Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

MayWard 17



Nang pagbuksan si Sky ng driver niya ay kaagad niyang iniayos ang damit at shades na suot niya. Hapit na hapit sa kanya ang yellow halter dress habang ang buhok niya ay malayang nakalugay kahit pa medyo kinulot niya iyon.

Agad na napakunot ng noo ang mga nakakita sa kanya sa set. Set lang naman nina Maymay at Edward ang pinuntahan kasi ng dalaga.

"Nasa'n si Edward?"

Nagtinginan silang lahat. Nagkaintindihang walang dapat sumagot sa dalaga. Kung maka-aura kasi akala mo siya ang Queen Elizabeth na pa-VIP.

"Wala bang nakarinig sa'kin? Fine!" She scoffed. "Ako na lang ang maghahanap sa kanya."

"Ah, Miss Sky. Bawal po kasi ang hindi kasali--"

"I'm here to visit Edward. Bisita ako."

"Alam ba ni Edward na nandito ka?"

Napatingin lahat ng nandoon kay Mommy Cathy na siya ngang nagsalita.

"Mommy! Hi po!" Mabilis na naglakad 'to papunta sa ginang at nakipag-beso beso. Hindi naman magawang hindian ito ng ginang dahil masyado siyang mabait para gawin 'yon. "How are you po?"

"Okay naman ako, iha. So, alam ba ni Edward na nandito ka?"

Kaagad na umiling si Sky. "Isu-surprise ko po siya--" Kaagad na natigilan si Sky sa pagsasalita nang makita niya sina Edward at Maymay na magkasamang nagtatawanan papasok sa tent.

Mabilis na naglakad papunta ro'n si Sky. Hindi pa mga nakakaupo sina Maymay at Edward ay kaagad niyang niyakap mula sa likuran ang binata.

"I've missed you so much, Ed!" Bulalas niya.

Nagulat si Edward nang maramdaman ang yakap na 'yon.

"Sky. . ." Sambit ni Maymay nang makita nga ito.

Nang marinig ni Edward kung sino 'yon mula kay Maymay ay kaagad niyang hinawakan ang braso nito para humiwalay sa dalaga upang harapin ito.

Kunot ang noo ay nakaramdam siya ng inis kay Sky. "What do you think you're doing?"

"Uhm, hugging you. Sobrang miss na miss na kaya kita. Hindi ka pa nga nagpakita sa'kin noong pumunta ako sa Germany just to see you."

Agad na nilingon ni Maymay si Edward na ngayon nga ay halos magkasalubong na ang kilay.

"Coz I don't want to talk to you! Don't you get it?"

"But--"

"No, but's! And why are you here anyway?"

Agad na nag-sad face si Sky. Nasaktan ito dahil sa tono ng pananalita ng binata. Bago siya nagpunta roon ay sinigurado niyang handa siya sa maririnig niya mula rito. Naalala niya tuloy ang nakaraan dahil sa inaasta nito.

Nasa kalagitnaan ng pagso-sorry si Edward dahil nga ayaw nitong gawin ang isang project kasama siya.

"Why? Bakit ayaw mo?"

"Because I don't want to."

"Dahil ba 'to kay ate Maymay?"

Agad na lumamlam ang mga mata ng binata nang marinig niya ang pangalan ni Maymay. "Yes."

Nangunot ang noo ni Sky. "Why? Why her? Why not me Edward? Ako ang gusto mo,remember? Pero ngayon, bakit siya?"

"'Coz she's my present, and you're the past. I will always be there for her, and I'm willing to do anything just to stay by her side. I'm not doing this just to please her. I'm doing this to please myself actually, because I want someone like her in my life and I would never ever do anything that might hurt her feelings."

She scoffed. "You know what? You're crazy. Mas sisikat tayo kapag tayo ang magka-partner. She's not even that pretty. She's not good enough to be with you. To be your loveteam or even a lover."

Mabilis na hinampas ni Edward ang mesa na kinagulat ni Sky.

"Don't you ever tell that Maymay isn't good enough for me. She is enough, a thousand times enough than anyone else. And don't even say that she's not pretty, 'coz she is. She will always be beautiful in my eyes."

"I'm telling you Edward, nababaliw ka na."

"Baliw? Oo. Maybe I'm really crazy. If it's Maymay, being crazy is fine." Tumayo na ang binata dahil alam niyang walang pupuntahan ang paguusap nila. "You know what, I need to go."

"No!" Agad na hinila ni Sky ang binata at mabilis niyang hinawakan ito sa leeg at siniil ng halik sa labi.

Doon nagalit si Edward. Agad niyang hinawakan ang magkabilang braso nito at inilayo sa kanya.

"Sky! What the hell was that?" Iritadong asik nito t'saka niya dinuro ang dalaga. "Don't you dare talk to me anymore!"

Kinabukasan ay mabilis na kumalat ang litratong naghalikan ang dalawa. Kabikabilang kwento na hindi na akma sa nangyari. Nakarating 'yon kay Maymay pero hindi niya pinaniwalaan 'yon at hinintay niya si Edward na magpaliwanag sa kanya. Edward did but, something happened that made everything worse than that.

Mabilis na bumalik sa reyalidad ang isip ni Sky nang tawagin siya ni Maymay. Gaya ng dati ay mabait pa rin ito sa kanya kaya naman mas lalo siyang nakaramdam ng inis dito.

"Kamusta naman kayo nung Gerry mo, ate Maymay?"

"Ha?"

Inis na umiling si Sky. "Ano? Kunwari ka pa? Bakit 'di mo sabihin kay Edward na naging kayo ulit nung Gerry na 'yon?"

Nanlaki ang mga mata ni Maymay. "Ano? Uy hindi ah."

"So nagsisinungaling ako?"

"Oo!" Mabilis na sagot ni Maymay. "Matagal na akong nagtitimpi sa 'yo Sky ha! Alam nating dalawa na ikaw ang nag-plano ng lahat ng 'yon noon, pero may ginawa ba ako? Nanahimik ako 'di ba? Alam ko lahat. Ikaw ang kasabwat ni Gerry kaya nagkaroon kami ng issue. Inamin na niya sa'kin 'yon at nag-sorry na siya sa ginawa niya. Pero ikaw?" Maymay scoffed. "Ikaw pa talaga ang may ganang manumbat sa'kin ng tungkol diyan?"

Umiling iling si Sky. "You're so dramatic ate May. Hanggang ngayon ganyan ka pa rin. Paawa effect para kaawaan ng lahat kahit ikaw na ang may mali? The fact na meron kayong picture na magka-akbay kayo ni Gerry noon at nakayakap ka sa kanya ay hindi totoo? Gano'n?"

"Nahihilo siya no'n kaya siya umakbay sa'kin at oo. Niyakap ko siya. Niyakap ko siya para alalayan siya--" Natigilan sa pagsasalita si Maymay nang tumawa si Sky.

"Stop. Just stop already. Hindi mo bagay mag-drama. Alam ko namang magagaya ka rin sa nanay mo na magkakaroon ng dalawang lalake--"

Isang sampal. Isang sampal ang ginawa ni Maymay para patahimikin ang bibig ni Sky. Isang sampal dala ng galit nang marinig niya ang tungkol sa mahal niyang ina.

"Lait laitin mo na ako, Sky. Huwag na huwag mo lang idadamay ang nanay ko rito!" Nagsimulang tumulo ang luha niya sa galit. "Hindi mo alam ang nangyari sa pamilya ko, kaya wala kang karapatang magsalita ng ganyan. Wala!" Mabilis na tumalikod ang dalaga at naglakad palabas ng tent.

"Shame on you, Sky. I really can't believe you," kunot noong sabi ni Edward t'saka niya sinundan si Maymay.

Kagat labing nagsimulang tumulo ang luha ni Sky. Alam niyang hindi niya dapat ginawa 'yon. Alam niyang mali, pero huli na, dahil nabitawan niya na ang mga salitang hindi naman dapat nangyari.

I'm here to say sorry. Dapat mag-so-sorry ako sa kanila, pero nung makita ko silang masayang magkasama, bigla na lang akong nakaramdam ng galit, sa isip ng dalaga.

To be continued..

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro