
MayWard 29
Maganda ang gising ni Edward dahil sa alarm clock nito. Boses kasi 'yon ni Maymay. Pinakiusapan niya ang dalaga na i-record ang boses nito na nagsasabing, gising ka na babe, alab-I love you, para gawing alarm sound. Kahit na nasa iisang bahay sila ngayon, hindi pa rin niya magawang hindi ma-miss at makita ang dalaga. Why not naman hindi ba? Maymay is Edward's happy pill anyway.
Matapos na makaligo at makapag-ayos ni Maymay ay dumiretso agad siya sa baba papunta sa kusina para makapagluto ng agahan. Maaga kasing nagpaalam sina Mommy Cathy at Daddy Kevin na may doctor's appointment daw ang mga ito para sa regular monthly check up nila.
Pagbukas ng fridge ng dalaga ay kumuha lang ito ng hotdog, bacon, at itlog para yun nga ang iluto. Nang matapos niyang mag-saing at mag-prito ay nag-toast na siya ng apat na piraso ng white bread. Pa-humming humming at kanta kanta pa siya nang inihahanda niya ang mesa at nang matapos do'n ay siya na ring kuha niya ng orange juice sa fridge at pag-switch on niya sa coffee maker.
Saktong pagbaba ni Edward ay nakita niyang nagsasayaw ang dalaga habang nagtitimpla ng kape. Bawat pag-indayog ng bewang nito ay siya namang bahagyang pagtawa niya. Ilang minuto pa niyang pinanood si Maymay na gano'n hanggang sa nagsandok na ito ng kanin.
Mabilis siyang tumakbo palapit sa likuran nito at niyakap mula sa likuran si Maymay.
"Halla oy! Nakakagulat ka naman!" Bulalas ni Maymay na hawak na kutsara. Ramdam ng dalaga ang paghalik ni Edward sa balikat niya kaya naman hindi niya napigilang humagikhik. "Oy! Ano ba!"
Nang iharap ni Edward ang dalaga sa kanya ay mataman niyang tinitigan ang mga mata ni Maymay. "Good morning babe!"
"Ehee~~ Good morning. . ."
"I love you."
"Eng ege ege nemeng sweetnesh nemen. . ."
He chuckled and started to crinkle his nose. "I love you." Ni-nose to nose niya ang dalaga t'saka niya tinitigan ang mga mata ng daaga. "I love you, Marydale Entrata Barber."
Nanlaki ang mga mata ni Maymay. "Halla! Wala pang Barber uy!"
"Ayaw mo?"
"Siyempre gusto!"
Ngumiti ang binata. "I know."
Ngingiti ngiting napailing ang dalaga. "Kumain na nga tayo."
"Dessert first, please. . ." Lumabi ang binata at ngumuso. Naghihintay na halikan siya ng dalaga ngunit iba ang dumantay sa labi niya.
Kutsara. Natatawang kumalas mula sa pagkakayakap si Maymay. "Halika na. Kire ka masyado." Ngunit hindi humiwalay si Edward. Nakayakap pa rin sa bewang mula sa likuran ang binata kahit na maka-ilang beses na naglalakad si Maymay.
Nakapatong ang baba ni Edward sa balikat ng dalaga habang paulit ulit na nagsasabi ng I love you sa dalaga. Si Maymay naman ay pigil na pigil ang kilig habang pilit na gumagalaw.
"Umupo ka na uy."
"Ayaw. . ."
"Upo."
"Ayaw ko. . ."
Hinawakan ni Maymay ang braso ng binata at sinubukang makawala ro'n. Nang lumuwag ang pagkakayakap ni Edward ay siyang harap ng dalaga sa kanya.
Kasabay ng paglaki ng mga mata ni Edward ay ang paghalik ni Maymay sa ilong nito. "Halika na. Kain na tayo." Nakakalokong nakangiting tinapik ni Maymay ang pisngi ng binata bago siya umupo sa upuan.
Ang ngingiti ngiting si Edward ay iiling iling na umupo sa tabi niya at hinalikan sa ulo ang ang dalaga.
"Are you ready for tomorrow?"
Nag-angat ng ulo si Maymay at sinubukang subuan ng bacon si Edward. Agad namang isinubo 'yon ng binata at nginuya.
"Kailangan mo talagang tanungin 'yan?"
Agad na tumango ang binata. "Of course."
"Hmm. . ." Sumubo ng bacon si Maymay t'saka nakangiting tumingin siya kay Edward. "Hindi ko alam kung ready na ako. Pero, excited na ako."
Sumilay ang malaking ngiti sa labi ni Edward. "Oh. . . So you're excited to be my wife then?"
Malakas na tumawa si Maymay. "Bushak!"
"Umamin ka na kasi."
"Oo na! Ang kulit!"
Si Edward naman ang natawa. "Wow! Parang I am forcing you ha," aniya na nagpatawa ng bonggang bongga sa kanilang dalawa.
They decided to watch a movie after eating breakfast. Matapos nilang malaman ang result galing sa doktor ni Edward kahapon ay nakaragdag pa 'yon sa kasiyahang nararamdaman nila ngayong magkasama sila. Edward survived his medical issue and coped up fast.
"Okay na ba talaga 'yang paningin mo?"
Nilingon ni Edward si Maymay. May suot na salamin ang binata kaya naman bahagya niyang inayos 'yon bago hinalikan ang noo ng dalaga. "I'm fine, babe."
"Sure?"
Nginitian ng binata ang dalaga at isinandal ang ulo nito sa balikat niya. "I'm sure, so stop worrying already. Let's change the topic."
"Akala ko ba nanonood tayo?"
"Yeah. So, what? I can still ask questions right?"
"Demanding. Oo na."
"Alright. . . So, ilang anak ang gusto mo?"
Napalayo ang dalaga sa binata. Nanlalaking mga mata niya itong tinitigan. "Ano 'yan uy!"
He chuckled. "Why? I'm just asking. And please come back here, babe." Ibinuka niya ang magkabilang braso na handa nang yumakap muli sa dalaga.
Naiilang man ay sumunod ang dalaga rito at muling tumabi sa binata. "Ikaw ha! Ang kire mo ah!"
"Only to you. So. . . That's a good thing, right?"
"Aba! Dapat lang!"
Natawa ang binata sa sagot ng dalaga kaya naman mahigpit niya 'tong niyakap muli. "I want 5. Or maybe 10. Or a dozen will do too. We can make a soccer team, May!"
"Bushak! Ginawa mo naman akong baboy no'n!" Nagtawanan sila. "Dalawa lang. Lalake at babae."
Ngumiti ang binata. "Sounds good to me. Anong pangalan?"
"Hmm. . . Kunin natin sa pangalan mo at pangalan ko."
"Marydale. . . Edward. . . Uhmm, Earl John!"
"Wow! Nasa'n naman ang pangalan ko dun?"
"Na kay, Mayang!" Malakas na tumawa si Edward kaya nahampas tuloy siya ng dalaga sa braso.
"Ang ganda ng sa lalake tapos sa babae ang pangit! Ganyanan! Sige!"
"I'm just kidding, May. You have the most beautiful name in the world."
Nawala ang ngiti sa mga labi ni Maymay nang marinig 'yon.
"Oh. . . I'm so sorry."
"Ha? Bakit?"
"Ang tatay mo pala ang nagbigay ng name mo."
"Eh maano naman? Buti nga, binigyan niya pa ako ng pangalan e. Wala na 'yon."
"Do you want to invite him tomorrow for our wedding?"
"Nagpadala na ako ng invitation sa kanya." Yumakap ang dalaga sa binata. Agad naman siyang niyakap din ni Edward dahilan para mapapikit ang dalaga. "Wala man siya, si Papa Joe na nag-alaga sa'kin noon at tumayong ama, kontento na ako ro'n. Idagdag mo pa ang daddy mo. Hindi niyo alam kung anong impact ng pamilya mo sa'kin Edwardo. Sobra sobrang pagmamahal ang natanggap ko sa inyong lahat. At araw araw akong magpapasalamat kay God dahil nakilala ko ang pamilya mo. Kaya ngayon, hindi na ako magtataka kung marami kang pagmamahal na mabibigay sa akin. Sana lang, hindi ka magsawang mahalin ako."
Nang marinig 'yon nang binata ay agad siyang bumitaw sa pagkakayakap sa dalaga. Gamit ang dalawang kamay ay hinawakan niya ang magkabilang pisngi ng dalaga t'saka siya matamang tinitigan sa mga mata. "Don't you ever think about that. I won't. I won't get tired of loving you. You don't give up on someone you love." Umarko ang kilay niya at bahagyang nangunot ang noo. "I learned that lesson when I went away without trying."
Hinawakan naman ni Maymay ang dalawang kamay ni Edward na nakahawak sa pisngi niya at hinimas himas 'yon. "Malay mo biglang magising ka tapos wala ka ng feelings sa'kin. Or makahanap ka ng mas maganda, mas mabait kaysa sa'kin. O mamaya, 'di natin alam, bigla mo na lang gustong umalis at iwan ako. Malay mo--"
"Stop!" Pinanggigilan niya ang pisngi ng dalaga. "Stop acting like you know my pain! Stop acting like you own it! Hindi ikaw si Celine! Ikaw si Maymay!" Parehas silang natawa ng bonggang bongga matapos sabihin 'yon ni Edward pero agad ding sumeryoso ang binata at hinawakang muli ang pisngi nito. "But, seriously, no. I'm not going to lose these feelings that I have for you. And no, I'm not going to find someone better. And, oh please, Maymay, I'm not going to leave you anymore. I want you, and only you. No one else. . ."
"Kahit ganito lang ako?"
"Anong ganyan ka lang? You're not ganyan ka lang. You're are my kind of perfect. So stop saying things like that. Okay?"
"Yesh, my prince."
"Good. 'Yan. Ganyan ang gusto ko. Yung lagi kang naka-smile."
Mas lalong naging matamis ang ngiti ng dalaga habang matamang nakatingin sa binata. Siya na rin mismo ang nag-alis ng suot nitong salamin para lang halikan nga si Edward na nagpangiti naman dito.
She love him so much. Hindi niya alam kung alam ni Edward 'yon, pero yun ang katotohanan. Katotohanang handa niyang patunayan habang buhay.
💞Two lives, Two hearts
Two souls, Joined together by friendship
United forever in Love
We
Marydale Entrata
And
Edward John Barber
Together with our families
Invites you to share in celebration
Of our new beginning
As we finally tie the knot💍💒
Makikita ang kasiyahan ng binata nang makita siya ng buong pamilya sa loob ng kwarto nito kung saan siya inaayusan. Agad naman siyang tumayo at nilapitan ang Mommy Cathy, Daddy Kevin at ate Laura niya t'saka niya niyakap ang bawat isa.
"Congratulations!" Sabay sabay nilang bati na nangpangiti pang lalo sa binata.
"Thank you, Mom, Dad, Laura. I'm so happy right now." Sinusubukan niyang i-explain kung ga'no siya kasaya gamit ang kamay niya dahilan para matawa ang mga magulang at kapatid niya. "I can't believe it. We're finally getting married!"
"Alagaan mo si Maymay anak ha?" Ani Mommy Cathy na ngayon ay nakahawak sa braso ng binata. Tumango tango naman si Edward t'saka niyakap ang ina dahilan para lumapit na rin sina Daddy Kevin at Laura para yumakap din sa binata at sa ginang.
Sa kabilang kwarto ay matamang tinititigan ni Maymay ang suot na wedding gown. "Sinong mag-aakalang ikakasal ako at makakapag-suot ng ganitong kagandang damit, Mama?" Humarap siya sa ina kasama nito ang Mama Ludy niya pati na rin sina Vincent, Ryo at Pat.
"Dapat, ang sabihin mo, sinong mag-aakalang ikakasal ka kay Edward," pang-aasar ng kuya niya dahilan para titigan niya ito ng masama at irapan dahilan para matawa ang buong pamilya.
Lumapit si Mama Ludy sa dalaga at hinawakan ang dalawang kamay nito. Nang pisilin niya 'yon ay mataman niyang tinitigan ang apo sa mga mata. "Masaya ka ba apo?"
Tumango ang dalaga. "Sobra, sobra po."
Ngumiti ang matanda. "Yun naman ang importante. Na masaya kayong dalawa ni Edward. Dahil kung masaya kayong dalawa, masaya na rin kaming lahat para sa inyo."
Pinipigilang umiyak ni Maymay kaya ilang beses siyang huminga ng malalim t'saka niya niyakap ang lola niya. Sumali na rin naman sa yakapan ang buong pamilya na mahahalata mo namang masaya talaga para sa dalaga.
To be continued..
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro