Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

21

Richard

As soon as I opened my eyes, naisip kong puntahan agad si Dei at dalawin sa bahay nila. Ngayon pa na magakapitbahay lang kami, wala ng dahilan para hindi ko siya mapuntahan. I was so happy. As in happy, because magkalapit lang pala kami ni Dei.

After my morning rituals, inutusan ko si Manang Fe na ihanda ang breakfast ko sa poolside. I was hoping dudungaw siya from her room. Habang kumakain, hindi ko maalis ang tingin ko sa room niya from where I am. But Dei has no plans ata to show herself. Kaya when I finished my food, kinuha ko ang susi ng kotse ko to go out. Pupuntahan ko siya. Pero bago ang lahat, bibili muna ako ng pwede kong dalhin sa kanila. Nakakahiya naman sa parents niya kung wala man lang akong regalo sa unang akyat ligaw ko.

••••••••

I was standing outside their gate. Bago ako magdoorbell, I checked myself. Ayos naman ako.

Hindi pa ako nakakadalawang pindot sa doorbell ng lumabas ang Mayordoma nila.

"Magandang araw po. Ano po ang kailangan ninyo?"

"Magandang araw din po, hinahanap ko po si Dei. Kaibigan niya po ako, ako po si RJ. Nakatira diyan sa kapitbahay."

"Ah oo. Kilala kita. Kayo ba yun amo ni Manang Fe?"

"Ah opo. Diyan po ba si Dei?"

"Oo. Pasok ka. Naglunch kase sila. Hintayin mo lang sila anak sa sala."

"Naku nakakahiya, naglunch po pala sila. Balik na lang po kaya ako after one hour?"

"Hindi na. Patapos na yun. Halika na sa loob. Sabihin ko kay Dei na may bisita siya.Ako nga pala si Manang Ruby, yaya ni Dei."

"Salamat po Manang Ruby."

At sumunod naman ako sa kanya. Iniwan muna niya ako sa sala. Habang nasa sala, iginala ko ang mata ko. Nakita ko ang portrait ng family ni Dei. Only child nga lang siya. Halos combination siya ng Mom at Dad niya. While looking at the picture, I can't help but feel afraid. Parang nakakatakot kase ang Daddy niya. Mukhang seryoso ito sa larawan nila.

Habang busy ako sa pag-ikot ng mata ko sa buong kabahayan ay bumalik si Manang Ruby.

"RJ, pinapapunta ka sa komedor ni Sir at Maam. Andun din si Dei. Sumabay ka daw ng lunch sa kanila."

"Naku, Manang nakakahiya."

"Hindi. Mabait ang parents ni Dei. Tara, samahan na kita."

"Sige po."

Sumunod ako kay Manang Ruby. Pagpasok na pagpasok ko sa dining area nila Dei ay agad ko siyang nakita. May katabi siyang lalaking medyo kasing edad namin. Pamilyar ang lalaki. Parang nakita ko na siya dito sa village.

"Good afternoon po. I'm RJ po, friend ni Dei, Sir."

Sabi ko habang bitbit ang isang dosenang bulaklak. Nakita ko si Dei na napayuko. Parang natatakot siya. Kinuha naman ni Manang Ruby ang bulaklak at pinaupo ako sa isa sa silya sa dining, katapat ni Dei, at katabi nung Ivan.

"Good afternoon din, Iho. Come on join us. Ruby, maglagay ka pa ng plato dito for RJ." Yun lang ang sabi ng Dad ni Dei pero ramdam ko panginginig ng tuhod ko. Nakakasindak palang umakyat ng ligaw sa babaeng gusto mo. Hindi ko naman ito naranasan kay Janeth dati.

"Rj Iho, don't be afraid. Nakakatakot lang talaga itong asawa ko, pero mabait yan, diba Hon?"

"Hmm.. sorry po, naistorbo ko po kase ang lunch ninyo."

"Hindi, RJ. Actually,it's good na may mga kaibigan na si Dei. Mabuti na nadalaw ka. Sa kabila ka lang pala nakatira? So kapitbahay din pala tayo, like Ivan Santillan here."

That's when I remember the guy next to Dei. Siya yun Ivan, isa sa mga anak ng homeowner dito sa village.

"Opo. Richard R. Faulkerson Jr. po."

"So anak ka pala ni Ricky ha? He was a friend in college. Ano ng pinagkakaabalahan niya?"

"Opo, Sir."

"Stop calling me Sir. Tito Teddy na lang."

"Bale po, we have our own construction company. Si Dad po ang CEO, ako po ay Architect sa kumpanya."

"Ah okay. It was nice na pareho rin pala kami ng business. Maybe we can do business with you some other time."

"Naku sige po Tito. Sabihin ko po kay Dad. Salamat po."

I was looking at Dei. Umiiwas siya ng tingin at medyo nahihiya pa rin. So nginitian ko siya at patuloy na sinasagot ang tanong ni Tito Teddy. Samantalang tahimik lang naman ang Mommy niya. While yun Ivan was busy eating naman.

"How about you, Ivan. Ano ang pinagkakaabalahan mo?" Tanong ng Dad ni Dei sa isa pang bisita nila.

"Well, I'm a model po. Ayaw ko po kase makigulo sa business ni Dad. Mas gusto ko po ng sariling diskarte. But I am a licensed Nurse po. And I'm planning sana to go to London to pursue my career."

"That's good to hear. I hope you'll be successful sa career path mo."

"Thanks Tito. I will."

"Let's eat. Baka lumamig ang food. Dei? Why are you quiet?"

Pansin ko nga na tahimik siya. Talagang mahiyain ang Dei ko. Kaya tuloy lalo akong naintrigue sa kanya. Andun yun mystery in her.

"Dad, I'm okay. I'm just listening sa inyo.. Go on."

So the lunch went well. Wala man lang akong chance para makausap si Dei dahil lagi siyang nakayuko o kaya nan ay nakatingin lang sa plato niya.

After lunch, naglakas loob na ako na himingi ng paumanhin para makausap si Dei. Hindi naman ako nabigo kase mabait naman pala ang parents niya, especially Tita Mary Ann. Pumayag naman sila agad. Samantala yun Ivan ay nanatili sa dining kasama nila Tito at Tita. Kami naman ni Dei ay nagpunta sa likod bahay, sa gazebo sa may poolside nila.

As soon as makapunta kami doon ay hinarap ko kaagad siya.

"Dei? Kelan mo pa nalaman na magkapitbahay tayo?"

"RJ, I'm sorry, pero lately lang. When I saw you swimming sa pool ninyo with your older brother."

"Kailan pa yon?"

"Basta. Kailan lang. Bakit mo ba kailang malaman? Now that you know, okay na yun, RJ. "

Nakita ko ang pamumula ng pisngi niya, alam kong hirap siyang aminin at sabihin ang totoo. Kaya hinayaan ko na lang.

"Okay. Sinabi mo. Basta I want you to know na palagi mo na akong makikita dito."

"Huy! Baka mapagalitan ako."

"Hindi yan. Ikaw ayan ka na naman. Mabait nga parents mo e."

"Basta, huwag everyday. Minsan lang please."

"Bakit?"

"Baka magsawa ka? Magkapitbahy na nga tayo o."

"Hindi ako magsawa. Please, Dei, let me show you."

"Bahala ka na nga."

"Fine. Ako bahala ha. Sinabi mo yan. Teka, why is it that Ivan is here? Nanliligaw ba siya sayo?"

"Ano?  Hindi no! Ngayon ko nga lang nakita yun."

"Talaga? So ako lang nanliligaw sayo?"

"Nanliligaw ka ba?"

"Bakit, no ba sa tingin mo?"

"Friends?"

"Hay! Kulit! Basta ako bahala."

I stayed there till 5:30 in the afternoon. Gusto ko pa sana magtagal kaya lang nakakahiya kung doon pa ako makikikain ng dinner. So I said goodbye to Dei and her parents. And I promised to visit Dei,  soon, if not, most of the time. I wanted to show them serious ako.

So when I went home, hindi nawala yun ngiti sa labi ko, kase unti-unti ko ng naaalis ang hiya ni Dei towards me. Konti na lang, she will open up for me..

A/N Napakahabang update. Kapagod bang basahin? Anyway, not sure kung kelan ang next.

No proofread. Sorry.

-ava-












Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro