49
Maine
It was already 5 in the morning pero hindi ko magawang matulog. Gising na gising ang diwa ko. After what I saw sa IG Live story ni Janeth, hindi ko inakala na magagawa ni RJ sa akin yun. I trust him. Ano ba ang naging pagkukulang ko? Naisip ko, maybe he just realized na siya pa rin pala ang mahal niya afterall this time.
I saw Janeth kissing RJ while he was lying sa bed niya. Nakita ko na tumabi siya kay RJ. And RJ did not even resist. He didn't ask her to leave. Parang okay lang. Magkatabi sila matulog? So magkasama pala sila sa isang kwarto? Kaya ba hindi niya sinabi na hindi si Sam ang kasama niya? Kaya pala nagmamadali siya lagi pagmag-kausap kami. That was enough para itigil ko na yun pagpanuod. It was so painful. Bakit di na lang niya sinabi na nagkabalikan na sila? Ang sakit.
Pinilit kong ipikit ang mga mata ko. Pero walang tigil ang luhang tumutulo. Alam kong maga na ang mga mata ko. I wanted to go to them. Gusto kong sampalin si RJ. Mas grabe pa pala ang pain na in-inflict niya sa akin. Mas matindi kaysa sa bullying na naranasan ko nung elementary ako at sa bullying nila Rita.
Siguro dala na rin ng pagod, natulog ako ng mag-aalas singko na ng madaling araw.
•••••••••
Nagising ako sa pagkatok ng Mommy ko.
"Dei? Wake up na iha. Mag-grocery tayo."
"Ma, hindi muna ako makakasama today. Masama kase ang pakiramdam ko."
"Baby are you sick? Let me see, open the door muna."
Mabigat man sa loob ko pero I tried to stand up. Natataranta naman si Mommy na hinipo ang leeg ko.
"May fever ka nga Dei. Sige papadala na lang ako ng soup dito kay Manang so you can drink paracetamol. Magpahinga ka muna."
"Sige po. Sleep po muna ako."
Nilagnat ako sa sobrang kakaiyak. Buong araw akong natulog. Inilagay ko sa silent yun phone ko para hindi ko muna matignan. Alam kong may mga tumatawag kase kanina pa siya nagvibrate. And then namatay na lang nung na-lowbat. Hindi ko muna ichinarge kase ayoko munang makipag-usap kahit kanino. I wanted to cope up with this pain alone. Kahit kala Manang Ruby wala akong balak sabihin. And lalo na kala Mommy. Alam kong madisappoint sila kay RJ.
The whole day of Sunday nagpahinga lang ako. Nagtulog. Nagsulat sa journal ko. On Monday naman bago pumasom sa school saka ko lang ichinarged my phone ko. Sa buong Linggo kase ay nakapatay lamang iyon.
Nag-ayos ako ng sarili ko kahit medyo hilo pa ako. Papasok ako kahit masama pa rin ang pakiramdam ko. Malapit na kase ang oral defense para sa thesis and ayokong maabala ang ka-groupmates ko dahil sa akin.
I saw RJ's and Val's missed calls and messages since Saturday. Ang dami. Alam ko naman kung bakit tumatawag si RJ. And I'm not yet ready to face him. Hindi ko pa kaya na marinig sa kanya na makikipag-break na siya sa akin. Pero eventually, pagbalik niya siguro. It's not appropriate naman makipagbreak sa phone lang. I let this be na lang. Ayoko ipilit ang sarili ko kay RJ. Eto yun lesson na natutuhan ko after the bullyings. Yun maging matatag sa mga pains, struggles and fears na pinagdadaanan ko. Naging manhid sa mga sakit at hayaan na lang na kusang mawala yun sakit na yun.
••••••••
I went to school early today, I wanted to show them na okay ako. Although halatang mugto pa rin ang mata ko. Naglagay lang ako ng concealer at konting make-up. Gusto kong maging maganda sa gitna ng sakit na naratamdaman ko dahil sa ginawa ni RJ. Ito yun magpapalakas sa akin.
I saw Val and Shin. They told me na tawag ng tawag si RJ. Pati sa kanila. Nag-aalala daw. Pero nagdahilan na lang ako, sinabi ko na nagkalagnat ako at di ako nakabangon ng buong araw ng Sabado at Linggo. They did not suspect anything. Wala rin naman akong balak magsabi. Hayaan ko na lang na makita nila pagbalik ni RJ na wala na kami.
By the way, RJ has been calling me since 5am. Hindi ko sinasagot. Ayoko pa siyang kausapin. He texted so many things to me.
"Love? Bakit di ka narereply?"
"Dei? Nakapatay ba yun phone mo kahapon? Tinatawagan kita."
"Love, I missed you. Sagutin mo naman itong message ko. May problema ba tayo?"
"Dei, what's wrong. Bakit hindi ka sumasagot?
These messages are received pa mula nun Saturday morning. During Sunday, nakapatay yun phone ko. Walang chance na makakatawag sila.
I tried ignoring his messages. Pinatay ko na rin muna yun notifs ko from RJ. Naka-divert pati ang number niya sa voicemail ko. His frequent messages naman ay nakapatay ang sound. There's no way na makakausap niya ako. I made sure of that. Huwag muna. Saka na. Pagbalik na niya.
A/N Can't sleep. Kaya update. Sana matapos ko na po ito next week. Thanks mga ka MaiChards.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro