
CHAPTER 3
Chapter 3
Nagising ako matapos maalipungatan. Umaga na pala. Halos nakatulugan ko na ang pag-iyak kagabi. Pagkatapos kasing sabihin 'yon ni Jace ay naglog-out na s'ya.
Napabuntong hininga ako ng makita ang sarili sa salamin. Shocks mukha akong zombie dahil sa pamamaga ng mata ko.
Agad na akong kumilos para maligo at mag-ayos. Honestly, hindi ko alam kung hanggang ngayon galit si Mom.
Nang matapos ko nang gawin ang mga gagawin ko ay bumaba na ako dala ang bag upang mag-agahan.
"Can we talk?" bungad saakin ni Mom ng makita ako sa hapag.
"Opo." sagot ko.
Tumayo s'ya at naglakad kaya sumunod ako. Narating namin ang hardin ng aming bahay bago s'ya pumihit paharap sa'kin.
"Bakit ginawa mo 'yon? Jai hindi kita gan'yan pinalaki 'diba?" tila nakikiusap na aniya.
Lumunok ako at nag-iwas ng tingin hindi ko s'ya kayang tignan na para bang nagmamakaawa.
"Mom hindi ko naman ginawa 'yun eh. Ginawang basahan ni Sam ang kahuli-hulihang damit na binigay ni Dad. She even say na sakan'ya na ang kwarto ko kaya tumakbo ako tapos no'ng naabutan n'ya ako sinabunutan n'ya ako kaya naitulak ko s'ya. Mom—" hindi ko natapos ang sasabihin ng bumuntong hininga s'ya.
"Jai please, show some respect. Kung ano man 'yung nagawa ni Sam intindihin mo nalang. Ayokong masira kami ni Tito Samuel mo dahil sa hindi n'yo pagkakaintindihan ni Sam." sabi ni Mom.
Tumango nalang ako bilang pagsang-ayon. Kahit pa nga ang sama ng loob ko. Wala eh ayokong mahirapan si Mom.
"Okay, Sorry Mom." sabi ko.
She smiled at me and hug me.
"Mm, eat now may pasok ka pa. Love you." sabi n'ya at kinurot ang pisngi ko.
Ngumiti na ako ng malapad at magka-akbay kaming bumalik sa hapagkainan.
Pansin ko man ang masamang tingin ni Sam saakin habang kumakain ay hindi ko na pinansin. I don't have a choice.
Mabilis kong tinapos ang pagkain at nagpaalaam na kay Mommy.
"Tara na po Kuya." sabi ko sa driver ng makita s'ya.
Tumango si Kuya bago pumasok sa kotse ng makapasok ako.
Mabilis ang naging biyahe lalo na at lutang ako. Andami-dami ko na namang iniisip.
Nang makarating kami sa UOB University of Bonifacio. Ay mabilis akong bumaba ng kotse, walang paa-paalam.
Hanggang sa nakita ko nalang ang sarili kong naglalakad sa hallway mag-isa. Nagulat ako ng may biglang umakbay saakin akma ko na itong sisikuhin ng marinig ko ang pamilyar nitong boses.
"Yo Jai, lalim ng iniisip ah." sabi ni Jino.
"Gano'n talaga pag maganda." biro ko.
Narinig ko ang malakas n'yang pagtawa pumalo-palo pa sa kan'yang hita kaya napahinto ako sa paglakad.
"Oh bakit? Totoo naman ah?" sabi ko at pilit pinatataray ang aking itsura.
"Saang banda 'yung ganda mo?" pang aasar n'ya.
"Duh nasa dugo namin ang pagiging maganda kaya wag ka." ani ko at inungusan s'ya.
Muli s'yang tumawa bago sumagot.
"Bakit gano'n? Nasa dugo mo lang hindi umabot hanggang mukha." aniya at nagtatakbo na.
"Mamaya ka sa'kin!" sigaw ko.
Tumawa lamang s'ya at nagpatuloy sa pagtakbo. Ang siraulo na 'yun?! Nakoo.
Umirap nalang ako sa hangin at dumeretso na sa room ko. Sa hindi inaasahan agad dumapo ang aking paningin sa lalaking nasa likod ng upuan namin ni Nell.
Si Kim, hindi s'ya late.
"Jai!" tili ni Nell ng makaupo ako.
"Huy, ingay mo!" ani ko at tumawa, tila ba walang iniisip na problema.
"Sorry naman hihi." sabi n'ya.
Hindi na nagtagal ang pagdadal-dalan namin ng dumating na si Sir Keite.
Bakit kaya lagi si Sir Keite? Nasaan ang adviser namin? Eh ST palang naman s'ya.
"Good morning class." bati ni Sir, nagsitayuan kami at bumati pabalik.
"Sabi ng adviser n'yo which is Maam Kella Saiño na ako muna ang magturo sainyo since madami pa s'yang inaasikaso. And she'll give you and exercises pagbalik n'ya para malaman kung may natutunan kayo." mahabang paliwanag ni Sir.
Matapos ng sinabi ni Sir ay nagsimula na ang klase habang ang utak ko ay patuloy sa paglalayag sa kung saan.
Hindi ko namalayang lunch na kung hindi pa ako kurutin ni Nell.
"Huh?" tanong ko.
"Tara 'ka ko lunch na, hinihintay na tayo ni Jino" sabi n'ya at tumayo na.
Sumunod ako sakan'ya bago nagtanong.
"Paano mo nasabing nandun na s'ya?" tanong ko.
"Siguro text mate na kayo noh! Ayiii." panunukso ko at dinurot ang tagiliran n'ya.
"Sir hindi ah! Pumunta lang s'ya dito kanina. Ikaw 2019 na 'di ka parin nagbabago." pang-aasar n'ya.
Dumila lang ako at nagpatuloy na kami sa paglakad papuntang Cafeteria. Nang makarating do'n aya agad kaming umorder at naupo sa table kung saan kanina pa naghihintay si Jino.
"Antagal n'yo!" tila bugnot na sabi nito.
"Arte mo, sana nauna kana kumain." sabi ko at umirap.
"Uyy sungit, may dalaw ata." rinig kong bulong ni Jino, habang si Nell ay tinawanan lang s'ya.
"Heh!" inis na ani ko at sumubo bago kinapa ang phone ko.
Binuksan ko ito at naglog-in sa RP acc ko. Pero 'yun ata ang pinagsisisihan ko. Ang makita ang reply saakin ni Jace.
Jace: Those I love yous were just lies. And hell, I'm having a good time playing with you. But I think that's enough, I can't keep pretending that I love you too.
Jace: Sorry Jim, let's break up. Goodbye.
Hindi ko alam ang gagawin matapos kong mabasa ang reply n'ya. Like the hell? Is this true? Okay naman kami no'ng nakaraan. He even call me!
Parang pinagsakluban ako ng langit at lupa na tumayo nalang basta.
"Saan ka pupunta?" rinig kong tanong ni Nell.
"D'yan lang." tanging sagot ko at iniwan sila ni Jino.
Hindi ko alam kung saan ako pupunta, hanggang sa dinala ako ng mga paa ko sa Library. Walang katao-tao kundi ang Librarian.
Pumasok ako at pumunta sa pinaka tagong parte. Muli kong binasa ang mensahe mula kay Jace, kahit pa alam kong durog na durog na ako.
I didn't expect this!
Sunod-sunod na tumulo ang luha ko habang paulit-ulit na nasasaktan sa nababasa ko. He even deactivated his account.
Ngayon wala na akong ibang paraan para makausap s'ya. Kung hiningi ko lang sana ang Real acc n'ya. Kung nalaman ko lang sana ang itsura n'ya.
I enter RPW for fun but it looks like ako 'yung napaglaruan.
Jace know my face, pero ni minsan hindi ko pinagsisisihang ipakita sakan'ya ang totoong ako. Kahit pa nga ayaw n'yang ipakita 'yung sakan'ya.
Napasubsob ako sa aking braso at doon walang ingay na umiyak. Hanggang sa hindi ko namalayang nakatulog ako.
NAGISING ako ng marinig ang paulit-ulit na bulong saaking tainga.
"Magagalit ang Librarian oras na makita kang natutulog dito." mulang sabi ng tinig.
Agad akong napabangon at kinusot ang aking mata. Bumaling ako sa taong panay ang bulong saakin..
Si Sir Keite!
"Hi Miss, Jairess." nakangiting bati n'ya.
"Hala Sir.." nauutal na ani ko ata agad napalingon sa orasan..
Ghad! Uwian na!
"Kaya pala hindi kita nakita kanina sa klase." nakangiting bati ni Sir, tila masaya pang-absent ako psh.
"Sorry Sir, hindi ko kasi namalayan ang oras." paumanhin ko.
Ngumiti s'ya saakin ngunit agad nangunot ang noo matapos titigan ang mata ko.
"Did you cry?" he asked.
"Ahh wala 'to Sir." ani ko at hindi napigilang bumuhos ang luha matapos maalala ang mga mensahe ni Jace.
"Here, by the way why are you crying?" tanong n'ya habang iniaabot ang panyo n'ya.
Dali-dali ko 'yong tinanggap at ipinunas sa pisngi ko.
Tumawa ako ng peke bago nagsalita.
"Sauli ko nalang 'to bukas Sir, salamat at pasensya na." nahihiyang ani ko at akmang aalis na upang iwasan ang tanong n'ya ng bigla n'ya akong hilahin palabas ng Library.
"Now talk, bakit ka umiiyak?" tanong n'ya.
Hindi ko na kinaya at napaupo ako bago nagsimulang magsi-agos ang luha ko.
"H-He broke up with m-me.." maikling sabi ko at napahagulgol na.
Narinig ko ang pagbuntong hininga n'ya hanggang sa naramdaman kong niyakap n'ya ako.
This time hindi ko na kailangang mag-inarte dahil alam ko kailangan ko ng comfort ngayon.
"I'm sorry if I asked. Stop crying Jairess, he's not worth it to your tears. He's an asshole for letting you go." sabi n'ya habang hinahagod-hagod ang likod ko.
We stay in that position for a couple of minutes until i stop crying.
"You okay now?" he asked.
"Yes Sir, i'll give this to you tommorow. Thank you." nakangiti ng ani ko.
Kahit papaano kasi ay gumaan na ang loob ko.
Sinamahan n'ya akong maglakad hanggang sa parking lot kung saan kanina pa naghihintay ang sundo ko. Ni hindi ko na nga nakausap sila Nell.
Napabuntong hininga ako ng makitang papalayo na kami ni Kuya sa School. Ngunit hindi kay Sir Keite na kumakaway napako ang aking paningin.
Kundi kay Kimjaze na masamang nakatingin kay Sir.
What the hell?
To be continue...
Shashaxxe
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro