MayWard 5
Parehong tahimik sina Maymay at Edward sa loob ng sasakyan na hindi normal sa kanilang dalawa. Kung noon ay puro yakap dito, yakap doon, kurutan dito, kagat doon, ngayon, daig pa nilang tuod na hindi nagalaw sa kinauupuan.
Si Maymay ay nakatingin lang sa bintana habang si Edward ay pasulyap sulyap lang sa kanya. Ang hindi alam ng binata ay reflection nito ang tinititigan ng dalaga.
"You're pagod 'no?"
Nilingon kaagad siya ni Maymay t'saka ito tumango.
"Sabi na e. You're too quiet."
"Ahh. . ." Pilit siyang pagak na tumawa. "Kamusta ka, brad?"
"Brad? Wow. I can't believe na maririnig ko ulit 'yan sa'yo," nakangiting bulalas nito.
"Matagal din kasi tayong hindi nag-usap." Pilit na pinapagaan ni Maymay ang pag-uusap nila. Sa totoo lang, hindi talaga siya mapakali nang sandaling 'yon. "Pa-sounds tayo?"
"Sige, sige. Go ahead."
Kaagad namang ini-on ni Maymay ang radyo.
🎶"It's your smile, your face, your lips that I miss. Those sweet little eyes that stare at me and make me stay, I'm with you through all the way. . ."🎶
"Uhmm, p-palitan ko!"
He giggled. "Go ahead, May."
🎶"But miracles come true. I know coz here we are. Two less lonely people in the world, and it's gonna be fine. . ."🎶
"Ate KZ Tandingan." Sabay na bulalas ng dalawa. Nagtinginan tuloy sila at parehas na natawa.
"Ang ganda ng movie na 'yon," komento ni Maymay habang inaalala ang pelikulang Kita Kita.
"I See You, Kita Kita. You were so excited back then to tell me how much you loved the movie. Halos i-kwento mo na nga but I stopped you coz I wanna watch it too."
"Kaya nung gusto mong manood, sinabi mo sa'kin na panoorin ko ulit na kasama ka."
"And you said, 'Yes! Yes! Tara! Panoorin natin! Kahit paulit ulit pa nating panoorin!', and I just laughed at you. You're so hopeless romantic."
Agad na hinampas ni Maymay si Edward sa balikat nang marinig 'yon kasabay ng pagtawa nilang dalawa.
Hindi maitago ng binata ang pagiging masaya nang sandaling 'yon habang nakikita ang dalagang tumatawa at ngumingiti kasama niya. Mula noon, hanggang ngayon, he realized that Maymay is really something. She's just like his soulmate. She's his twin. She's his everything. He knows that, but he left. He went away. Edward made a decision to leave her and he knows that, that's the worst mistake he ever made.
"We're here."
"Malapit lang kayo sa'min?" Bulalas ng dalaga. "Wala pang 20 minutes ata ah."
"Wow. Inorasan mo?"
"Ha-ha-funny. Buang." Inirapan siya ni Maymay.
Nang mai-park niya ang sasakyan, kaagad siyang lumabas para pagbuksan ang dalaga pero napailing na lang siya nang makitang pababa na ito.
"Can you at least act like a lady?" Bakas sa boses niya ang panghihinayang.
Nangunot ang noo ng dalaga. Iba kasi ang dating no'n sa pandinig niya. Tinignan niya ang sarili sa mula paa hanggang balikat. Okay naman para sa kanya ang suot na leggings at hoodie.
"Hindi ba mukhang pambabae ang suot ko?"
Napailing na lang si Edward. "Maymay. . . Maymay. . . Maymay!"
"Ano? Bakit Edwardo?"
"Bushak ka."
"Bushak ka rin."
Napangiti na lang si Edward nang sandaling 'yon. "Bushak tayong dalawa. Anyway, let's go inside. I wanna take you home before it gets late."
Tinanguan niya ang binata t'saka siya sumunod dito nang maglakad ito papasok sa bahay nila.
"Mom?" Sigaw nito nang makapasok silang dalawa. "I'm with Maymay, she's here."
Rinig na rinig ng dalawa ang mabilis na mga yapak na nanggagaling sa kusina kaya naman napalingon sila ro'n. Nang bumungad sa kanila si Mommy Cathy ay agad itong lumapit kay Maymay at yumakap.
"Maymay! Na-miss kitang bata ka!" Mahigpit na niyakap nito ang dalaga. Matapos na titigan ang mukha ni Maymay ay humalik pa ito sa magkabilang pisngi ng dalaga. "Mas tumangkad ka pa ata. At mas lalo kang gumanda."
"Halla. 'Di naman po oy, Tita Cathy." Nanggigigil na humalik din sa magkabilang pisngi ang dalaga dito. "I miss you po. Sobra, sobra. As in over, over, over!"
"Halika sa kusina. Naghanda ako ng snacks."
"Mom, you forgot me na already coz she's here. Again. Always. It's been like this." Nagtatampo kuno na sabi ni Edward sa ina kaya naman hinawakan nito ang kamay ng anak at hinila rin papunta sa kusina.
Nagsimulang mag-kwento si Mommy Cathy habang pinaghahandaan si Maymay at Edward.
"Alam mo ba, May? Lagi kang nababanggit ng Tito Kevin mo. Lagi ka niyang kinakamusta sa tuwing nag-uusap itong si Edward at Ryo."
"Po? Si Ryo?" Nalilitong tinignan ni Maymay ang binata. Hindi naman siya tinitignan ni Edward na ngayon ay panay ang subo ng lumpia.
"Oo. Halos araw-araw silang magkausap. Kahit nga exam ni Edward ay kausap niya pa rin si Ryo."
Nanlalaking mga mata na tumatango tango si Maymay habang salitang tinitignan ang mag-ina. "Ahh. . ."
"Can I have more lumpia?"
"Para kay Maymay 'yan."
"But that's my favorite. Not hers. Escabeche is her favorite. 'Yon po dapat ang niluto niyo," he complained.
Bahagyang natawa na lang si Maymay dahil sa sagutan ng mag-ina. "Oh, say ahh?" Agad naman ngumanga ang binata para isubo ang hawak na lumpia ni Maymay. Lumabas ang pagkapilyo niya nang kagatin din nito ang daliri niya. "Edwardo! Aray ko. . ."
"Masakit?" Nangaasar na tanong ng binata.
"Oo kaya! Ikaw kaya kagatin ko!"
Nag-make face ang binata, ginagaya ang expression ni Maymay.
"Grabe po siya Tita oh," sumbong ni Maymay kay Mommy Cathy pero agad siyang sumeryoso nang makitang may luhang tumutulo sa pisngi nito. Agad siyang tumayo papalapit kay Mommy Cathy at gano'n din si Edward.
"Mom? Are you okay?"
Sisinghot singhot na pinunasan ng ina ang pisngi niya. "Hindi lang ako makapaniwalang nandito na siya ulit at kasama natin. Masayang masaya lang talaga ako. Masayang masaya." Nilingon nito ang anak niya. "Masaya rin ako para sa'yo anak," aniya na hindi na-gets ni Maymay pero kuhang kuha 'yon ni Edward dahilan para yakapin niya ang dalawa sa tatlong babaeng importante ngayon sa buhay niya.
"She's really happy to see you." Basag ng binata sa katahimikan nilang dalawa nang ihatid nito ang dalaga.
"Hindi pa ako nakakahingi ng tawad sa kanya."
"For what?"
"Alam kong nasaktan ko siya, Edward. Alam kong nasaktan ko rin sina Laura at Tito Kevin. Hindi ako worth it na pahalagahan ng pamilya mo." Nagsimulang tumulo ang luha sa mga mata ni Maymay. Agad man niyang pinunasan 'yon ay hindi na 'yon tumigil pa.
Kaagad na iginilid ng binata ang sasakyan dahil sa kagustuhang aluin ang dalaga.
"May, it's not your fault." Niyakap niya ito habang hinihimas ang braso. "Maymay, stop crying already. I swear, it's not your fault."
"Alam kong nasaktan din kita, Edward. Kaya kung galit ka sa'kin, okay lang. Kahit araw-araw pa akong mag-sorry sa'yo at sa family mo, gagawin ko. I'm sorry, Edward. Sorry talaga. Sorry. . ."
Kung nahihirapan ngayon si Maymay dahil sa nararamdaman niyang konsensya sa puso niya, mas nahihirapan ngayon si Edward dahil hindi nito matanggap na sinisisi ng dalaga ang sarili niya sa desisyong ginawa nila noon.
"Maymay, ang tagal tagal na no'n."
"Pero yung matagal na 'yon, nandito pa rin." Tinuro ni Maymay ang dibdib niya. "Iniisip ko 'yon gabi-gabi. Gabi-gabi akong humihiling sa Diyos na sana, sana isang araw magawa mo 'kong patawarin. Na magawa ng pamilya mo, ng mga tao sa paligid mo, na patawarin ako. Limang taon, Edward. Limang taon na ang nakalipas pero hindi ko pa rin makalimutan 'yon. Dahil ginawa man natin o hindi ang desisyon na 'yon, nasaktan pa rin kita."
"Ako ang nang-iwan, May. It's my fault that I'm not strong enough back then to fight for us."
"Sorry kung naging duwag akong harapin ang nararamdaman ko noon para sa'yo, Edward. Sorry. Sorry!"
Para bang nabubutan ng tinik sa dibdib ang binata nang marinig ang mga salitang 'yon galing kay Maymay.
She loved me back then. I was right. Damn! It was really my mistake to leave her alone.
Nang maihatid ni Edward ang dalaga ay hindi agad ito umalis sa harapan ng bahay nila. Nakatitig siya sa napakalaking bahay na 'yon hanggang sa mapako ang paningin niya sa bintana na kabubukas lang ng ilaw. Malabo man ang mga mata niya pero alam niyang si Maymay 'yon. Dahil ilang araw na siyang ganoon sa harapan ng bahay nila mula nang bumalik siya ng Pilipinas.
To be continued..
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro