
CHAPTER 7
CHAPTER 7
NAPAKAGAT ako sa ibabang labi ko habang tinititigan ang pintong nilabasan ni Kim. Hindi ko alam ang isasagot ko pero heto siya't patuloy hinihintay ang desisyon ko.
"Hindi ako naniniwalang ikaw siya." tanging nai-usal ko at madiing ipinikit ang mga mata bago umalis sa silid na 'yon.
"Jairess!" rinig kong tawag nila Sir pero hindi ko na sila tinapunan pa ng pansin.
Lutang na lutang ako at tila ba naglalakad lang ako sa ilalim ng buwan kahit ang totoo ay tirik na tirik na ang araw.
Napabuntong hininga ako matapos marating ang likod ng University kung saan may simpleng bench na maaaring upuan or kainan kapag lunch time.
Napatigil ako sa paglalakad ng makarinig ng hindi maintindihang ingay. Hula ko ay may nagbabato ng bato sa bakal siguro.
Then i saw him, si Kim.
"Hey," tawag pansin ko sakaniya.
Lumingon siya saakin saglit at ipinagpatuloy ang ginagawa.
"Why did you walk out?" i asked while looking at the ground.
"It's boring." simpleng sagot niya.
I shrugged i little before facing him.
"What?" he asked.
"Do... You have friends?" i asked.
Narinig ko ang mahinang tawa niya bago tumingala sa maliwanag na kalangitan.
"I wish, you know how our Classmates hate me right?" he said.
Nakita ko kung paano siyang ngumiti ng mapait, sa sobrang pait ay tila ba nalasan ko na ito.
"Why is that? Bakit ba ayaw nila sa'yo?" tanong ko, hindi iniisip na maaari siyang masaktan.
He just laugh a bit before turning his back on me.
"I'll go ahead, bye Jairess." aniya at iniwan ako roong nag-iisa.
IT'S already sunday. At base sa nabasa ko ngayon din gaganapin ang RPW GRANDMEET UP. Gosh I'm so excited.
Ni hindi na nga ako kumain sa bahay mahirap na baka magkagulo na naman dahil sa sagutan namin ni Sam.
Tinawagan ko kaagad si Sam para itanong kung nasaan na siya.
"Hey," she said in the other line.
"Saan kana?" tanong ko.
"Here na sa mall, malapit na ako sa Timezone, 'diba doon ang meet up? Since ang iba ay sa Quezon?" tanong niya.
"What? Sa Quezon tayo pumunta! Para mas madami tayong mameet na Rp'er!" ani ko.
Narinig ko ang tawa niya bago sinabing susunduin niya nalang ako. Nang dumating na siya ay kaagad akong sumakay sa kotse niya na ang nagmamaneho ay ang personal driver niya.
"Medyo malayo-layo 'yun, Jai." she said while combing her brown hair.
"It's ok, worth it naman kasi mamemeet ko rin sila Ate." sabi ko habang iniisip ang magiging reaction ng itinuturing kong ate sa RPW.
Tumagal nga ang byahe lalo na at traffic kaya kapag nagugutom ay humihinto kami sa drive thru. Nang makarating sa Quezon ay binasa ko uli ang post.
Nang matukoy namin ni Nell kung saan 'yon ay kaagad kaming dumeretso ro'n at nadatnan ang maiingay na teenagers. Ang dami!
There's a color code kung anong SH, BH , WH , or SBH. Hindi naman kami nahirapan ni Nell.
Naghiwalay muna kami upang makita ang mga friends namin. Halos mapatili ako ng makita ang Founder namin.
"Chayy!" I shouted and hug her tight.
Tuwang-tuwa rin siyang yumakap pabalik at ipinakilala saakin ang ibang member ng SH namin. Grabe sobrang nakaka-enjoy silang kasama.
Medyo maingay dahil sa mga nagrerequest ng song ang iba dedicated sa Ka rs nila, sana ol may jowa.
Nang matapos ang bonding namin ay hinanap ko si Nell para ipakilala siya sa ka SH ko.
Pero kaagad akong napahinto sa paglalakad ng may isang pamilyar na kanta ang tumugtog.
At ang pagsasalita ng isa sa RP'er na nagmamanage ng music.
"Request by Jace Montefalco! Labas mga Montefalco Men!"
His fav song!
Playing: Kay Tagal by: Mark Carpio.
Akala ko'y 'di pa handang,
Muling tumibok ang damdamin,
Ngunit bigla kang dumating,
Sa buhay ko....
'Di kailangang umimik,
Nagdadaldal lang sa tingin,
Saan ka man nanggaling,
Ba't ngayon lang...
Oh kay tagal kitang hinanap,
Oh kay tagal ko ring nangarap,
Na makapiling ka,
Oh aking mahal....
I could not move my body! Para akong puno na deretsong-deretso ang pagkakatayo ng marinig ko ang kanta. Mabilis kong inilibot ang paningin at pilit hinanap siya!
Kung siya ang nagrequest nandito siya! Kaagad akong tumakbo papunta sa backstage.
Pangakong hindi ka iiwanan,
At hindi pababayaan,
Oh anong saya,
Ang nadarama...
Takbo ako ng takbo habang ang kalabog ng puso ko ay kasinglakas ng speakers. Maging ang pagod at hingal ay hindi ko ininda kahit pa ilang beses nabangga sa ilang kakilala.
Naluluha ang mga mata ko habang patuloy ang kanta. It reminds me our memories! 'Yung first video call namin hindi man kita ang mukha niya, hindi man siya nagsalita, ramdam kong siya ang ka-vc ko. Dahil narinig ko ang nakakagaan sa loob niyang tawa.
"Jace Montefalco!" sigaw ko matapos matanaw ang backstage.
'Di kailangang magpanggap,
Walang kailangang baguhin,
Sadyang ginawa,
Para sa isa't isa...
'Di kailangang magmadali,
Buti nalang 'di pinilit,
"Jace!" hingal na hingal kong sigaw.
Napahinto ako ng makita ang nagbabantay sa backstage, teenager din tulad ko.
"Si Jace?" kaagad na tanong ko, hindi pinansin ang paghahabol ng hininga ko.
"Jace Montefalco?" tanong niya.
Sunod-sunod akong tumango.
"Kanina pa nakaalis. Nakakulay White siya, walang SBH or ano na ganoong kulay baka mahanap mo." aniya na nakangiti.
Kaagad akong nangiti at muling nagtatakbo hanggang sa mapahinto ng makita ang lalaking nakaputi, nasa tapat ng van at tila may kausap.
Kasabay ng pagngiti ko ay ang paghit ng chorus ng kanta.
Oh kay tagal kitang hinanap,
Oh kay tagal ko ring nangarap,
Na makapiling ka,
Oh aking mahal....
I waz about to run and hugged him in the back when he suddenly get inside na van.
Nayanig ang mundo ko at sinubukang humabol pero nabangga lamang ako sa isang tao.
Wala na, wala na si Jace.
"Hey, kanina pa kita hinahanap." sabi ni Nell na siyang nabunggo ko.
Tila tinakasan ako ng lahat ng lakas ko at mahigpit na napayakap sakaniya at tahimik na lumuha.
"Hey? What happened?" She asked.
"I almost touch him, Nell. But I'm late, again." I said while sobbing softly.
Hinagod-hagod niya ang likod ko at inaya na ako papunta sa sasakyan. Ni hindi na ako nakapagpaalam sa kaibigan ko.
Walang buhay akong nakasilip sa bintana habang iniisip ang mga nangyari. Ayun na eh! Makakausap ko na siya. Makakahingi na ako ng explanation!
But what the hell?! Bakit ganito parang ayaw ng tadhana na malinawagan ako.
"Nakita kaba niya?" Nell asked while still comforting me.
"N-No." i said while trying to hold my tears, but i couldn't.
"Shhh magkikita rin kayo, besided 'di ba ikaw na ang nagsabi. Kung kayo talaga ng isang tao ang para sa isa't isa, sino o ano man ang humadlang Diyos na ang gagawa ng paraan upang kayo'y mapagsama." aniya at niyakap ako.
Naisandal ko sakaniya ang sarili. Hindi ko alam ang gagawin, kung mas binilisan ko sana ang takbo, kung nilapitan ko sana kaagad siya.
Andami kong sana na hindi naman natupad.
"Nell, dapat minessage ko siya 'diba? Dapat sinabi kong pupunta rin ako. Dapat sinabi kong gusto ko siyang makita at makausap ng harapan 'diba? 'Diba Nell?" patuloy na iyak ko habang itinatanong sakaniya ang laman ng isip ko.
"Shh, magiging maayos din ang lahat Jai." she said trying to comfort me with her advice.
"Nell kasi, dapat tinakbo ko na dapat hindi ko na siya tinitigan pa at nilapitan nalang. Edi sana 'diba?" patuloy sa pagbuhos ang luha ko habang yakap yakap ako ng matalik kong kaibigan.
Kung alam ko lang na ganito kasakit ang umibig, hindi ko na sana sinubukan pa.
NAGISING ako ng maramdaman ko ang malambot na kinahihigaan ko. Maybe hinatid na ako dito ni Nell sa bahay at ipinabuhat nalang.
I'm sure Mommy will get mad at me.
Napabuntong hininga nalang ako at kinuha ang cellphone sa sling bag na dala ko kanina.
I was typing a chat to Founder Cha when Nell's rp acc mentioned me to something.
Nangunot ang noo ko at pipindutin na sana 'yon ng tumawag ang isang hindi kilalang numero. Aba paano nito nalaman ang number ko?
"Hello? Who's this?" kaagad na tanong ko.
Hindi kaagad nagsalita ang nasa kabilang linya, akmang papatayin ko na dahil puro kulig-lig ang naririnig ko ng magsalita ito.
"Jino?" tanong ko.
Tumawa siya.
"Nag hi lang ako nahulaan mo na, crush mo talaga ako." biro niya.
"Siraulo, malamang ikaw lang naman ang kilala kong may panget na boses." pang-aasar ko pabalik.
Narinig ko ang pagbuga ng kung ano kaya natawa siguro umiinom siya at naibuga niya.
"Hey! Ang gwapo-gwapo kaya, by the way you okay ba?" he asked.
"Why so concern Jino? Ikaw ata may crush sa'kin eh." biro ko dahil alam kong imposible iyon, maybe?
"Asa ka! Duh I'm your gwapo boybestfriend so i deserve to know, hindi puro si Nell nagtatampo ako kingina ka." aniya.
Natawa ako ng mahina dahil sa mura niya. Napaka talaga.
"Doing fine, i guess?" hindi siguradong sagot ko.
"Alam mo Jai, kung ayaw sa'yo ng tao 'wag mong pilitin—" sabi niya at biglang huminto.
"—baka pumayag." bulong niya kaya natawa ako.
"Sira ka talaga, teka nga paano mo nakuha number ko? Stalker kana ha?" pang-aasar ko.
"Gwapong stalker, wait duh binigay ni Nell matapos niyang ikwentong broken heart ka." sabi niya.
Aba't si Nell! Yari siya saakin kapag nagkita kami!
Magsasalita na sana ako ng muling nagvibrate ang phone ko. New notification.
Sinabi ko kay Jino na pag nagkita nalang kami nila Nell ko ikukwento sakaniya, hindi siya pumayag ng una pero tinukso ko siya ng tinukso kaya siya na mismo ang pumutol sa tawag.
Tatawa-tawa akong muling naglog-in sa Rp acc ko at tinignan kung bakit ako minention ni Nell sa isang post.
Tila pinagsakluban ako ng langit at lupa sa nakita.
Jace Montefalco in a relationship with Trisha Xie.
What the fvck? Halos ibato ko ang cellphone ko sa sakit na nararamdaman ko. How can he do that!?
Kakabreak lang namin! Ni hindi nga siya nagpaalam no'n at basta nalang umalis tapos ganito?!
"Napaka gago niya! I hate him! I hate him!" sigaw ko at pinagbabato ang unan sa kung saan habang ang mga luha ko ay tuloy-tuloy sa pag-agos.
Wala akong ginawa buong gabi kundi umiyak. Alam kong wala akong magagawa dahil sa una't sapol.
Alam kong hindi ko na hawak ang puso niya.
To be continue...
Shashaxxe
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro