Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

38

Richard

We arrived at around 10 in the evening. And because we have already have reservations, sandali lang yun check in. Tumuloy na kami sa kanya-kanyang room. Our room is opposite our friends. Magkakalapit. I got a two bedroom suite. Alam ko naman na hindi kami papayagan ng parents ni Dei kung one bedroom suite lang kukuhanin ko. And besides, I respect Dei. Especailly her parents. Hindi ako gagawa ng bagay na ikasisira ng tiwalang binigay nila sa akin.

I told Dei to take a rest. If she' s hungry, I can order room service. The group decided na separate muna ang activities ng girls and boys. Sabi namin may konting inuman lang. The girls will have a movie marathon habang kami ay nag-iinuman. Tomorrow naman kase ay whole day kaming magkakasama sa mga water activities. And isa pa, Pat requested din na gusto niya magkaroon ng exclusive girls bonding kase bihira niya makasama sina Dei and Val dahil Pat is already working. While Dei and Val are constant companions dahil magkaklase sila sa college. We gave way to Patty's request. Lingid sa kaalaman ng girls, may balak lang itong dalawang kasama ko. Magchicks hunting daw muna.

"Oi, di ako kasali sa kalokohan ninyo ha! Hindi ako approve diyan. Bahala kayong mabuking ng mga syota ninyo!"

"Hoy, RJ my man, basta walang magsusumbong. Atin-atin lang ito." Sabi ni Jerald.

"Oo nga, RJ. Minsan lang ito. Samantalahin natin." Segunda naman ni Sam.

"Mga gago! Kayo na lang. Matulog na lang ako sa kwarto o kaya sasali ako sa movie marathon ng mga babae." Banta ko.

"Ang KJ mo Paps! Sige na. Minsan lang naman." Pangungulit pa ni Je.

"Ayoko nga ng ganyan. Baka pag-awayan pa namin yan. Isa pa monthsary namin ni Dei bukas. Mamaya iwan tayo ng mga yun dito." Sabi ko.

"Paps, aminin mo na kase, andres ka no?" Dugtong na pang-aasar ni Jerald.

"Tama na yan, Je! Huwag na nga. Mag-inom na lang tayo. Mahirap nga baka mamaya mahuli tayo, tigpas ang third leg natin." Sabi ni Sam.

"Sige na! Nakakainis kayo, kj ninyo!" Asar talong sabi ni Je.

"Hahaha! O ano ka ngayon, balbon? Tama na kase harot. Kasama pati natin yun mga babae natin, mahirap mahuli no!" Sagot ni Sam.

Nakikinig lamang ako sa kanila. Kung itutuloy talaga nila yun balak nila, babalik na lang ako sa kwarto namin. Makikita ko pa dun ang love ko.

•••••••••

Pumunta muna kami sa convenient store para bumili ng maiinom at pulutan. Pagkabili ay pumuwesto kami sa isa sa nipa hut sa may tabing dagat. 

Sinimulan na namin ang inuman. Kung anu-ano ang napag-usapan. Trabaho, hobbies, current events, plans at lovelife. Ganun naman talaga. Akala lang ng karamihan na puro yabangan lang, sexual encounters at kotse ang topic ng mga lalaki sa inuman. Actually, anything goes naman talaga.

We continued drinking. Hindi nga halos kami tinatamaan kase nga napakalamig ng mga oras na yun.

Maraming babae ang napapatingin sa gawi namin pagdumadaan. Ang ilan ay nagpapacute. Pero hindi namin pinapansin. Pinipiit ko si Jerald na kumaway kase baka biglang lumapit yun mga babae. Pero dahil lasing na, huli na ng mahila ko ang kamay na kumaway.

Lumapit ang dalawang babae. Agad namang tumabi sa amin ni Sam.

"Langya naman, ako tumawag, kayo nilapitan. Ang lufet!" Maktol ni Jerald.

"Hi, boys. I'm Tiffany and this is Anna. Pwede ba kaming sumali? Wala kase kaming magawa." Sabi nung isang babaeng medyo maputi at matangkad.

"Ah miss sorry ha. Lasing na yun kasama namin. Hindi nya sinasadyang kawayan kayo. And isa pa may mga girlfriend kaming kasama. Pasensiya na pero hindi pwede." Sagot ko.

"Ay suplado! Ayaw mo ba mag-enjoy, Tisoy? Libre na nga kami oh." Sabi pa nung Tiffany.

"Sorry pero taken na ako." Sagot ko.

"Kung ayaw niya Miss, ako na lang." Sabi ni Jerald.

"Sorry na lang, pero di kita type. Tara na nga Anna, ang sususplado pala ng mga ito. Sayang gwapo pa naman." Sabi pa uli nung Tiffany.

At umalis na yun dalawang babae. Buti na lang at hindi nagtagal. Kinakabahan talaga ako kase baka biglang lumabas sila Dei. Yari kami pagnagkataon. Nakakainis din kase itong si Jerald e. Ipapahamak pa kami. Buti na lang si Sam tumigil na rin sa pangungulit. Kundi malamang ako lang ang tatanggi.

"Ikaw, Je gago ka! Mamaya lumabas sila Valeen. Yari tayo!" Sita ni Sam.

"Kase naman kayo ang kj ninyo! Minsan lang iyon o. Ang gaganda pa naman. Sayang." Maktol ni Je.

"E saan mo icheck in yun aber? Madala mo ba yun sa room natin? E paano kung hanapin ka sa amin ni Val? Ano sasabihin namin?" Tanong ni Sam.

"Ay, oo nga no! Tanga ko talaga. Di na nga! Sorry di na maulit!" Sagot ng gago.

"Buti naman naisip mo rin yan Je. Minsan isip-isip din ha! Palpak ka talaga! Sabat ko.

"Oo na. Pasensiya na, tao lang."  Sagot ni Jerald.

"Mag-inom na lang kase tayo. Tama na yun mga hokus pokus. Mahirap kaya yun mag-away pa tayo ng mga girlfriend natin. Di ko kakayanin yun, huy!" Sabi ko naman.

"Tama ka. Maganda na mga girlfriend natin, di na kailangan humanap ng iba."segunda ni Sam.

At nagpatuloy pa kami sa pag-inom. Halos maubos na namin yun mga beer in cans. Medyo lasing na pero kaya pa rin. Ala-una na ng umaga ng mga oras na yun. Miss ko na Love ko.

A/N Next chapter, yun mga girls naman. Sana kayanin ko mamaya. If not bukas na po. Thanks. Happy Valentines Day pa rin!









Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro