Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 23

Hi! I just want to say thank you sa lahat ng sumubaybay sa kwento nila Jai at Kimjaze! I hope we successfully make you laugh, cry and feel the emotion! I love you all guys! Wait for the Epilogue and the title of my new story will be revealed! Stay safe everyone!!


CHAPTER 23


TAHIMIK akong nakatingin sa kaninang asul na kalangitan na ngayo'y unti-unti ng binabalot ng kahel na kulay at maya-maya alam kong ang lahat ng nakikita ko ay mababalot ng kadiliman. Kadilimang hindi magtatagal dahil may bituin at buwan paring magbibigay liwanag.

Napasandal ako sa kotse ko habang inaalala ang mga kaganapan siyam na taon na ang nakakaraan. Nakakagulat malaman na ang inakala naming mag-ama ni Mommy ay magkasintahan pa lang gumagawa ng malalaking krimen.

I never thought na 'yung Sam na grabe kung makipagsagutan sa'kin ay matanda pa talaga sa'kin. Hindi naman na sila nakatakas no'n dahil agad dumating ang mga pulis na tinawagan namin ni Viale bago kami pumasok sa rest house.

Speaking of Viale ang loko pinsan pala ng isa sa kaibigan ko, si Jino. S'ya pala 'yung kausap ni Jino bago pa ito maaksidente. Hanggang ngayon hindi namin alam kung sino ang gumawa no'n kay Jino dahil sa pagkakaalam namin ni Nelly wala naman siyang kaaway sa University.

I actually want to thank God for not letting me face that war alone. That time hindi ko man lang siya naalala baka nga sinisi ko pa sakan'ya ang mga nangyayari sa'kin.

Napangiti ako nang maramdaman ang malamig na simoy ng hangin. Nandito pa rin ako sa mismong parking lot ng pinagtatrabahuhan kong kompanya.

Inilabas ko ang huling sulat niya, oo ilang taon man ang lumipas patuloy akong naghihintay sakan'ya, mukha mang tanga pero wala akong pake dahil hanggang ngayon alam kong siya pa rin.

"Hey, Jai don't tell me d'yan ka matutulog? Sige ka may mamu pa naman dito pag gabi." pananakot ng Boss ko, si Jino.

Sakanila ako nagtrabaho simula ng makapagtapos ako. Si Mommy nasa maayos namang kalagayan.

"Sira, hindi noh. May... may naalala lang." sabi ko at pilit na nangiti.

Lumapit siya at ang inaakala kong pagyakap niya ay pambabatok ang nakuha ko.

"Arary naman!" reklamo ko habang nakanguso sakan'ya.

"Eh kasi naman siyam na taon ka nang naghihintay sa kolokoy na 'yon!" aniya at kinamot ang noo sa sobrang prustasyon.

"Oh pakailam mo? Bakit binatuukan ba kita no'ng broken kayo pareho ni Nell dahil sa pagdedeny niyo pareho?" nakataas ang kilay na sabi ko at pumamewang pa sa harap niya.

Napabuntong hininga siya ng malakas. "What I mean is mag te-trenta kana wala ka pang jowa, sige ka baka agiwin 'yang matres mo." aniya at tumawa.

Kaagad kong hinila ang buhok niya hindi naman sobrang higpit na tipong masasaktan siya ng sobra. "Hoy magtu-twenty seven lang ako 'no! Namaka advance mo!" sabi ko at binitawan siya.

Tumawa siya ng tumawa habang papasakay sa kotse niya. "Oo nga pala mauna na  ako, susundoin ko pa ang Fiance ko." aniya at idiniin pa talaga ang word na fiance.

Inirapan ko siya at nang marinig kong umalis na ang kotse niya ay sumakay na rin ako sa kotse ko. Ngunit hindi ko pa nabubuksan ang makina ay muling nabaling ang paningin ko sa sulat na hawak-hawak ko.

Kung alam ko lang na 'yon na ang huling araw ng pagkikita namin edi sana mas pinahaba ko ang aming usapan. Nang mga panahong nasa Airport ako at sumisigaw na parang tanga, hindi siya 'yung lalaking huminto sa harap ko, kundi si Jino.

Dinala niya ako sa hospital at sinabi ang dahilan kung bakit siya umuwi, doon ko rin nalaman na magpinsan sila ni Viale. Halos tatlong linggo rin akong nanatili sa hospital walang kinakausap isa man sakanila, tahimik na nagmamasid habang paminsan-minsan ay napapatingin sa sulat at kusang naluluha.

KINABUKASAN ay maaga akong pumasok ngunit agad na natigilan ng makitang may isang bungkos ng rosas ang nasa upuan ko mismo. Nagpalinga-linga ako, nagbabakasakaling may magpaliwanag kung kanino ba galing 'to.

Dala-dala ang rosas ay tinungo ko ang opisina ni Jino, tuwing umaga ay naroon na sila kasama si Viale kung minsan.

"Come in." boses ng nasa loob matapos kong kumatok.

Pinihit ko ang doorknob at pumasok habang kunot na kunot pa rin ang noo. "Need something?" nakangiting baling sa'kin ni Jino habang si Nell na katabi niya ay may kakaibang saya ang nakaguhit sa mga mata.

"Alam niyo ba kung kanino galing 'to?" tanong ko, well 'yon naman lagi ang tinatanong ko sa tuwing nakakakuha ako ng bulaklak na nakapatong sa upuan ko.

"See that Hon? Ngayon hindi na ako naniniwalang walang boyfriend si Jai, mag-iisang buwan ng may nagpapadala sakan'ya ng mga bulaklak oh!" wika ni Nell at nakangiting lumapit saakin.

"Nelly! wala akong jowa, ni hindi ko nga alam kung kanino galing 'to!" nakabusangot na sabi ko.

Tumawa silang pareho bago tumabi ng upo sa'kin sa sofa na nasa loob ng office ni Jino. "Wala man lang bang simpleng note?" tanoong ni Jino at inagaw pa talaga sa'kin ang bulaklak upang masuri.

"Owshit, sandali ang sakit ng tiyan ko." biglang sabi niya at nagtatakbo palabas.

"Just wait us here Jai, susundan ko lang ang kolokoy." aniya at mabilis na nilisan ang office.

Napabuntong hinninga ako at muling tinitigan ang mga bulaklak. "Mabango ka sana eh, ang kaso hindi ko naman alam kung kanino ka galing.." bulong ko at inamoy-amoy ito.

Napatigil ako sa ginagawa ng marinig ang malamyos na musika, musikang kailan man ay hindi ko malilimutan dahil ito rin ang musikang kan'yang kinaaaliwan.

Akala ko'y 'di pa handang,
Muling tumibok ang damdamin,
Ngunit bigla kang dumating,
Sa buhay ko....

'Di kailangang umimik,
Nagdadaldal lang sa tingin,
Saan ka man nanggaling,
Ba't ngayon lang...

Oh kay tagal kitang hinanap,
Oh kay tagal ko ring nangarap,
Na makapiling ka,
Oh aking mahal....

At kasabay ng pagtugtog ng chorus ay siyang labas ng isang tao mula sa pintong kaniyang pinagtataguan. Taong hindi ko inaasahan.

Maging sila Nell ay pumasok may dala-dala silang chocolate heart shaped cake.

Pangakong hindi ka iiwanan,
At hindi pababayaan,
Oh anong saya,
Ang nadarama...

Hindi ko napigilang maluha ng makita ko ng tuluyan ang mukha niya.

"Jairess?" patanong na tawag niya.

Patuloy sa pagtugtog ang kanta habang ako ay itinaas ang aking kamay, pinipigilan siyang magsalita.

"Please, Viale tama na... W-Wag niyo naman akong paasahin ng ganito.." sabi ko habang tuloy-tuloy sa pag-agos ang luha ko.

Tumalikod ako sakanila ay kaagad tinakbo ang distansya ko sa pinto. Ngunit kasabay ng pagbukas ko rito ay siyang pagpasok ng taong siyam na taon kong hinihintay, si Kimjaze.

Mas lalo akong naiyak ng maglakad siya papalapit saakin habang ako ay paatras ng paatras. Natalisod pa ako ngunit imbis na matumba sa sahig ay ang mainit niyang braso ang sumalo sa'kin.

Niyakap niya ako ng mahigpit na tila ba ayaw na niyang mawalay pa sa tabi ko. Ang kaninang pigil na pigil na hikbi ko ay lumakas dahilan upang mahigpit akong mapahawak sa alam kong mamahalin niyang damit.

"Gago ka! Gago ka!" tanging salita na lumalabas sa bibig ko habang patuloy sa pag-iyak.

Mas humigpit ang yakap niya saakin na kahit natapos na ang kanta ay patuloy siya sa paghagod sa aking likod.

"Shhh... I'm sorry." bulong niya at hinalikan ang aking sintido.

Nang mapakalma ko ang sarili ay itinulak ko siya. Basang-basa ang kaniyang damit ngunit tila wala lang sakaniya.

"Jairess.. I'm sorry." aniya at sinubukang lumapit ngunit umatras muli ako.

"Bakit?" tanong ko habang ang paningin ay nasa malayo, mapigilan lang ang nagbabadyang mga luha.

Hindi siya umimik sandali hanggang sa narinig ko ang tahimik na pag-alis nila Nelly. Iginaya niya ako paupo sa sofa habang siya ay lumuhod sa harap ko habang hawak-hawak ang parehong kamay ko.

"Wanna know my reason? Or should i leave and never b-bother you again?" tanong niya, nauutal pa.

Kitang-kita ko ang sinsero at pangungusap sakaniyang mga mata. "Reason." maikling tugon ko, dahil alam ko sa loob-loob ko 'yon lang din naman ang hinihintay ko.

"So you see... Magkapatid kami ni Keite sa Ama. H-His father raped my Mom at ginamit niya akong panakot para hindi siya iwan ni Mama, sinabi niyang kapag sinubukan niyang tumakas ay uuwi ako sakaniya ng walang buhay. And my Mama can't do that, even though bunga ako ng kasalanan she never treated me like that, she always makes a way just to make sure that i'm ok and unharmed..." napabuntong hininga siya at narinig ko ang mahina niyang pagsingot bago tinuloy ang ikinukwento.

"But Keite never be like that, he used to blame me, us to his Mother's death. He wants us to pay. At nang dumating ang panahon na nagkaroon ako ng kaibigang babae na kapatid na ang turing ko ay.. pinatay niya ito, idinahilan niyang si Dad ngunit kitang-kita ko mismo kung sino ang bumaboy at nagpahirap sa bunso ko, kay Kayle.." nagpunas siya ng luha kaya hindi ko na nagawa pang mag-iwas ng tingin.

At nang magtama ang aming mga paningin ay siyang ngiti niya ng pilit sa'kin.

"Kung gano'n bakit ang sabi ni Keite, g-girlfriend mo 'yung namatay? Don't get me wrong, remember narinig ko kayo?" sabi ko at nag-iwas ng tingin.

Narinig ko ang mahina niyang pagtawa bago ko naramdaman ang pagpisil ng kaniyang kamay saakin.

"Akala niya girlfriend ko si Kayle but no we're just best of friends." sagot niya.

Napatango-tango ako. "Kung gano'n bakit ka umalis?" tanong ko at nag-iwas ng tingin.

"That's because he's planning something, how did I know? Remember that time na kasama ko ang Kayle? I know from the start that that  person is not my lil sister, I used her to gain some proof and gave it to Viale." aniya na nakapagpaawang sa mga labi ko.

"Si Keite rin ang dahilan kung bakit nabugbog si Jino, sa pagkakatanda ko sa narinig ko gusto niyang magbayad si Jino dahil akala niya, may Kayo. I mean akala niya magkasintahan kayo. Simula no'n hindi ko na tinigilang sundan si Keite." sabi niya at muling napabuntong hininga.

"Then why did you leave after introducing yourself as Jace?" wala sa sariling tanong ko na nakapagpatigil sa'ming pareho.

Humigpit ang hawak niya sa mga kamay ko. "Because i have no choice, you'll be in danger if i stayed longer. So umalis ako at kinompronta ang kapatid ko sa Ama matapos kong malaman lahat ng plano niya. At doon mismo ay umamin siya kaya naparusahan siya ni Dad at dinala sa Psychiatrist. Hopefully umayos na ang takbo ng pag-iisip  niya." aniya at muling napabuntong hininga.

ILANG oras kaming nanatili sa gano'ng klase ng pwesto habang siya ay ikinukwento ang naging buhay sa ibang bansa.

"Eh bakit parang alam na alam mo na ang mga nangyayari sa'kin sa loob ng siyam na taon?" nakataas ang kilay na sabi ko.

Napakamot siya sa batok habang nahihiyang nakatingin sa'kin. "I have my ways.." aniya at alanganing ngumiti saakin.

Akmang sisikmatin ko pa siya ng biglang bumukas ang pinto ng office at pumasok roon ang mga kaibigan ko.

"Aguyy ayos na sila!" mapang-asar na sabi ni Jino habang yakap-yakap sa bewang si Nelly.

"Ehhem, 'yung sahod ko sa mga impormasyon." paubong sabi ni Viale.

Nanlaki ang mata ni Kimjaze at akmang babatuhin ito ng plastic bottle ng nagtatakbo ito patungo sa cr.

Natatawang nagsi-upuan sa harap namin si Jino at Nelly.

"Kailan ang kasal ha bessy?" Pang-aasar rin ni Nell.

Kaagad akong napa-iwas ng tingin matapos pamulahan. Wala pa ngang kami kasal agad?!

"Soon." maikling sagot ni Kimjaze dahilan para mahampas ko siya.

"What?" natatawang aniya.

"Hindi pa nga tayo, kasal agad!" nakangusong sabi ko.

"Ok lang kahit walang label, mahal mo naman ako. Isa pa kapag kinasal na tayo hindi lang label ang magkakaron pati 'yang matres mong inaagiw na raw sabi ni Jino." aniya.

Sa inis ko ay ako na mismo ang bumato ng plastic bottle kay Jino. "Jino!" inis na tawag ko.

Tawa sila ng tawang tatlo habang ako ay nakatakip sa mukha kong pulang-pula dahil sa pinagsasabi ng mga 'to.

"Jairess.." mahinang tawag niya.

Inis ko siyang hinarap ngunit lahat ng inis at hiyang nararamdaman ko ay nawala ng sandaling maglapat ang mga labi namin, kasabay ang malakas na hiyawan ng mga kaibigan ko.

"Yown! Shanghai ko ah!" sigaw ni Viale.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko, pakiramdam ko ay kaming dalawa lang ang tao sa loob ng office na 'yon dahilan upang mapahawak ako sa damit niya at tugunin ang halik niyang kay tagal kong hindi naramdaman.


To be continue...





Shashaxxe

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro