Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

MayWard 20



Unti-unting idinilat ni Maymay ang mga mata niya at puting kisame ang agad niyang nakita. Nang maimulat niya 'yon ng tuluyan ay sinimulan niyang ilibot ang paningin niya.

"May? Maymay anak?" Hinimas himas ng ina niyang si Mama Lorna ang kamay ng anak nang makita niyang gumalaw ito. "Vincent! Tawagin mo ang doctor. Gising na kamo si Maymay."

"May! Sige sige po!" Nagmamadaling lumabas si Vincent at tinawag nga ang doktor.

"Anak? Kamusta ang pakiramdam mo?"

"Nasa'n po tayo, Ma?"

"Nasa hospital tayo anak."

"Bakit po?"

Bumuntong hininga ang ina niya. "Naaksidente kayo ni Edward kanina, 'nak. Pero okay--"

Hindi na pinatapos ni Maymay ang ina niya dahil bigla siyang bumangon. Inalis niya ang nakakabit na IV tubing sa kaliwang kamay kahit pa nakaramdam ito ng hilo.

"Maymay! Huminahon ka anak." Sinubukang kumbinsihin ni Mama Ludy ang apo pero umiiling lang ito habang pilit na itinatayo ang sarili.

"Si Edward. Kailangan ko pong makita si Edward. Nasa'n siya?"

"Kumalma ka nga muna kasi May!" Lumapit si Pat sa kaibigan at inalalayan itong makatayo. "Tara! Dadalhin kita dun."

"Pero Pat, sabi ng doktor--"

"Eh Mama Lorna, kaysa naman po magwala 'tong babaeng 'to?"

Nagtinginan sina Mama Ludy at Mama Lorna t'saka sila sabay na tumango.

Hawak ni Pat ang bewang ng dalaga habang nakaakbay ito sa kanya.

"Huwag kang mag-react ng over over ha?"

Nangunot ang noo ni Maymay. "Bakit?"

"E kasi po. Gano'n ka." Binuksan ni Pat ang pinto at nandoong nakapalibot ang mga nurse at doktor.

"Anong nangyayari?" Agad na naglakad papunta ro'n si Maymay at sumingit sa mga nakatayong doktor at nurses. "Edward?"

"Kaano ano ka ng pasyente?" Pukaw ng doktor pero hindi na 'yon pinansin ni Maymay nang may nakita siyang nakahiga sa kama at nakatalukbong ng puting kumot.

"Edward? Hindi. Hindi. Dok? Hindi pa siya patay 'di ba?"

Umiling ang doktor t'saka isa isang nagsialisan ang mga nurses. "Sorry for your loss, Miss."

Kunot ang noong pinagmamasdan ni Pat ang reaksyon ni Maymay dahil maski siya ay nagtataka sa binalita ng doktor. Umiiyak na ang dalaga do'n habang nakahawak sa puting kumot.

"Edward!" Sigaw pa niya na mas lalong nagpakunot sa noo ni Pat. Makailang ulit pang isinigaw ng dalaga ang pangalan nito bago siya sinubukang itayo ng kaibigan. "Pat, si Edward. Wala na si Edward."

"Be, hindi. May mali."

Sumisinghot singhot siyang hinarap ang kaibigan. "Ano?"

"Mali 'yong kwartong napasukan natin. Sorry."

"Ano?" Si Maymay naman ang napakunot noo. "Hindi 'to si Edward?"

"May? Is that you?"

Kaagad na napatingin si Maymay sa pinto kung saan nanggaling ang boses na 'yon. Agad siyang tumakbo palabas at niyakap ang binata. Bahagya namang nanlaki ang mga mata nito pero agad ding nawala 'yon marinig niyang umiiyak ang dalaga.

"Bakit? What's wrong? I was just in your room a while ago."

"Akala ko wala ka na."

"No. I'm here, silly." Mahigpit niyang niyakap ang dalaga.

"Akala ko 'di na talaga kita makakausap. Akala ko 'di na kita makakasama. Akala--"

"Calm down, May. Nandito ako. Hindi kita iiwan." Hinimas himas ng binata ang likuran ng dalaga. Nang maramdaman niyang mas humigpit ang yakap ni Maymay sa kanya ay hinalikan niya ito sa buhok.

Hindi gano'n kalala ang nangyaring aksidente dahil nakaiwas agad si Edward sa kotseng nawalan nga ng preno. May galos ito sa noo at kaliwang braso habang si Maymay ay nawalan lang naman ng malay dahil agad na naiharang ni Edward ang kanang kamay nito sa dalaga.

Sisinghot singhot na iniangat ni Maymay ang mukha t'saka niya hinawakan ang magkabilang pisngi ni Edward para siyasatin kung may sugat ito o tama. Agad niyang napansin ang bandage nga sa noo ng binata kaya naman malungkot siyang lumabi.

"Masakit?"

"Nah. That's fine."

"Talaga?"

"Yes, May."

"Saan ka pa may sugat?" Tinignan niyang maigi ang bawat parte ng katawan ng binata at muli ay nakita niya ang bandage nga sa kaliwang braso nito. "Ang dami mong sugat. Bakit ikaw lang ang may sugat?"

"If it's just me, it's fine. But if you got hurt? I'll feel bad."

"Sa tingin mo ba hindi ganyan ang nararamdaman ko ngayon?"

"But, I'm okay. It's just a scratch."

Matamang nagtitigan ang dalawa. Sa huli ay niyakap nalang ng binata ang dalaga dahil kitang kita niya sa mukha nito ang pagaalala. Ayaw niya mang nakikitang gano'n si Maymay, but for him, it made him think that she really cares about him.

"Kailan tayo d-date?" Bulong ng binata kaya hinampas nito ang balikat niya. "Ouch!"

"Ay. Sorry. Sorry. Ikaw naman kasi. Naaksidente na nga tayo, date pa rin iniisip mo."

"Of course, Maymay. I want to be alone with you. Not like this." Tinuro ng binata ang mga taong nanonood sa ginagawa nila dahilan para matauhan ang dalagang nakayakap ngayon sa binata. Nang hihiwalay na sana siya ay muli siyang niyakap ni Edward at isiniksik ang mukha nito sa dibdib niya. "Let's go."

Bumalik silang tatlo kasama si Pat sa kwarto ni Maymay. Pagpasok nila ay nandoon ang pamilya ni Maymay at ang pamilya rin ni Edward. Hindi pa man nakakahiwalay sa pagkakayakap ni Edward ang dalaga ay agad na itong hinila ng ate Laura, Daddy Kevin at Mommy Cathy niya. Tinanong kung okay lang siya at kung may masakit ba sa kanya. But, everything was fine at nakauwi din sila nang araw na 'yon.

Edward decided to be with Maymay until she fall asleep. Kahit ilang beses na pinilit ng dalaga na umuwi ito ay hindi niya ginawa. Wala namang nagawa ang dalaga kaya hinayaan na niya ito.

Matapos makapag-shower ni Maymay ay pinapasok niya na sa kwarto ang binata. Nang makapasok ito ro'n ay picture nilang dalawa na nasa bed side table niya ang pumukaw dito. Stolen picture 'yon na nakatitig sila sa isa't isa. They are both smiling, at mahahalata mong masaya silang dalawa.

"May?"

"Hmm?" Sagot ng dalaga na ngayon ay pinapatuyo ang buhok.

"I just realized a while ago. . ." Nilapitan ni Edward ang dalaga t'saka nito kinuha ang hawak na tuwalya ni Maymay na gamit niyang pampatuyo ng buhok at siya ang gumawa no'n. "I got so scared that time. I got so scared and thought that, what if I really did lose you? I can't. I don't even want to think about it again. Ayokong iwan mo ako or mawala ka sa'kin. I know it's cliche but, that's what I feel about you."

Hinarap ng dalaga ang binata at niyakap ito. "Pakiramdam ko kanina mababaliw ako nung akala ko, wala ka na. Kung ano sigurong nararamdaman mo, gano'n din sa'kin. Pero mabait si Lord dahil hindi niya tayo pinabayaan. Alam niya sigurong ito ang second chance na meron tayo para panghawakan ang nararamdaman natin para sa isa't isa." Tumingala si Maymay dahilan para yumuko si Edward dito. "Mahal na mahal na kita, brad," she giggled. "Kung pinakawalan man kita noon. Kung hinayaan man kitang may mahaling iba noon. Ngayon, wala ka ng kawala."

Bahagyang tumawa ang binata. Hindi nito akalain na mapapasaya siya ng mga salitang 'yon na nanggagaling sa isang babaeng ni hindi niya akalaing makikilala niya at mamahalin niya ng sobra sobra.

"You're still the one I love, after all this time. It's still you, Maymay. And it will always be you."

Maymay made her signature both-lips-pressed-together with matching puffed cheeks when she feel kilig that made her look so cute and funny. And when she did that, Edward smiled at her and cupped her face in his both hands, that made her met his gaze. Suddenly, he felt like something is suppose to happen. He started lowering his head that made her flinched a little.

"You can stop me, May."

Stop daw, Marydale! Stop him na kasi! Stop him? Sa isip ng dalaga pero sadyang hindi nakikisama ang katawan niya at patuloy lang na nakikipagtitigan sa mga mata ng binata. Nang bumaba ang tingin ni Edward sa labi nito ay nagawa niya pang kagatin ang ibabang labi niya.

Edward felt the rush to kiss her. He wants to do it so bad but he's afraid that he might scare her away.

"May. . ."

To be continued..

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro