
Chapter 1: It Started in the Library
Chapter 1: It Started in the Library
"Ugh, ang korni mo Aya. Bakit ba dito mo trip na trip tumambay e ang ganda-ganda ng panahon?" My bestfriend Sab rolled her eyes as she looked disdainfully around the Main Library's lobby.
"May gagawin nga kasi akong research sa KAS," sagot ko na di inaangat ang mga mata sa monitor nang OPAC. Nag-enter ako ng keywords at lumabas sa screen ang mga titles ng libro at location nito sa system.
"Gosh, pwede bang i-Google na lang yan? C'mon ang tagal pa naman 'ata ng deadline." She tapped her foot impatiently and I had to roll my eyes. Sab and libraries don't go together. Ever.
I pushed my glasses up my nose. "Sab hindi naman kasi lahat ng research pwedeng puro Google. Kailangan ng triangulation para ma-assure yung validity ng data. Yung Wikipedia open source 'yon, hindi ka sure sa mga information na nakalagay d'on."
"Haaay... Ang hirap talaga ng anak ng propesor... My god live a little Aya! Para kang hindi freshman niyan e."
"Correction, incoming sophomore."
"Freshie ka pa rin kasi summer pa lang," Sab retorted back.
"Kain na lang kasi tayo sa CASAA, mamaya na 'yang research mo. Two hours pa naman ang vacant bago yung next class," sabi ni Kiko, best guy friend ko. Busy siya sa kakalaro ng PSP niya at pareho sila ni Sab na allergic sa library.
"Mauna na kayo, busog pa ako. Saka pinabaunan ako ng sandwich ni Yaya Maring," sagot ko, ti-nype ko sa I-pad ko ang mga titles na mukhang relevant sa aking research. "See you na lang sa AS steps. Pag wala pa ako, save niyo ako ng seat."
Sab grumbled before she dragged Kiko away with her. Pumunta ako sa Filipiniana section kung saan naroon ang libro na kailangan ko. Hindi kagaya nang ibang estudyante, hindi ako mahilig sa cramming. Mas gusto ko yung natapos ko na kaagad ang homework ko para mas marami akong time na i-review at i-edit ang trabaho ko. Call me perfectionist, or plain weird pero pakiramdam ko kasi kapag hindi ko agad isinulat o ginawa ay mawawala na yung ideas ko. Ika nga, 'When the muse calls, you have to heed'.
Binigay ko dun sa library assistant yung mga titles at naghintay ako na mahanap yung mga libro. I caught him smiling at me, and I couldn't help but smile back. Ang cute ng dimples niya.
"This one is Room-Use Only." He pointed to one title and I nodded. Room-Use kaya hindi pwedeng ilabas. Hay, parang feeling ko dapat 'ata sumunod na lang ako kila Sab pero nandito na ako at hawak na ni cute library assistant ang book kaya kinuha ko na lang rin at naghanap ako ng secluded table kung saan pwede akong mag-concentrate.
Libraries for me are very relaxing. Hindi ko alam kung anong meron sa ambience ng mga silid-aklatan at gustong-gusto kong tumambay dito. Gustong-gusto ko ang mga libro. Kapag may binibili akong bagong libro, inaamoy ko muna at ninanamnam bago ko basahin. Even the pungent smell of old books appeal to me. Kakaiba yung scent nang mga libro na parang hinahanap-hanap ko.
Sabi nga ni Mommy, dapat yata ay nag-Library Science na lang ako kung may love-affair din naman kami ng mga libro. Hindi ko lang talaga maamin kay Mom na kaya ako napilitang pumasok ng Behavioral Sciences ay out of pure chance. Wala lang talaga akong gustong maging, well correction- yung gusto kong maging ay di ko maabot.
I wanted to be a mangaka ever since I was a kid at ang una kong i-napplyan na course sa Diliman ay Fine Arts, second ang Bio. Nung kasalukuyan kaming nag-fi-fill-out ng courses ay wala kong maisip na course para sa second choice kong campus kaya ang ginawa ni Sab ay tinakpan ang aking mata saka tinapat yung daliri ko sa application form. Saktong nag-landing sa Behavioral Science at kahit wala akong alam dun ay sinulat ko na lang rin. I totally forgot all about the incident until lumabas ang results ng UPCAT at nakalagay sa tabi ng pangalan ko ang:
Ayanna Diosa P. Zabala - BA Behavioral Sciences, UP Manila
Na-heartbroken ako na hindi ako nakapasa sa Fine Arts, maski na nagbakasakali akong kumuha ng Talent Test. Wala. Lagpak. Gusto kong umiyak, magwala, at magpapadyak kasi artist lang naman talaga ang gusto kong maging kahit na sabihin pa ng ibang tao na pwede akong maging kahit anong gusto ko. Ayaw ko na ring mag-apply sa ibang school noong panahong yon dahil nanghihinayang ako sa slot ko sa UP at dahil lahat ng kapatid ko, magulang at mga tito at tita ay pawang taga-UP. Kumbaga, UP runs in our blood. Dagdag pa na galing ako ng UPIS, kaya naman na-inhale ko na ang UP sa sistema eversince elem and I don't see myself going to any other school, except na lang siguro kung mag-ma-masters ako sa Ivy League.
It was a stupid choice but I was prepared to live out my stupidity for the next four years. Ang taas kasi ng pride ko. Sabi ko sa sarili ko, if I cannot get what I want, I'll prove to myself that I can be anything. I'm weird that way and true to my word, I got a University Scholar standing sa kursong ni hindi ko alam ang course description nang pumasok ako on the first day of school. Nakakapraning. My friends tell me I'm nuts pero I don't care. Ayoko ring mag-shift sa Diliman because I would be forever reminded na hindi ko nakuha yung gusto ko everytime dadaan ang Ikot Jeep sa E. Jacinto Street.
Sab and Kiko convinced me to cross-register for the summer kaya naman andito ako ngayon sa Diliman. Sab or Sabrina Althea Arroyo is taking up Broad Comm sa College of Mass Comm. Si Kiko naman ay Business Administration and Accountancy sa College of Business Ad. We decided to take the Gen Ed subjects together dahil miss na miss na raw nila ako.
I sat down and brought out my I-pad. I opened a new note para naman makapagsimula na. Grabe, ang laki naman nitong libro na to at according to the records, dalawa lang ang kopya nito at ang isa ay nasa UP Davao library. I started to turn the pages and made a quick scan of the table of contents. When I turned to the correct page I was aghast.
Sinong tarantadong gumamit nang libro para patungan?! There was a page from an intermediate pad inserted on the page at kung hindi ako nagkakamali ay draft ng love letter ang laman nito. The stupid girl or guy used a blue sign pen that bled through the pages of the book. I quickly turned the pages and noticed that umabot hanggang four pages ang na-coveran ng blue ink.
Argh! If there was one thing unforgivable for me, that's defamation and vandalism!
Isang walang pakundangan ang gumamit nang Room Use na libro and now I can't read the freakin' pages. Research turned to zero. Sayang ang oras ko. Freak. Nakakaasar.
Umiinit ang ulo ko and I immediately turned to the last page para makita ang pangalan ng huling borrower.
My Gahd. The same blue ink and angry scrawl.
I can't even make out the letters of his or her name except for a 'C' on the first name and the last letter of the surname is 'O'.
Sa inis ko, binuklat ko ang love letter niya. It was barely readable with all the smudges and the ink stains.
'Ano ba naman 'tong taong to, walang pambili ng matinong ballpen?'
I started making out the few opening sentences. 'Wala love letter nga and one thing is for sure, lalaki ang nagsulat.' Bwisit na mystery writer, nakakabadtrip lang!
'Bwisit ka, sayang yung oras ko, ano ako pupunta pa UP Davao para lang makabasa ng libro? Gahd! Sisingilin kita ng air fare leche ka!'
Out of habit I started proofreading the letter.
'Oh man, ang dami namang kailangang i-transpose. Taga-UP ba talaga nagsulat nito? Shocks, parang feel ko pabalikin sa elem para matutunan ang passive at active voice'.
Without realizing it, I have finished editing his letter.
I tore out a page from my journal and started rewriting the whole letter. At the bottom of the page, I left a note for the mystery guy.
Dear Mr. Vandal,
Here is a an edited copy of your love letter. Sana next time, be conscious of what you are doing because this book is Room Use Only. Ibig sabihin kakaunti lang ang copies and the only other one is in UP Davao. Nakaka-badtrip ang mag-effort ako na mag-research only to find out na unusable na 'tong libro! You owe me two: for the letter and an airfare to Davao.
-Library Girl
I tucked the note inside the book, knowing that there's a snowball's chance in hell na mababasa pa iyon ng kung sino mang may-ari ng sulat. Pero nabwisit kasi ako and it was my own way of telling the person that he pissed me off.
I gathered my things and returned the book to the counter not knowing that this is the start of something pivotal in my life.
-End Chapter One-
Please leave a comment or vote if you like the story. Thanks.
KAS - is what people usually call the subject KASAYSAYAN or History, a general education subject taken by all freshman students to complete their credits.
OPAC - Online Public Access Catalog; isang sistema na binuo upang pag-ugnayin ang lahat ng library sa lahat ng yunit ng mga kolehiyo sa Unibersidad ng Pilipinas.
CASAA - College of Arts and Sciences Alumni Association. Pinakasikat na kantina sa loob ng UP Diliman
PSP - Play Station Portable
UPCAT - University of the Philippines College Assessment Test, entrance exam para sa lahat ng estudyanteng gustong makapasok sa Unibersidad ng Pilipinas
UPIS - Paaralang Integral ng Unibersidad ng Pilipinas o University of the Philippines Integrated School. Paaralang itinayo upang makatulong sa mga estudyanteng anak ng mga empleyado ng Unibersidad at upang maging paaralang laboratoryo ng mga magtatapos sa kursong Edukasyon mula sa College of Education ng UP. Inilipat ito mula sa dating campus sa Katipunan patungo sa loob ng Unibersidad.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro