MayWard 7
"Pat?"
"Oh?"
Hinawakan ni Maymay ang magkabilang balikat ng best friend niya t'saka niya niyugyog 'yon.
"Waaaah!" Sumigaw ng sumigaw ito na may kasamang tawa pa. "Grabe! Overs, overs! Hindi talaga--saglit lang!" Binitiwan nito ang kaibigan t'saka siya sumigaw ulit. "Hindi talaga ako makapaniwala!" Nanlalaking mga mata at maka-ilang ulit na tumatango tango ito habang nagkukwento sa kaibigan. "Halla, Pat! Pat! Pat!"
Hinila ni Pat ang buhok ni Maymay kaya naman saglit na nanahimik ito.
"Masakit naman!"
Isa pang hampas sa balikat ang ginawa ni Pat sa kanya. "Masakit?" Na naging pangalawang hampas. "Masakit talaga?" At pangatlo. "Oh 'yan! Nang maniwala ka sa mga nangyayari ngayon! Maloloka ako sa'yo, May."
"Grabe kasi. Hindi talaga ako makapaniwala."
Napangiti si Pat nang makita ulit ang ganitong reaksyon ng kaibigan. Matagal tagal na rin niyang hindi nakikita ang Maymay na ganito. Yung tipong parang baliw. Yung tipong parang first time niyang ma-meet ang idolo niyang si Querien. Gano'ng level ng kabaliwan.
"Hindi ka makapaniwalang ano?" Kunwaring tanong niya para mapagkwento niya si Maymay.
"Na kasama kong gagawa ng movie ulit si Edward. Na nandito na siya. Na hindi siya galit sa akin."
"Bakit naman siya magagalit? Ikaw nga dapat magalit sa kanya," mahinang bulong ni Pat sa sarili.
"May sinasabi ka?"
"Wala." Hinila niya ito sa veranda para doon sila makapag-usap ng maayos. "Maupo ka nga."
Hawak pa rin ni Maymay ang pisngi. Makailang ulit niya nang pinipisil 'yon. Pilit na pinapaniwala ang sariling nangyari nga ang lahat ng 'yon.
"So, anong sabi sa'yo ni Edward?"
"Tungkol sa'n?"
"Malay ko, May. Ikaw 'tong nakakausap e."
Iniharap ni Maymay ang sarili kay Pat at hinawakan ang kamay nito.
"Wala na, Pat. Alam na niya."
"Ang alin?"
"Na may gusto ako sa kanya noon."
"Na-buang na!" Natawa ng bonggang bongga si Pat. "Ikaw lang naman ata ang hindi aware sa feelings mo para sa kanya noon, May."
"Ha?"
Napailing si Pat. "Grabe bai. Takot na takot ka talagang sumugal."
Nakaramdam ng panlulumo si Maymay dahil sa narinig.
"Pa'no 'yan?" Pukaw ni Pat sa kanya.
Napailing ito. "Hindi ko alam. Tulungan mo naman ako oh."
"Anong gusto mong gawin?"
Napabuntong hininga ito nang hindi niya malaman ang isasagot sa kaibigan. "Juskolord. . . Ba't gano'n? Yung mga gusto natin, 'di natin alam. . . Ah basta. Natatakot pa rin kasi talaga akong masaktan."
"Luh! Nasaktan ka na nga. Abnormal."
Iniripan niya ang kaibigan t'saka siya nag-crossed arms and legs. "Iba pa rin kasi kapag, alam mo 'yon? Yung manggagaling talaga sa kanya. Ang hirap kasing mag-assume. Aasa ako, tapos wala naman pala talaga."
Napahawak sa sintido si Pat nang hindi niya agad na-gets ang kaibigan. "Teka, teka. Ano? Anong alam ko? Anong manggagaling sa kanya? Anong assume at paasa 'yan?"
"Eh--yung ano. . . Yung ganito na magkasama ulit kami. Tapos loveteam na naman kami. Tapos puro may drama na naman kaya baka minsan hindi ko na alam na nag-tu-tuloy tuloy na yung nararamdaman kong 'yon para sa kanya."
"May!"
"Oh?!"
"'Di man kita ma-gets bai!"
"Ah-basta! Magulo!"
"Oo! Magulo ka. Pero, May. . ." Hinawakan ni Pat ang magkabilang balikat ni Maymay at bahagyang pinisil 'yon. "Minsan, kailangan mong sumugal. Take a risk ba? Malay mo, kapag ginawa mo 'yon, may positive result pala. Huwag ka kasing nega, okay?"
"Hindi nga kasi gano'n kadali 'yon--"
"Alam ko. Hindi mo naman kailangang magmadali. Take your time. Pakiramdaman mo ang sarili mo kung masaya ka o hindi. Kung masaya ka, e 'di sige, push. Kung hindi, why push 'di ba?"
"Pa'no kung kahit masaya ako may masasaktan akong iba?"
"At sino naman?" Napakunot na ng noo si Pat. Minsan kasi kahit anong kumbinsi ang gawin niya, hindi umuubra minsan ang convince powers niya sa best friend niya.
"Hindi ko alam. Hindi pa natin alam. Pero soon, baka meron."
Napailing na lang si Pat at napairap sa kawalan. Kulang na lang ay mag-360 times 2 degree ang mata niya para lang mairapan ang kaibigan.
"Fine. Sasabihin ko na 'to sa 'yo kung ito ang ikapapanatag ng loob mo." Tumayo si Pat sa harapan ni Maymay. "Hindi nawala si Edward sa tabi mo."
Bahagyang kumunot ang noo ni Maymay. "Ano? Pa'nong--teka. Hindi ko ma-gets." Napahawak sa ulo ang dalaga. Pilit na iniintindi ang sinabi ng kaibigan niya.
Pat tapped her shoulders. "Huwag mo na munang i-gets. Hayaan mo nang si Edwardo ang magsabi sa'yo. At, speaking of Edwardo mo. . ." May ininguso si Pat sa baba ng veranda, kaya naman sinundan 'yon ng tingin ni Maymay.
"Edward?" Mahinang sambit niya kasabay ng pagtayo niya para makita ang kabuoan ng binata.
Unti unting sumilay ang ngiti sa labi ni Maymay nang makita niyang kumaway sa kanya si Edward. He's wearing a bi-colored jacket in charcoal black and slate gray, paired with a smart white shirt and maong pants.
"Gwapo bai!" Rinig niyang sigaw ni Pat dito pero hindi niya na pinansin ito. Mas nakakaagaw pansin kasi ang dala dalang bouquet ng binata.
"Ohmigosh!" Palihim na bulong ni Maymay.
Ano bang ginagawa ng lalaking 'to sa puso ko? Konti na lang, mababaliw na talaga ako, sa isip ng dalaga.
"Grabe bumawi bai! All the way! Pa-flowers ng bonggang bongga si Prinsipe Edwardo!" Muling sigaw ni Pat kaya naman nilingon na siya ni Maymay, t'saka niya hinakawan ang braso nito at hinila hila 'yon.
Imbis na tabigin ni Pat ang kamay ni Maymay ay hinawakan niya ito at hinila pababa ng veranda. Nang makarating sila sa sala ay nandoon na si Edward kausap sina Mama Ludy at Mama Lorna.
"Ay. Hindi sa'yo ang pa-flowers bai. Kina Mama Ludy at Mama Lorna pala," komento ni Pat nang makitang inaayos na sa vase nina Mama Ludy at Mama Lorna ang kanina hawak ni Edward na bouquet.
"Oh. So you thought that was yours huh?" Panunukso na rin tuloy ni Edward dahilan para makaramdam ng hiya ang dalaga. Sina Mama Ludy at Mama Lorna naman ay ngingiti ngiti lang na pinapanood sila.
"Hindi a. Buang ka talaga." Umirap ito at mabilis na naglakad kung nasa'n sina ang mga Mama niya at tinulungan sa pagaayos ng bulaklak.
Edward's expression suddenly softened. His eyes brightened as he recognized that buang word from Maymay.
"Matunaw oy," pukaw ni Pat sa binata nang mataman na naman pala siyang nakatingin kay Maymay na ngayon ay nakangiting nakikipagtawanan sa mga Mama niya.
"How is she?" Tanong ni Edward sa kaibigang si Pat.
"Ayan, ganyan pa rin."
"I mean, after we met again."
"Ahh. . ." Tumango tango si Pat. "Ayun. Nabaliw na."
He let out a sigh of relief. "She's okay then." Nang lumingon sa kanya ang dalaga ay nag-make face siya rito kaya naman nag-make face din sa kanya si Maymay. Muli ay napangiti na lang siya.
"Masama 'yan bai. Nakakamatay." Pukaw sa kanya ni Pat kaya napalingon siya rito. Nakatingin din ito kung nasaan sina Maymay.
"Ang alin?"
"Ang magmahal ng sobra sobra sobra." Tinanguan siya nito. "Huwag kang magmadali. Alam kong matagal mo ng balak 'to pero kay Maymay, nagsisimula pa lang siya ulit."
Tipid na ngumiti ang binata at tumango sa kaibigan. Nang titigan niya ulit si Maymay ay hindi niya maiwasang alalahanin ang nakaraan nila.
"Believe me Kuya Edward. My ate Maymay likes you." Bibong bibo na nagsayaw muli si Ryo matapos na sabihin nitong sabihin 'yon.
Pinipigilan ng binata na ngumiti ng sagad nang marinig niya 'yon. Nang bumalik si Maymay sa kinauupuan niya ay tumayo siya at tumabi sa dalaga.
"May."
Agad na nilingon siya ng dalaga. "Bakit?"
"'Maymay. . ." Nanlalambing ang boses ni Edward nang sandaling 'yon. Itinaas nito ang dalawang kamay sa ere na parang nagko-close open pa na ipinagtaka ni Maymay. "Come here. Stand up."
Agad na sumunod si Maymay dito kahit pa hindi alam ng dalaga ang gagawin ng binata sa kanya. Nang hawakan ni Edward ang dalawang kamay niya ay nagtataka niya itong tinignan.
"I have questions for you, okay?" Sinimulang ilagay ni Edward ang isang kamay ni Maymay sa balikat niya habang ang isa ay hawak niya. Isinabay niya sa tugtog ang pagsayaw sa dalaga.
"Halla. . ."
"Bobo ka ba?"
"Bobo ba 'ko, bakit?"
"Because you bobo-o my whole life."
Agad na natawa si Maymay nang maalala ang scene na 'to noong mga panahon na nasa loob pa sila ni Kuya sa PBB.
"Ano pa po?"
"And, last question. . ." Pinaikot muna ng binata si Maymay bago nito binitawan ang huling tanong.
"Okay. . ."
Inilapit ni Edward ang mukha niya sa mukha ng dalaga na ikinagulat nito. Nang maramdaman niyang umaatras si Maymay ay pinigilan niya ito gamit ang isang kamay niyang ngayon ay nasa bewang na ng dalaga.
Mataman na tinitigan ni Edward sa mga mata si Maymay. Napatakip naman ng bibig si Maymay nang madako ang paningin ni Edward sa labi niya. Halos tumaas taas ang kilay ni Maymay nang sandaling 'yon. Hindi niya malaman ang gagawin dahil alam niyang naka-focus na ang maraming camera sa kanila.
"Will you be my date for Star Magic Ball?"
Isang hampas sa balikat ang tinamo ni Edward mula sa kanya. "Bushak! Kinabahan pa ako. Buang ka talaga!"
"Ano nga sagot mo?"
Natatawang naalala ulit ni Maymay ang sagot niya noon sa loob ng bahay ni Kuya. "Yes, oh beybe." Natawa tuloy silang dalawa. "Thank you so much. I really appreciate it," patuloy pa ni Maymay na mas lalong nagpatawa sa kanilang dalawa.
To be continued..
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro