43
Maine
RJ dropped me off school this morning. It was good thing that we have discussed what's bothering me. And frankly, it eases the fear I was feeling. As soon as I got off his car, I went immediately to my first class. Valeen was not yet there. 20 minutes into sitting alone inside the classroom, a text message from Val came. She won't able to attend class the whole day because she was not feeling well. I got worried. Not because Val is sick but because it means I am alone the whole day. I just hope Sheena would be free to acoompany me.
While reading my books, the other students started coming in, together with the wicked trio, Louise and company. I tried to ignore them. There is no point in arguing with them. Good thing, my professor arrived shortly before the clock strikes 7am. I felt relieved.
When finally the class ended, I walked out faster than everyone, para iwasan ang mga buwisit na barkadahan na yun. Alam kong may binabalak na namang di maganda ang mga yun. Mga Bully talaga. I saw them looking at me as if may iniisip na naman silang hindi maganda laban sa akin. Lalo na wala si Val today. And I will meet with Sheena later pa during lunch.
I went directly to my next class, hoping hindi ako nasundan ng mga bruha. Thankfully hindi ko naman sila na-encounter habang papunta ako sa klase ko. Again, I felt relieved. Ang hirap pala na para kang daga na tago ng tago sa mga pusa. Why do they have to do this to me?
The next two classes was a distraction. I forgot na nagtatago pala ako kala Rita.
When I went to the comfort room to pee bago ko puntahan si Sheena sa canteen, I was shocked to see na hinihintay pala ako ng tatlong bruha sa labas ng cubicle.
"Well, so ano ka ngayon? Akala mo makakapagtago ka sa amin?" Sabi nun Rita.
"Ngayon, wala yun matatapang mong kakampi. Kawawa ka naman." Sabi naman ni Louise.
"Anong kailangan ninyo sa akin? Bakit ba ninyo ako sinusundan?" Tanong ko.
"Wala lang. Gusto lang namin makuha yun pag-aari mo. Hindi kayo bagay nun pinsan ni Val. Pangit ka!" Sabi uli nun Rita.
"Wala akong ginagawa sa inyo. Bakit ninyo ako ginaganito?" Tanong ko pa sa kanila.
"We don't like you. Maarte ka, di ka naman maganda. Yun mga taong inaayawan namin, dapat tinatakot." Pananakot pa sa akin nung Julie.
"Please, leave me alone. Aalis na ako." I declared.
Pero hinila nung Rita yun buhok ko at itinulak ako para matumba ako. Nabasa ang damit ko dahil napasalampak ako sa sahig ng CR. Nagsimula na akong maiyak pero ayokong umiyak. Kailangan kong lumaban. Kaya tumayo ako at tinignan sila ng masama.
"Aba! Lalaban ka?Matapang ka na?" Sabi nung Rita.
"Hawakan ninyo yun mga kamay, Julie, Louise! Ipapakita natin sa babaeng ito kung anong hinahanap niya." Sabi muli nung Rita.
Nagsimula na akong kabahan. Nagpumiglas ako pero para silang bingi. Kumuha ng lipstick yun Rita sa bag niya at nagsimulang magdrawing sa mukha ko ng kung anu-ano. Samantalang ang damit ko ay nilukot nila at parang basahang binuhusan ng tubig para magmukha akong madungis. Galit na galit ako. Wala akong magawa. Hindi sila tumigil kahit nagmamakaawa ako sa kanila na tigilan na ang ginagawa sa akin.
•••••••••
Sheena
Hinintay ko si Dei sa canteen. 15 minutes na siyang wala kaya nagsimula na akong mag-alala. Nakita ko ang tatlong bruha na papunta sa CR. Gusto ko man silang sundan kaya lang ayokong makipag-away ngayon.
Nakita ko ang boyfriend ni Dei na parang hinahanap siya. Kaya naman nilapitan ko ito para tanungin.
"Excuse me, diba ikaw si RJ? Ikaw yun boyfriend ni Dei?"
"Oo. Bakit? Nakita mo ba siya?"
"Hindi nga e. Sabi niya kanina papunta na siya dito sa canteen pero 15 minutes na wala pa rin siya. Asan na kaya yun?"
"Saan kaya siya pwede pumunta? Kasama ba niya si Val?"
"Ang alam ko absent si Val. Kaya nag-iisa yun. Teka kinakabahan din ako."
"Bakit?"
"Kase yun tatlong babaeng bully kanina parang may balak. Halika puntahan natin. Sa CR lang yun pwede pumunta na hindi sila makikita ng ibang estudyante."
Nagmamadali kaming nagpunta sa CR na tago sa karamihan. Alam kong doon lagi nag-CR si Dei. Wild guess lang. Sana nandun nga siya.
Pagdating namin ay nakarinig kami ng tawanan at iyak mula sa loob. Nakalock din ang pinto. Dinig ko ang boses ni Dei na nagmamakaawa. Nakita ko ang galit sa mata ni RJ.
Agad niyang kinatok ang pinto. Pero biglang tumahimik sa loob. Hindi nila binubukasan ang pintuan. Pilit namin kinakatok at tinatawag si Dei. Pero impit na boses lang at parang tinatakpan ang bibig niya para di makasigaw.
"Tatawag ako ng security ha. Diyan ka lang." Bilin ko kay RJ.
"Bilisan mo! Si Dei baka kung ano na ginagawa nila."
Tumakbo ako ng mabilis. Buti na lang nakasalubong ko ang janitress na may susi sa CR sa may di kalayuan. Bumalik kami agad at binuksan namin ang pinto.
Tumambad sa amin ang tatlong walanghiya na hawak-hawak si Dei habang sinasabuntan nung Rita at tinatakpan ang bibig.
Itinulak ni RJ si Rita at kinuha si Dei. Buti na lamang ay may ilang estudyante ang nakapaligid na roon kaya hindi makakatakas sila Louise. Tumawag ng ilang Professor ang mga estudyante para makita ang ginawa nila Rita.
"Okay ka lang Love?"
"RJ?"
Biglang nawalan ng malay si Dei. Agad naman siyang binuhat ni RJ. Pero bago siya umalis ay nagbanta siya.
"Hindi ako makakapayag sa ginawa ninyo kay Dei. Magbabayad kayo! Idedemanda ko kayo."
Ang tatlo ay agad dinala sa Dean's office. Doon na nila malalaman ang kanilang hatol. Mabuti na lang at na agaapan namin kung ano ang balak nila. May mga ganung klase pala ng tao. Walang kasing sama.
Sumunod ako sa kanila Dei sa Clinic.
I hope Dei is okay.
A/N Gusto ko ng tapusin ang character nila Louise. Goodbye na to them for good.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro