Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 6

CHAPTER 6

"YOU okay Jai?" sabi ni Nell na nakapagpabalik saakin sa realidad.

"H-Ha? Syempre!" ani ko at pilit pinasisigla ang boses.

Nandito kasi kami ngayon sa Mcdo since linggo ngayon. Hindi ko pa nga namalayan ang pagdaan ng araw, masyado akong nalunod sa kaisipang saamin titira si Kimjaze.

Narinig ko ang mahinang tawa ni Jino kaya kaagad ko siyang sinamaan ng tingin.

"Umamin ka Jai, may gusto kaba kay Sir Keite?" nakangising tanong ni Jino.

Kaagad nanlaki ang mata ko. Ni hindi ko na nga iniisip ang ST na 'yon! Umamin sa'kin pero ayokong pumatol lalo na't ST namin s'ya!

"Siraulo kaba?" inis na ani ko.

"Chill, I'm just asking. So? You like him nga?" muli niyang tanong.

Napairap ako at nakiinom sa drinks ni Nell bago sumagot.

"Ofcourse not! He's our ST duh!" sabi ko at muling sumubo ng fries.

"Eh bakit simula ata matapos ang intrams tulala ka?" gatong naman ni Nell at nag-apir pa sila ni Jino.

"Alam niyo tumigil nga kayo, isa pa Nell kilala mo kung sino 'yung hanggang ngayon ay hinihintay ko." sabi ko at kumagat naman ng burger.

"Oo na, Oo na, teka nga mabuti nakalabas ka sainyo? E 'diba may maldita kamong naninira sa'yo sa Mom mo?" biglang tanong ni Nell.

Nitong buong linggo hindi ko mabilang kung ilang beses ba akong kinausap ni Mommy ng may kislap ng kasiyahan sa mga mata.

Napabuntong hininga ako.

"Yeah, pakiramdam ko nga wala na siyang pakailam sa'kin. 'Yun na 'yong mahal niya eh. 'Yung anak ng bagong asawa niya." sabi ko at napairap sa hangin.

"Okay lang 'yan Jai, andito naman ako." banat ni Jino at kumindat pa.

Binato ko siya ng fries at nagtawanan kami matapos itong mashoot sa bibig niya.

"Thank you for today." sabi ko matapos ay nagpaalaman na din kami.

Nagkawayan pa kami bago tuluyang maghiwa-hiwalay. Nang tuluyan akong makarating sa bahay ay muli akong napabuntong ng hininga. Heto na naman haharap na naman ako sa maldita kong step-sis.

Bago pa man ako makapasok ay natanaw ko si Kimjaze na naglilinis sa garahe. Nakasandong puti at basa na ang buhok marahil ay mula sa pawis.

Grabe bakit ang hot niya ngayon? Napatigil ako sa iniisip ng bumaling siya ng tingin saakin kaya agad akong nag-iwas.

"Sundate?" sabi niya ng madaanan ko s'ya.

"Nope." sabi ko lang at iniwan na siya roon.

Nang makapasok ako ay kaagad kong nakita si Sam na nasa bintana, nakahalumbaba at tila ba may pinapanood na kay gandang pelikula.

"What are you looking at?" asik niya at nakaayos na ng tayo.

Imbis na sagutin ay iniwan ko nalang siya ro'n at dumeretso sa kwarto ko. Agad kong inilibot ang paningin hanggang sa makita ko ang picture ni Daddy.

Napabuntong hininga ako at pinagmasdan kung gaano kasaya sa litrato ang aking ama.

"Dad? Bakit kailangang ganito? Bakit kailangang ganito 'yung sapitin ko sa ikawalang asawa ni Mommy? I know hindi mismo 'yung asawa niya pero 'yung anak niya Dad sumosobra na." ani ko at hindi na napigilan ang sariling maluha.

Tumawa ako ng marahan habang pinakakalma ang sarili. Ayokong maluha, ayokong magmukha sadgirl buset.

Ibinalik ko nalang ang picture ni Daddy at nahiga na sa kama.




MABILIS na lumipas ang oras at  Tuesday na kaagad ngayon. Sa bawat araw ay para akong kabute na madalang magpakita kay Sir Keite. Hanggat maaari ay iniiwasan ko talaga siya.

Naglalakad na ako ngayon papasok ngunit sa kamalas-malasan nga naman siya pa ang makakasabay ko.

"Jairess!" ngiting-ngiting tawag niya.

"Morning Sir." magalang na bati ko at tumango pa bago siya hinayaan do'ng mag-isa.

Inakala kong lulubayan niya na ako ngunit hindi! Sumunod pa saakin! Ngayon magkasabay na kaming naglalakad.

"Hey, Wait up!" he said.

Marahan niyang hinablot ang braso ko dahilan ng pagharap ko sakan'ya.

"Jairess, iniiwasan mo ba ako?" tanong niya, habang ang mga mata ay tila ba nagpapaawa.

"Hindi ba halata? Look Sir, kung ano man 'yang nararamadaman mo para saakin please stop it. Hindi tayo pwede, Sir. You're our Student Teacher and I'm just one of your students." paliwanag ko.

Nakita ko kung paano lumaylay ang kaniyang balikat at nabakas ang hindi maipaliwanag na lungkot sakaniyang mga mata.

Pero mali talaga, maling magkaroon ng kami.

Mali dahil alam ko sa sarili kong may hinihintay pa ako.

Narinig ko ang marahas na buntong hininga ni Sir.

"I'm sorry Ms. Colo." aniya at tumikhim pa, tila may tinatanggal sa lalamunang nakabara.

Hindi na ako sumagot at naglakad na palayo kay Sir matapos muling bumati ng paggalang.

Alam ko rin naman na napaka imposibleng magustuhan niya ako lalo na't nitong pasukan lamang kami nagkakilala. Masyadong mabilis.

Muling lumipas ang dalawang araw ng hindi ako pinapansin ni Sir. Maging ang sa pagtuturo sa tuwing sasagot ako ay hindi niya ako tinatawag! Arghh nakakainis!

Paano ako magkakagrade?!

Wala ako sa mood ng pumasok ako Thursday na mabuti naman at malapit na uling mag Friday gusto ko ng pahinga!

"Stress?" halos mapatalon ako sa gulat ng biglang may magsalita sa tabi ko.

Si Kimjaze!

"Hindi naman." tanging sagot ko.

Hindi ko na narinig ang sagot niya at nauna na saakin papasok. Napaka talaga!

Bakit ba hindi nila tinatapos ang conversation?! Kaya ang lamig ng convo nila eh! Dejoke.

"Yo! Aga ah!" bungad ni Nell ng makaupo ako.

"Anong maaga?" kunot noong sabi ko.

"Ang aga ng busangot mo." aniya.

Umirap nalang ako sa hangin at hindi na sana siya papansinin ng may ipinakita siya saakin.

"Ano 'yan?" tanong ko.

"Selpon tanga." binatukan ko naman siya dahil sa kapilosopohan niya.

Tinignan ko ang phone niya at doon ko nakita ang RPW GRAND MEET UP! Seryoso?

"Paano mo nakita iyan?" tanong ko.

"Duh, I'm old Rp'er remember?" aniya at ngumisi.

"Kailan? Lahat ba dadalo?" tanong ko, halata ang excitement sa pananalita.

"Sa sunday na, and look at this." sabi niya at muling ipinakita ang cellphone saakin.

Kaagad kumabog ang dibdib ko ng kay bilis ng makita kong muli ang pangalan niya! Si Jace bumalik!

"Kyahhh! Punta tayo!" aya ko.

"Hmm let me think first." aniya at humawak pa sa baba niya.

Agad kong ipinulupot ang braso ko sakaniya para magpaawa. Nakita ko naman kung paano siyang natawa at tumango-tango.

"Talaga? Nays!" masayang sabi ko.

"Sus gusto mo lang makita si ano eh." makahulugang sabi niya.

"Hindi noh! Hindi ko nga siya chinat kahit nakabalik na siya!" depensa ko.

"Sus ngayon mo lang kamo nakitang nakabalik na! I swear Jai kapag nagmakaawa ka do'n na makipag balikan nako! Hindi na tayo pupunta sa RPW GRANDMEET UP kuno na 'yan." sabi niya.

Tinawanan ko lang siya at umayos na rin kami ng upo dahil nandito na si Sir Keite.

Seryoso ang mukha at inilibot ang tingin sa buong klase.

Nang nasa gitna siya ng klase ay iniba niya ang usapan na siyang nakapagpabuhay sa dugo ng mga kaklase kong tamad mag-aral.

"Do you know RPW guys?" tanong niya.

Kaagad nagtaasan ng kamay ang mga babae kong kaklase, nagbabakasakaling mapansin.

May pinatayo siyang isang babae na kaagad sumagot.

"Yes Sir, it's a fake world na mayroong mahahalagang rule, unang una ay ang Golden rule which is—" kaagad naputol ang sasabihin niya ng sumabat si Len.

"No OP related." sabi niya.

Inirapan siya ng naunang sumagot dahil nag bida-bida na naman siya.

Tss, hindi na ata talaga mawawala sa isang klase ang bida-bida!

"Anyone else?" tanong ni Sir at muling nagtawag.

"Role Play World a fake world where the presence of Silver Rule forbids everyone to fall in love." mahabang sabi ng pinakamatalinong kaklase namin.

Oh? Nag a rp din pala s'ya?

"Yeah, and I'm one of those people who broke the Silver Rule." biglang sabi ni Sir at kaagad napako ang tingin saakin.

Ano na naman 'to?

"I enter RPW to have fun, but accidentally when i was flirting girl, i fall." aniya kaya halos lahat ng babae saamin ay napa-aww na akala mo ay kinikilig.

"I wasn't expecting that! But believe me or not everytime I'm having a conversation with her a long nor short. I know that I'm already loving her." dagdag ni Sir na ikinagulat ng lahat.

"Anong name mo sa rp Sir!" biglang tanong ng kaklase naming babae.

Imbis na sagutin siya ni Sir ay muli itong nagsalita.

"But before our first anniv. I broke with her." he said in a low voice.

Everyone seemed to be shock, ofcourse I am too!

What if? He is Jace— no that's impossible. Napailing-iling ako dahil sa naisip. Hindi pwede 'yon dahil kung oo dapat una palang naramdaman ko na.

"Why naman gano'n Sir!" sabi nang kaklase naming lalaki.

"Dahil ayoko ng sa pekeng mundo kami may relasyon. Ayokong patuloy naming itago ang totoong kami." sabi niya at ngumiti ng tamis.

Muling nagtama ang tingin namin this time plapit na siya ng palapit!

"Hi Jim Fvckerford I'm Jace Montefalco, would you let me to have a second chance?" he said infront of me!

I'm so shock! What the hell?!

Narinig ko ang tilian ng mga kaklase ko. Ang iba pa ay panay ang tulakan kaya may nagkakanda subsob sa bangko.

"Yiii Sana ol!"

"Woii Jairess sagot!"

"Ehe ikaw na gurl!"

Ilan lang sa sigawang narinig ko.

Gulong gulo ako! Sinabi niyang siya si Jace pero bakit ayaw tanggapin ng kalooban ko?!

Bakit hindi ko maramdaman 'yung kabang nararamdaman ko sa tuwing kachat ko siya?! Bakit?

"Jairess? I know you're shock and hindi ka makapaniwala, but I'm here now baby. I'm here can i atleast receive a hug?" sabi niya habang may masuyong ngiti sa mga labi.

Idinipa pa ang braso, naghihintay ng yakap na hindi ko alam kung dapat ko bang ibigay.

Hindi ko alam kung saan ako dinala ng isip ko at hindi ko namalayang lahat sila ay hinihintay ang isasagot ko. Tilian nalang ata ng mga kaklase ko ang naririnig ko at wala ng iba.

Naramdaman ko ang pagsiko saakin ni Nell kaya kaagad ko siyang hinarap. Naguguluhang nakipagsukatan ng tingin sakaniya.

"Boba, hinihintay niya sagot mo!" pasigaw na bulong niya, narinig pa ata ni Sir Keite dahil mahina siyang natawa.

Huh? Sagot ko? Anong isasagot ko? 'Yung mga katanungang nabubuo sa isip ko? Nababaliw na ata talaga ako.

"A-Ano, k-kase—" hindi ko alam ang sasabihin ko!

Ni hindi ko nga siya matapunan ng tingin! Hinarap ko siya at magsasalita na sana ng may padabog na tumayo at padabog na lubas sa pinto!

Kimjaze...


To be continue...


Shashaxxe

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro