Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 4

Chapter 4

"UY Jai ayos ka lang?" tanong ni Nell kinabukasan.

Dahil hindi ko na sila binalikan pagkatapos ko silang iwanan.

"Sorry Nell, may ginawa lang." sabi ko.

"May ginawa pero bakit namumugto ang mata mo?" nakataas ang kilay na aniya.

"W-Wala 'to." pag iwas ko.

Magsasalita pa sana s'ya ng maunahan s'ya ng Class President namin.

"Guys wala daw klase ngayon, dahil iaadvance ang Intrams." sabi nito.

Agad naghiyawan sa tuwa ang ilan. Hamakin mo? June palang Intrams na? Usually kasi August s'ya eh.

Nagtaas ako ng kamay upang magtanong.

"Pres. 'Diba dapat sa August pa?" tanong ko.

"Oh? Ni-move ang Intrams dahil ang August ay para sa mga athlete. That's why sobrang aga ng Intrams i know nakakabigla pero 'yun ang sinabi saamin kahapon kaya may ilang booths na din ang nagkalat sa labas " sabi ni Pres.

Pinaliwanag n'yang nuong isang araw pa sila nasabihan do'n at kahapon lang uli nag meeting upang mag-ayos.

Lahat yata ng nakakasalubong namin ni Nell na istudyante ay masaya. Sino bang hindi? Intrams ang pinakamasayang school activity.

"Hulihin lahat ng naka Blue!" sabi ng SSG President.

Nanlaki ang mata namin ni Nell ng mapagtantong kasama kami sa nakablue! Paano by grade ang color and dahil grade 10 kami binigyan kami kanina ng blue t-shirt.

Kaagad kaming kumaripas ng takbo ni Nell. Hanggang sa marating namin ang likod ng University.

"Busettt kinabahan ako! Wala pa naman akong pambayad pag napunta ako sa Jail booth!" aniya.

Natawa ako bago hinihingal na kumapit sa balikat n'ya.

"Ano pa kaya ako? Kanina kaya may humablot sa t-shirt ko buti mas bumilis takbo ko." tatawa-tawang sabi ko.

"Kaya pala muntik mo na akong iwan!" singhal n'ya bago sabay kaming natawa.

Napaupo kami sa isang gilid para mag-ipon ng lakas. Panigurado marami ng nahuli at nakakulong ngayon sa Jail booth. Makakalabas ka lang do'n kung may tutubos sa'yo or may pambayad ka.

"Ahaaa! Nandito pala kayo ha!" sigaw ni Jino na kadarating lang.

"Huwag mong sabihing huhulihin mo k-kami!" nauutal na ani Nell.

"Oo sayang ang 10 pesos noh" nakangising aniya.

"Sira! Grade 10 ka din dapat mahuhuli ka din! Bakit 'di ka naka blue ha?" panghuhuli ko sakan'ya.

Agad s'yang natawa bago kakamot-kamot sa batok na umupo sa tabi namin.

"Aba ayokong makulong sa Jail booth, 10 pesos din 'yun noh!" angal n'ya na tinawanan namin.

"Madaya ka!" singhal ni Nell.

"Mautak lang." sagot ni Jino at kumindat pa.

"Pero seryoso huhulihin mo kami?" tanong ko at nakaamba na sakan'ya ng suntok.

"Ahh, hehe syempre hindi Jairess chill ka lang." kunwaring takot na sabi n'ya.

Natawa kaming pareho ni Nell. Mabuti pala at kahit papaano naging close namin si Jino. Mabait naman pala eh.

We're about to leave that place when someone spoke.

"Gotcha students!" Sir Keite!

"Hala Sir! Huwag mo naman kaming ipahuli." sabi ni Nell habang nagpapacute.

Pfft crush pa rin n'ya siguro si Sir.

"Sure, pero sa isang kundisyon." tila natatawang sabi ni Sir.

"What is it?" sabay-sabay naming tanong.

"Come with me." he said while looking at my eyes straightly.

"Ako ba Sir, shige na nga ehe." maharot na sabi ni Nell kaya natawa si Sir.

"Sorry Nelly, I'm asking Jairess." he said.

Nakita ko kung paanong pabirong sumimangot si Nell. Hindi naman kasi s'ya nagseseryoso sa mga crush n'ya. Loka-loka eh.

"Eh? Why me?" tanong ko.

"Sus baka Sir baka ako gustong kasama." mayabang na sabi ni Jino kaya kaagad ko s'yang hinampas sa braso.

"Kapal." ani ko.

Natawa si Sir bago walang sabi-sabi akong hinila palayo kala Nell. The hell?! Why me?

"Sir, bakit nga po ako?" pangungulit ko.

Papasok kami ngayon sa horror booth. Grabe kahapon lang nag-ayos pero ang ganda ah! Infaireness.

"Nah, gusto ko lang na tulungan kang mag liwaliw? Alam ko kasing masakit ang iwanan." sabi n'ya.

Yeah masakit nga, sobrang sakit pero kaya ko pa naman, siguro?

Magsasalita na sana ako ng bigla akong mapatili dahil sa biglaang paglabas ng putol na ulo!

"Ayy hatdog ka!" sigaw ko at mahigpit na napakapit kay Sir Keite na tawa ng tawa.

Potek ka Sir! Porket gwapo ka gaganyan ka na?!

Napuno ata ng sigaw ko ang bawat parteng daanan namin ni Sir sa loob ng horror booth. Kaya ng makalabas ay parang uhaw na uhaw ako.

"Water?" alok n'ya.

Agad ko 'yong kinuha at uminom.

"Thank you Sir, ay teka 'yung panyo mo nasa bag ko mamaya bigay ko." sabi ko.

Hindi madaling mag move on oo. Pero siguro way na din 'to para sabihin saaking hindi talaga laro ang pag-ibig. Hindi masayang makipaglaro sa karelasyon kasi at the end pwedeng ikaw ang masaktan.

Sabagay bata pa naman ako madami pa akong makikilala, kahit ang totoo'y gusto kong s'ya na ang itinadhana.

"You okay?" puna ni Sir ng tumayo ako.

"Balikan ko na mga kaibigan ko Sir, nag-enjoy po ako." nakangiting sabi ko.

Ngumiti s'ya saakin.

"Oh sure, bukas uli? If it is okay? Mas masaya kasing maglibot bukas, mas madaming booths." sabi n'ya.

"Bukas kasama na sila Nell Sir! Sige bye!" paalam ko at dali-daling umalis do'n.

Grabe naman kasi noong first day of school lang kami nagkita pero parang kilalang-kilala na n'ya ako. Yes he comfort me when i needed someone to talk. But that doesn't mean na pinagkakatiwalaan ko na s'ya ng lubos.

Iba na ang panahon ngayon, idagdag pang ST ko lang s'ya. Student Teacher.

Nagulat ako ng madatnan ang upuan kong may flower. Lumapit ako at kagaad kinuha ang bulaklak. Isang tangkay ng puting rosas pero malalaman mong napakamahal.

May nakita akong note na nakapulupot sa mismong stem ng bulaklak kaya kaagad ko itong binuklat.

"I like your smile, no I like the all of you"

—M

Kaagad nangunot ang noo ko. Sinong M? The hell? Or maybe nagkamali ng lagay ng upuan?

Wala naman akong manliligaw or something.

"Kyahhh sana ol!" biglang hiyaw ng pamilyar na boses.

Sila Nell at Jino!

"Hala bes ikaw pala ang type ni Sir ayiii." sabi n'ya at dinurot ang tagiliran ko.

"Sira, hindi bigay ni Sir 'to. Pagdating ko dito nandito na sa table ko." nagtataka paring sabi ko.

Nanlaki ang mata mga mata ni Nell at Jino.

"Wow, ganda naman ni Jai may secret admirer." pang-aasar ni Jino.

"Eh, kanino galing 'yan? Don't tell me habang kayo nung RP bf mo may nanliligaw na sa'yo?" sabi n'ya.

"Sira ka Nell, alam mong mahal na mahal ko s'ya. I even admit myself as a taken even though we just have a relationship online." sabi ko at malungkot na nangiti.

Kung sakan'ya siguro galing 'to matutuwa ako. Kung galing lang sana kay Jace... Pero imposible,sobra.


"MANANG naihanda n'yo na ho ba ang kwarto ng boyfriend ko?" rinig kong tanong ni Sam kinahapunan ng makauwi ako.

May boyfriend s'ya? Edi sana all.

"Hindi pa iha, hindi pa naman nagdedesisyon si Madam." sagot ni Manang.

Narinig ko ang pagdabog ni Sam bago nagsalita.

"Bakit hindi?! Tss, I can talk to Mommy!" inis na sabi nito bago lumabas sa kusina dahilan para magkita kami.

"Oh nandito kana pala? Sorry ha akala ko kasi pader." nakangising aniya.

At dahil nasa mood akong makipag trashtalk ay nginisihan ko din s'ya.

"Ah? Ako ba 'yung pader? Last time i check wala pang Cup A ang size ng bra mo." nakangising ani ko.

"What did you just say?!" nabuburyong sabi n'ya.

"Sabi ko–" humakbang ako at mas inilapit ang mukha ko sa mukha n'ya.

"–flat chested ka." sabi ko at nakatawang tinalikuran s'ya.

Maglalakad na sana ako palayo ng marinig ko ang sigaw n'ya.

"We're not done yet Jairess!" sigaw n'ya.

So she actually know my name huh?

Nang makapasok ako sa kwarto ko ay kaagad akong nagbihis upang makahiga sa kama. Masyado akong mapagod hindi pa man gano'n kadami ang booths.

Na assign kasi ang section namin para gumawa ng photo booth. That's why nagdesign din kami.

Mukha nga akong organizer kakademand sa mga kaklase ko. Hindi naman sila nagagalit kasi magaganda ang nagiging bunga.

Nag-online ako sa real acc ko at may nabasang chat do'n. Hmm? Sino naman kaya 'to?

Mik: Yo beautiful, did you get the flower?

Agad nanlaki ang mata ko sa nabasa what?!

Sino 'to?! Bakit alam n'ya ang tungkol sa bulaklak? Could it be?

Could it be na s'ya ang nagpadala no'n?! Pero bakit?!

What the fudge?


To be continue....



Shashaxxe

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro