Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

54

Richard

Salamat naman at natapos na rin itong misunderstanding namin ni Dei. Pero hindi ko pa nakompronta si Janeth. Sa Lunes ay iyon dapat agad ang gagawin ko. Kung ako tatanungin,  hindi ko mapapalagpas yun ginawa niya.  Pero nakiusap si Dei na hayaan ko na daw. Sayang lang daw ang panahon. Nagmahal lamang daw si Janeth kaya ganun. Pero ang sa akin, kung nakakasakit na, kailangan ng patigilin. Sa case ni Janeth, desperado na siya kaya niya nagagawa iyon. Muntik na kaming magkahiwalay ng Dei ko dahil sa kadesperadahan niya.

•••••••••

Sunday morning..

Nag-mass kami ni Dei kasama ang parents niya. Masasabi kong lubos na tiwala ng parents niya sa akin. Ipinapakita ko talaga sa kanila na seryoso ako sa anak nila. Mahal na mahal at aalagaan habang nabubuhay ako. Iyon ang lagi kong pangako sa magulang ni Dei. Kulang na lamang ay hilingin ko ng ikasal kami. Sa totoo lang, kung ako ang tatanungin, gusto ko na siyang pakasalan. Pero dahil gusto pa ni Dei na makatapos at magtrabaho ay hindi pa pwede. Wala na kase akong ibang nais makasama sa buhay kundi siya.

Habang hawak ko ang kamay niya sa loob ng simbahan, tinitignan ko siya habang seryoso siyang nakapikit sa pagdarasal. Mabuting tao at napakaganda ng Dei ko. Wala na akong mahihiling. May ngiti sa labing nagpasalamat ako sa Diyos kase natagpuan ko na yun babaeng nais ko, yun bang babaeng nakatakda para sa akin. At masaya ako. Salamat sa Panginoon sa akin siya napadpad.

•••••••••

Monday morning..

Pagkahatid kay Dei sa school ay dumiretso ako sa opisina. Binati ako ng ibang kasamahan ko. Matagal-tagal din kase ako sa Davao.

"Architect Faulkerson, musta? Nangayayat ka ata sa Davao?" Bungad ng isa sa mga architect din sa department ko na si Jonas Mariano.

"Namiss ko lang luto ng yaya ko. Hahaha. Hindi masyadong nakakakain. Namamahay." Sagot ko.

"Lul! Nag-away kase kayo ng gf mo!" Banat ni Jerald.

"Tumigil ka nga diyan, Je! Sumbong kita kay Val, may kasama kang babae kagabi!" Bwelta ko.

"Hehehe.. hindi nga pala. Oo nga pala namiss mo kase si NicoMaine Dei. Sorry na. Walang sumbungan." Sagot ni Je.

"Tamo ka! Wala ka pala! Back to work!" Utos ko sa kanila.

Habang inaayos ko ang design sa isa sa mga proyektong hawak ng aming departamento ay may biglang lumapit sa lamesa ko.

"Hey, loverboy! Busy ka?"

"Anong kailangan mo? Madami akong trabaho?"

"Wala lang. Namiss ko lang na tayo yun laging magkasama sa umaga at maghapon dun sa Davao."

"Janeth, pwede ba! Hindi kita kinakausap dun sa Davao at lalong hindi ako lumalapit sayo. Tigilan mo yang ilusyon mo!"

"Bakit nagagalit ka? Wala naman akong gingawang masama sa iyo. Relax ka lang. High blood ka naman masyado. Di mo ba ako namiss?"

"Please, ayokong maging bastos pero sana layuan mo ako. Kahit kailan hindi na ako babalik sayo. Mahal ko si Dei. At siya lang."

"Hindi na ba tayo maayos? Akala ko mahal mo ako? Yun sabi mo dati."

"Dati yun Janeth. Pero hindi pala totoong pagmamahal yun. Infatuation lang. Iba na ngayon. Sana naman tigilan mo na kami ni Dei. Muntik ka na ngang magtagumpay na mapaghiwalay kami ni Dei dahil sa mga pinagsesend mo sa kanya! Pasalamat ka nakiusap si Dei na huwag na kitang komprontahin."

"What? Nagsumbong sayo yun babaeng yun?"

"Tsk. Tsk. Ikaw pa talaga may ganang magalit? Ikaw naman itong gumawa ng mali sa amin. Ang kapal naman ng mukha mo!"

"Mahal kase kita! Kaya nagawa ko yun. Gusto kong bawiin ka kay Dei! Akin ka lang!"

"Di kita mahal! Tandaan mo yan! Huwag mo ng ulitin yun ginawa mo dahil sinasabi ko sayo papatulan na kita! Huwag na huwag mong sasaktan si Dei kase ako makakalaban mo!"

"Hindi! Sinasabi mo lang yan kase galit ka sa akin. Pero ako mahal mo!"

"Hindi kita mahal! Tumigil ka! Hindi na kita mamahalin! Tama na!"

"RJ, magpapakamatay ako pag-iniwan mo ako!  Mahal na mahal kita!"

"Janeth ano ba! Hindi kita mahal! Si Dei ang mahal ko! Layuan mo kami!"

At nakialam na sila Jerald, lumabas muna ako ng opisina ko at nagpahangin. Hindi ko na alam kung anong nangyari dahil sila Sam na ang kumausap kay Janeth.

Napagpasyahan kong mag-leave ng 2 buwan.  Pinayagan naman ako ni Daddy at Mommy kase sinabi ko kung anong dahilan ko. Nalaman din nila kung ano ang ginawa ni Janeth. At dahil sa malapit si Janeth sa Mommy ko dahil para na rin niyang anak ito ay pinakiusapan ako ni Mommy na huwag na lang pansinin. Nagalit nga ako pero dahil sinabi ni Dad na ilipat na lang daw ng ibang department para hindi na makalapit sa akin ay pumayag na ako. Pero humingi ako ng leave para malayo muna sa kanya. Actually parang homebased work din ako. Akin pa ang oras ko. Sa bahay ko lang gagawin ang mga blue prints at ipapasa sa opisina kapag kailangan lang. So hindi ko kailangan pumasok. Ayoko lang makita pa  muna si Janeth. Kailangan niyang tanggapin yun na may mahal na akong iba. At isa pa matagal na kaming tapos. Naghiwalay kami ng maayos. Pero bakit kung maka-asta siya ay parang niloko ko siya. Hindi ko na siya mahal. Si Dei lang ang babaeng minahal ko at mamahalin ko ng higit sa buhay. Wala ng iba.

A/N Malapit na po matapos. Happy so much, naka 1k na ang It Might be You! Thanks sa nagbabasa at patuloy na tatangkilik. Salamat din sa magbabasa pa sa hinaharap! Whooh!

-ava-

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro