Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

MayWard 25



Mabilis na nag-impake si Maymay nang marinig ang balita.

"May, teka lang. Huwag ka munang magpadalos-dalos."

Padabog na ibinagsak ng dalaga ang ilang piraso ng damit sa maleta t'saka hinarap ang kaibigang si Pat, kasama sina Vincent at Ryo. "Kailan pa? Kailan pa ninyo alam?"

Nagtinginan ang tatlo. Nagtatantiyahan kung sino ang unang magsasalita. Sa huli si Vincent na iiling iling ang sumagot. "Siya mismo ang nagsabi sa'min na huwag sabihin sa'yo dahil gusto niyang siya raw ang magsabi."

"Kuya!" Lumuluhang napapunas siya sa pisngi. "Kuya naman! Si Edward 'yon! Alam niyo namang mas pipiliin nun na mahahimik at siya ang masaktan, huwag lang ako. Ako?" Itinuro niya ang sarili niya. "Sino ba naman ako para hindi niya saktan? Mas gugustuhin ko pang kasama niya ako do'n habang may hinaharap na ganyang sitwasyon."

Muling nagsimulang mag-impake ang dalaga. Nang masigurado niyang sapat na ang gamit na meron siya ay sinabihan niya si Ryo na i-book siya ng ticket papunta nga ng Germany.

They lied about Edward, sa isip ng dalaga ay hindi niya maiwasang makaramdam ng tampo sa lahat ng hindi nagsabi sa kaniya, kabilang na nga si Edward. Ang sabi nila okay lang siya matapos ng aksidente. Na okay lang siya at galos lang ang nangyari.

Sinisisi rin ng dalaga ang sarili dahil wala man lang siyang napansin na pagbabago kay Edward, at yun ang pagkakamali niya.

Magkasamang hinarap ng pamilyang Barber ang doktor na tumingin kay Edward. Yakap ni Laura ang ina habang naka-akbay naman si Daddy Kevin dito.

"Everything's gonna be alright," anunsiyo ng doktor. "It's good that you brought him here immediately for an early treatment."

"What about his eyes? What's gonna happen?" Agad na tanong ng asawa kay Daddy Kevin.

"I can't really tell anything about the outcome of this process. All we have to do is patiently wait for the result."

"Doctor, he'll be alright in what way?" Nagsimula na ring tumulo ang luha ni Laura.

"He's not gonna have any further brain damage that may alter his vision. So that's a good news."

Ayaw mang umiyak ni Mommy Cathy ay hindi nito mapigilan. Matapos ng aksidente ay alam ng ina na tama siya. Tama siya nang sabihin ni Edward nang magising na wala siyang makita. Hindi lang nila inintindi dahil makalipas ng dalawang oras ay naging okay ang paningin ng binata at madalas nga raw 'yon mangyari sa mga taong nakaranas ng car accident.

Ngunit hindi napanatag ang loob ni Mommy Cathy kaya naman matapos ng shooting nila ng pelikula ay pinakiusapan niya ang anak na bumalik sa hospital at muling magpatingin, at doon na nga nila nalaman ang kinahinatnan ng aksidenteng 'yon. Sabi ng doktor ay hindi lang basta bastang Post Traumatic Visual Loss ang nangyari, but a Cortical Blindness or Cortical Visual Impairment dahil sa head trauma na nangyari sa binata.

"How many days should I stay here?" Nakapikit na tanong ng binata. Nakikinig man ito sa kanila ay si Maymay pa rin ang nasa isip nito dahil ang dalaga ay isa sa mga dahilang gusto niyang panghawakan. He wants to see her again.

"Days? It's not days. At this time there is no specific treatment available to reverse it, that's why you have to go under rehabilitation. But as I said a while ago, it's a good thing that you've detected it in early stage, 'coz there's not much damage to your occipital lobe, where your head trauma was." Hinawakan ng doktor ang batok kung saan itinuturo kung saan nga napuruhan nung naaksidente ito.

Inakbayan ni Daddy Kevin ang binata kasabay ng pagtapik nito sa braso.

"Mom, Laura, I'll be fine. Stop crying already." Niyakap ng binata ang ina at ate niya. Tumango ang ginang at si Laura para sumang-ayon sa binata. Ayaw din naman nilang pabigatin ang kalooban nito lalo pa't alam nilang may balak itong balikan ang nobya niyang nasa Pilipinas.

Alam nilang mahirap para sa binata na iwanan ulit si Maymay. Sa dinanas nito nang mawalay ito sa nobya five years ago ay naging tahimik ito ngunit nagsumikap para sa sariling pangarap. Kakikitaan mo lang ng kasiyahan ito kapag makakarinig ng balita tungkol nga kay Maymay.

"Hello?" Halos papikit pikit pang sagot ni Mommy Cathy sa tawag. Nang tignan niya ang orasan ay alas-kwatro pa lang ng umaga. "Hello?" Ulit niya nang hindi agad sumagot ang nasa kabilang linya.

"Tita Cathy? Tita Cathy, si Maymay po 'to."

"Maymay? Bakit iha? Napatawag ka."

"Tita, nandito po ako sa airport."

Nanlaki ang mga mata ni Tita Cathy. "Anong airport iha? Nasa'ng airport ka?"

"Nandito po ako sa Germany tita."

"Ano?" Halos mapasigaw ang ginang. "Ah, eh. Sige iha. Papasundo kita kay Ed--Laura, kay Laura iha."

Iba na ang dating no'n sa dalaga. Lalo siyang nangamba nang marinig niya si Mommy Cathy. "Okay po, Tita. Maghihintay na lang po ako sa baggage area."

"Sige iha. Gigisingin ko siya. Mag-iingat ka diyan."

"Opo." Nang ibaba ni Maymay ang telepono ay siyang buntong hininga niya. Kanina pa siyang napapraning. Gusto niyang kumalma pero ang isip niya ay puno ng pag-aalala sa nobyo.

Kaagad din namang nakita ni Laura si Maymay nang pumasok ito at dumiretso sa may baggage area. Agad niyang nahalata ang kalungkutan sa mukha ni Maymay at ang pagod nito habang prenteng nakasandal sa pader.

"Have you been waiting long?"

Agad na nilingon ni Maymay ang pinanggalingan ng boses na 'yon. Mangiyak ngiyak siyang tumakbo palapit kay Laura. Nang mayakap niya ang kaibigan ay agad na bumuhos ang luha niya.

"Laura. . . Si Edward." Humiwalay siya sa pagkakayakap dito. "Okay lang ba siya? Kamusta siya? Anong sabi ng doktor? Malubha ba ang sakit niya?"

Agad na umiling si Laura. "He's okay. Don't worry, May."

"Kahit gustuhin kong hindi mag-alala, hindi ko magawa Laura."

"Sshhh. . . I know, I know. C'mon let's go home." Nang tumango si Maymay ay siya namang kabig ni Laura sa bisig ng dalaga para aluin ito habang naglalakad sila.

Tumagal din ng 20 minutes bago sila nakarating sa bahay ng Barber's. Sinalubong agad sila nina Daddy Kevin at Mommy Cathy t'saka niyakap si Maymay na mabigat pa rin ang kalooban dahil ni hindi niya nakita ang binata. Habang bitbit ni Daddy Kevin ang bag ni Maymay, nakaalalay naman sina Laura at Mommy Cathy dito.

"Kamusta ang biyahe iha? Sana man lang nagsabi ka na lilipad ka papunta dito."

Nilingon ni Maymay si Mommy Cathy. "Alam ko naman pong hindi niyo rin ako papayagang pumunta rito ng mag-isa ako kapag nagkataong sinabi ko sa inyong pupunta nga po ako dito."

"'Coz we don't want you to be sad or be stress about it."

Si Daddy Kevin naman ang nilingon ng dalaga. "Tito Kevin. . ." Muling naluha ang dalaga. "Si Edward po ang pinaguusapan natin dito eh. Sana man lang po nagsabi siya sa'kin agad na gano'n nga po ang lagay niya."

"Sorry, Maymay," ani Laura na ngayon ay nakayakap sa dalaga.

"Halika na. Dadalhin muna kita sa guest room nang makapag-shower ka at pahinga bago mo puntahan si Edward. Ayos lang siya iha. Believe me." Tinanguan naman ni Maymay ang ginang at napilitang sundin ito kahit pa gustong gusto niya nang makita ang binata.

Matapos makapag-shower ni Maymay ay hindi na siya nagpahinga pa. Dumiretso agad siya sa kwarto ni Edward nang makapagpaalam ito sa mga magulang ng binata. Dahan dahang pinihit ni Maymay ang door knob at maingat na binuksan 'yon para hindi niya magising ang binata.

Nang sa wakas ay nakita niya si Edward na himbing na natutulog sa kama nito ay napangiti siya at bahagyang naluha. Ang kaninang pangangamba niya ay nawala nang masilayan ang napakaamo nitong mukha. Unti unti siyang naglakad papalapit dito at marahang umupo sa gilid ng kama.

Mataman na tinitigan ni Maymay ang mukha ni Edward. Maya maya lang ay sinimulan niyang haplusin ang pisngi nito gamit ang likuran ng kanyang palad. "Gustong gusto kong magalit sa'yo ngayon, alam mo ba 'yon? Pasalamat ka, okay ka lang at gwapo ka. Mamaya na lang ako magagalit kapag gising ka na."

To be continued..

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro