
MayWard 1
After 5 years.
"Bushak ka!" Sigaw ni Maymay kay Pat, ang best friend niya. Nag-aasaran ang dalawa nang sandaling 'yon.
"Bakit? Totoo naman? Kahit anong kain mo, buto buto ka pa rin," pang-aasar pang muli ni Pat kaya naman hinabol siya ni Maymay na siya namang takbo niya.
"Ate May, can you stop acting like a teenager? You're 30 years old already. Both of you. Baka ne." Umiiling na sabi ni Ryo sa kanila.
"Ano? Anong sabi mo?" Nakadurong lumapit si Maymay sa kapatid at sinakal ito gamit ang braso niya.
"Oh, tama na 'yan. Kakain na tayo. Tapos na akong mag-luto," suway ng kanyang ina, si Mama Lorna. "May, ihanda mo na ang mesa at tawagin mo na si Mama Ludy. Ryo, tawagan mo nga ang kuya mo. Tanungin mo kung pauwi na siya."
Hawak ang batok ay agad naman na sinunod ni Ryo ang ina, pero hindi pa man din niya nada-dial ang number ng kuya niya ay bumukas ang pinto kasabay ng pag-pasok ng kuya Vincent nito.
"Oh? Ang aga mo naman apo," bungad ni Mama Ludy kasama si Ryo na naka-alalay dito. Nang makapag-mano si Vincent ay agad niyang inilibot ang tingin. "Si May? Nasa'n?"
"Nandoon sa kusina, kasama si ate Pat. Tinutulungan nila si Mama maghanda ng pagkain."
Kaagad na naglakad papunta roon si Vincent. Kaagad siyang dumiretso sa gawi ni Maymay.
"Bakit kuya?" Nangunot ang noo ni Maymay nang makita si Vincent. Iba kasi ang tingin na 'yon ng kuya niya sa kanya. Kapag ganitong seryoso ang tingin sa kanya ng kuya niya ay naninibago kasi siya.
"Wala kang trabaho ngayon?"
"Wala." Inilapag niya ang plato t'saka niya hinarap ito. "Cancel ang flight. Mamayang madaling araw pa ang lipad ko."
"Wow! Lipad ang word 'dai! Eh 'di ikaw na flight attendant," panunukso ni Pat sa kaibigan. Nag-make face naman si Maymay dahil sa pang-aasar niya.
"Usap muna tayo sa may veranda, May."
Nang sabihin 'yon ng kuya niya ay nakaramdam na siya ng hindi maganda.
"Pat, sama ka sa'min," dagdag pa ni Vincent na nakaragdag sa kabang nararamdaman ni Maymay.
Pagkadating nila sa veranda ay nagharap-harap ang tatlo.
"Anong ka-seryosohan 'yan Vincent?" Si Pat na hindi ninenerbyos ay ninerbyos na nang hindi mag-salita agad si Vincent. Palipat-lipat lang ang tingin niya sa dalawa.
"Kuya. . . Oy! Grabe bai! Halla siya. Ano nga?" Pangungulit pa ni Maymay.
"Nakita ko si ano. . ." Napahawak siya sa batok niya.
"Sino?" Agad na tanong ni Pat, pero mukhang nahulaan naman agad ni Maymay kung sino ang nakita ng kuya niya nang titigan siya ng kuya niya.
"Mamaya na 'yan. Kumain na tayo. Iidlip pa ako bago ako umalis mamaya." Agad na naglakad palayo si Maymay mula sa dalawa. Pakiramdam niya, any moment ay lalabas ata ang puso niya sa tindi ng pag-tibok no'n.
Oo. Gano'n pa rin ang dating ng taong 'yon sa buhay niya. Gano'n kahirap magpanggap na okay lang ang lahat. Nakalipas man ang limang taon, pakiramdam ni Maymay ay parang kahapon lang ang nangyari sa kanila.
Tahimik na umakyat si Maymay sa kwarto niya. Nang makahiga siya sa kama ay siyang tingin niya sa kisame dahilan para magbalik ala-ala na naman ang utak niya.
"I think I'm falling for you, May."
"Halla!" Tinakpan niya ang bibig. Pinipigilan ni Maymay ang sariling kiligin. "Bushak ka man uy!"
"May. . ." Hinawakan ni Edward ang dalawang kamay ni Maymay. Makikita sa mga mata ni Edward na seryoso ito nang sandaling 'yon. "I like you, May. I really do." Saglit na tumigil sa pagsasalita si Edward t'saka siya ngumiti. "I'm not even sure if it's like anymore, 'coz I think, I already love you, Maymay."
"Huy! Kanina pa ako rito! Anong nginingiti ngiti mo diyan? Kala ko man din, mag-da-drama ka," pukaw sa kanya ni Pat kaya naman bumangon siya at umupo sa sahig katapat ng bagahe niya.
"Anong drama ka diyan?"
"Hay nako, Maymay! Huwag ako. Alam mo naman kung sino ang tinutukoy ng kuya mo kanina."
Saglit siyang tumigil sa pag-e-empake at hinarap si Pat. "Hindi naman kami magkikita 'di ba?"
"Bakit? Gusto mo bang magkita kayo?"
"Hindi ah."
Nginusuan siya ni Pat. "Sinungaling."
"Bushak! Hindi nga!"
"Pero nami-miss mo? Ayiiiiiie!"
Kagat ang ibabang labi ay nagpipigil na ngumiti si Maymay. Minsan kasi, ang sarap balikan ng mga ala-ala nila ng lalaking matagal niyang nakasama na makamit ang pangarap niya noon.
"Pero May, kamusta na kaya siya 'no? Siya pa rin kaya yung Edwardo na nakilala natin?"
Nginitian niya si Pat. "Nasisiguro kong hindi siya magbabago at siya pa rin ang Edwardo na nakilala ko, na, nakilala nating lahat. 'Yong napaka-bait, napaka-caring, napaka-gentleman, dahilan para mahalin ng lahat."
"At dahilan para mahalin mo. Gano'n dapat." Inis na binato ng unan ni Maymay ang kaibigan. Natatawang sinasangga naman 'yon ni Pat.
Kahit pa nag-a-asaran ang dalawa, sa isip ng dalaga ay totoong gusto niyang makita ang binata. Sobrang miss na miss niya na ito at kung pu-pwede lang talagang puntahan niya ito noong mga panahon na gusto niyang itong makita, ginawa niya.
Ang kaso, hindi. Ayaw niya ng guluhin pa ang buhay na meron ito. Kahit pa minsang kausap niya sina Daddy Kevin, Mommy Cathy at Laura na pamilya nga ng binata ay ni minsan hindi na rin sila nagbanggit pa ng kahit ano tungkol sa binata.
Nang makahiga si Maymay sa kama niya ay napaisip siya. Kahit pa hindi niya gustuhing ma-imagine ang mukha ni Edward na masaya ay nakikita niya pa rin ito sa kisama. Gano'n pa rin katindi ang nararamdaman niya para sa binata. Ngunit gano'n din katindi ang sakit na nararamdaman ng puso niya dahil sa nangyaring pagkakalayo nilang dalawa.
"Uy. . . Edwardo. . . Galit ka pa rin ba sa'kin? Masaya ka ba ngayon? Ako kasi, hindi ako masaya na wala ka sa buhay ko." Maluha luhang ipinikit ng dalaga ang mga mata at taimtim na nagdasal.
Na sana laging ligtas at masaya si Edward at ang pamilya nito. At gaya ng dati ay walang sawa ang dalagang nagpasalamat sa araw araw na biyayang natatanggap niya at ng buong pamilya niya.
To be continued..
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro