Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 14: The Things We Do for Love

Chapter 14: The Things We Do for Love

"Gusto mo bang ihatid kita sa inyo?" I shook my head as I buried my face deeper into his chest. Hindi ko maintindihan kung bakit gustong-gusto kong mag-ala-koala ngayon kahit alam ko namang wala akong dahilan para maging sobrang clingy sa boyfriend ko.

"Gusto mo bang tumawag ako sa inyo para sabihing dito ka matutulog?" His warm hands traced soothing patterns on my back. My head is tucked under his chin while one leg is over his hip. I shook my head once more. I know I'm acting like a child. Kahit ilang apology na at reassurance ang narinig ko sa kanya kanina pa ay hindi pa rin talaga na-a-absorb ng aking utak ang lahat ng nangyari.

Ngayon ko napatunayan na kahit pala anong talino ng tao, nagiging tanga pag na-i-in-love... gumagawa ng mga bagay na hindi nila karaniwang ginagawa at nakakapagdesisyon sa mga bagay-bagay ng hindi muna pinag-iisipan.

"Anong gusto mong gawin baby?" Malambing ang boses ni Prince habang hinahaplos ang aking buhok. Alam kong unfair ako. Alam kong gusto lang naman niyang protektahan ako sa aking sarili. Kakainis ka Prince, lalo tuloy akong na-i-inlove sa'yo.

I could feel my face heat up from the memory of what I did earlier. Alam ko naman na ang talagang dahilan kung bakit gusto kong sumaksak sa dibdib ng boyfriend ko ay dahil hiyang-hiya ako sa inasal ko kanina at natalo pa nito ang napahiyang pride ko. Gahd, why the hell did I do that? Parang napakadesperada ko! Sunugin niyo na po ako!

Aaaminin kong hindi ako sanay na nagpapatalo. Buong buhay ko napakadali lang ng academics para sa akin kaya nga sinasabi ng lahat na maari akong maging kahit na anong gusto ko. Dahil dito, hindi ako sanay na ni-re-reject at lalong hindi ako sanay na nagmumukhang tanga. Sa mga instances sa buhay ko na kailangan kong mag-concede, parati kong sinasabing hindi ko naman talaga kailangan kaya hindi worth it na ipaglaban.

Pero iba ang naramdaman ko kanina. Ayokong sabihing hindi worth it na ipaglaban ko ang feelings ko. Ayaw kong sabihin na wala lang sa akin kung mawala si Prince. Ngayon lang ako nakaramdam ng ganito at ang hindi ko maintindihan ay kung bakit ganito ang epekto sa akin ng love na yan at kahit tatlong linggo pa lang kaming magkakilala at dalawang linggo ko pa lang siyang naging kasintahan ay gumagawa na ako ng mga bagay na nakakatanga. Walanjo, parang bumaba ang IQ ko by fifty points!

Tama nga yata si Kuya Alfredo na dapat mag-boyfriend ako pag tapos na ako kasi nakakabaliw pala kapag hindi pa handa ang puso mo sa mga ganitong klaseng sitwasyon.

Nung isang linggo lang tinuruan niya akong humalik, kanina naman ay ang magselos... sa isang linggo kaya ano naman ang matututunan ko? Gusto kong kumuha ng malaking stopper para pigilan ang mabilis na paglagaslas ng mga emosyong parang hindi ko na mapigil-pigil. Ohmay gulay pwede po bang mag-rewind tayo kasi parang nag-kaka-whiplash na ako sa bilis ng mga pangyayari?

Anong ginawa mo sa akin Prince David Constantino?

Hindi ko naman nakita ang sarili ko na sadyang insecure. Oo, wala akong confidence pagdating sa itsura ko dahil introvert ako at dahil na rin sa naging condition ko, pero kahit kailan ay proud ako sa talino ko at sa skills ko. Kaya naman na-badtrip ako ng tignan ako mula ulo hanggang paa ng demonyitang babaeng yun kanina at sinabing wala akong panama sa kanya.

Bwisit siya.

Oo na, maganda nga siya. Matangkad, morena, at sexy. Malakas ang dating... pero...

Desperada. Maldita. Malandi! Talo pa ang mga higad sa kati! At ang kapal ng mukhang humabol kahit halos ipagtulakan na!

Ang sama ng ugali niya. Hindi ko alam what came over me kanina pero handa akong upakan siya ng bonggang-bongga at ingudngod ang mukha niya sa sahig. Ganito ba talaga pag na-inlove? Nagkakaroon ka bigla ng killer instincts kapag may umaaligid na mang-aagaw?

"Aya tulog ka na ba?" Naramdaman ko ang marahang halik ni Prince sa aking buhok. Huhuhu... bakit ang bait mo? Buti na lang mahal mo ako kahit kanina shu-shunga-shunga ako at muntik ko ng isuko ang Bataan!

"Hindi pa," mahinang sagot ko. Ohmaygash ang pangit ng boses ko parang matandang hukluban!

"Anong iniisip mo?"

Tama na nga ang self-pity. Wala rin namang maitutulong. Wala na rin naman akong magagawa. Tama naman si Prince, walang time machine para balikan ang nakaraan. Hindi ko siya pwedeng awayin dahil sa nangyari sa nakaraan niya, at mas lalong magmumukhang makitid ang isip ko if I hold a grudge on something that's out of his hands.

Kumalas ako sa pagkakayakap sa kanya at umupo sa kama,"Gutom na ko." Ngayon ko naalalang hindi pala ako nakapananghalian at mag-aalas diyes na ng gabi. Mahapdi na ang aking sikmura.

I felt his arms slide around my waist as he buried his face on my nape, "Anong gustong kainin ng baby Aya ko?"

"Chicken Adobo," I replied. He nodded his head and got up.

"Ligo ka na. Pagtapos mo luto na yun." He went to the door while I stretched and padded over to his closet where I still have a spare shirt.

---------------------------

"Pasalamat ka mahal ko si Diosa kung hindi mas marami pa diyan ang matatanggap mo," tiim-bagang na bulong sa akin ni Kuya Alfredo. Pakiramdam ko ay nabasag ang aking panga sa lakas ng suntok niya. Naupo ako sa kanyang tabi at bahagyang minasahe ang aking mukha.

Adam handed out beer bottles as we sat around their terrace. It's already 2AM and I've put Aya to bed an hour ago. Alistair was sitting quietly, the only one not drinking, while Aidan nursed his bottle and played with a pen on his hand.

"Nakausap niyo na ba yung Mel?" Alistair broke the silence.

"Tinawagan ko kanina. Ayaw niyang ibigay hangga't hindi ako nakikipagbalikan," I ran a hand through my hair in frustration. 'Tangna namang buhay 'to. Akala ko makaka-move-on na 'ko tapos may ganito pang gulo. "Shit".

"Out of the question," Adam stretched beside me, "magwawala si Diosa."

" 'Tangna ang gulo niyo," binali ni Aidan ang ballpen na kanina pa pinaglalaruan, "Prince s'an ba galing yang babaeng yan at nahuhumaling sa'yo? May shabu ba yang sa'yo at nakaka-adik ka yata?"

"Gago tumigil ka nga," Alistair said quietly, rubbing the bridge of his nose, "mag-isip ka na lang ng paraan kesa nambwibwisit ka diyan."

"San ba nakatira yan?" Tinungga ni Alfredo ang pangalawang bote niya ng San Mig Light. "Hay, Diosa kasi, pipili lang gwapings pa eh." Hindi ko napigilang matawa at nakita kong nakangiti rin si Kuya Alfredo habang nakasandal sa upuan at nakapikit.

"May bahay siya dito sa may Capitol, pero alam ko yung mga paintings ko andun sa resthouse sa Antipolo."

"Ano? Mag-aakyat bahay tayo?" Nakangisi si Adam. Binatukan siya ni Aidan.

"Gago! Gusto mo bang ilibing tayo ng buhay ni Alphonse? Pag nahuli tayo ng breaking and entering baka iba ang i-break sa atin nun."

" 'Pakshet Prince, wag na wag mong gagawan ng ganong painting si Diosa at ako mismo ang papatay sa'yo." Nakapikit si Alistair pero tagos sa laman yung sinabi niya. Sa lahat ng kapatid ni Aya, kay Alistair ako natatakot.

"Next time Prince ha, siguraduhin mong asawa mo lang ang gagawan mo ng ganung painting. Bwisit ka," binatukan ako ni Alfredo, "pati baby girl ko nadadamay sa kagaguhan mo."

"Baby girl ko rin yun," Nakanguso si Aidan at halatang nang-ga-gago na naman. "Baby girl ng bayan."

"Kawawa naman ang baby namin. 'Langya talaga, na-trauma tuloy," Adam said with a shake of his head.

"Sorry."

"Eto lalake sa lalakeng usapan ha, pwede bang patapusin mo nang maayos si Diosa bago ka gumawa ng kung ano man? Alam mo na siguro kung 'ano' ang ibig kong sabihin. Lalake rin ako at alam kong nakaka-tempt pero kapatid namin si Diosa at antagal naming inalagaan," buong gabi ngayon ko lang narinig na seryoso si Alfredo. Nararamdaman kong tanggap nila ako para kay Aya at lalo akong nahihiya. Na-o-overwhelm ako sa pagmamahal nila sa kapatid nila.

"I-sketch mo yung lay-out ng bahay sa Antipolo," Napalingon ako kay Alistair. Putik, seryoso ba 'to?

"Kuya Ali hindi ka naman umiinom pero ang lakas na ng topak mo," inakbayan ni Aidan si Alistair.

Tiningnan niya si Aidan sa mata,"Talagang hindi ako umiinom dahil ako ang mag-di-drive."

Tangina, seryoso nga.

Binuksan niya ang Ipad niya at nagsimulang mag-search sa Google maps,"Wag mo kalimutang ilagay kung asan ang mga security camera."

"Uy ano ba Ali, seryoso ka ba talaga? " Napaupo ng diretso si Aidan.

Pati si Adam ay napabaling na kay Alistair, "Sandali lang Kuya Ali, paano tayo makakapasok sa exclusive subdivision? Baka mabaril pa tayo ng security."

"Akong bahala."

"Hoy Alistair, ayokong may paglamayan ha." Singhal ni Alfredo, "Baka mamaya ikaw naman ang madale, lalong gugulo lang. Sasakalin tayo ni Diosa pag nagkataon."

"Bakit may iba ba kayong plano? May balak ba kayong gawin?" sumulyap siya sa akin, "Sinabi ko gumawa ka ng sketch hindi tumanga sa'kin."

"Pengeng papel," I said to no one in particular. Pumasok si Adam sa bahay at paglabas ay binigyan ako ng bond paper at ballpen. Tahimik kong ginuhit ang lahat ng naalala ko sa lay-out ng bahay.

"Bigyan mo ko ng bird's eye saka two-point perspective galing sa harap at likod," sumunod na lang ako sa sinasabi ni Alistair kasi kahit mga kapatid niya pare-pareho ring nanahimik.

"Painting lang naman kailangan niyo di ba? Tumabi ka nga," pinaalis niya si Aidan para makaupo sa aking tabi, "aling model diyan ang security camera nila?"

Nagulat ako sa pinakita niyang listahan. Pilit kong inalala kung ano ba yung nakita ko dati.

"Ito," itinuro ko sa kanya yung model na naalala kong naka-mount sa front gate, "saka ito naman yung nasa may main door."

"Perimeter wala?" I shook my head and Alistair took note of the information, looking up the specs of each model online.

"Kuya Ali natatakot na 'ko sa'yo ha," Adam licked his lips as he hunched forward, "alam ko strategist ka sa wargames pero iba na 'to."

"Tumahimik ka. Aidan gamitin mo yang pagka-Arki mo, tignan mo yung lay-out ng mapa sa village nila saka yung posisyon ng bahay tapos i-compare mo dito sa satellite map. Saan blindspot niyan?"

Kakamo't-kamot ng ulo na inabot ni Aidan ang Ipad at ang sketch ko. Pinalitan niya ng topo-map view ang mapa na naka-layout sa Ipad.

"Left-corner, mababa yung lupa saka hindi abot ng security camera yan. Kayang i-scale basta walang electric fence." Kinilabutan ako sa naririnig ko. Seryoso na nga sila sa ginagawa nila.

"Meron ba?" Tanong sa akin ni Alistair at umiling ako.

"Isolated yung location. Saka yun lang ang nakatayo pa lang sa street na yun kaya hindi masyadong binibisita." Kalmadong-kalmado lang si Alistair.

"Okay. O, Kuya Alfred panahon na para magamit natin yang kagwapuhan mo. Tawagan mo si Gladys, yung executive na patay na patay sa'yo para makapasok tayo sa Valley Golf." Whatthefuck! Nakakatakot nga si Alistair. Walang duda. Hands down. Syet, ito ang taong hindi ko babanggain kahit kelan.

"Brod, alas-tres ng madaling araw? Okay ka lang?" Nakakunot-noo si Alfredo, "saka parang linta yung babaeng yun. Pag di-nate ko na naman yun, akala na naman niya exclusive kami."

"Leche, tutulong ka ba o hindi?"

"Si Ella na lang, yun taga-call center malamang pauwi pa lang kasi hanggang alas-dos ang shift niya. Pucha naman Ali, anong sasabihin ko?" naihilamos ni Alfredo ang kamay sa mukha.

"Bahala ka ng magdahilan. Basta kailangan lang andun tayo sa perimeter." Walang nagawa si Alfredo kundi ilabas ang kanyang cellphone at humakbang palayo para tumawag.

"Alam niyo na-e-excite ako bigla na di ko maintindihan," nakatawang nilagok ni Adam ang natitirang beer niya, "feeling ko nasa Mission Impossible' tayo."

"Sige, ihanda niyo yung mga kotse. Aidan, kunin mo yung pintura sa loob ng toolbox sa garahe," tumayo na si Alistair at pumasok sa loob ng bahay.

" 'Tol, bakit parang kakaiba si Alistair?" Di ko mapigilang magtanong kay Adam.

"Ganun talaga yun, malakas ang saltik. Summa Cum Laude ng IT. Genius yun. Graduate ng UP at eighteen years old tapos nag-masters sa US," inilapag niya ang basyo ng bote sa lamesa. "Kinuha ng FBI na IT expert pero after one year umuwi dito dahil na-bore na raw siya."

--------------------------

"Wala na bang ibibilis 'to?" yamot na tanong ni Alfredo. Napaawang ang bunganga ko. Seryoso 140/kph na yung takbo namin, nababagalan pa siya?

"Wala sa'yo ang manibela. Dapat di ka uminom," kalmadong sagot ni Alistair bago nag-shift ng gear. Lalong umangat ang speedometer. Kung hindi lang ako kabado sa ginagawa namin, siguro mag-e-enjoy ako sa pag-joyride dito sa Nissan Skyline ni Alfredo, pero dahil parang nahulog na yata ang bituka ko pagsakay pa lang sa kotse ay parang hindi na ako maka-react masyado.

"Eastwood muna ha, susunduin natin si Ella," paalala niya. "Signalan mo yung Navara at baka umilalim yon, aakyat tayo ng flyover."

"Tawagan ko na lang si Aidan," sagot ni Adam.

"Alam mo ba kung ano kaibahan ng UP student sa iba?" biglang tanong ni Alistair sa akin.

"Ha?" Ano 'to Million Dollar Question?

"Marunong gumawa ng paraan," nakangiti siya at tumingin sa akin.

Pi-nick-up namin yung Ella at may kasama pa silang tatlong babae. Lumipat kami ni Adam at yung dalawang girls na sila Denise at Sheila sa Navara dahil hindi na kami kasya dun sa Skyline.

"Ano ba talagang plano ni Alistair?" bulong ko kay Adam.

"Basta sumunod ka na lang. Hindi mahilig mag-explain si Kuya Ali," bigla siyang napangisi, "Wag na wag mong ikwekwento kay Diosa 'tong ginawa natin at baka kapunin ka non." Nginuso niya si Sheila na katabi ko na kanina pa nagpapa-cute. Fuck, akala yata nito papatulan ko siya at kanina pa dantay ng dantay sa braso ko.

"Anong name mo?" Grabe, ang kapal naman ng make-up ng babaeng 'to at amoy sigarilyo pa.

"John," maikli kong sagot.

"John...?"

"Doe." Napahagikhik si Adam. 'Tangna wala akong balak ibigay yung tunay kong pangalan no. Mamaya may saltik din 'tong babaeng 'to.

"Bro, lapit na tayo," Sabi ni Aidan mula sa harap. Pababa ang gate ng subdivision at mabilis naman kaming nakapasok dahil mukhang kilala na ng guard yung sasakyan ni Alfredo. Tumigil kami sa harap ng isang mansion at nagsibabaan ang lahat sa sasakyan maliban kay Alistair.

Tinapik ako ni Alfredo sa balikat at sinenyasan, "Tawag ka ni Ali." Pumasok ako sa loob ng kotse habang nagsipasok na sa bahay sila Alfredo, Aidan, Adam at yung girls.

"O, para sa'yo," binigyan ako ng two-way radio ni Alistair na may Bluetooth transceiver na pang-tenga.

"Line two tayo. Line one yung frequency ng guards," nakangisi siya, "sheesh, typical."

In-on niya yung radio niya,"Bro, start the party. Be as loud as you can." Narinig kong nagsimulang tumugtog ang malakas na bass mula sa loob ng bahay.

"Tara. We have fifteen minutes," bumaba na siya ng kotse at iniabot sa akin ang dalawang lata ng itim na spray paint galing sa six pocket niya. Nakita kong naglabas din siya ng palm computer.

"Keep up with me," yun lang ang warning ko at nagsimulang tumakbo si Alistair papunta sa direksyon ng bahay ni Mel. Walanjo, walang katakot-takot 'tong taong 'to. Parang nag-eenjoy pa siya sa ginagawa namin. Tumigil kami isang kanto bago yung bahay ni Mel at sinenyasan niya ako.

"Bro, contact in two minutes, papunta na yung guards diyan," narinig kong warning niya kila Alfredo.

"Lalagyan ko ng device para ma-delay yung linya ng kuryente pero mag-ooverload yun after ten minutes. Get in, destroy, get out. Hindi mo kailangang ilabas yung paintings, sirain mo lang. Yun ang gagawin mo" Sabi niya sa akin. Sinenyasan niya ako na bumaba at sumampa siya sa balikat ko, tapos ay umakyat dun sa poste ng kuryente. May lahi bang unggoy sila Aya?

Pagkababa niya ay naglakad na lang siya ng kaswal papunta sa kabilang kanto, "Kuya hindi dito yung street nila Mel, nasa kabila."

"Alam ko. Watch and learn." May pinapakinggan siya sa transceiver niya at pagkalipas ng ilang segundo ay may narinig akong pumutok. Nagdilim ang isang buong section ng subdivision,"Tara".

Naglakad kami hanggang sa dulo ng kanto at lumiko siya sa kabila na siyang nakaharap sa likuran ng resthouse. 'Syet, bisecting lines nga pala ang design ng subdivision na'to. Prince natatanga ka na talaga.

Bumaba siya sa lupa at pinasampa ako sa balikat niya,"Akyat. 12 feet lang yan, six-footer ako, six-two ka. May two-inch ka pang clearance."

Napatango na lang ako at sumampa sa perimeter wall. Sumenyas siya na abutin ko siya. Kung nasa set lang kami ng pelikula, papalakpak ako dahil sa pagka-astig nitong si Ali. Bumuwelo sa kalsada, bago tumalon at ginamit na step boost ang isang maliit na pine tree na nakadikit sa pader.

Nauna siyang bumaba sa pader at hindi ko nakita kung saan siya dumaan. Mabuti na lang at meron din pine tree dito sa loob na nagamit ko para makababa.

"Prince, wala kang ikwekwento ha." Bulong niya sa akin. Ginamitan niya ng lock-pick ang pintuan sa kitchen at nakapasok kami. Umakyat kami sa kwarto at ni-lock-pick niya ulit yon.

"Ikaw na lang ang pumasok, ayokong makita yan." Naghintay lamang siya sa may pintuan habang sinimulan kong patungan ng spray paint isa-isa ang mga painting. Labing-anim lahat at mabuti na lang hindi naisipan ni Mel na ilipat ito ng lugar.

"Tapos na?" tanong ni Ali. Tumango ako.

"May computer ba siya dito?"

"Ha?" Takang tanong ko, "dun sa kwarto." Dinala ko siya don at wala pang limang minuto ay na-hack na niya lahat ng account ni Mel. Kumonekta siya gamit ang palm niya sa mismong hard drive at dinownload lahat ng laman nito bago binura ng buo.

Nang makalabas na kami ay kaswal lang ulit kaming naglakad pabalik sa bahay nung Ella.

"Kuya Ali, thank you."

Nakangisi siyang bumaling sa akin, "Are you fuckin' kidding me? That's the most fun I've had in a year."

-End chapter 14-


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro