Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 21: All of Me

Chapter 21: All of Me

"Just give me the damn missive." I stopped in the middle of the street and waited for Svetlana to come out of the shadows.

"Sorry," she grinned sheepishly before handing me the case file she brought with her.

"Extraction, eh?" I raised an eyebrow at her, "I trust my accommodations are in order?"

"Well Ali, I wanted to be the one with you on this mission but they sent her," she scowled, "damn bitch."

"Nice to see you again Rika," I let a small smile grace my lips as my partner dropped wordlessly to the ground from where she was soundlessly perched on top of a third floor veranda.

"Hello, Jaguar," she smirked, "ready to go?" She's never been one to mince words.

"Give me a minute to tell my older brother." I handed the file back to Lana and waved the two of them off before I entered the inn. 

----------------------

Kinabukasan maaga kaming naghanda para maglakbay patungong Banawe.

"Kiko kaya ko naman 'tong buhatin," protesta ni Sab pero di siya pinakinggan ni Kiko at binuhat na lang yung pink na suitcase niya para ilagay sa likod ng sasakyan.

"Uy mukhang bati na sila," bulong ko kay Prince. Ngumiti siya sa akin.

"Sabi ko naman sa'yo baby, maayos rin nila yan," He picked up my bag and added it to the pile already placed at the back of the pick-up.

 "Kuya Alphonse, 'san po si Kuya Ali?"

"May gagawin daw siyang importante. Hahabol na lang daw siya sa atin sa Banawe," sagot ni Kuya na inaasikaso ang paglalagay ng bagahe para magkasya lahat dahil namili rin kami ng mga pasalubong kay Yaya Maring at Mama.

"Sakay tayo sa likod," nakangiting mungkahi ni Kuya Aidan. "Tingnan mo mukhang exciting yun o." Tinuro niya yung mga foreigner na pawang nakasakay sa tuktok ng jeep at trucks na papunta sa Bontoc.

"Ngek? Eh paano tayo magkakasya, andiyan din yung supplies?" Naka-kunot noo si Kuya Adam. "Ang ganda talaga ng plans mo kuya, halatang pinag-isipan."

"Gago!" Binatukan siya  ni Kuya Aidan, "nawala nga si Ali, ikaw naman ang pumalit."

"Kasi nga, you have the best-laid plans..." nakangisi si Kuya Adam.

"'Wag ka na, dito ko sa likod sasakay. Huwag kang maiinggit sa'kin mamaya." Nakahalukipkip si Kuya Aidan.

"Asus, so ako pala mag-di-drive kay Barney hanggang Banawe?" Kamot-ulo si Kuya Adam. "Akala ko ba palitan tayo?"

"Pa-drive mo kay Prince pag napagod ka. Si Kuya Alfred naman ka-partner ni Kuya Alphonse dun sa kabila."

"Ganon? Paghihiwalayin mo yung lovebirds?" Bigla akong namula sa nanunudyong ngiti ni Kuya Adam. "Baka magtampo si baby girl."

"Hindi po!" Protesta ko. Kuya Adam patted my head with a laugh. "Di ba Prince  okay lang?" I turned to him. He nodded his head with a smile.

"Joke lang naman," si Kuya Adam, "ang se-serious niyo."

"Asan ba talaga si Ali?"

"Kasama ni Lana, may kailangan daw silang gawin sa Baguio kaya bumaba muna. Susunod daw siya, pero pag di umabot sa Manila na lang magkita-kita."

"Akala ko si Ria yung ka-date kahapon ni Kuya Ali?" Iniabot ni Kuya Adam yung tali kay Kuya Aidan sa likod ng truck para ma-secure yung mga gamit. Mahirap na kapag may nahulog at baka maghabol pa kami ng luggage sa bangin.

"Oo nga, I like her. Parang kahapon ko lang nakitang ganun si Ali sa girls." Kuya Alphonse smiled as he motioned for Kuya Alfred to finish tying up the rope on his FJ Cruiser. "Hindi na ba yan aalog?" he asked and Kuya Alfred gave him a thumbs-up.

"Bakit, sweet naman si Kuya Ali ah," I pouted at them. Ang bait kaya ni Kuya Ali! "Lagi nga niya akong inuuwian ng breakfast."

"Hay naku baby girl, mahal ka lang masyado ni Ali. Sa amin nga masungit din yun," Kuya Alfred remarked as he rounded the car. "Gusto mo?" he offered me a sandwich.

"Thanks po Kuya," I tip-toed and kissed his cheek. "Prince, gusto mo?" I offered him a bite.

"Thanks, baby." He took the sandwich and bit it, "Sarap, anong tawag dito kuya?"

"Grilled Chicken sandwich with Cajun sauce," sagot ni Kuya Alfred, "e-mail kita ng recipe para gawan mo si Diosa."

I smiled inwardly. Mukhang bati na talaga sila Kuya Alfred at Prince ko. Ayoko talaga na hindi sila magkasundo dahil super love ko silang dalawa. Ayokong nag-aaway ang mga mahal ko sa buhay kaya nga minsan, hindi ko talaga sinasabi kapag may problema ako para hindi rin sila mag-alala.

"Grabe ang sarap, hala may sauce ka pa," I chided Prince as I wiped a little sauce off his lips. He laughed and gave me back the sandwich.

"Kainin mo na baby, baka maubos ko yan." I took a bite and I saw Kuya Alfred with a huge grin on his face.

"Prince, punta kayo ni Diosa sa resto next week. May mga bago akong i-ta-taste test para sa menu. Free food yun."

"Free food?" Biglang sumulpot si Kiko na may malaking ngiti, "tama ba yung narinig ko?"

"Eww... Kiko, mukha ka talagang libre," binatukan siya ni Sab.

" 'Kaw talaga Sab, pag may grasya di tinatanggihan." He protested as he rubbed the part where she hit him.

"Asa ka pa diyan kay Kiko, di na yan magbabago," I laughed as I finished my food.

"Wow grabe Aya ang sakit ha," Kiko scowled at me, "pero pag sinagot ako ni Sab, peksman manlilibre talaga ako." Sab stared at him in horror.

"Kiko!" she pouted at him. He gave her a sheepish grin.

"Promise Sab, manlilibre talaga ako," Nilagay pa ni Kiko yung kamay niya sa dibdib na parang nanunumpa.

"Grabe ang OA..." Sab murmured as she covered her face with her hands. Everybody laughed and gave Kiko good-natured slaps on the shoulder. I put my arm around Sab's shoulders and led her to sit on the side.

"Sab kamusta na?" I asked her once we were seated, "okay na ba kayo?" She drew a deep breath.

"Honestly, hindi ko alam," she answered truthfully, "Mabait si Kiko, ayoko siyang saktan kasi kilala ko naman siya. Gods, Aya—we've been together since forever!"

"Wala ba siyang chance sa'yo?" Hala! I'm starting to feel bad for Kiko pero love ko rin si Sab and I don't want her to force herself kung wala siyang romantic feelings right now.

"Hindi ko rin alam, naguguluhan ako." She looked really frustrated. "Alam ko madali lang mahalin si Kiko pero I need to make sure na wala na akong feelings kay Roel. Ayokong maging unfair kay Kiko."

I didn't know what to say so I just hugged Sab. Hay, ang hirap naman talaga ng love. Buti na lang wala kaming ganito ng Prince ko.

"Bilisan na natin para maaga tayong makarating ng Banawe. Mahirap mag-drive at makapal ang fog dun sa hapon pa lang." Sabi ni Kuya Alphonse at nagsipasok na kami sa sasakyan maliban kay Kuya Aidan na pinanindigan yung pagsakay sa likod ng pick-up niya.

-----------------------

"Anak kamusta na? Hindi ka man lang maka-text," may himig ng hinampo ang boses ni Mama. Napabuntong-hininga siya.

"Sorry ma, ang hirap po kasing makahanap ng signal sa Sagada. Pa-Banawe na po kami," I leaned back on the seat and put Aya's head in a more comfortable position against my side. Nakatulog na siya at bigla namang tumawag ang mama ko.

"Prince, gusto ko siyang makilala. Dalhin mo siya dito sa bahay." Alam kong malaki ang pag-aalala ni Mama dahil galit siya kay Mel at hindi niya gusto na magka-relasyon ulit ako sa babaeng tingin niya ay hindi bagay sa akin.

"Opo ma, ipapakilala ko po si Aya." I smiled softly when she rubbed her cheek against my chest unconsciously. Hay, ang cute ng baby ko matulog. Parang kuting lang.

"Prince sinasabi ko sa'yo ha. Ayokong mabahiran ang pangalan natin," patuloy ni Mama. Grabe, ang laki talaga ng galit nito kay Mel. Hindi naman siya ganito dati kay Bettina at naalala ko pa na nung maghiwalay kami ni Mel ay tinutulak niya ako na makipagbalikan dun sa isa ko pang ex.

"Ma, hindi po ganon si Aya. Trust me, mamahalin mo si baby Goddess ko." I heard her snort from the other end of the line.

"Baby Goddess?" Napangiti ako ng malawak. Oh shet, hindi ko na talaga mapigilan ang sarili ko.

"Baby Diosa po kasi yung tawag ng mga kapatid niya sa kanya," paliwanag ko. "Wag na po kayo mag-alala ma, promise dadalhin ko si Aya sa bahay. I will introduce her to everyone. Malayong-malayo po siya dun sa dati." I don't know why I couldn't say Mel's name. Parang taboo bigla na banggitin yung pangalan niya.

"Siguraduhin mo. May tumawag nga pala dito nung isang linggo at hinahanap ka," narinig kong parang inis na naman si Mama, "Babae. Feeling ko yung Mel na naman yun. Ayaw sabihin kung sino siya, basta gustong malaman kung dito ka ba daw umuuwi. Ang sabi ko pag di siya nagpakilala, hindi ko sasagutin. Binabaan ko nga ng telepono." Bigla akong kinabahan. Hindi pa rin ba siya titigil matapos ang ginawa namin ni Kuya Ali?

"Prince mag-iingat ka ha. Tawagan mo naman ako kapag may signal. Maski text hindi ka man lang maglaan. Ano ba yan anak?" Natawa ako. Ito talagang si Mama, ang laki ko na pero habang-buhay akong ginagawang bata.

"Opo mama. I love you po," lambing ko sa kanya. Alam ko kung paano lambingin si mama. "Uuwian po namin kayo ng pasalubong."

"Sige anak ba-bye na," I heard a happy note finally enter her voice. Siyempre, wala pa rin akong kakupas-kupas.

"Bye po." I heard the click from the other line.

"Mama mo?" narinig ko ang mahinang tanong ni Aya. Naku nagising ko yata ang baby ko. Tumango ako at iniangat niya ang ulo niya sa pagkakahilig sa akin.

"Sorry baby, nagising ba kita?" I pulled her back to settle against my chest, "Gusto ka daw niya makilala. "

I saw a blush creep up her cheeks, "Hala, sana magustuhan ako ng mama mo."

I kissed the top of her head,"Walang dahilan para hindi ka magustuhan ni mama." I assured her.

"Hmmm... takot ako," she admitted softly, "pa'no pag ayaw niya sa'kin?"

"Goddess there's nothing to be scared of. Don't see shadows where there aren't any." Humarap siya sa akin at niyakap ako ng mahigpit.

I stroked her back,"Nilalamig ka ulit baby?" She shook her head.

"Hindi na. Ang init kaya ng katawan mo," she rubbed her cheek against my chest. Talagang iinit ang katawan ko. Ang lapit mo kaya.

"Hey guys, mukhang may problema." Adam broke into our happy bubble. Tumigil kami at nakita ang ilang sasakyan na nakatigil din sa gitna ng kalsada. Kumatok si Kuya Alfred sa bintana at ibinaba ito ni Adam. Pumasok ang malamig na hangin sa loob ng sasakyan at naramdaman kong biglang nanginig si Aya.

"Mga 'tol may landslide. Mukhang matatagalan bago ma-clear. Maghahanap muna tayo ng pwedeng silungan kasi baka gabihin tayo sa daan. Kawawa ang mga bata." Shet, may kasama nga pala kaming baby. Kawawa naman si Aaron at Allison.

"Hala kuya, kamusta na sila baby Aaron?" Kumalas sa pagkakayakap si Aya sa akin.

"Okay pa naman pero tingnan natin. Kakausapin ko muna yung taga-barangay na nagbabantay dun sa may mismong landslide. Baka makituloy tayo or matulog sa sasakyan pero inaalala ko yung mga bata."

"Oo kuya, kahit sila Ate Lena lang naman ang makitulog. Malalaki na tayo, kaya naman natin kahit dito sa sasakyan." Sagot ni Adam. Pinatay niya muna yung makina ng sasakyan para makatipid sa gas.

"Alas-dos pa lang naman pero mabilis kasi dumilim dito." He moved away from the window and we watched him go and talk to a man in overalls.

"Hala Prince, paano na?" Aya turned to me with a worried expression on her face.

"Wag ka mag-alala baby, I'm sure maaayos agad yan. Saka andito naman kami ng mga kuya mo kaya safe ka, okay?"

Nakita kong naglakad pabalik si Kuya Alfred sa amin.

"Potek, baka daw mamayang alas-kuatro pa dumating yung back hoe na magtatanggal ng lupa sa daan. Hindi daw kaya ng tao lang kasi may kasamang mga troso sa landslide. Puputulin muna nila bago matanggal." He moved away and returned to the other vehicle para sila Kuya Alphonse naman ang sabihan. Kumatok si Aidan at pumasok sa passenger's seat.

"Shet, mukhang madadagdagan adventure natin ah," he said with a smirk. "Baby girl, ready ka na mag-camping?" he pinched Aya's nose.

"Kuya! Ang lamig ng kamay mo!" she yelped and tried to get away. Lalong lumapad ang ngiti ni Aidan at kiniliti siya sa tagiliran.

"Kuya tama na po!" she tried to squirm away from him and hide behind my back. "Prince tulungan mo ko!" I laughed at the two of them.

"'Tong si baby girl oh, nakahanap ng kakampi," Adam remarked with a smile.

"Kuya ang lamig!" she whined softly as Aidan held her arms.

"'Lika dito baby, nilalamig na si Kuya," he pouted at her.

"Kuya Aidan maghanap ka nga ng girlfriend mo," Adam hit him on the head, "'kaw talaga, ipaubaya mo na kay Prince si Diosa."

"Ganon?" He turned to me, "payakap naman sa baby ko?" 'Takte, tanungin ba ko ng ganon? Shet, di ko alam kung anong i-re-react ko.

"Si Aya ang bahala..." I murmured and looked at her. She was pouting.

"Grabe Kuya Aidan, hug lang naman pala." She grinned at him. Ewan ko, noon nagseselos ako sa closeness niya kay Adam, pero ngayon na nakasama ko na silang mga kuya parang wala na akong puwang na magselos. Alam kong mahal nila si Aya at normal sa kanila ang ganon ka-close sa 'baby girl' nila.

Tumayo si Aya para i-hug si Aidan na nakaupo sa harap. Inalalayan ko pa siya.

"Si Kuya, grabe nag-pa-pa-cute," she laughed softly when her brother buried his face on her hair, "love ko po kayo kuya. Kahit boyfriend ko si Prince, hindi naman magbabago yun."

When he let go, she settled back down beside me.

"Prince ko," she murmured when I wrapped my arms around her. Her familiar scent is calming.

"Baby pag mag-camping tayo ngayong gabi tabi tayo ha," I whispered softly to her ear. Nakita kong nag-blush siya at kinagat yung labi niya.

"Naku Mr. Constantino parang iba yung ngiti mo," she pinched my nose, "parang alam ko na yan."

I grinned at her. Kilala na ako ni Aya.

"Prince andiyan lang sila kuya," biglang sumeryoso yung mukha niya. "Behave muna tayo." I pouted at her.

"Hala, ayaw mo mag-behave?" she pouted back at me. Parang natatawa ako pero pinigilan ko. Ang cute niya talaga.

I shook my head. Hinampas niya yung balikat ko. "Grabe ka," she murmured softly and disentangled from me.

Natatawang niyakap ko siya ulit mula sa likod,"Gusto ko ng baby... Aya." I whispered wickedly. She turned horrified eyes at me.

"Prince I didn't just hear you say that..." she whispered in panic. Ang cute niya at kahit sinasadya ko lang talaga mang-asar ay nag-pa-panic na agad siya.

"Ayaw mo pa baby?" I blew my warm breath on her ear and felt her shudder.

"Prince, ano ba yan?" she whined softly, "ayoko ng ganyan." I couldn't help it and chuckled. She looked like she's near tears.

"Sabi ko gusto ko ng baby Aya, ano bang iniisip mo?" I chucked her under her chin.

"Nakakainis ka!" she pulled away from me, "Hala, tatabi talaga ako kay Sab mamaya!" Aww... shet. Did I go too far?

"Sorry na, joke lang yun." I pulled her back into my arms. "Joke lang Goddess. Ito naman di na mabiro."

"Sabi na ayoko ng ganung joke," she opened the car door and stepped outside.

"Uy anong nangyari dun?" Kunot-noong tanong ni Adam.

"Sorry, naasar lang," Bumaba ako at sinundan si Aya.

"Aya, sorry na." I caught her arm. She stopped but didn't turn. Ako na ang umikot para humarap sa kanya, "sorry na baby."

"Padaanin mo ko," matigas niyang sabi. I stood my ground and caught her in my arms. She tried to push me off but she was no match for me.

"Nakakainis ka. Sabi ko na ayoko ng ganung joke," she refused to look at me, "hindi ko pa nga kaya yung ganun eh. Sinusubukan ko naman di ba?" She murmured softly. Aww, shet na-gui-guilty tuloy ako. Last night, pinagbigyan niya ko.

"Sorry na. Ang cute mo kasi kanina. Hindi ko naman ini-imply yung ganun." 'Tangna, me and my big mouth. "Goddess wag ka na magalit sa'kin. Mag-be-behave ako, promise."   

"Ayoko," Grabe, lalo lang siyang ngumuso. "Dun ako kay Sab mamaya."

"Aya naman eh, wag ganun baby." I whispered softly, "Hindi na kita aasarin."

"Yung totoo Prince, kaya mo ba talagang maghintay?" she asked in a soft voice, "Kasi baka pag-awayan natin yung hindi ko pa kayang gawin eh."

I cupped her cheeks to force her to look into my eyes,"Aya hindi lang 'physical' ang habol ko alam mo yan. Please baby, sorry na. Let me prove to you na mahal talaga kita please?"

She placed her hands on top of mine, "Prince yung katawan ko maaring ready na, pero yung emotions ko kasi hindi pa nakakahabol. Pasensya ka na."

"No baby, ako yung may kasalanan ngayon. Pero Aya, wag kang biglang nag-wa-walk-out okay? Pag-usapan natin. Di ba sabi ko mag-communicate tayo?"

"Sorry," she mumbled softly. "Ang childish ko na naman."

"Saka sabi ko wag ka mag-sorry di ba? Kahit mahal mo ko okay lang na hindi ka sumang-ayon all the time." I kissed her forehead. " 'Lika balik na tayo sa sasakyan, nilalamig ka na." I rubbed her arms up and down.

--------------------

I know may tension sa pagitan namin ni Aya. Tahimik siya habang tinutulungan si Kuya Alfred na magluto dun sa portable stove. Nakituloy sila Kuya Alphonse dun sa isa sa mga bahay habang naka-pag-park naman kami sa lumang imbakan ng gulay sa gilid ng daan. Buti na lang at mabait naman yung mga tao at pinayagan kami. Malamig ang gabi at pakiramdam ko mas lalo pang lumamig dahil sa pananahimik ni Aya.

"Ano bang problema?" Narinig kong tanong ni Adam na umupo sa tabi ko.

"Wala naman. Di lang niya nagustuhan yung biro ko kanina."

"Palipasin mo lang. Hindi matagal magalit si Diosa. Minsan nga, feeling ko sobrang lambot niya na ang dali ma-manipulate ng feelings niya." Tiningnan ko ng matagal si Adam.

"Bro, hindi ako ganon. I will never try to control her."

"Alam ko naman eh. Palagay mo boboto ako sa'yo kung alam kong paglalaruan mo yung kapatid ko?" tinapik niya ako sa balikat. "Basta keep her happy."

I nodded slowly.

"Luto na yung food," tawag ni Kuya Alfred at tumayo na ang lahat para umupo sa paligid nung bonfire na ginawa namin gamit yung mga kahoy na bigay nung mga tanod. Nagpasa ng mga disposable bowls sila Sab at Kiko.

Lumapit si Aya at umupo sa tabi ko. May hawak siyang pagkain, "Prince, share tayo."

Kinuha ko yung pagkain at nilapag sa damo. Hinila ko siya at niyakap ng mahigpit. "Bati na tayo?"

I felt her nod against me. "Bati na."

"Kain na tayo," I let her go and she sat beside me on the makeshift bench. Kinuha ko yung pagkain at nag-offer na subuan siya.

"Ako na lang," saway niya pero umiling lang ako. She reluctantly opened her mouth and accepted the food. "Ginagawa mo naman akong baby eh."

"Ikaw lang baby ko," I smiled at her and took a bite for myself, "Ang sarap naman nito."

"Nagpaturo ako kay Kuya Alfred," she said to me, "gusto ko din kasi matuto magluto. Gusto ko i-try magluto para sa'yo."

"Gusto ko 'yon," I offered her another bite, "kakainin ko lahat ng iluluto mo."

"Hala, hindi pa nga ako magaling. Pero susubukan ko talaga. Ikaw kasi lagi nagluluto eh." She took the spoon at ako naman ang sinubuan.

"Baby, okay na ba tayo?" I asked tentatively when all the food was gone and the dishes have been put away. We are sitting side by side. Inilabas ni Aidan yung gitara niya at nag-ja-jamming sila ni Adam.

She took my hand and brought it to her cheek,"basta wag ka na mang-asar."

I shook my head and pulled her close. Hindi ako sanay na may space sa pagitan namin. Fvck, I am this possessive kay Aya.

"Hindi na. Tabi na tayo?" She nodded her head and I breathed a sigh of relief.

"Hoy naman, hantik na yata gumagapang diyan," Aidan remarked loudly and Aya's cheeks flamed.

"Anong hantik? Sus, bubuyog na yan no!" Tawa ni Adam.

 "Kuya pahiram naman ako ng gitara o," I held my hands out and Adam passed the guitar to me with a laugh.

 "Marunong kang tumugtog?" Namilog yung mata ni Aya. I nodded at her. I strummed the guitar to get the feel of the song that I've been wanting to play for her for the longest time.I looked deeply into her eyes. I wanted to communicate all my feelings to her. I started the intro to the song  All of Me.

"Syete, Prince kinikilabutan ako! Ohmaygahd nakakakilig!" narinig kong sabi ni Sab sa background but I only have eyes for Aya.

I saw her smile her special smile at me and I felt the heaviness lift from my chest. I love you, Aya.

Lahat sila kumakanta na rin at nakikisabay sa akin.

I finished the song and gave the guitar back to Aidan. Aya is smiling at me with a tender expression. She pulled my hand and we stood up. She started to pull me away from the crowd and they were all laughing and snickering. Hindi ko sila pinansin at sumunod lang kay Aya.

When we were a little away she turned abruptly and hugged me.

"Prince, mahal kita." She whispered softly to me. "I will give my all to you."

"Aya, I'll wait for the right time." I promised her in a voice just as soft. "You don't have to force yourself to grow up too fast for me. Mahal din kita."

-----------------------

A/N:

"All of me" by John Legend and Toby Gad. From the album "Love in the Future" 2013.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro