib ko dahil hindi ko na mapigil yung emosyon sa mga sinasabi niya.
"Pero marami pang pwedeng mangyari sa ating dalawa... sigurado ka na ba na hindi magbabago yung feelings mo after another month?" Tanong ko sa kanya. Totoo, kung pagbabasehan ang nararamdaman ko ngayon baka sumagot ako ng OO sa kanya. Kaso sapat na ba yung nararamdaman lang para gumawa ng pang-habang-buhay na desisyon gaya ng kasal?
"Aya, hindi ko alam ang sagot sa tanong mo. Ang alam ko lang ngayon, mahal kita."
"Paano nangyari 'to?" I murmured softly, "Paanong ganito yung nararamdaman mo? Ang bilis naman. Paano nangyaring ganoon din yung nararamdaman ko? Hindi ako ganito, Prince."
"Goddess, you don't dare define love." He whispered to me as he sought my lips for a deep kiss just as the morning mist faded and the sun's pale rays enveloped both of us in its warm embrace.
----------------------------
"Hello?" Narinig kong sinagot ni Aya yung phone niya. Inilayo niya sa tenga niya at tiningnan yung screen bago muling nakinig, "Hello, sino 'to?"
"Ano yun?" I asked her. She shrugged and listened for a few more seconds before she ended the call.
"Unknown number eh. Kahapon tumawag din yata pero wala namang sumasagot."
"Wag mo na pansinin, baka nanloloko lang yan." Hinawakan ko yung kamay niya habang umaakyat kami sa hagdanang bato. Dito sa Hiwang Inn kami mag-s-stay ngayon at ang disenyo ng lugar ay perpekto para sa mag-ho-honeymoon. Istilo ng traditional Igorot house ang cabin. Gawa sa hardwood at walang pako, naka-angat sa lupa ang cabin at kailangang umakyat sa hagdanan. Walang kwarto sa loob pero may loft na pwedeng tulugan. May maliit na area sa labas na nagsisilbing lutuan at may lamesa na kainan. Mga rebultong may mukha ang pumapalibot sa perimeter at may mga exotic na bulaklak at lemon trees.
Tatlong cabin yung ni-rent namin. Wala nang tanong-tanong, magkakasama kami ni Aya, Adam at Kuya Alfred sa isang cabin, si Kiko, Sab at Aidan dun sa isa pa, at yung panghuli ay kila Kuya Alphonse at pamilya niya.
Inayos na namin yung mga gamit at bumaba kami sa bayan para mag-ikot at kumain ng local fare. Marami kaming biniling souvenir, paano adik pala sa shopping itong si Ate Lena at nagpapaligsahan sila ni Sab sa kung sino ang mas makakakuha ng bargain dun sa mga shop. Si Aya, tumitingin lang pero hindi naman bumibili. Mas gusto niyang lumabas at kumuha ng picture ng paligid kasama si Adam at Aidan.
Biglang tumunog yung cellphone ko.
Unknown number. Sasagutin ko ba 'to? Makailang-beses ulit nag-ring kaya sinagot ko na.
"Hello?" Tahimik ang kabilang linya, tila nakikinig.
"Hello? Pag di ka sumagot ibababa ko na."
Nakarinig ako ng impit na tawa sa kabilang linya.
"Sino 'to?" Pinanatili kong kaswal ang aking boses.
"Magpakasaya ka." Tinig ng isang lalaki ang nagsalita.
"Sino 'to? Anong kailangan mo sa'kin?"
Pero namatay na ang kabilang linya.
"Pupunta na daw tayo dun sa heritage site." Naramdaman kong tumayo sa tabi ko si Aya. Nakangiti siya. Pinilit kong ngumiti pabalik.
"May problema ba?" tanong niya sa akin.
"Wala, may prank caller lang." Sagot ko, "wag mo pansinin yun."
Pero hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan.
---------------------
"Bakit parang ang creepy?"
Napakamot-ulo ako. Ano ba 'tong si Sab? Tuwing kasama ko parati na lang parang gustong tumalon sa gulat o kaya naman ay mamatay sa takot. Ang awkward.
"Sab tinatakot mo lang kasi yung sarili mo eh, mga buto lang yan."
Kagat-kagat niya yung labi niya habang pinagmamasdan yung mga naka-display na bungo sa mini-museum ng Hiwang Inn. Maraming mga stone sculptures ng anito na nagkalat sa paligid pero pinakamarami dun sa gilid ng traditional house na nagsisilbing museo.
"Tignan mo 'to oh, parang yung nasa film ng Mononoke-hime," turo ko sa kanya.
"Oo nga Kiko, o kaya yung sa Spirited Away no?" Hay, buti na lang pag anime yung pinag-uusapan namin nagiging kalmado siya.
"Mabait naman yung mga spirits dun kaya malamang yung dito rin," I grinned at her. She looked so pretty in her colourful pink, red and purple jacket pati yung matching na scarf at bonnet niya.
"Kiko picturan mo ko dun sa may sculpture ng usa," yaya niya. Sumunod naman ako. Sa dami ng picures na kinuha ko sa kanya nakapuno na ako ng 32GB na SD card. Pangalawang SD card ko na ito. I aimed my camera and clicked away.
"Kiko mukha bang gumagalaw yung snake sculpture?"
"Sab, guni-guni mo lang yan," I sighed.
"Nyaah! Kiko parang gumagalaw talaga! Saka may narinig ka bang sumutsot? Yaah!" she jumped up and hid behind my shoulder. Natatawa talaga ako sa babaeng 'to.
"Sige, dito ka lang sa tabi ko para di ka nila lapitan," I put an arm around her shoulders. She looked up at me with narrowed eyes.
"Bakit?" I asked her.
"Hn. Chansing ka Villanueva," she murmured with a pout. Naasar ako. So ganun ang tingin niya?
"Di wag kang kumapit sa kin," I pulled away. Hindi ko nga iniisip yung ganun. "Babalik na ko sa taas." I headed for the pathway back. The fog is starting to gather again.
"Kiko!" Hindi ko siya pinansin. Nakakainis. When did I ever take advantage?
"Kiko! Wag mo 'kong iwan dito!" She sounded scared. I stopped walking and sighed. Okay Kiko, anong gagawin mo? I stared up at the sky. Since when did looking up give answers anyway?
I started back down and saw her in the middle of the clearing. She looked like she's crying. Okay, Kiko pinaiyak mo. Fvck naman, hindi na ba ako gagawa ng tama?
"Sab?" I reached her side pero hindi ko alam kung paano ko siya aaluin. Nagulat ako ng siya ang biglang yumakap sa'kin.
"Sorry na!" she wailed. Hindi ako makagalaw. Parang nag-freeze yung utak ko bigla at naging Pentium 1 sa bagal ng processing. Now... what?
"Ayoko ng ganito Kiko..." she whispered softly. "Hindi ko alam kung paano ako magsisimula..."
"Sab, okay na. Hindi ako aalis. Nainis lang ako kanina kasi parang wala ka namang tiwala sa'kin eh."
"Kiko bakit ako?"
"Sab, okay na nga. Hindi kita iiwan dito. Halika na," I wiped the tear tracks on her cheeks. "Ikaw kasi tinatakot mo yung sarili mo."
"Kiko hindi mo sinasagot yung tanong ko."
"Wala namang multo Sab, imagination mo lang yung kanina. Halika balik na tayo, kainin natin yung baon kong chips."
"Kiko?" she captured my face with her small hands. "Are you avoiding my questions?"
"Sab, hindi ko naman siguro dapat i-explain yung bagay na walang explanation di ba? There is no such thing as logic in the realms of emotion."
"Kailangan ko bang ipaliwanag kung bakit tumitigil yung tibok ng puso ko kapag naririnig ko yung boses mo? O kung bakit napapangiti ako tuwing binabati mo ako ng good morning? Na masaya na ako tuwing partner kita at kinikilig ako everytime binabanggit mo yung pangalan ko?"
"Don't ask me why the rain falls, or why the wind blows. Don't ask me why the stars twinkle or why the sun rises in the morning."
"Kahit anong mangyari Sab, hindi ako mawawala. Even if you don't love me back, okay lang. Ang importante hindi ko na tino-torture ang sarili ko sa 'what ifs'. Tama na ang nine years na hinintay ko. Mahal kita, sapat na sa akin na alam mo yun."
A/N:
The first time I saw the Banawe Rice terraces was on a misty morning and I couldn't forget the magical feeling of meeting one of the world's seven wonders. Meeting is the term I used, because it felt like a real presence... like an ancient God that blessed my eyes with such beauty. No matter how many places in the world I have gone to, that place will forever be one of the best sights that I have ever seen.
Mononoke-Hime (Princess Mononoke) and Spirited Away (Sen to Chihiro Kamikakushi) - movies by Hayao Miyazaki. Copyright Hayao Miyazaki and Studio Ghibli
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro