Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

41

Maine

When we came back from Subic after a 3-day getaway, balik eskwelahan bukas. Actually nasa Cloud nine pa rin ang feeling ko everytime titignan ko ang kwintas na bigay ni RJ. Napapangiti ako mag-isa habang nakatingin sa kisame. Hanggang natulog ako sa sobrang pagod sa biyahe. Pero it was worth it. I slept with a smile plastered in my face.

••••••••

Monday morning. Maaga akong nagising because maaga ang time ko sa school. And besides I wanted to go to school early na rin para makapaghanda ako sa pa-surprise quiz ng first period professor namin ni Val. Rj can't bring me to school kase pupunta daw siya sa site para makita yun project na siya ang nagdraft.

When I came to school wearing my typical rimmed glasses, nakasalubong ko ang notorious trio na sina Rita.

"Wow! Look who's here.." sabi nung Louise.

"Balita namin, ikaw ang syota nang pinsan ni Val. Ang galing! Paano mo nagayuma yun?" Sabi naman nung Rita.

"Well,well, well. Malamang isa kang mangkukulam. Anong meron sayo? Di ka naman kagandahan. Isa pa tignan mo nga yang ayos mo, para kang Manang!" Sabi nung Julie.

"Hahaha! Isa kang chaka! Ang pangit mo! Nakakasuka ka! Di namin alam, wala palang taste si RJ." Sabi ulit nung Rita.

Hindi ako sumasagot. Ayokong patulan ang mga babaeng ito. Naiinggit lang sila dahil di sila napansin ng boyfriend ko.

Pinagtitinginan na kami ng ibang estudyante. Ang ilan ay nagbubulungan na parang naawa sa akin. At ang ilan ay tumatawa.

"Hoy! Ano yan? Layuan ninyo si Dei. Mga walang magawa! Kababaeng tao ninyo, mga bully!" Sabi ni Sheena na kaklase rin namin nila Val.

"Huwag kang makialam dito kung ayaw mong madamay!" Sagot nung Louise.

"Ah ganun! Gusto ninyong sabihin ko kay Dean Marquez yang ginagawa ninyo? May video kaya ako ng mga ginawa ninyo. Ngayon sino natatakot?" Sagot ni Sheena.

"Girls, tara na. Baka mapahamak tayo. May araw ka din sa amin, Sheena! Tara na!" Yaya nung Julie.

"See! Mga duwag. Hanggang ganyan lang pala kayo. Tara na Dei. Huwag kang matakot sa mga yun, lahat na lang binubully nila. Ako bahala sayo." Yaya sa akin ni Sheena.

"Salamat ha. Dei Mendoza. Sheena, right?" Sagot ko.

"Oo. Sheena Halili. Kaklase kita sa Philosophy. Pasensiya ka na ha. Ganun yun mga yun. Kala nila sikat sila. Lahat kaya buwisit at inis sa kanila. Di naman mga kagandahan. Saan klase mo?"

"Okay lang. Thank you uli. Sa Reyes building ako. Saan ka?"

"Dun din ako. Room 104. Sabay na tayo."

"Sige. Salamat talaga, Sheena. Kungdi ka dumating malamang kung ano na ginawa ng mga iyon sa akin. Nakakatakot sila."

"Naku, huwag kang magpapa-api sa mga yun. Ang dali lang sindakin nun."

"Pero kase, di ako talaga palaaway."

"Oh I see. Anu nga pala ang pangalan nung friend mo? Val ba yun?"

"Oo si Valeen. Valentina Montenegro. Pinsan siya nung boyfriend ko."

"Kaya pala naiinis ang mga babaeng bruha sayo. Gwapo nung pinsan nun Val e."

"Paano mo nalaman? Nakita mo na si RJ?"

"RJ ba name ng boyfriend mo? Oo nakita ko na siya. Dati hindi ka pa ata nag-aaral dito, laging sinusundo yun si Val nung bf niyang maitim at yun pinsan niyang yun. Narinig ko lang sa ibang mga estudyante na pinsan niya yun gwapo kase halos lahat ng babae nakatingin sa kanya. Kasama na yun mga babaeng bruha."

"Ganun ba? Si Jerald Napoles yun bf ni Val."

"Kaya girl, maraming maiinggit sayo. Asahan mo na yang mga ganyan."

"Salamat ha."

"Welcome. O paano saan ka?"

"Dun ako sa Room 121. See you around Sheena. Sama ka sa amin ni Valeen sa Lunch."

"Sige. Sa Canteen na lang tayo magkita. Huwag ka ng magpapabully ha!"

"Okay. Salamat. See you, mamaya."

Although may kaba pa rin ako at baka biglang sumulpot uli sila Louise, nagpatuloy ako sa paglalakad. Hoping na maaga na rin pumasok si Val. Dumiretso ako sa room ko at dun muna naghintay. Wala pa si Val. Nagbasa-basa muna ako ng mga notes para if incase may pa-surprise quiz na naman ay makakasagot ako. Buti na lang may ilang mga kaklase na akong nasa room na rin. Medyo nakahinga ako ng maluwag.

•••••••••

Lunch time. Val and Sheena met na rin sa wakas. They clicked agad. Both with bubbly personality kase.

Eto na naman lumapit na naman ang mga bruha.

"Wow, dumadami na kayo?" Sabi ni Rita.

"Anong pakialam ninyo. Pwede ba layuan ninyo kami!"Sagot ni Val.

"Kaya pala ayaw mo kaming ipakilala sa pinsan mo kase binubugaw mo itong pangit na babaeng ito sa kanya. How pathetic!" Sabi ni Rita.

"Excuse me? Di kayo papansinin ni RJ. Kayo kaya ang pangit!" Sagot naman ng mataray na kaibigan kong si Val.

"Sinong pangit? Baka etong kaibigan mong four-eyes!" Sabi nun Julie.

"Pag kayo di umalis, i-upload ko sa facebook yun pambubully ninyo! Kala ninyo ha!" Sabi naman ni Sheena.

"Sige para lalo kaming sumikat." Sabi ng tangang si Louise.

"Ah okay. Sige wait. I-tag ko kayo ha!" Sagot ni Sheena.

"Wait! Tanga mo Lou! Gaga ka ba? Hinamon mo pa. Tara na baka nga iupload!" Hila nung Rita kay Louise at Julie.

"O ano kayo ngayon. Pero kahit na, iupload ko pa rin. Makikita ninyo. Kala ninyo lagi kayong makakalusot? Itag ko pa si Dean." Sigaw ni Sheena sa tatlong bruha.

Nanginginig sa takot ang tatlo na umalis. Samantalang kami ay nagtatawanan kase wala naman talagang video na hawak si Sheena. Tinatakot lang niya ang mga yun.

Nakita ko kung paano ako ipinagtanggol ng mga kaibigan ko. Lalo na si Sheena na bago ko pa lang kakilala. It's nice na dumadami na rin ang kaibigan ko.

We continued our lunch. Sabi namin everyday, kami ng tatlo ang sabay.

•••••••••

After school, sinundo ako ni RJ. Kasama si Je. Pinakilala ko si Sheena sa kanya. Buti na lang di niya naikwento ang mga naincounter ko kaninang umaga. Kundi, baka mabother na naman yun. Gusto ko ng kalimutan yun, dahil wala naman kwenta ang mga babaeng yun.

A/N Natuwa kase ako sa character ni Sheena sa DTBY. Gusto ko siya as a friend.

Ano nga kaya ang magiging ganap niya sa istorya natin? Don't worry, she will be a good help sa fanfic Dei natin. Promise. Iba ang gaganap na villain ng story.











Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro