53
Maine
RJ brought me home after our long overdue talk. We're on the road to being okay again. Gusto ko muna makita yun CCTV ng hotel bago ako maniwala ng tuluyan sa kanya.
I wonder, bakit kaya may mga babaeng desperada? Yun hindi na lang hintayin na ang lalaki ang lumapit sa kanila. Hindi ko pa rin maisip na kayang gawin ni Janeth na magpakababa ng ganoon dahil lang sa sobrang pagmamahal niya kay RJ. Pagmamahal nga ba yun? More of obsession siguro yun sa kanya. Kase if you love someone, you have to set them free. At kung bumalik sila, e di wow. Pero kundi, move on na lang. Hay naku, naiinis man ako sa kanya, kailangan kong intindihin na nagmahal lang din siya.
••••••••••
Maaga akong sinundo ni RJ today. He was so eager to see kung sino ang kasabwat ni Janeth. Gusto na rin daw niyang maayos kami. Hindi kase maka-kiss. Hahaha.
We arrived at around 9:30 ng umaga sa Davao. Dumiretso kami sa Front desk ng hotel para ipatawag ang manager. Kilala ang family nila RJ sa hotel kase ang Daddy ni RJ ang isa sa mga engineers na nagtayo ng hotel.
Inasikaso kaming maige ng manager. Dinala niya kami sa Computer room ng hotel. Nirewind ang hotel footages sa oras noong lumabas si RJ para samahan yun mga engineers.
Sa una ay makikitang wala namang pumapasok. And then yun time na dumating si RJ mag-isa. Mag-aala una na ng umaga nun. Wala naman siyang kasama. Pero mga isang oras matapos na makapasok si RJ ay makikitang palihim na pumasok si Janeth. Siya lang mag-isa. Nakahoody jacket at walang pang-ibaba. Marahil ay nakashort shorts siya base sa igsi ng suot niyang panloob. Isang oras at kalahati din siya sa loob ng kwarto ni RJ bago siya palihim na lumabas. Parang takot na luminga-linga bago dumiretso sa kwarto niya. Wala ng CCTV sa loob ng kwarto kaya di na nakita ang nagaganap sa loob. Ito yun mga oras na nakita ko na nagfriend request siya. Ito rin yun time na nag-IG live story siya. Malamang talagang intensiyon niya na sirain kami ni RJ.
Tinignan din namin ang iba pang CCTV ng mga activity ni Janeth sa loob ng hotel. Wala naman siyang kakutsaba sa mga engineers na kasama nila sa project. Sino kaya ang kasabwat niya kaya nakakuha siya ng spare key sa kwarto ni RJ?
Pinatawag ng Manager ang Receptionist ng buong araw na yun bago ang insidente sa kwarto ni RJ. Buti na lamang at naka-in na ito. Inamin nito na lumapit sa kanya si Janeth para sabihin na kung pwedeng makahingi ng spare key sa kwarto ni RJ dahil secretary daw siya at kailangan niyang kunin yun naiwang laptop ni RJ. Nung una daw ay ayaw niyang ibigay pero mapilit daw ito at sinabing isusumbong siya sa manager kapag di binigay. Trabaho daw niya ang nakasalalay sa mga oras na yun. Kapag natanggal daw siya sa trabaho ay idedemanda niya ang receptionist. Natakot naman ang babae dahil bago pa lamang siya sa trabaho. Kaya ibinigay niya ang isang spare key kay Janeth. Wala na daw siyang narinig mula dito. Akala ng receptionist ay wala naman problema dahil hindi naman nagreklamo si RJ na may pumasok sa kwarto niya ng walang paalam. Kaya di na niya inintindi ang tungkol dun. Ngayon na lang daw niya nalaman na hindi pala dapat pahintulutan ang babaeng yun na pumasok sa kwarto ni RJ ko.
"Love, naniniwala na ako sayo. Sorry ha. Di agad ako naniwala." Agad kong sinabi yun kay RJ kase alam kong may mali din ako.
"Okay lang Love. At least alam mo ng stick to one ako. Trust me na ha! Hindi ko kayang gawin sayo yun. Kahit kailan. Sana ako na lang ang paniniwalaan mo."
"Oo. Simula ngayon papakinggan muna kita. Kase naman yun nakita ko, parang makatotohanan."
"Hayaan mo, gagawan ko ng paraan. Sorry rin kase ginugulo pa tayo ni Janeth."
"Huwag mo ng hilingin na parusahan yun receptionsit RJ ha. Kawawa naman."
"Sinabi mo e. Basta sa akin ka na lang maniniwala."
"Opo. Hindi na po ako magpapabuyo sa mga ganung klaseng tao."
"Very good, Love."
At umalis na kami sa Hotel. Although humingi ng pasensia ang manager, pinatawad na rin namin yun receptionist. Sinabihan na lang namin na huwag ng uulitin unless yun mismong guest na humingi ng spare.
•••••••••
Namasyal muna kami around Davao. Ipinakita ni RJ yun project niya doon. Sinabi niya na if ever bumalik siya roon ay isasama niya uli ako. Hindi na niya ako iiwan mag-isa sa Manila.
Mga alas-kwatro ng hapon ay bumalik na kami sa Manila. Pagdating ay dumiretso kami sa bahay dahil nga napagod ako sa flight. Ang lakas ng turbulence. Medyo nahilo ako.
Nagstay lang kami sa bahay at nanood ng mga pelikula. Mag-a alas-diyes na ng gabi ng umuwi si RJ. Kailangan na naming magpahinga kase magsisimba kami kinabukasan. Oo, kasama ng pamilya namin si RJ sa mass tuwing linggo. Minsan kasama ang mommy at daddy niya pati ang kuya Uno niya. Pero madalas ay kami lang. Tunay ngang parang isang malaki na kaming pamilya. And wala na akong mahihiling pa. Yun makatapos na lang ako ang tanging kulang.
A/N Last for tonight. Bukas uli. Mga 2 to 3 chapters to go, ayos na po. Stay with me, guys. Sana suportahan din ninyo ang iba ko pang fanfic about AlDub. And sana subaybayan din ninyo yun mga future fanfics ko. Yun ibang matiyagang maghintay ng update at kung minsan ay may nagcomment, masaya akong basahin ang comments ninyo. Lalo akong nainspire magsulat! Thanks Guys!
Condolence nga pala sa family ni Raz Alfaro. Siya yun admin ng Maine Girls. Malapit siya sa ating bibi girl. Sad lang kase bata pa siya. Napatay siya habang umaawat sa away ng isang kaibigan sa dating asawa nito. Siya yun napagbalingan. #JusticeForRaz
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro