27
Richard
It's been two weeks since I last saw Dei. Miss na miss ko na siya. I've been trying to text her and even call her but her phone was off. Cannot be reached. Is she trying to avoid me? Natapos ko na kase yun project na assign sa akin and at the same time medyo nakahinga ako kay Janeth. She was busy kase she was assigned to head her team sa isang project kaya she was busy. Although bawas na yun trabaho ko, hindi pa rin ako nagka-time para makasama kay Jerald at makita si Dei. Lagi kaseng nakabuntot si Janeth at minsan naman si Mommy ang nakabantay. Di ko alam kung bakit pati ang mommy ko ay nagiging clingy sa akin sa mga panahong ito. Hindi kaya kinakasabwat ni Janeth si Mommy? Ewan ko. Close din kase silang dalawa. Janeth was the daughter my Mom never had. Kaya siguro malakas siya kay Mom at lahat ng hilingin niya ay ibinibaigay ni Mom. Samantalang ako naman ang tunay na anak.
I'm beginning to feel restless. Hindi ko magawa ang gusto ko. Lagi silang nakabantay. Ayoko lang maging bastos kay Mommy kaya sinusunod ko ang gusto nila. Pero kung ako ang masusunod, ayoko sa mga pinapagawa nila.
I want to breakfree. I badly want to see Dei.
Pagkagising na pagkagising ko, agad akong pumunta sa likod bahay. I wanted to see if Dei was there sa terrace nila. Pero saradong-sarado. Parang madilim sa kwarto niya. I waited a few minutes hoping na lumabas siya. Nilakasan ko pa yun boses ko when I called Manang para dalhan ako ng breakfast. Siniguro ko na maririnig niya, pero walang Dei na lumabas. Galit kaya siya sa akin? Kunsabagay, ang tagal ko ding hindi nagparamdam sa kanya. Siguro nagtatampo siya. I miss Dei. Nahihirapan akong hindi siya nakikita.
So I just stayed there, hanggang bago mag-lunch, still hoping na masisilayan ko siya. Pero wala pa rin. Walang anino man lang ni Dei ang lumabas. I want to go there sa bahay nila but Jerald told me that Dei said na ayaw nung parents niya sa akin. Hindi nga ako makaniwala sa sinabi nila Jerald. Dei's parents seem mabait naman. I can sense na may problema. And I don't believe na parents ni Dei yun. I want to know. I need to know. I will find out. Once na matakasan ko lang itong si Janeth at si Mommy, pupunta ako sa kanila Dei. But for now kailangan ko munang paghandaan yun event na inisponsor ng company. After this, I'm going to pursue Dei na. Hindi na ako mapipigilan nila Mom.
•••••••
Saturday. 8pm
Tonight is the company party. My Mom asked me to be Janeth's date. I wanted to decline pero my Mom was persistent. Wala daw ibang dapat maging date si Janeth. So kahit ayaw ko, eto ako bored to death dahil buong gabi ko makakasama ang babaeng ito.
I was drinking a shot of whiskey when I saw someone dear to me, Dei. Hindi ko ine-expect that I will see her here. She was wearing a simple laced navy blue sleeveless body- hugging dress. She was stunning tonight. All dolled up. Far from the simple Dei I know. I was mesmerized by her beauty. Kaya lang as soon as I saw her date, nagdilim ang paningin ko. Gusto kong sugurin yun lalaking kasama niya na nakahawak pa sa likod niya. He was so clingy and possessive of her. Gusto kong tanggalin ang kamay nung Ivan sa likod ni Dei at ako na lang ang gagawa nun sa kanya. Pero Janeth was persistent na pumunta kami sa dance floor para magsayaw. Ayoko sana pero wala akong nagawa. I know Dei saw me kase I saw her smirk upon seeing me. Parang may galit dahil biglang sumimangot ang mukha niya. Bigla din siyang umiwas ng tingin mula ng magkatitigan kami. Iniiwasan kaya niya ako? Nasaktan ako ng bigla niyang hilahin papalayo yun date niya papunta sa parents niya. I did not know na invited pala ang Mendozas sa party. If I have known, hindi ako papayag na makadate ni Janeth. Pero Dei has a date. Paano ko siya makakausap? Paano ko siya mailalayo sa Ivan na yun? Paano ko tatakasan etong si Janeth? Naiinis na ako! Bakit ba ganito?
Tinitigan ko na lang si Dei. Sinundan kung saan siya pupunta. Tinignan ko kung anong ginagawa niya. I wanted to talk to her. I should make a move now.
••••••••
I saw Dei went to the restroom. As soon as I saw her going there, tumayo ako without even saying anything to Janeth.
"RJ, saan ka pupunta?"
"Janeth pwede ba? Hindi na ba ako pwede mag-Cr?"
"Sorry. Sige go ahead. Balik ka kaagad."
Tinalikuran ko na si Janeth at hindi ko na siya sinagot. Dumiretso ako sa restroom. I wanted to talk to Dei.
Hinintay ko siya sa may pintuan. As soon as lumabas siya, hinila ko siya papunta sa likod ng venue. Nagpupumiglas pa siya pero hindi ko binitawan ang braso niya.
"RJ ano ba? Bitawan mo ako! Nasasaktan ako!"
"Dei, please let's talk. I want to know what's happening between us."
"RJ, walang tayo. Pwede ba bitiwan mo ako!"
"Hindi kita bibitiwan hangga't di ko nalalaman kung anong problema natin."
"Wala tayong problema, RJ. Hindi kita boyfriend so wala tayong dapat pag-usapan. Kung may girlfriend ka na,e di wow! Pabayaan mo na ako. Masaya na ako sa buhay ko."
"Wala akong girlfriend! Sino nagsabi sayo niyan?"
"Yun kasama mo girlfriend mo yun! Yun si Janeth, diba?"
"Oo. Siya si Janeth pero wala na kami. Ayoko na sa kanya."
"I don't care RJ. Please baka hinahanap na ako ni Ivan."
"Kayo na? Boyfriend mo na ba yun? How true na ayaw ng parents mo sa akin? Tell me!"
"Wala akong sasabihin sayo."
"Why? Ayaw mo sa akin? Akala ko may mutual understanding na tayo?"
"Wala tayong usapan na ganun, RJ. Wala! Aalis na ako. Ayokong makipag-usap sayo. Just let me go."
"Dei, please, I like you. I think I'm inlove with you na. Please naman kausapin mo ako. Bakit mo ko iniiwasan?"
Dei did not answer anymore. She kept her mouth shut. Hindi ko alam kung anong iniisip niya. She's still the pessimistic bella. Hindi niya sasabihin ang nararamdaman niya. I wanted to let her go pero kapag ginawa ko yun, alam kong lalo siyang lalayo. I wanted to make her see how important she is to me. Pero habang tinitignan ko siya, yumuko siya at itinatago niya ang luhang nagbabadyang tumulo. I feel the pain she's feeling right now. Ganun din ako. Walang kasiguraduhan. At this point di ko alam kung asan na ang relasyon namin. Di pa man nagsisimula, mawawala na agad.
"Dei, I'm sorry if iniisip mong may relasyon kami ni Janeth. Matagal ng wala. I love you, ikaw lang. I hope you know kung paano ko tinitiis na hindi ka makita. Hindi ko ginusto pero may mga circumstances kaya kahit text, di ko magawa. Sorry. Pero I was dying to text you. To call you. To hold you and kiss you. Everyday, nami-miss kita. Kahit hindi tayo, I knkw I want you. Ikaw lang. Please believe me naman Dei. Listen to me, please."
"RJ, let's leave it that way. You have Janeth beside you. I'm not good enough for you. Ang dami kong excess baggage. Hindi ko kayang mahalin ang sarili ko. How can I love you? I was torn. I need to heal. Ang dami kong takot."
"Dei, I'm willing to wait. Basta bigyan mo ko ng pagkakataon na iparamdam sayo ang pagmamahal ko. Let me love you , Dei. Please."
"Bahala ka, RJ. Pero I'm not promising anything. I have to go na. Baka hinihintay na ako sa table namin ng parents ko."
"I love you, Dei.. remember that."
A/N As promised. Bukas na lang uli. Matagal-tagal pa po ito. Pero hopefully hindi abutin ng forty chapters. Ayoko ng masyadong mahaba. Anyway, thanks for the votes and reads. Nakakataba po ng puso na nag-aaksaya kayo ng panahon sa istorya ko kahit madaming typo errors and most of the time, no proofreads. Just like tonight's update.
-ava-
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro