Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

It Must Have Been A Fairytale

I love coffee, but not today.

I can almost taste the bittersweet aroma of coffee in the air. Too bad that I'm feeling really sleepy, that even my favorite smell in the morning doesn't have any effect on me now. Gusto ko ng bumalik sa kama, magtalukbong ng kumot, at yakapin ang mga unan ko.

"Mag-almusal muna kayo. Tapos mamaya i-briefing namin kayo ng gagawin." Nakasimangot na sinundan ko ng tingin ang nagsalita. Ba't nga ba ako pumayag na dumalo sa morning show na 'to?

Naagaw ang atensyon ko ng dalawang crew na nag-umpisang mag-abot sa amin ng almusal. Oh, may free foods pala sila sa mga ganitong shows. Even so, my urge to go back to bed is stronger than the temptation from the food.

The moment a crew handed me a paper bag with a famous food chain logo, someone nudged my left arm.

"What the hell?" I hissed. Buti na lang at hindi ko pa inaabot 'yong paper cup na may lamang coffee. "Aaron!"

He sat beside me and grinned.

"Anong ginagawa mo rito? Aren't you part of the crew?"

"We still have a few minutes before we go on air." Nabaling ang tingin niya sa hawak ko. "Uy! Pahingi!"

Walang paalam na kinuha niya mula sa akin ang pagkaing galing sa production. "Hoy! Galing 'yan sa inyo. Can't you get it from backstage?"

"Mas masarap kasi kapag galing sa'yo 'yong food." Kinurot niya ang pisngi ko. Tinabig ko naman ang kamay niya. Kahit kailan talaga hilig niyang pagdiskitahan ang pisngi ko. "By the way, I have a surprise for you later."

Nagtatakang napatingin ako kay Aaron. "It's not my birthday, in case nakalimutan mo."

Ininom ko na lang 'yong binigay na kape kahit walang laman ang tiyan ko. Baka sakaling mabawasan ang antok na nararamdaman ko.

"Alam ko. But believe me, magugustuhan mo 'yong surprise ko ngayon. Baka nga bigla mo kong i-kiss kapag nalaman mo kung ano."

"Ew!" I gave him a disgusted look na tinawanan lang niya. "Kadiri ka, Aaron. Kahit siguro lasing na lasing ako 'di ko gagawin 'yon."

Sasagot pa sana siya sa'kin pero biglang may lumapit sa aming crew at sinabing pinapatawag siya ng direktor. Naturingang Camera Supervisor pero kung saan-saan nagpupunta.

"Okay, ladies and gentlemen. May I have your attention, please." Nabaling ang tingin ko sa crew na kanina'y nagbigay ng pagkain namin. "So bilang audience, isang bagay lang naman ang gagawin ninyo. Once umikot ang camera at matapatan kayo, magiliw lang kayong papalakpak.

Huh? Gumising ako ng maaga para maging isang tagapalakpak lang? Para tuloy ang sarap sakalin ni Aaron, pagkatapos niya akong kulit-kulitin.

Tatayo na sana ako para umalis nang biglang sumigaw ang director. "We'll be starting in five minutes!"

I groaned in frustration. Wala akong choice kundi umupo ulit. Titiisin ko na nga lang manood at pumalakpak.Lagot talaga sa akin mamaya 'yong Aaron na 'yon. Ugh! I'm really going to strangle that arse.

Nakasimangot na ibinaling ko ang tingin sa set para sa morning show. In fairness, the set is giving off a homey vibe. Minimal lang ang design. May isang puting sectional sofa sa gitna which can seat at least five people. May makeshift window rin na may kurtina sa likod nito. The autumn-colored throw pillows added color to the almost white set.

Napabuntong-hininga ako, at nangalumbaba. Parang ang sarap humiga d'on sa sofa.

Napukaw ang atensyon ko nang magsimulang magsalita ang host ng program. Saglit akong napangiti. I like Bianca Gonzales, and I'm happy na siya ang host ngayon. Ito na ba 'yong sorpresang sinasabi ni Aaron?

Ilang saglit ko rin sinubukang i-enjoy ang mga nangyayari sa paligid ko, pero sadyang mas malakas talaga ang hatak ng antok sa diwa ko.

Ugh, sino ba 'tong makulit na nangangalabit sa akin?

"Ate, gising..."

"Huh?" Pupungas-pungas na nilingon ko ang katabi ko, bago inilibot ang tingin sa paligid. Shit. Gaano ako katagal nakaidlip?

Itinakip ko sa mukha ang dalawang kamay at pa-simpleng lumapit sa katabi ko. "Nakuhanan ba ako ng camera?"

Nakagat ko ang pang-ibabang labi nang makita siyang tumango. Patay! Nakakahiya ka, Euphie!

Nang lingunin ko si Aaron ay pinandilatan niya ako. Tsk! Kung 'di dahil sa isang 'to! Iirapan ko sana siya pero biglang tumapat sa'min ang camera kaya wala akong nagawa kundi pumalakpak at ngumiti ng pilit.

"Maybe our audience is wondering who our mystery guest is for today." Oh, may pa-special guest din pala sila rito tulad ng nasa kabilang show. "I know you're all excited. So let me introduce to you our special guest for today."

"He is a K-Pop idol, an actor, and model under the label of Fantagio. He is also a member of the K-Pop boy group, Astro. Let us all welcome, Mr. Cha Eun Woo!"

Nagising yata lahat ng natutulog na cells sa katawan ko nang marinig ang pangalang sinabi ni Bianca. Nanlalaki ang mga matang napatingin ako kay Aaron, na kinindatan lang ako. Is this his surprise?

Umugong ang malakas na palakpakan nang naglakad papasok si Eunwoo sa set. May ibang tilian pa akong narinig pero parang nag-slo mo ang paligid nang makita ko siya. Shit, he's really...

"Good morning!" The audience went berserk nang bumati siya pero para akong natuod sa kinauupuan ko. Hindi pa rin ako makapaniwalang nasa harap ko siya ngayon. 'Yong dating nakikita ko lang sa screen ng cellphone, at laptop ko nakikita ko na ngayon, live.

Para akong lutang habang nakatitig kay Eunwoo. Hindi ko na nga maintindihan 'yong pinag-uusapan nila ni Bianca. Kapag ngumingiti at tumatawa siya, pigil na pigil ang kilig ko. Pinapatawad ko na si Aaron sa pag-agaw niya ng pagkain ko kanina. Kahit ilibre ko pa siya ulit, okay lang sa akin.

"So before we end our show, what do you want to say to your fans?"

"Thank you for all your support. I hope you continue supporting me. I love you all." I sighed when he smiled at the audience. Ang pogi-pogi talaga niya.

Umugong ulit ang malakas na palakpakan. Nakaramdam pa ako ng panghihinayang nang umalis ng set si Eunwoo. Kailan ko kaya ulit siya makikita?

Nagsimula nang mag-alisan ang ibang audience. Ako naman ay nagmamadaling lumapit kay Aaron, saka hinampas ang kanang braso niya. "Nakakainis ka!"

Ginulo niya lang ang buhok ko saka saglit na nagpaalam dahil magpa-pack up na raw sila. Umupo muna ako sa make-shift bleachers na inupuan namin kanina. Hihintayin ko na lang siyang matapos at sabay na lang kaming uuwi mamaya.

"Uy, ikaw!" Tumaas ang kilay ko nang tawagin ako ng isa sa mga crew. Wala sa sariling tinuro ko ang sarili ko. "Oo, ikaw! Halika rito!"

Nagtataka man ay lumapit na lang ako, mamaya bigla akong paalisin. "Ihabol mo nga ito sa staff ni Cha Eun Woo. Nakalimutan nila sa dressing room."

Inabot niya sa akin ang isang brown leather wallet at isang hard case na sa hinuha ko ay shades ang laman. "Bilisan mo, baka abutan mo pa sila sa labas."

Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko habang tumatakbo palabas ng studio. Hindi ako makapaniwalang hawak ko ang gamit ni Eunwoo. Pasimpleng inamoy ko ang wallet niya and kinikilig na napangiti ako. Shit, ang swerte ko naman ngayon.

Pero napawi ang ngiti ko nang makita ang malakas na ulan sa labas. Summer na summer pero umuulan. Inikot ko ang paningin sa paligid at nang 'di ko makita ang pakay ko ay nanlulumong napasimangot ako. For sure nakaalis na 'yon. Itinaas ko ang kamay ko para salukin ang bumabagsak na patak ng ulan.

"Hey..." Gulat na napalingon ako sa gilid ko nang biglang may magsalita. 

"Sh—" Oh my gosh! Nasa harap ko ngayon si Cha Eun Woo. Those pictures and billboards didn't give him justice.

"I think that wallet and shade case is mine," nakangiti niyang saad. "Wait, I know you."

"Huh?" Kilala niya ako? Paano?

"Ah yes, you're that sleeping girl in the audience! Gwiyeo!" Halos gusto kong magpalamon sa lupa nang tumawa siya. Sa dinami-raming pagkakataon para maging memorable ang first meeting namin ng idol ko, 'yong nakakahiyang live television embarassment ko pa talaga.

"Ah... hehe." Nahihiyang inabot ko sa kaniya ang wallet at case niya. 

Tumayo yata lahat ng balahibo ko nang marahang nagkasagi ang mga balat namin. Hindi ako makapaniwalang nasa harapan ko siya ngayon. Ang kaisa-isang crush ko na akala ko sa TV o sa Youtube ko lang makikita.

"Thank you." All I can do is smile back and watch him walk away. Pero bago pa man siya makapasok sa sasakyan niya ay muli siyang lumingon at lumapit sa akin. Pakiramdam ko ay ilang beses na akong hinimatay at nagising ulit sa isip ko dahil sa kilig. "Here you can have this. Don't get caught in the rain, okay?"

Inabot niya sa akin ang isang kulay pulang payong. 

Ilang minuto na mula nang nakaalis siya pero nanatili akong nakatayo sa kung nasaan ako kanina pa. I never thought that I'll experience all that happened today. I'm currently in cloud nine. All I can think of is all of this must have been a fairytale.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro